Kalidad ng edukasyon

Ang isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ng classrooms at guro sa public schools ay maraming mga estudyante sa private schools ang lumilipat sa public schools.

Sa ngayon, halos 20 milyon ang mga estudyante mula elementary hanggang high school sa public school. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon na estudyante.

Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mga estudyante sa private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas na ang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat na bilihin.

Siyempre sa private school, kailangan kumita ang kanilang operasyon at kailangan nilang kukunin ang lahat sa tuition fees. Malaki rin nga ang problema ng maraming private schools ngayon dahil nawawalan nga sila ng estudyante. Kaya katulad ng maraming negosyo dito sa bansa maraming ring private schools ang naghihingalo.

Noong unang panahon, maganda ang edukasyon na binibigay ng public schools. Ang aking mga magulang ay hindi naman mataas ang pinag-aralan sa public schools ngunit magaling mag-English. Ako ay produkto ng public elementary school at hindi naman ako kulelat nang ako ay lumipat sa private highschool.

Naala-ala ko, 40 lang kami sa isang klase noong nasa grade school. At buong araw yun. May recess sa umaga at sa hapon para kumain o maglaro ng kaunti bago bumalik sa klase. Kaya maayos ang pag-aaral. Hindi minamadali dahil may klaseng gagamit ng classroom katulad ng nangyayari ngayon.

Alam naman natin ang totoong kalagayan ng ating mga paaralan ngayon. Huwag na natin pansinin ang pinagyayabang ni Gloria Arroyo na walang classroom shortage. Buking naman siya.
Maliban sa classroom shortage, kulang rin tayo sa mga guro. Doon sa aming probinsiya, maraming bagong education graduates ang naghihintay ng pwesto. Marami raw pwesto ang bakante dahil sa nag-retire o nag-abroad (bilang domestic helper), o namatay na mga guro ngunit hindi napupuno. Ang walang kamatayan na dahilan:walang pera.

Ang nakakaiyak na sitwasyon ng ating edukasyon ay mararamdaman at makikita natin sa kalidad ng ating mga estudyante. Graduate nga, may natutunan ba?

Lumalabas sa isang study na isa sa anim (9.6 milyon) na Filipino ay illiterate o hindi marunong magbasa at sumulat.

Mas nakakaiyak pa ang ibang findings: isa sa bawat sampu (6.8 milyon) ay hindi nakapag-aral o isa sa bawat tatlong kabataan (11.6 milyon) ay hindi naga-aral.

Paano maging “pag-asa ng bayan” ang ating kabataan katulad ng sinabi ni Gat Jose Rizal? Ano ang mangyayari sa ating bayan?

June 6, 2006 7:58 am   Posted in: Web Links

23 Responses

  1. goldenlion - June 6, 2006 9:44 am

    Ellen,
    Nakakaawa talaga ang kalagayan ng ating mga estudyante sa public schools sa panahong ito. Noong elementary pa ako, natatandaan ko, palagi kaming may libreng rasyon ng tinapay na may butter. Mataas na klase ng tinapay at mamahaling butter ang binibigay sa amin. Ang mga estudyante noon ay hindi na kailangang magpakahirap sa pagdadala ng mga aklat, Iniiwan namin sa aming classroom dahil may mga book shelves dun. Yes, maghapon kami sa school. May lunch break at may mga snack times. May oras sa mga paglalaro. Malawak ang aming laruan. Maaliwalas ang aming mga rooms, malaki at well ventilated. Higit sa lahat, ang medium of instructions namin ay English. Pero sa ngayon ay pansin na pansin mo ang kakulangan ng mga estudyante natin sa kaalaman sa English.

    Isa pa, i remember, wala kaming mga contributions noon, maliban sa Girl/Boy scout tickets. Teka nga pala, magkano kaya ang nakukuhang pera ng Phil. Scout taun-taon sa mga estudyante natin. At saan ba napupunta ang mga perang iyon?
    I also remember, hindi kami bumibili ng mga walis, at lalong hindi kami nag-aambagan para sa mga kurtina, pinta , semento at kung anu-ano pa. Pero ngayon, grabe, pati pang-sweldo sa mga gwardya ay binabayaran na ng mga estudyante.

