Panagutan ni Arroyo sina Ampatuan at ang kanilang krimen

Marami ang nakapansin na sa pag-aresto kay Mayor Andal Ampatuan,mayor ng bayan ng Datu Unsay, hindi siya nakaposas. Escorted siya ng mga ahente ng National Bureau of Investigation at kasama rin niya si Presidential Adviser Jesus Dureza.

Sabi ni Justice Secretary Agnes Devanadera sa mga reporter na sumalubong sa kanila s airport, “He is properly restrained.”

Si Andal Ampatuan ang tinuturong nag-utos na pagpapatayin sina Vice Mayor Esmael Mangudadatu at ang kanyang mga kasamahan sa Maguindanao. Ang namatay ay ang asawa ni vice mayor, kapatid at 55 pa. Ayon sa report, 37 sa mga napatay at nawawala pa (hindi pa siguro nakikita ang mga bangkay) ay mga journalist. Ang iba ay mga kasamahan ng mga Mangudadatu at at iba ay talagang namalas lang na nagbibiyahe kasabay ng mga Mangudadatu.

Hindi ko maiwasan ikumpara ang alagang-alaga na trato kay Andal Ampatuan sa nangyari sa amin sa Manila Peninsula eksakto dalawang taon na ang nakaraan.

Maala-ala natin na noong Nov. 29, 2007, lumabas sina Sen. Antonio Trillanes IV at Brig. Gen. Danilo Lim kasama ang iba pang Magdalo officers sa hearing ng Oakwood coup d’etat na kaso sa Makati Regional Trial Court at napunta sila sa Manila Peninsula.

Tinirgas at pinasok ng tangke ang Manila Pen para makuha sina Lim, Trillanes at mga kasamahan. Pinagsisipa sila ng mga pulis sa pangununa ni Police Director Geary Barias at Marine Brig. Gen. John Martir. Pinusasan ng mahigpit.

Pati kaming mga miyembro ng media, pinusasan. Ako, si Ces Drilon ng ABS-CBN, si Charmaine Deogracias ng NHK TV at ang ilan pang reporter ay hindi pumayag na mapusasan dahil sabi naming hindi kami criminal at wala kaming nagawang kasalanan.

Ito rin ang nasa-isip ni Diego K. Guerrero sa kanyang sinulat a aking blog: “I don’t see any handcuffs or restrains to the suspect. Maliwanag na special treatment para sa Ampatuan. Kapag ordinaryong mamayan ang suspek sigarong bubog sarado bago pusasan. During the Manila Peninsula incident, some media men were handcuffed before they were hauled to Camp Bagong Diwa for processing. Obstruction of justice daw ang kaso nila. Pero kay Andal Jr. premeditated mass murder ang kaso ay parang walking in the park lang.”

Napansin ko na kamukha ni Kim Jong Il ng South korea itong si Andal Ampatuan. Para siyang pinalaking spoiled brat.

Sabi ni Gloria Arroyo, inurder na raw niya na hulihin ang mga taong nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

Dapat siya ang hulihin kasama ang mga pulitiko na nag-aalaga sa mga Ampatuan. Paano ba nagkaroon ng arsenal ng high-powered firearms ang Ampatuan? Kasabwat naman sila doon dahil kung ilang boto ang gusto nila, ibibigay ng mga Ampatuan kahit sobra pa sa bilang ng mga registered voters sa Maguindanao.

Ang mga Ampatuan ay “monsters” na gawa ni Arroyo.

May panagutan si Arroyo sa masaker sa Maguindanao.

November 28, 2009 9:37 pm  Tags: ,   Posted in: 2010 elections, Abante

40 Responses

  1. asiandelight - November 28, 2009 11:21 pm

    May panagutan si Arroyo sa masaker sa Maguindanao

    true in the bigger Picture. Her careless decision making of appointing personnel at the PNP/AFP level. She is not HOWEVER the PROXIMATE CAUSE but can be CONTRIBUTORY. The person who she appointed to implement the rule of law has a more direct responsibility.

    The Primary responsibility must start at the local level, then who oversees the local government, then the house, then the Senate then the commission of AFP/ PNP. These people are all negligent to their duties.

