Skip to content

Pera at pwersa

Kahit ano pang pekeng survey ang gawin ni Ronaldo Puno, ang bagong interior secretary, hindi maiiba ang katotohanan na mas maraming Pilipino ay sukang-suka na kay Gloria Arroyo.

Lumabas sa survey ng Pulse Asia na 65 na porsiyento ng taumbayan (67 milyon na Pilipino) ang gusto nang patalsikin kay Arroyo.

Ngunit nasa kapangyarihan pa siya hanggang ngayon dahil pinapairal niya ang pera at pwersa.

Noong isang buwan, naging bisita sa isang pagpupulong ng mga Concerned Citizens of the Philippinessa Manila Polo Club sina dating Sen. Gregorio “Gringo” Honasan at Professor Randy David ng University of the Philippines.

Sa pagpupulong na iyon, nag-auction sila ng paintings ni Michaelangelo Zuce para tulong na rin para may pantustos sa kanyang pamilya. Maala-ala natin na si Zuce ay pamangkin ni Comelec Commissioner Virgilio Garcillano na nagpatunay na talaga namang ng operasyon sila sa Mindanao para panalunin si Gloria Arroyo. Sinabi rin ni Zuce na siya ang nagdala ng mga Comelec officials sa bahay ni Arroyo sa La Vista bago ang 2004 elections.

Kaya napilitan si Zuce na magsalita dahil nalaman niyang hinahanap siya ni dating PNP chief Hermogenes Ebdane na secretary ngayon ng Deparment of Public Works and Highways. Suspetsa niya, gusto siyang patahimikin ng Malacañang.Natakot siya na baka na lang siyang mawala sa mundo.

Mula ng lumabas siya at nagsabi ng nalalaman niya para sa operasyon na kanilang ginawa noong 2004 elections, walang trabaho si Zuce.

Noong isang linggo, lumabas siya ulit at katuwang na siya ni Puerto Princesa mayor Edward Hagedorn na siyang anti-jueteng czar ni Arroyo.

Sabi nga ni Randy David, “Siguro mas mahal ang binabayad sa painting ni Zuce, kung sino man ang kanyang patron ngayon.”

Alam naman natin na inaresto si Randy David noong Feb. 24 nang sila ay nagma-martsa para sa selebrasyon ng pag-20 na aniversaryo ng People Power. Kinasuhan siya ng pagrally na walang permit at inciting to sedition.

Si Honasan naman ngayon ay may patong na P5 milyon sa kanyang ulo. Ano ba ang kanyang kasalanan? Rebellion kuno dahil siya raw ang pasimuno ng Oakwood mutiny noong 2002 at ang planong withdrawal of support ng ilang miyembro ng military noong isang buwan. Daw.

Sinabi kong DAW dahil wala namang court trial kung saan nabusisi ang mga pruweba kuno na pinagsasabi ng galamay ni Arroyo.

Ang pwersa na ginagamit na Arroyo laban sa mga taong naghahanap ng tatotohanan at hustisya ay makukuha niya dahil binubusog sa pera. Ang masakit diyan ay pera natin, mga taumbayan, lahat yan. Perang ninanakaw niya para lamang manatili siya sa pwesto.

Ginigisa niya tayo sa sarili nating mantika.

Published inWeb Links

269 Comments

  1. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Pekeng presidente, pekeng election returns (ERs), pekeng hello Garci discs, pekeng pasaporte, pekeng Jose Pidal (Iggy Arroyo) at pekeng ngiti. Lahat na peke nandito sa Banana Republic of Makapidal. The illegitimate Gloria Arroyo government can be best remembered as a government of deception, intimidation, bribery, fraud, forgery, cover-ups, dishonesty, doublespeak and looters. Political operator Ronaldo Puno wants to ram his sham people’s initiative. Charter change at this critical period may not truly reflect the aspirations of the Filipino people. Based on Pulse Asia and SWS surveys bogus President Arroyo continues to be the most unpopular and worst President in Philippine history. Majority of the people want her out before any charter change.