    Habang patuloy sa pangungurakot si gloria at mga alipores niya ay patuloy namang pinahihirapan ang taong bayan. Patuloy nilang ginugugol ang pera ng bayan sa mga proyektong sila lang naman ang makikinabang. Masyadong mataas ang budget para sa militar, isama pa doon ang mga under the table na bayad ni gloria sa kanyang mga minamahal na generals. Napansin ko rin parang masyado ding madaming staff ang malacanang. Hindi ba halos pareho lang ng papel sina bunyeta, defensor at ermita? Baka naman pwedeng isa na lang sa kanila ang magtrabaho para ke gloria?

    Ang mga classrooms sa public schools ay maiinit pero iyong mga kabayo ni mikey ay naka-airconditioned room? enchanted kingdom? aba, pwede ba reyna ng mga pantasya at ilusyon…umalis ka na!!!!

  2. Ellen - June 6, 2006 10:39 am

    Ay talaga, Goldenlion. Ipinagmamalaki ko ang aking public school background. Masaya ang aking ala-ala sa aking pag-aaral sa Guisijan Elementary School sa Antique.

    Nagkukumahog silang dagdagan ang budget ng education ngayon. para sa susunod na taon yun. marami pa ang mangyayari sa loob ng isang taon. Baka mawala pa ang perang yan. At bakit, ano ba ang nangyari sa budget para sa taon na ito.

    Pinagmalaki pa ni Andaya noong isang buwan na nagpalabas raw siya ng P2 billion noong Mayo para raw sa school building. Bakit ka magpalabas ng pera ng Mayo ay alam mo namang Hunyo ang pasukan. Paano matatapos yun?

    Pera pala yun sa ilalim ng 2005 budget. Ano ang nangyari sa pera para sa taong ito?

  3. nelbar - June 6, 2006 11:38 am

    Ellen,
    May napag alaman ako na ang eskwelahan sa Doña Pepeng Elementary School ay tatlo ang shift(6:30AM – 10AM , 10AM – 2PM , at 2PM – 6PM).
    Noong November 2004, nalaman ko rin sa meeting ng PTA(Parents Teachers Assoc.) na nagcontribution sila para sa pagpapagawa at pagtatayo ng rebulto ni Jose Rizal.
    Tama ba na pati ang rebulto ni Rizal ay dapat na pagkakitaan?Dapat ay dino-donate na lang ito ng mga naglalakihang institusyon at korporasyon.
    Nanawagan ako sa mga Filipino overseas na maipaabot ito sa mga kinauukulan.

  4. OFW - June 6, 2006 12:10 pm

    Hi Ellen,
    Maraming taon na ang nagdaan mula nang magkita tayo sa China. Marami na rin naman akong nakitang paaralan sa mga ciudad at, mas importante, sa mga liblib at mahihirap na lugar sa China at ngayon sa Southeast Asia. Nakakalungkot na tanging ang Pilipinas yata ay umuusad pabalik, hindi nagproprogreso, lalo na ang edukasyon.
    Kahit saang bansa, makakakita tayo ng “showcase” na escuela. Pero nakaklungkot na ang “showcase” natin ay nahuhuli sa showcase ng ibang bansa.
    Maraming suliranin ang edukasyon sa ating bansa at hindi simple at mabilisan ang mga solusyon. Kung minsan, hindi lamang pera ang problema (nakaka-ilang World Bank at ADB loans na ang Pilipinas para sa edukasyon?) kundi sanga-sangang pangangailangan.
    Ang editorial ng Inquirer ngayon ay nagsasabi na kailangan na masusing pag-aaral ang sistema. Paalala lang, natapos na ang Congressional Education Commission (sa pangunguna yata ni Senator Angara noon), may ADB-World Bank sector studies, at nang panahon ni President Estrada, nagtatag siya nang Presidential Commission para pag-aralan ang mga rekomendasyon ng EdCom. Mukha yatang gumanda lang ang kalagayan ng mga consultant, hindi nang mga mag-aaral.
    Isang suggestion na puede segurong matugunan: sana ang media ay matututukan ang mga isyu sa edukasyon, hindi lamang sa pagbubukas ng klase kundi sa patuloy na paraan. Kadalasan, ang mga isyu ay natatabunan kaya hindi na pinapansin. Mabubuksan na lang ulit kung may kontrobersiya.
    Kunsabagay, mas mabuti na ito kaysa hindi na talaga mapansin, pero kadalasan, sinasakyan lang ang mga isyu ng mga pulitiko at namumulitika.

