Kasinungalingan ang no-ransom

Update: Mayor Isnaji’s new lawyer confirms additional P15 million ransom. Also, P3 million of the first P5 million came from ABS-CBN.

Mabuti lang karamihan sa publiko hindi naniniwala sa pinagsasabi ng Malacañang kaya sa mga lumalabas na balita tungkol sa P20 milyon na ransom kina Ces Drilon, wala masyadong nagulat.

Ang narinig kong sinasabi ng marami: “Sabi ko na nga ba e.”

Naintindihan ko kung bakit kailangan magkaroon ng “No ransom policy” ang pamahalaan. Kapag normal kasi ang pagbigay ng ransom, lalo magiging malala ang kidnapping. Negosyo na nga yun hindi lamang ng Abu Sayyaf kungdi dito rin sa kalakhang Maynila.

Kailangan kasi maintidihan ng mga kriminal na hindi magbubunga ng limpak-limpak na salapi ang kanilang kriminal na gawain.

At saka kapag nagbigay ka ng ransom, lalo mong tinutulungan lumaganap ang kriminalidad na dapat ay sugpuin. Sa dating kaso ng kidnapping sa Basilan at Sulu katulad ng Sipadan at Dos Palmas kidnapping, sabi ng mga tiga-roon, pagkatapos magbigay ng ransom nagkakaroon ng bagong motor boat ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf at lalong dumarami ang mga baril. Siyempre may pambili na sila.

Sa kabilang dako naman, hindi rin masisisi ang kamag-nak ng mga biktima kung magbabayad dahil buhay ng kanilang minamahal ang nakasalalay.

Kaya si Ces nagmaka-awa sa kanyang pamilya na ibigay na ang hinihingi na pera kasi nagwa-warning na ang mga kidnapper niya na papatayin ang kanyang dalawang cameraman na sina Angelo Valderrama at Jimmy Encarnation.

Napilitan sila ibigay ang P5 milyon dahil nanakot ang mga kidnapper na pugutan ng ulo si Angelo habang kinukunan ng video ni Jimmy. Akala naman nila kapag nagbigay ng P5 milyon, ilalabas na silang apat, kasama si Octavio Dinampo, ang university professor na kanilang guide.

Ang nangyari si Angelo lang ang nilabas. Nang nainis ang mga kidnapper na ayaw na magbigay ang ABS-CBN at pamilya ni Ces ng karagdagang P15 milyon, sinabi nilang si Jimmy na ang pugutan ng ulo. Tinalian si Jimmy at nilagyan na ng tela ang leeg kung saan siya pupugutan.

Kaya nagmaka-awa si Ces na ibigay na ang hinihingi nilang pera at babayaran niya. Kahit mangutang na siya.At ganoon nga ang nangyari.

Kaya napakawalan sina Ces dahil nagbayad sila ng ransom. Yung pinagyayabang ng mga ilang opisyal ng pamahalaan na galing nila, siguro nakatulong rin ngunit hindi pinakawalang ng mga bandido sina Ces kung hindi sila nagbayad ng ransom. Ganoon din ang nangyari sa mga ibang kidnapping noon.

Dahil hindi naman talaga mapanindigan ng pamahalaan ang kanilang “no-ransom policy”, dapat siguro huwag na nilang ipaglandakan yan. Hindi natin tuloy malaman kung alin sa kanilang sinasabi ang totoo at ang hindi.

June 22, 2008 12:20 am   Posted in: Media, Web Links

43 Responses

  1. Diego K. Guerrero - June 22, 2008 12:53 am

    Matagal na ang no ransom policy ng rehimeng Arroyo. In July 2004, $6 million ransom paid out to Iraqi insurgents for the release of then truck driver Angelo De La Cruz before her July 26, 2004 SONA. Pogi points to the nation. Unofficially, the GMA government negotiated with the bandits and paid out ransom. Negotiators have their tongpats frenzy.

