Skip to content

1,573 Comments

  1. ishko ishko

    Pasko ng Pagpatawad
    Sa makasalana’t huwad
    Pero kung ang sala’y sagad
    Pababaing pakaladkad

    Bayang hindi mapalagay
    Sa botong nawalang saysay
    Kapag di pa nagkamalay
    Pasko’y magiging pasaway.

    Magigising ngayong Pasko
    Itong Bayang inabuso
    Hindi na nga paloloko
    sa kawatang nasa trono.

    KRISMAS TUYO!

  2. Alitaptap Alitaptap

    Ano bang meri nitong krismas
    Kay Sara, skabenger ng payatas
    Angkop ding katanongan ito
    Kay Lusiong dampa ay sementeryo.

    Ang gutom na Sara ay di pa naghapunan
    Samantalang may smorgasbord sa malacanan
    Maghapong naghukay ng baasura
    Kahit na piso man lang ay makabenta.

    Ang batang Lusio ay naglalaro
    Laruan ay bungo galing sa nitso
    Tatay niya ay walang bahay at pulubi
    Kasama nanay niya sa North Cemetery.

    Ano bang meri ng krismas na ito
    Maraming gutom na madlang tao
    Maghirap na lahat, walang pakundangan
    Ang chit at layar, pretender sa malakanang.

  3. Manila Party Manila Party

    Merry Christmas to you too, Ellen. Kasama ba si GMA diyan sa season’s greetings mo?

  4. Karl Karl

    Merry Christmas Miss Ellen and to the rest of the visitors and readers!

    Karl M. Garcia

  5. Text from Chit Estella who got this from Pete Lacaba:

    Sa panahon ng tagtuyot
    tangi kong maihahandog
    ay isang dasal na sana
    Pasko’y, maging maligaya
    malimot saglit ang dusa
    at maghari ang pag-asa

    MERRY KRISISMAS!

  6. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Merry CHRISTmas, Ellen. Salamat sa tibay ng kalooban mo sa pakikibaka laban sa mga nang-aapi.

  7. Tiago Tiago

    Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon sa ‘yo Ellen, at sa mga lumalahok dito sa blog. Nawa’y pagpalain tayo ng Panginoon ngayon at sa hinaharap. Sana’y swertehin naman tayo sa 2006 at panalangin ko ang pagbuti ng ating kabuhayan at pagtino ng ating pamahalaan. Lahat ng ito sa ngalan ni Jesus.

  8. Alice Winters Alice Winters

    12/26/05

    Ellen,

    That was the best prayer I ever read. Much more louder than the Vatican or Pope Benedict could ever say. To cheat, lie, and murder is more than trespassing the Ten Commandments and that is what some of your leaders are doing. I would say that they are beyond redemption.

    Keep up the good work Ellen. God will reward you plenty.

Leave a Reply