  5. Ellen - June 6, 2006 2:51 pm

    OFW, magkasama tayo sa China noon? How are you doing?

    Tama ka. Puro na lang pag-aaral. Hindi naman ginagawa ang pinag-aralan.

  6. ystakei - June 6, 2006 4:55 pm

    I am also a product of public school system in the Philippines, Japan and UK and I am proud of it. I remember that there were two shifts when I was in the elementary school, but classes under some tree, I never witnessed such sad state of education at that time.

    The Mayor of Manila was Lacson, who would quarrel with the presidents of the Philippines if he would not have enough money to run the Manila government to everybody’s heart’s desire.

    Now, it’s worst. You have a president not elected by the people but won through some tricks and manipulation trying to hoodwink the people that she is doing right by confusing her listeners or should I say TV watchers!

    Out with this spoof, puede ba? Ang dami nang nakuhang pera ang ungas na iyan para sa pagpapagawa ng mga classrooms, bakit walang classrooms to put all those children to school regardless of whether or not their parents can pay their schooling.

    Taon-taon iyan ang problema ng Pilipinas, bakit hindi pa iyan naaareglo ng tama especially with funds coming from generous OFWs! Over here in Japan, education is free and compulsory till the 9th grade. The government has alloted enough funds to build schools, hire qualified and skilled teachers, etc., and parents who do not have money to pay for their children’s schooling can get welfare from the government or local government to be exact.

    There are 23 districts in Tokyo for example, and each is independent of one another when it comes to implementation of rules regarding education, etc. for each district. I have never heard of any shortage of funds for instance because people here understand very well the value of education to the progress and prosperity of a nation. Is that difficult for Philippine government officials to understand. Ang bobo naman talaga! Puede ba, sipain na si Pandak para matapos na ang kaululang nangyayari sa bansa ngayon! Purong kayabangan lang wala namang ibubuga!

  7. anna de brux - June 6, 2006 6:21 pm

    Ellen,

    There is no short cut and no substitute for a good solid education.

    At the moment, this government of Gloria Bansot and her minions backed by so-called learned men and women are merely paying lip service to education.

    There are really two distinct, immediate problems in the country which have dire consequences on the education of the young (well, apart from the greed and the stealing and the cheating and the irresponsibility and so on and so on…):

    1) OVERPOPULATION: very symptomatic and it is the root cause of all the problem – there must be some kind of population control, methodical and formal family planning sytems put in place NOW.
    2) MISMANAGEMENT of the education purse by national bureaucrats who are not managers but bureaucrats – education must be the responsibility of local governments with Dep Ed acting as the policy, supervising, funds disbursing authority.

    These children who go to public schools today say, 10-12 (an example) year olds, whom I understand comprise the majority of schoolers in the country, will at best know how to read and write, count and add or subtract.

    Education is more than that – it is learning to plan, to use methods, to analyse or dissect, to present, to argue with logic, to dedeuce, to persuade wisely and to be a good citizen. A few hours of learning in an OVERCROWDED environment cannot teach children to do that their ‘continuing education’ will be in the streets and what real education do you achieve in the streets?

    Realisticallt, how long can each child in a class of 50 speak in a half session schooling? How can the teacher teach a child to formulate his thoughts and speak them out in 2 minutes?

    If the poor quality of education persists in public schools in the Philippines, those 10-12 year old learners today will have no other educational credentials to speak of and seriously, they will not even be eligible for domestic chores abroad.

    The Philippines must react now. All those brains and arm-length curriculum vitaes, professional achievements that are brandied and boasted about by people in government need to rethink things – they must act with utmost haste. They must go around the world and check for themselves what other countries have come up with in terms of innovations in education. They will be surprised that with a little willpower and a bit of imagination, solutions are there for the taking.

    Let’s cut the crap and the boasting – let’s get cracking.

    You cannot expect a nation to rise to world-class level unless the majority of its people possess good, solid education. Without proper education for the young today, the Philippines will head further downhill…There really is no secret.