  2. zen2 - June 22, 2008 1:26 am

    sabi ni Ellen: “…Kailangan kasi maintidihan ng mga kriminal na hindi magbubunga ng limpak-limpak na salapi ang kanilang kriminal na gawain…”

    =======
    Ellen,

    mahirap maintindihin ito ng mga bandidong dumukot kina Ces.

    at maintindihan man nila, hindi rin sila maniniwala

    paumanhin na po, pero tipong wishful thinking yata. dahil ang nangyayari sa bansa ngayon,’ Crime DOES Pay—bigtime ‘.

    by way of Garci, and assisted by cabal of Generals way back, we have a criminal dispensing powers as the nation’s chief executive!

  3. chi - June 22, 2008 1:41 am

    Kasalanan lahat nin Gloria iyan, magnakaw ba naman siya ng pwesto e! Tapos ay ibigay na muli sa mga bandido/kidnappers/terrorists sa south ang pinaghirapan ni Erap at militar na mabawing lupain ng gobyerno sa kanila.

    The only thing that matters for these kidnappers is big money a.ka. ransom, hindi rason! It’s their way of life. Sabi nga, minsan natikman ng pumatay ay tiyak na hindi matatakot na pumatay muli, lalo na at may nagsusulsol sa likuran.

  4. chi - June 22, 2008 1:55 am

    Si Gloria rin ang unang bumaligtad sa kanyang ‘no ransom’ policy for props. Kaya walang matinong pinoy ang manininiwala na sa bawat nagaganap na high profile kidnapping o miembro ng mayamang pamilya sa Pinas o saan man ay walang ransom.

    Pumapapel ang mga opisyal kasi napahiya. Involved sila o hindi ay pakakawalan sina Ces dahil sa P20M ransom. Si Ces pa rin ang nagligtas sa sarili nila dahil sa pagmamakaawa sa pamilya na ibigay na ang ransom na hinihingi ng mga may Sayad.

  5. parasabayan - June 22, 2008 5:24 am

    Kayo naman hindi pa ba tayo sanay sa policies ni evil bitch? She is the biggest law maker and law breaker! Bottom line is, as long as the crime benefits her and her dogs, okay lang na kahit na anong pamamaraan. She is the author of the coup on Erap, the author of the Hello Garci, the figure behind the NBN deal and all other cheating operations. Will be be surprised kung meron mang ransom o wala sa kidnapping ni Ces and company? Come on! She is just again and again fooling us into believing that she has a credible government! TANGA tayong lahat at siya lang ang genius! So it seems!

  6. bitchevil - June 22, 2008 5:39 am

    Off topic: Mark Lapid has been appointed as Head of the Philippine Tourism Authority. Expect more administration losers in last election to be appointed by GMA.

  7. luzviminda - June 22, 2008 8:18 am

    Puro kayabangan lang kasi ang alam ng gobyerno ni Gloria eh. Sa dami na ng mga sundalo at pulis na nakadestino duon sa Mindanao, isma pa ang mga Balikatan Forces, ay malimit pa rin ang mga kidnapping at nagagawa ng mga bandido ang gusto nila. Palibhasa pinakikinabangn ng mga local officials ng administrasyon ang mga armed groups na ito. At ang mga armed groups na ito ang naghahari duon sa Mindanao at hawak sa ilong ang mga nasa awtoridad. Isa lang ang ibig sabihin nito. Mga INUTIL ang nasa gobyerno.!!!

  8. grizzy - June 22, 2008 8:23 am

    Point is why should Razon, et al be broadcasting this and that before they could even pinpoint the real perpetrators of this kidnapping? Were they deliberately trying to give the kidnappers pointers, and trying hard to make a victim of Drilon and company for Gloria Dorobo’s publicity?

    One thing I have learned in my work with the Japanese police for instance, especially in delicate and serious cases, is never to give information out even when the victim is safe, and when the police do give reports to the media for public consumption, they are limited to the basic.

    Truth is I have never seen a police chief over here offering information to the media, and when he does appear on TV, it is more for formality, and in most cases, to apologize for police clumsiness in preventing the occurence of such crime!!! Taragis sa Pilipinas, nananakot pa!!!