  2. HINDI NA AKO MAGTATAKA KUNG ANG ILALABAS NILANG RESULTA AY 4 MILLIONS YES FOR CHA-CHA SIGNATURES NA NAKUHA NILA. IYAN NAMAN ANG HILING NI GLU-RIA MAKAPAL ARROVO PIDAL NOON KAY GARCI NA MORE THAN A MILLIONS VOTE ANG KAILANGAN NIYA NA PARA MAKADAYA. UULITIN NILA ANG GINAWANG PANGLOLOKO SA ATIN NOON AT ANG PANIWALA NILA AY HINDI NAMAN TAYO MAKAKAGALAW LABAN SA KANILA DAHIL NABAYARAN NA NILA ANG MGA SUWAPNG NA HENERAL AT KUNG MAG FILE NG CASE SA SUPREME COURT AY NANDIYAN SI KAIBIGAN PANGANIBAN NA HAHARANG AT PATATAGALIN ANG RESULTA OR HATOL NILA (ang supreme court natin ngayon ay mabaho na dahil sa sila rin ay nagsasa sa kayamanan or sa puwesto). UBOD NG KAPAL MGA MUKHA NILA LALO NA ANG PANGULO NG MAGNANAKAW.

  3. SA BANSA NATIN NGAYON OR SA GOBYERNO NI GLU-RIA MAKAPAL ARROVO PIDAL DOROBO AY…

    KUNG ISA KANG MARANGAL AT HANGAD ANG KATOTOHANAN ANG BAGSAK MO AY SA KULUNGAN…..
    KUNG ISA KANG MAGNANAKAW NG BAYAN AT ALALAY NI ARROVO AY ANG BAGSAK MO AY SA MALACANANG AT TIBA TIBA KA INSTANT MILLIONERS KA NA AGAD.

    ANG MAGNANAKAW NG BAYAN AY MAPAPALAD NGAYON.
    ANG MALINIS TAO AY REBELLION ANG TAWAG.

    ANG MGA SINUNGALING (MIKE BADING DEFENSOR AT BUNYETA, PUNO) AY MAGAGANDA ANG PUWESTO.
    ANG NAGSASABI NG KATOTOHANAN AY PINA PA ARESTO NGAYON.

    MAG SUOT KA NG LAYAS NA, NOW NG T=SHIRT AY BAWAL
    MAG SUOT KA NG PRO – GMA AY MAY PERA KA PA.

    KUNG GUSTO MONG KA STAR ULIT AT MAKA PUWESTO (HENERAL)SA BALIKAT AY TULUNGAN MONG MAKADAYA SI ARROVO.
    KUNG MATINONG SUNDALO KA AY MAY PATONG ANG ULO MO NG P5MILLIONS.

    KUNG ALALAY KA NI ARROVO AT MAY KASO AY MAGANDA ANG KINALALAGYAN MO AT PA IBA-IBANG BANSA KA PARA MAKA IWAS SA MGA MAMBABATAS.
    KUNG IKAW AY HINDI ALALAY NI ARROVO AT KALABANIN MO SIYA AY IPAPATAY KA AGAD.

    ANG HUSTISYA NATIN AY BALIKTAD NGAYON KUNG IKAW AY PANIG NI ARROVO AY ASAHAN MO ANG KASO MO AY MAWAWALA.
    KUNG KALABAN KA NI ARROVO AT SI SEC. SI-RAUL GONZALES ANG HAHANAP AGAD SA IYO PARA MAKULONG KA (MATANDANG BADING ITO AT ANG KAYA LANG AY ANG MGA BABAE) MABAHO PA ANG BIBIG SA IMBURNAL KUNG LAITIN ANG MGA BABAE.

  4. peacer051 peacer051

    Dapat ipa-retoke na rin ni GMA yang Mukha nya….ang asim tingnan. Nakakasuka na!

  5. goldenlion goldenlion

    bakit hindi ako makapag-place ng comments??? may censorship ba?