  8. anna de brux - June 6, 2006 8:11 pm

    Ellen,

    Maybe teachers in public school should be graded.

    Britain is going to do it with its doctors according to the UK’s The Times:

    “The Times June 06, 2006
    Doctors to be graded for quality of service
    By Sam Lister and David Charter”

    http://www.timesonline.co.uk/section/0,,171,00.html

  9. concern_citizen - June 6, 2006 9:54 pm

    Ellen,

    Kawawa naman talaga ang mga estudyante ngayon. 70 kada classroom.Paano pa kung napaupo ka sa row 4 at tabi pa ng basurahan. kawawa lalo at wala ng maririnig.

    Sa totoo lang di lang naman kalidad ng edukasyon ang apektado ngayon eh. Lumalabas talaga na kalidad mismo ng gobyerno ngayon ang mas nakakatakot. problema ng bayan?… tinatago para lang makakuha ng pogi points sa mamamayan imbes ihanap ng solusyon. Kung hindi lang kay Ms. Fe Hidalgo malamang di pag piyestahan yan, mabuhay ka Ms. Hidalgo sana marami pa ang tulad mo sa gobyerno na magsasabi ng totoo…di tulad ng iba dyan…magsisinungaling iligtas lang ang reyna. masakit ba?ang kakapal ng mukha! pera pera na lang yata ngayon, kinakain ang prinsipyo para sa sariling interes. Pagpapakapal ng mukha kapalit ng pera. Paano ka makakakita ng kalidad anumang sangay ng gobyerno…..eh BULOK nga ang yang mga taong nagtatakip sa katotohanan. Wala nang aasahan sa gobyerno, yung tax, sss at iba pang bayarin…kung di lang automatic na iaawas sa sahod…mabuti pa ikaw na lang ang mag ipon mas sigurado ka pa na may magandang kalalagyan at di magagamit pantapal sa bibig. Nakakalarma…kawawa ang mga bata, kabataan… akoy hirap din sa pagpapaaral sa mga anak ko sa private schools, pero nagtitiis na lang para sa magandang edukasyon ng mga anak pero paano na yung ibang walang maitustos sa Private Schools? tyaga na lang sa Public Schools? Di ka ibabagsak, pumasok ka lang araw araw kasi pag ibinagsak ka, dagdag ka lang sa enrollment sa susunod na taon, ibaba na lang ang rate ng passing para lang pumasa lahat, yan ang nangyayari kaya wala ring kalidad ang ibang mga graduates, isama mo pa yung ibang mga corrupt na instructor na idadaan na lang sa maboboteng usapan at cashunduan…Pilipinas saan ka patungo??? pagbabago sa ugaling pinoy lalong lalo na ang mga namumuno na modelo sana ng mamamayan…pero silang numero unong makakapal ang mukha na di kayang tindigan ang prinsipyo. Bato bato sa langit !!! kilala nyo ang sarili nyo! Humarap sa salamin!!! Delikadesa…

    PAHALAGAHAN ANG EDUKASYON !!! gusto nyo bang puro bobo na lang ang pinoy paglipas ng panahon? wag magnakaw sa kaban ng bayan!!! pag namatay kayo…di nyo madadala yan.

  10. schumey - June 6, 2006 10:18 pm

    Wala na tayong aasahan pa sa administrasyong ito. Kulang na kulang sa tamang programa para sa edukasyon. Tama sa Concern_citizen, ang ating mga paaralan ay mistulang “diploma mills”. Hindi mag-tatagal ay masuwerte na kung 5% nang mga Pilipino ang marunong sumulat at bumasa. Sa ibang bansa ay 12 taon ang ginigugol ng mag-aaral sa edukasyon, dito ay 10 taon lamang. Ngunit dahil sa “shifting” na pinatutupad sa ating mga publikong paaralan ay lalabas na 5 taon lamang. Kaya ang kakayahan ng mga “high school graduate” ay grade 5 lamang. Kaya wala talaga tayong aasahang “competiveness” sa ating “labor force”.

  11. florry - June 7, 2006 2:28 am

    Me too i’m proud of being an alumni of Torres High School. Ang saya=saya namin noon at hindi kami napapahuli sa mga sectarian school noon dahil kung ano ang mga academic subjects nila ganoon din ang academic subjects namin sa public school. Ngayon ang laki ng kaibahan ng Public school at ng Sectarian School. Totoong nakakaawa ang mga mahihirap na nag-aaral sa public school ngayon.