    In fact, when someone is kidnapped here, even the media cooperate in keeping the kidnapping a secret until the safety of the victim is guaranteed or when the situation has become so serious that information from/to the public becomes necessary, thus the public announcement. And over here, it is not a habit of people to give information for money.

    Over in the Philippines, apparently, it has become a vicious habit and worse, big business, more like “I’ll give you information, you pay me.” But I guess in the case of the informer in this kidnapping of Drilon, the informer/negotiator was tempted to get a big portion of the ransom paid by the Drilons because Gloria’s people would not pay him nor give him protection, and so he must have decided to just join the gang as in “If you can’t lick ‘em, join ‘em!” Baka siya naman ang pugutan ng ulo pagkatapos kasi.

    In short, what Razon, et al should be ashamed of is that with their silly announcements, they only show how incompetent, intefficient and incapable they are of protecting Filipinos from criminals especially when they serve a criminal themselves. They should actually stop getting police chiefs from the military, and hire people who go through real training in criminology.

    The police and the police academy should be separated from the military, for the function of the police in fact is different from the military even when both use guns to subdue the enemies!!!

    Wala na ba talagang pag-asa ang Pilipinas at lalong naging palpak? Kawawang bansa! Kawawang mga mamamayan!

  9. grizzy - June 22, 2008 8:34 am

    On the other hand, iyong kidnapping naman ni Angelo Cruz sa Iraq, sabi ng kakilala ko sa Basrah, wala daw nakuhang ransom ang mga Salamuddin dahil hindi naman sila nagdemand ng ransom. Pinakawalan si Cruz dahil sa pakiusap ng mga kasama niya sa KSA na nakapagpadala ng sulat through underground sa mga resistance na dumukot sa kaniya. Kung may pera mang inilabas noon, napunta doon sa mga kurakot na negotiator daw pero wala namang ne-negotiate.

    Iyong grupong dumukot kasi kay Cruz, iyon din ang grupo na dumukot doon sa mga hapon na muntik-muntikan din na mapugutan ng ulo. Pero pinakawalan na hindi nagbayad ng ransom dahil hindi naman iyon mga grupo ng kriminal na kunyari freedom fighter pero mga dati namang mga hoodlums na napakawalan nang wasakin ng mga kano ang Iraq.

    Iyong negotiator siguro sa kasong ito ni Drilon, napuruhan kasi sinolo niya ang pabuya at walang hinatian!!! O loko, di kalaboso siya ngayon!

  10. grizzy - June 22, 2008 8:37 am

    Tignan natin kung ano ang ipagyayabang ni Gloria Dorobo sa Amerika na inaamin na ngayon na working visit lang ang punta niya doon. Pero teka bakit ang daming sabit? Bakit hindi sinisita ng mga pilipino iyong mga kasamang wala namang silbi, manonood lang yata ng boxing ni Pacquiao. Hanip din ano?

  11. cocoy - June 22, 2008 10:19 am

    Manonood sila ng boksing sa Las Vegas at pupusta daw ang mga Tongressman kay Diaz dahil magagalit si Antonio sa kanila kapag kay Pacquioa ang pusta nila.

    Sa wakas naging Presidenti na rin si Noli at nakipagsuduan sila ni Bonzai basta huwag daw siyang ikudeta ni De Castro.Matutuwa na raw si Arroyo kapag ma appoint si Mirriam sa International Court of Justice dahil aalis na siya ng Pilipinas.Ang mahirap niyan baka magburlis na naman uli si Mirriam para ma appoint siya,ma ti turn off ang mga Male foriegner na mag-asawa ng Filipina.

  12. AdeBrux - June 22, 2008 10:21 am

    Disgraceful! That’s what they’re going to say about Gloria’s commander in shit pose… When the victim of kidnapping herself admits that her own family paid, I wonder how Gloria can twist her shit around and pretend that there’s no kidnapping or that there is rule of law under her administration.

    What the Americans will say and observe (even dumb Bush) of Gloria, “This is one truly despicable, disgracious and dishonourable Filipino pandak roaming around this side of the earth!”