  6. goldenlion goldenlion

    Meron, but then i checked it out with our IT, on & off connection namin. thanks, ellen. Anyway ang comment ko lang ay ito: for gloria’s allies on the cha-cha. Hinay-hina lang kayo sa pamemeke ng pirma. Kasi Ang hierarchy ng INC (Iglesia ni Cristo) ay nalaman ko naglabas ng tagubilin sa lahat ng miyembro nila, na huwag pipirma sa PI (people’s initiative) na iyan. Pero may mga nakausap akong mga tao na duon daw sa mga barangay sa NCR, ang mga miyembro ng INC ay pirmado na ang mga pangalan. Naku!! paano nangyari iyon, Ricardo Puno?? Ipaliwanag, Hah, buking na buking kayo!! Alam nyo naman ang INC, isang decision lang. Patay na naman ang pekeng gobyerno. Nakakatulog pa ba kayo sa inyong mga kasinungalingan?? Paano nyo pinapakain ang inyong mga pamilya, nasaan ang konsensiya nyo?? Paging Mr. Dong Puno, baka po may masasabi ka sa kapatid mo…

  7. goldenlion goldenlion

    Si Rolando Puno nga pala ang nasa DILG, hindi Ricardo. I am sorry, there was lapse of judgment on my part.

  8. pinoy from kuwait pinoy from kuwait

    Believe (by Stryper)
    Look what we can do
    When we get together
    And give support
    To those on the lines
    It’s our sons and daughters
    Our sisters and brothers
    Let’s show them we cared
    If they lived or died
    [Chorus]
    In this land of freedom
    There’s riots in the streets
    All in the name of peace
    If we stand in unity
    We’ll win with dignity
    Our strength has said it all
    Pray and believe
    The wars through the ages
    Have taken so many lives
    I think of their faces
    And the fear in their eyes
    With hearts made of courage
    And souls filled with fire
    Those who fight for their freedom
    Let’s lift their names higher
    [Repeat Chorus]

  9. pinoy from kuwait pinoy from kuwait

    Together as One (by Stryper)
    Now is the time
    That we stand together as one
    A new light inside us will shine
    As bright as the sun

    [Verse 2]
    Let’s bring, bring in the new
    And do away with the old
    A new love, a new love that’s true
    A love that’s never cold,
    A love that never dies
    A love that fills our souls
    We will survive

    [Chorus]
    Together as one
    We’ll stand for the world to see
    Together as one
    We’ll shine bright throughout eternity
    All the dreams we’ve dreamed before
    Are now reality
    Now the dreams of a perfect love
    Will always be

    [Repeat Chorus]

    You and I in a perfect love faithfully

    —–

    Now na!!!!!!!!!!!

  10. Ferdinand Ferdinand

    Ang masasabi ko lang sana ay may Ads tayo sa masa na huwag pipirma kung ano man yung pinapapirmahan. Kasi iba ang sasbihin natural nina Puno niyan baka nga “sino may gusto ng bigas” lang ang tanong. Later on palalabasin nila ang tanong nila is sino may gusto sa cha cha na…

    basta sa ngayon ang paghandaan natin ay mga kasong ilalatag natin laban kay Gloria pagdating ng panahon..

    Sana NOW NA..

  11. Mike Mike

    quote: “Dapat ipa-retoke na rin ni GMA yang Mukha nya….ang asim tingnan. Nakakasuka na!”

    sa aking palagay eh kahit anong retoke pa ang gawin, kung ang isang tao’y sinungaling, mandaraya at magnanakaw ay walang mangyayari. ang dapat ay pagbabago sa ugali at sa pagkatao. kung ang isang tao ay dinidiktahan ng kasamaan at ito’y nagpapadikta wala rin mangyayari. at isa pa, wala na ring pagasang mababago pa sa mukha ni unano sa kadahilanang wala sa kasaysayan ng siyensya mula noon at hanggang sa kasalukuyan na maayos sa pamamagitan ng pag retoke ang isang maasim at nakakasukang mukha.