  12. luzviminda - June 7, 2006 6:42 am

    Florry, me too, is a product of Torres High. At bumabandera ang mga public schools nuong araw lalo na sa mga math & science contests. Walang binatbat ang mga nasa private schools dahil sa magaling ang curriculum and system of teaching nuon. This inspite of being under Martial Law. At nuong nasa elementary ako in Caloocan, nasa ng 25-30 students per session. May libreng bakuna against diseases. At halos araw-araw may libreng Nutriban at Klim. Lahat kaming estudyante may kanya-kanyang libro sa bawat subject. At that time halos lahat ng mga eskwelahan ay mga bagong gawa. Pero ngayon, itong mga dating pinatayo nuong time ni Marcos, eh siya pa ring mga eskwelahan ngayon na mga dilapidated na at di na yata nadagdagan ng mga sumunod na Presidente. At lalong mukhang wala tayong aasahan pag-unlad sa kalagayan ng edukasyon sa panahon ni Gloria dahil ang pera ng bayan ay nilulustay lang sa kanyang survival. Usisain ninyo kung ano ang nagawa ng mga pork barrel ng mga Tongressman ng inyong lugar. Meron ba? Malamang WALA!!!

  13. Ellen - June 7, 2006 7:50 am

    Sa “Strictly Politics”(ANC hosted by Pia Hontiveros) noong Martes ng gabi, sinabi ni Benjo Basas, spokesman ng Teachers Dignity Coalition at first year highschool teacher sa Baesa High School, na 92 ang kanyang estudyante sa pang-umaga. Hindi na raw siya nagro-roll call para makatipid ng oras. May upuan naman raw ang lahat kaya lang halos wala ng espasyo sa kuwarto. Hindi ka na halos maka-kilos. Anim na oras na ang mga estudyante ay hindi makakilos dahil sa sikip. Ganun rin ang teacher. Wala nga raw eye contact sa estudyante ang teacher dahil sa dami. sabi niay hindi nila magamit ang marami sa kanilang pinag-aralan magturo dahil ang sitwasyon nang sila ay nagpa-practice teaching (30 students sa isang classroom) ay ibang-iba kaysa sitwasyon sa ngayon.

    Nakakaiyak!

  14. Emilio_OFW - June 7, 2006 8:29 am

    Ms. Ellen,

    Maaaring umiral na naman ang EO464 kagabi sa “Strictly Politics” ni Pia Hontiveros dahil hindi nagpunta ang kinatawan ng Department of Education upang mag-ulat sa naging talakayan sa tunay na kalagayan ng mga public schools sa ngayon.

    Pasalamat tayo at mayroon isang Dr. Fe Hidalgo na nagsimula ng lahat ng ito. Sa ngayon (kung kailan nagsisimula na ang pasok ng mga mag-aaral) ay doon pa lamang inatasan ni Nano ang DPWH upang makapagpagawa ng kinakailangang mga silid aralan. Diyan natin makikita na talagang walang long-term plan ang administration ni Nano sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Kung hindi lamang nagkabukuhan sa shortage ng mga classrooms dahil sa pag-uulat ni Dr. Fe Hidalgo ay kalilimutan na naman ang pinakamahalagang bagay na ito para sa mga kabataan na tinatawag nating “hope of the fatherland”.

    Kapag nagkakakuwentuhan nga kami ng aking mga anak tungkol sa pagkakaiba ng eskuwelahan noon at eskuwelahan sa ngayon ay madalas nilang sabihin na – “Daddy, noong araw iyon!”. Dahil noon ay mayroon kaming libreng nutritious bun “nutribun” at isang supot na powdered milk na bigay ng USAID. Balita ko sa ngayon ay isang kilong bigas ang ibinibigay na mukha ni Nano ang nakalagay sa plastic bag. Hindi ba maipapamahagi ang mga iyon na wala ng political advertisement! Eh, di ba iniimbestigahan sa ngayon ni Senator Angara ang tungkol sa bigas na ito na dapat sana ay naipamahagi sa mga mag-aaral pero kinurakot na naman kaya hindi nakarating sa dapat puntahan.