  13. AdeBrux - June 22, 2008 10:25 am

    Yuko, the Iraqis released Angelo de la Cruz because Gloria withdrew the 30 or so Filipino soldiers there not because she believed the life of Angelo de la Cruz was important but because she got really scared of what the Filipinos might do to her (like they might raid Malacanang and hang her from the highest lamppost sort of or drag her by the hair down to Natl Bilibid).

    Everything this pandakekak does — and I mean EVEYTHING she does, has an ulterior motive, i.e., her survival.

    As you very well put it — kawawang bansa!

  14. AdeBrux - June 22, 2008 10:31 am

    Ellen,

    “Kasinungalingan ang no-ransom”

    Talaga naman!

    Stupido, tonto, gago, loco-loco lang ang maniniwala kay Madame Sinungaling na Gloria na yan!

  15. cocoy - June 22, 2008 10:54 am

    The only thing to stop this Kidnap For Ransom activities of the Abu Sayaf is to make them as a tourist guide in the remote areas in Mindanao.Now,that Mark Lapid become head of Tourism.It can be done, but,first the government will educate all of them at Harvard or Stanford University.

  16. grizzy - June 22, 2008 10:54 am

    Gaga din si Loren kasi sinabi na nga ni Ces Drilon na nagbayad ang pamilya niya, pinabubulaanan pa rin. Para que? Ano, nagyayabang lang si Drilon na nagsabi nagbayad ang pamilya niya? Baka mamamaya sasabihin nila palabas lang ni Drilon ang kidnapping niya! Susmaryosep!

    Puede ba itikom na lang ni No-Razon ang bibig niya? Lumalabas na puro gunggong ang mga pulis ng Pilipinas.

    As for Angelo Cruz, Anna, isang angulo lang ang pag-withdraw ng tropa ng mga pilipino sa Iraq na sa totoo lang ay gusto na rin naman ng mga sundalo noon na umuwi na dahil wala namang masyadong benefit na magpakamatay sa Iraq then and now! Nakatulong pa rin ang petition ng mga pilipino sa KSA noon kaya nga sabi daw kay Angelo ng mga kidnappers niya, “Mabait ka siguro kasi ang dami mong kaibigan!”

  17. grizzy - June 22, 2008 11:08 am

    Parang premonition itong kidnapping case ni Drilon sa mangyayari sa 2010. Malayo pa ang eleksyon, nangangampanya na iyong anak ni Pandak tapos ito nagpapatayan na ang mga ungas na tatakbo sa Mindanao. Susmaryosep!

    Gloria bumaba ka na! Ungas, kawawa naman ang mga kababayan mo!

  18. cocoy - June 22, 2008 11:22 am

    Come election time people will remember Loren great smile with Ces Drilon after the ransom was being paid,it was also interesting to hear Ces Drilon expressing some sympathy for her Abu Sayaf captors. Ces Drilon is now a household name, more so than it was before this incident. People might remember her as the same reporter who stuck with the mutineers in the Peninsula Hotel,suspected of putting Capt.Faeldon on her pocket for daring escape, getting gassed and arrested with them like it was something to be proud of, delivering real-time news bravely and selflessly in the service of the Filipino. She had more balls than De Castro. Despite Ces suffered a lot of mosquito bites she is simply a sympathetic soul. Some of her captors were just teenagers holding armalites instead of books and pencil in school and Drilon teach these out of school bandits how to pray: Hail Mary, Our Father, one plus one and ABZTE. Ces Drilon can deliver votes to Loren and maybe, Ces Drilon for senator to replace Lito Lapid in the Senate so that she can pass a bill for livelihood project for these Thugs.

  19. cocoy - June 22, 2008 11:25 am

    Noli De Castro always insist that he is a constitutional successor,now he got his wish. He will assume the functions of the Office of the President during Bonzai Arroyo’s10-day trip to the United States of America. It is about time for Kabayan to make Loren jealous who is widely expected to run for president in the 2010 elections,had played a major role in the negotiations,promising livelihood projects for Muslims and at the same time promoting her whitening cosmetic products.