  12. Mike Mike

    ang pupwede lang gawin sa kanya ay patanggal ang nunal sa mukha nya

  13. ANG MGA ALALAY NI GLU-RIA MAKAPAL ARROVO PIDAL AY ANG BABAHO NG BUNGANGA AT WALANG LUMALABAS NA TAMA.

    1) MIKE DEFECT-SOR – UBOD NG SINUNGALING SAYANG NA BATA.
    2) BUNYETA – NAPAKA SINUNGALING AT NA UUTAL SA KABALASTUGAN.
    3) ERMITA – NGISING ASO AT HINDI NA MAKITA ANG MGA MATA.
    4) SI RAUL-O GONZALES – ANG HILIG MANG AWAY NG BABAE (MATANDANG BAKLING). HINDI PA LUMALABAS ANG MGA RESULTA NG IMBISTIGASYON AY SA KANYA AY GUILTY KA NA.
    5) PUNO – ISANG DAKILANG MANDARAYA
    6) ABALOS / GARCI – MAGALING SA PALITAN NG BALOTA
    7) ESTERON/TENGA/SA IBANG HENERAL – MUKHANG KUWARTA AT PINAG PALIT ANG MORAL BILANG SUNDALO PARA LANG MAKAMIT ANG PANIBAGONG STAR.
    8) SA MGA KOTONGRESSMAN/WOMAN – UBOD NG KAKAPAL ANG MGA MUKHA NITO AT BUWAYA RIN SA PERA – FERTILIZERS FUNDS
    9) JUSTICE PANGANIBAN – TUTA NG ARROVO
    10) MIRIAM SANTIAGO – DAKILANG ALALAY NI ARROVO OR TAGA PAG TANGOL NG MGA MAKA SALANAN.

  14. badong badong

    Lubhang garapalan na talaga ang ginagawa ng pekeng gobyernong ito. What a coincidence, sabay na sabay ang paglabas ng people’s initiative at STL. Obvious naman na diyan nila kukunin ang ipapangsuhol sa mga barangay. Kaya madalian ang operasyon ng STL. Inubos na kasi nila ang kaban ng bayan. At si kabayang VP, noon ko pa sinasabi kahit dito sa misis ko, wala talagang bayag iyan. Bahag ang buntot niyan. Walang malasakit iyan sa ating maliliit na mamamayan.

  15. florry florry

    vonjovi. very o.k , itong identification mo sa mga alipores ni pekeng presidente.
    si pekeng presidente at ang mga alipores nya ay YAN ang mga LINTA na nakapasok sa kaban ng ating bayan para ubusin ang laman nito.Sana bago maubos ito may LINTANG magkaroon ng KONSENSYA at sa paglabas nya sa kaban pasok sya agad sa katawan ng PEKE nyang Presidente.

  16. badong badong

    Ako ay nanlulumo dahil sa garapalang pangloloko ang ginagawa ng administrasyong ito, hanggang ngayon ay sila pa rin ang nasa poder. Nung isang gabi, tinanong ang ginang kung bakit siya pumirma, ang sagot niya ay hindi niya alam, basta marami na kasi ang pumirma kaya nakipirma na rin siya. Ay “TANGA”, kaya di umunlad ang Pilipinas. Nanggigigil ako kasi from where I am, kitang kita ko ang kabulastugan na nangyayari diyan and yet sila pa rin ang nasa posisyon. Yung mga oposisyon, puro dakdak, once na ginamitan ng CPR, mananahimik. Yung mga sundalo, akala ko matatapang, pero hanggang ngayon puro pailalim wala man lang lumantad. Bibilib na sana ako sa isang heneral na babawi ng suporta, kaso mo nagpaalam pa muna. Kaya hanggang ngayon, namamanas ang mukha tulad ng butete niyang asawa ang donya sa Malakanyang dahil walang gustong mamuno at labanan ng tapatan at sabayan ang bansot na iyan. Bansot na nga di pa nila makaya. Nakaka frustrate lang dahil puro sigaw pero habang nagsisigaw, di niyo namamalayan diyan sa bayan natin na iniisahan na naman tayo tulad ng people’s initiative. Nasan yung mga magigiting nating sundalo na nagsasabi na malawak na ang suporta nila laban sa corruption at mga tutang heneral? Nasabi ko nga sa kausap kong abogado, mas maige pang bagsakan na lang ng nuclear bomb ang Pinas at nang sa ganon, malinis lahat at mag umpisa muli. Nakakalungkot, sobra na ang pagkakapit ng mga buwaya sa gobyerno. Buti na lang at yung mga ibang Pilipino nakakaisip na mag migrate sa ibang bansa dahil at least sa ibang bansa, may tinatawag na dignity of labor. Anuman ang trabaho mo, makakayang mong mag pundar ng bahay, sasakyan, gamit na kung ikukumpara mo sa Pinas, mga maykaya lang ang puwedeng makagawa non. Nag uusap kami ng asawa ko at napagtatanto namin na buti na lang at dito namin napapalaki ang mga anak namin sa bayan ng maraming opportunidad. Kailan kaya mangyayari sa Pilipinas iyan?