    Ang dapat sanang gawin ni Nano sa ngayon ay mag-ikot siya sa mga public schools sa buong Metro Manila, hindi lamang sa baluarte ng mga sipsip sa kanya, kundi pati na sa mga tinatawag niyang lugar ng mga “destabilizers” at tatambad sa kanyang mga mata ang nakapanlulumong kalagayan ng mga mag-aaral. Mahilig din lamang naman siya sa photo-opportunity, eh di sigue, mag-ikot siya!

  15. Ellen - June 7, 2006 8:56 am

    May nagsabi sa amin na miyembro rin ng cabinet na isang araw bago ang cabinet meeting, nag-usap si Reyna Engkantada, si Hidalgo, at si Budget Secretary Rolando Andaya. Nagkasundo nga sila na 100 to one classroom ang gamitin nilang standard at dapat walang shortage. kaya pati raw si Andaya, nagulat ng lumihis si Hidalgo sa usapan. Kaya galit na galit si reyna engkantada. Buti nga!

  16. ystakei - June 7, 2006 9:52 am

    Ellen:

    Isa lang ang ibig sabihin ng ginagawa ni Pandak, niloloko niya ang taumbayan!

    I wonder if the Budget Secretary is aware of the fundraising for Gloria’s schoolroom (daw) overseas and the various OFW organizations giving her the amount in 5 or 6 figures of foreign currencies for this project that she has hoodwinked them to believe she has.

    OFWs all over the world know about this collection as a matter of fact. In Japan, for example, Filipino organizations here had bingo sessions on Sundays not just once but a number of times to be able to collect the funds to be handed over to the Pandak during her many visits here previously for this classroom thing so why is she talking about 100 students per class crammed in some small cubicle.

    Dapat hanapin ang perang ibinibigay ng mga OFWs for this school project that the Midget has apparently embezzled from them.

  17. florry - June 7, 2006 10:05 am

    Luzviminda ok ka!
    Saan pa kaya magmamana itong police officer na ito na ubod ng kapal ang mukha kungdi sa kanyang pekeng prs. na si mrs. pidal.Hoy! police na sino kaman idilat mo nga yang mga mata mo at intindihin mo KUNG BAKIT yang dalawang estudyante na SAKAL-SAKAL mo ay gustong magprotesta sa Malacanang? Nasaan ang konsensya mo? Mayroon ka kaya nito or tulad mo rin ang amo mong WALANG KONSENSYA ?

  18. pandawan - June 7, 2006 10:18 am

    Ellen, off-topic. It is easy for this generation to forget our past, the way we were. But for us old foggies our upbringing and old ways were good and better than what we have today. It is so easy for GMA7 to get what we had in the past and to dress it up using their perspective and still say that it is PILIPINO.

    Captain Barbell is a Pilipino creation by Mars Ravelo and my generation knows his story by heart. It breaks my heart to see Channel 7, supposedly a KAPUSO, to change the story of Captain Barbell and choose to follow the SUPERMAN story about his origin.
    Nakakahiya naman. Mars Ravello’s plot is original and Pinoy na Pinoy. They made it Comics and not Komiks, if you get my drift.

    Paolo Bediones should not have tried to approximate a Marlon Brando but that is what they tried to do. If they wanted to originate Captain Barbell from the future, they should not have dressed their characters straight out of Hollywood futuristic films and even added characters recognizable from foreign films. Futuristic Pinoys dapat.

    Channel 7 changed the whole character of this hero. Mars’ concept is of a timid and shy person without super powers turning at the lift of a barbell into a superhero. Ravelo must be turning in his grave.

  19. myrna - June 7, 2006 12:56 pm

    ako, i am proud to say na produkto ako ng elementary public school. noong kapanahunan namin, ang isang classroom ay maroon lang 35 pupils at walang araw na hindi kami nag spelling test, nagmemorya ng multiplication table, at lalo na, idiniin sa utak ang good manners and right conduct!

    ang mga guro noon, kilala ang mga estudyante niya. may panahon pa nga kami sa gardening at kung ano-ano pa para maihanda ang isang mag-aaral sa magandang kinabukasan.

    ngayon, paano pa magagawa iyan kung halos parang sardinas sa isang classroom ang mga bata, at ni hindi siguro kilala ng teacher ang mga estudyante niya? hanggang ganyan na lang ba? number game?