  20. cocoy - June 22, 2008 11:27 am

    Would it be nice if Noli will deliver his first executive order to wipe out the Abu Sayaff. Arroyo has ordered the Armed Forces of the Philippines to wipe out the Abu Sayaff a million times and Esperon has promised also to finish the NPA’s before he retire.That promise was permanently molded and written in a bucket of water.The order has taken various forms over the years,exterminate the thugs.But, the NPA’s and Abu Sayaf has always managed to bounce back,with new out of school uncircumcised boys joining the ranks of bandits because of hardship in life according to Mayor Snatchi.

    Maybe,De Castro can erradicate them within his short term in office or make them surrender and send him their guns via UPS or Federal Express.Maybe Noli can convince them to surrender like the Ramon Magsayasay legacy over the HUKBALAHAP insurgency. If Noli can promise them a free housing if they surrender with centralized airconditioning to cool-off their hot headed, Noli can have a batallion of followers to pull the rope of Nazareno in Quiapo.

  21. cocoy - June 22, 2008 11:29 am

    If they won’t surrender because Noli is not a trusted guy, De Castro should spend some time with our brave troops,who are pursuing violent armed groups in Mindanao.He must witness himself how depressing to see our foot soldiers subsisting on boiled rice and dried fish and coping life on the frontlines.under the constant threat of a fatal ambush, and compare their food,their weapon and even their uniform with the PSG who’s guarding the asses of Bansot in Malacanang.

  22. asiandelight - June 22, 2008 11:42 am

    any political candidates with ADS sponsored by a business or any other entity or by an Elite… please do not vote. this candidate has an actual conflict of interest. Policitical campaigns must be donated and voted right by the people. if businesses will donate then there should be a limit of amount for campaign. it must be filed , disclosed, recorded for public records.

  23. pranning - June 22, 2008 12:06 pm

    22 June 2008

    I’m sorry cocoy, but noli de castro, i’m sorry, this guys seems to be just fine of what he have. Do you think he can do taht while the leprechaun is away. For all you know, the people left behind by the leprechaun is monitoring all his movements. How many times does the people ask him to give his comments regarding the corruption in this country, he will say or babanatan nya and administrasyon na ito, but only to recant and say that he was taken out of context, that is plain stupidity. He has no conviction, people are not saying to take part in the rallies before, but to make a categorical statement only. The problem with this de castro guy is he has no balls, all he can say is he is the constitutional successor. But that’s it, he confy in cooling his heels in his office.

    Credit grabber lang yang taong yan, before you known it, OFWs who were sent home, wala naman ginawa yan except to have photo ops with our OFWs, but ask him, if he did or his office did even sent money to get this people home???grandstanding lang yan.

    You ask the people that he worked with, and they will tell you everything. Takot makipagsapalaran ang taong yan. Maraming bilib, pero kung kilala nga ninyo, ewan ko na lang, kung masasabi nyong makamasa yan pag nakilala nyo ng lubusan.

    Speaking of ADS, yang si villar din, nakipag align pa sa migrante, he is only using migrante to win the 2010 election. give the agencies concerned enough money to help the plight of our kababayans overseas. Mananakot pa na pauuwiin daw nya ang mga taga embassies pag hindi tumulong sa mga kababayan natin. I agree, but please, tell villar, that it is an easy task, we cannot impose our, the Philippine law/s and jurisprudence with the host countries, but I agree that we have to coordinate with them, but not impose it. before he opens up his mouth he should carefully address the problems of Filipinos in our country, why they go abroad to work, not to point accusing fingers on others. Migrante is allowing them to be used by a TRAPO like villar, how many politicians made promises, not only to our suffering Filipinos in the Philippines, but to our OFWs and their families. But all those are only empty promises.

    GRANDSTANDING LANG pala sila…….tell me who among these propspective presidentiables are not grandstanding???and I WILL VOTE FOR HIM/HER.