  17. Tomas Tomas

    Kaya pinagtatawanan tayo ng mga “Australiano” gaya ni benign0 sa ibang forum, dahil puro bobo, bano, at duwag tayo. Walang kumasa sa manduduro. Alam naman natin na, maging sa pelikula o sa tunay na buhay, yang mga manduduro ay duwag at pag kinasahan na ay nabubunyag na walang ikakasa. Bigyan kaya natin ang present administration ng 20 taon gaya ng ginawa natin kay Macoy? O baka naman magtitiis na lang tayo ng mahigit 3 centuries gaya ng ginawa natin sa ilalim ng pang-aapi ng mga Kastila? Puro bobo, bano at duwag ba tayo?

  18. Bong Bong

    So sad to read all of these comments that are surely considered as “below the belt” for the present administration and the president. This is an attack of the lowest kind where the attacker does not only attack the person’s idea and practices but also the personality andthe name itself. Kung baga sa sugal, sugal ng kara -cross na basta na lang ihahagis sa taas at di ginagamit ang utak. Mga tao ba dito sa blog na ito mga tao lang sa kanto, sa inuman, mga wala na lang magawa? Parang wala ng pinagaralan sa teme ng pananalita at walang pakundangang mang lait ng iba. Ganito ba ang mga taong naghahangad na mabago ang ating administrasyon? Mga talamak yata na walang pinagaralan.

    masyado na yatang madamdamin ha, patalastas muna mga kasama. mabuhay .

    A funny way of presenting the sad state of affairs in our country
    >
    >Kung Pinoy si Noah, ganito ang mangyayari sa arko…
    >
    >Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si
    >Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing
    >”Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at
    >babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong
    >gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang
    >pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino
    >sa iba’t-ibang kapuluan.” Ibinigay kay Noah ang specs
    >ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang
    >responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa
    >napipintong pagbaha.
    >
    >Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay
    >Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit
    >siyang tinanong ng Diyos, “Nasaan ang arko na
    >ipinagawa ko sa iyo?”
    >
    >Tumugon si Noah, “Patawarin po ninyo ako kung di po
    >natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking
    >problema sa plano po ninyo.”
    >
    >At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya
    >sa pag-gawa ng arko.
    >
    >Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag lang daw
    >si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction
    >firm ng kanyang pamangkin.
    >
    >Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si
    >Congressman kung may matatanggap siyang 30%
    >commission.
    >
    >Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at
    >nag-strike. Pinasukan na ng KMU
    >

    > >Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak
    >at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi
    >makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko
    >(mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).
    >
    >Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias
    >daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.
    >
    >Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo
    >dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin
    >sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga
    >gambling lords at katas ng weteng.
    >
    >Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing
    >ang senado “in aid of legislation”. Sinubukan ni Noah
    >na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero
    >dahil hindi sya executive official, napilitan siyang
    >tumistigo.
    >
    >Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang
    >pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong
    >unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang
    >separation ng church at state.
    >
    >Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron
    >silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin
    >ni Erap sa kanyang pagtakas.
    >
    >Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin
    >ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay
    >Arroyo.
    >
    >Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap
    >kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung
    >ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na
    >may slogan “Towards a Strong Republic”.
    >
    >”Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may
    >TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan
    >ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto.”
    >Ang huling wika ni Noah.
    >
    >Napa-iling ang Diyos at sinabing, “Di ko na kailangang
    >wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong
    >sumira at magwasak nito”

Leave a Reply