    may classroom nga, kung kulang din ang itinuturo, dahil una: kulang ng mga guro; pangalawa, hindi masyadong alam ng guro ang kanyang itinuturo (english?).

    at ano na ba talaga ang medium of instruction diyan?

    ang isa pang ikakabahala, kung ang isang Grade 4 pupil, papagsulatin ng essay sa English, makakagawa kaya, na tama ang grammar, spelling, sentence construction, etc? sa mga panahon ngayon na puro text ang inaatupag, nakakaduda kung pati nga isang guro makakapagsulat ng essay in straight english na flawless.

    nagtatanong lang po.

  20. nelbar - June 7, 2006 5:48 pm

    folk dance ang PE 2 class ko noon sa College.
    Ngayon, baduy na raw ang dating!
     
     
     
     
     
     
    pahabol:
    ayaw kong gamitin ang salitang korni(salitang basura kasi ito galing sa kanluran)

  21. Ellen - June 9, 2006 8:18 pm

    Statement of Teachers Dignity Coalition:

    Teaching they say is noblest of all professions. If nobility is measured only through sacrifice and service, then ours, indeed is a noble one.

    We may not have arms, but we are in an everyday battle- the battle against ignorance. The battle against illeteracy. We may not cure the diseases of the human body, but we are tasked to cure the social ills. Yet soldiers and doctors are paid much higher than us.

    We suffered because of the error committed by the congress 17 years ago when it pegged our benchmark position to salary grade 10. Our last increase in salary was in the year 2001. Since then the inflation continues up to now. The purchasing power of our income have drastically lessen.

    Many of us Filipino teachers live below the poverty line. Most are demoralized. Still a large number resort to less than legitimate sources of income- subsistence corruption.

    We were professionals, yet we are starving. Overworked, underpaid, malnourished- three words that characterize the Filipino teachers.

    To understand this completely, we would like to present the economic profile of two of our members, Benjo Basas of Baesa High School in Caloocan City and Melchor Cayabyab of Araullo High School in Manila.

    Benjo Basas, 27 is married for two years. His wife is also a teacher. Benjo for the past 16 months takes home an average of P3,300.00 every payday. Deductions cut his salary to almost 1/3. His wife on the other hand takes more than P7,000.00 a month. Everything they need for a living will be taken from their combined salary: more than P3,000.00 for the monthly house rent including electric and water bills; more than P1,000.00 for their transportation from home to school; P1,500.00 for their food budget while at work; and an average of P1,200.00 for his sister’s schooling allowance. All that’s left will be allocated to food, medicine, clothing, recreation, instructional materials and incidental expenses.

    Melchor Cayabyab is a 30-year old single. He is a teacher in Araullo High School in Manila and a resident of Dalandanan, Valenzuela City. Like Benjo, he is also a regular client of loan agencies in Metro Manila. To make a loan, teachers are required to submit their payslip for at least two consecutive months to determine teir capacity for monthly payment which automatically deducted. To this, Melchor could no longer comply. Now, the only loan agency he is able to make transaction with is that one located at 5th Avenue in Caloocan City where he only have to pawn his ATM card. His ATM has been buried there since late 2002. Practically, Melchor take home an amount of a little higher than P300.00.

    With this horrible economic condition, is there a dignified living for the noble professionals?

  22. edelyn - June 15, 2009 7:49 pm

    oo nga po..tama po kau..sana my maluklok na isang mamumuno na kayang tuparin ang kanyang mga ipapangako..at hndi ung lgi n lng npapako..

  23. jjaammaaii - January 3, 2010 2:24 pm

    bat d2 sa Tabuk, Kalinga eh napapnsin q na ung mga pinakamayaman sa aming place ay lumilipat sa isang Public School. Hindi maganda ang tingin ng mga taga Private school sa aming school dahil palagi kaming hinihila pababa ng mga regular classes. Pero masasabi kong talong talo nming mga taga science class sila! dahil hindi nga sila nakikilahok sa mga regional at national activities weh,..

    nagkakaroon ng discriminasyon among schools at sa loob ng aming paaralan nagkakaroon ng discriminasyon between science and regular classes.
    Life life life..

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.