    COMES MAY 2010 ELECTION, I WILL VOTE FOR NOTA!!!! Meaning NONE OF THE ABOVE, unless I can see someone who is really sincere in helping our country. But, I will have difficulty looking for one.

    prans

  24. rose - June 22, 2008 12:13 pm

    Totoo ba na ang kasama niya sa kanyang pagdalaw nito ay 59? That will nake 60 of them? My 60 million question is sino ang babayad? US? Ok lang yan kung US pero kung ang Pilipinas anak siya ng babaeng ASO..(SOB!!!) I just got an email that many towns in Antique ay binaha at sa Sibalom neck high ang tubig in places na malapit sa ilog… In my entire life, and I am now a retired senior citizen,,ngayon ko lang narinig na bumaha ng ganoon sa Sibalom..I don’t think we have such a thing as illegal logging..but I think the Sibalom Dam broke…kaya ganyan..I just got news from the office of Boy Ex (via his sister) na malaki ang damage sa Antique..mahirap na nga ang mga tao…wala pang asahan na tulong sa gobierno.. at ano naman ngayon ang palusot ni Loren na taga Antique kuno…I have no kind words for her..malunod sana siya sa pera na ninanakaw niya..

  25. parasabayan - June 22, 2008 12:21 pm

    Asiandelight, ideally that is the way campaign funds should be but under the evil bitch the more ads, the better. Campaign monies coming from all illegal sources like kidnap for ransom, jueteng money and tongpats are all okay under the evil bitch!

  26. cocoy - June 22, 2008 12:30 pm

    pranning,
    Noli is a depleted spare tire,He is also a corrupt person.My friend told me when Noli was still host of Magandang Gabi Bayan, he threatened to make fake exposes about some legit businesses if they don’t pay him grease money. He carries quite a lot of clout here so people would much rather just pay up than face the consequences.

    I don’t trust this guy to be a president of our country.I rather vote for Way Kurat.Noli is finish in politics.His limelight is getting dimmer.

  27. cocoy - June 22, 2008 12:46 pm

    Parasabayan;

    Corruption became even more widespread.The Mafia in government had learned and master the art and tricks of corruption and were not afraid of their bosses anymore.Bribery used to happen under the table, now they steal the whole table.

  28. TonGuE-tWisTeD - June 22, 2008 1:00 pm

    Hindi ito alam ng marami.

    Pag sinabi ng kidnapper na pakakawalan ang victim sa ganitong oras, sa ganitong lugar, hindi totoo yan. Dahil ang tunay na professional kidnapper papakawalan lang ang hostage pag malinis na ang lahat.

    Akala kasi ng iba, oras na naiabot na ang ransom, pwede nang ratratin ang hideout ng kidnappers, hindi nila alam nandoon pa ang hostage. May ilang kaso na ang nangyari ang ganyan, nilusob ng pulis yung mga kidnapper sa pag-aakalang nakalabas na ang hinostage. Nangyari, natangay na ang ransom, namatay pa ang hostage sa crossfire.

    Kaya ko alam iyan ay dahil yung isa kong dating bossing ay suki ng kidnappers. Pagkatapos ng anak niya, mga tatlong buwan, siya naman. Kaya ako duda sa sinabi ni Razon na pakakawalan na si Ces at nagbigay ng oras pa.

    Malinaw na hindi professional kidnapper ang dumukot kay Ces.

  29. TonGuE-tWisTeD - June 22, 2008 1:06 pm

    Ellen,

    naalala mo pa ba yung kidnapping ng mga anak ni Cong. Jules Ledesma? Ang tawag nila sa PACER doon ay “tried and tested formula”.

    Simple lang ang tried and tested formula: magbayad ng ransom at makipag-ugnayan sa pulis.

    Nahuli ba yung mga kumidnap sa mga anak ni Jules at Assunta de Rossi? Hindi ko alam.

    Nakilala ba ng mga pulis yung kidnappers? Siguro.

    Nakiparte ba ang mga pulis sa ransom? Malamang.

    Yan ang “tried and tested formula”.

  30. cocoy - June 22, 2008 1:21 pm

    In Burnhams book “In the Presence of My Enemy” aroused controversy of the Philippine because of her allegation that an unidentified Pinoy General tried to get half of a possible ransom for the hostages and that soldiers delivered food and sold weapons to the Abu Sayaff.

  31. Ellen - June 22, 2008 1:30 pm

    Tumpak ka dyan, Tongue.

    But I think at the time Razon announced the release of Ces “in a few hours”, she and her team had already left the kidnappers’ lair. Remember they said they walked for five hours? I’m not so sure though if they were already being escorted by police authorities.

  32. chi - June 22, 2008 8:53 pm

    “Kaya ako duda sa sinabi ni Razon na pakakawalan na si Ces at nagbigay ng oras pa”.

    At hindi rin professional kidnap rescuer/police si Razon dahil hindi niya alam iyan.

  33. bitchevil - June 23, 2008 2:18 am

    Anyone of you could help me recall if there was rampant kidnap for ransom incidents during the time of Marcos. I remember Tommy Manotoc, then Imee’s fiance got kidnapped reportedly upon the order of Imelda. But he was later rescued…

  34. TonGuE-tWisTeD - June 23, 2008 5:02 am

    Cocoy,
    this link will refresh your memory on Lamitan and then some.
    http://web.archive.org/web/20020214214344/http://www.helsinki-hs.net/news.asp?id=20020205IE2

    It goes up all the way to CSAFP Diomedio Villanueva, the only Filipino CSAFP who speaks carabao English.

    The link was posted by John Marzan in MLQ3′s blog.

  35. chi - June 23, 2008 6:15 am

    Tongue/JM,

    Thanks for the link. Ganun pala ang Lamitan, ibinala sina Capt. Guinolbay.

  36. bitchevil - June 23, 2008 11:52 pm

    The Tribune reported that a total of P20M were actually paid as ransom to the kidnappers of which ABS-CBN paid part of it.
    Now, will ABS-CBN and others stop denying that ransom was paid? It’s sickening to see them tell that to us in our face when Ces’ family including her uncle former Central Bank Governor Espiritu have already admitted. Stop denying and lying!

  37. bitchevil - June 24, 2008 12:13 am

    This may be speculation and rumor but it’s good to consider all possibilities. P5M was first paid with P3M coming from ABS-CBN management and P2M from Ces’ family (uncle Espiritu). The remaining P15M was reportedly paid by Loren Legarda with most money or all coming from her best friend Ed Angara. P15M is nothing for one day of nationwide publicity for her 2010 presidential ambition. Bear in mind that a presidential candidate needs billions to run.

  38. TonGuE-tWisTeD - June 24, 2008 6:36 am

    Wag nating kalimutan na ang tunay na kidnapper ay si Abu Pandak.

    Kinidnap niya nag presidency nung 2001, lumaya na si Erap pero hanggang ngayon, nagbabayad pa tayo ng ransom!

  39. Gabriela - June 24, 2008 10:54 am

    Ito namang mga pulis, sa halip na ang nagbigay ng ransom ang uusigin, dapat ang mga kriminal ang asikasuhin. Tama si Tongue=twisted, unahin ang kriminal sa malacanang.

  40. bitchevil - June 24, 2008 10:48 pm

    Tongue-Twisted, please be reminded that Marcos was also kidnapped and brought to Hawaii. We’re also still paying for the ransom long after his death. If Abu Pandak is kidnapped, it’s the greatest gift to the Filipino people.

  41. Valdemar - June 25, 2008 3:56 am

    Tongue,
    I wonder what was that disarming report Guinolbay didnt say. Was he gven the medal for keeping silent?

  42. TonGuE-tWisTeD - June 25, 2008 8:09 am

    Val,
    It was probably a confirmation of Diomedio Villanueva’s interference. At the time I think Guinolbay had to defend his comrades as Gen. Dominguez taking all the heat from the Senators and media.

    He was rewarded much later, by joining his officers. In detention. Aray.

    bitchevil,
    Marcos already paid for his ransom, probably the biggest in history. Yes, we are still paying for it.

    If Abu Pandak is kidnapped, I will pay double the ransom on condition that they serve me her head on a platter.

  43. Ellen - June 25, 2008 8:24 pm

    capt. Guinolbay is one of the 28 officers charged with mutiny in connection with the Feb 2006 alleged plan to withdraw support from the fake preseident.

    Capt. Gino is detained in Camp Capinpin in Tanay.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.