    It’s not only in Maguinadanao. If we have to recall incidents of death during an election, there were plenty. Both candidates and rival candidates will kill anybody as long as one will win. ” Whatever it takes ” and conscious disregard for our nation’s well being is still a common practice among the many of them .. God Bless.

  2. Ellen - November 29, 2009 12:14 am

    It’s more of her coddling the Ampatuans because of her debt of gratitude to them for giving here the votes that offset the lead of FPJ in Central and Northern Luzon. The Hello Garci votes.

  3. balweg - November 29, 2009 12:15 am

    RE: Dapat siya ang hulihin kasama ang mga pulitiko na nag-aalaga sa mga Ampatuan?

    Survey portion. pls. piliin ang inyong saloobin:-

    [ ] YES (Papanagutin pati si GMA and her cohorts.)

    [ ] NO (Hindi siya accountable sa Magindanao massacre.)

    [ ] No Comment! (Walang paki….!)

    Dito natin makikita ang pulso ng Sambayanang Pinoy sa loob at labas ng Bansa.

  4. balweg - November 29, 2009 12:17 am

    Yes 100%…..!

  5. Oblak - November 29, 2009 12:19 am

    Pananagutan ng mga Ampatuan ang krimen, maybe.
    Pananagutan ni GMA sina Ampatuan at ang kanilang krimen, no.
    Nakikita na namang kung ano ang nangyayari pagkatapos ng masaker, hindi ako para umaasa na pananagutan ni GMA at mga Ampatuans ang nangyari

  6. Ellen - November 29, 2009 12:21 am

    Balweg, you are giving me an idea for a column with your multiple choice.

  7. asiandelight - November 29, 2009 12:33 am

    It’s more of her coddling the Ampatuans because of her debt of gratitude to them for giving here the votes that offset the lead of FPJ in Central and Northern Luzon. The Hello Garci votes.

    that can be true.. but here’s what I have said at Manolo’s:

    The lack of national and effective military governance leaves the provinces outside of central control, with warlords filling the vacuum. Regional actors question the government’s capacity to provide basic public goods and undermine its authority by controlling alternative resources through a variety of mechanisms, including fraudulent collection of votes and promising its local people a future without a foundation. Consequently, the bewildered local people does not know what to believe.
    With this power, the local warlord can easily negotiate a weak administration. It can do whatever including at the end… blackmailing the weak president ( hello Graci) but will evenutally destroy his own.

    In addition: warlords are not DEPENDENT. They are also not loyal. They can change party only to his benefit.

    murder in Maguindanao was a clear consequence when central authority has either losses its power or has weakened. Warlords will compete for power through violence or intimidation. He will continue to seek popular allegiance on the basis of the fear and insecurity generated by the absence of reliable central authorities. The Ampatuan’s clan can therefore ACT INDEPENDENTLY if not put to jail. He can change party at any given time to benefit only his own. He cannot be loyal but will play the game of big business. He is also not interested to fix the bigger problem of a weak State but will instead take advantage of it. There’s not much difference between elitism and warlordism except intense violence. Both are burden to our nation’s health

    GMA must remove herself from any political consideration. GIBO and Noynoy and the rest must do the same. Warlords are warlords. their LOCAL POWER must be taken away.

  8. balweg - November 29, 2009 12:34 am

    Thx. Maám Ellen…maganda po e officially nýong kunin ang pulso ng Sambayanang Pinoy upang magkaalam-alam ang tunay na katotohan about gloria’s involvement sa kasong ito.

    Halos lahat ng mga Pinoy na nakakausap ko dito sa aking lugar e sobra ang galit sa mga Halimay at lalo na kay gloria ukol sa pagtrato sa mga Ampatuan.

    ^..^

  9. Mike - November 29, 2009 12:36 am

    Was just reading the column of Ninez Olivares of Tribune, she has a point. How can Gloria run for congressman in her district of Lubao when she didn’t meet the 1 year residency requirement before the election? Someone should file a disqualification case against her once she files her COC.

  10. Mike - November 29, 2009 12:40 am

    O.T.

    Someone told me that Col. Ariel Querubin has joined Manny Villar’s NP. Is this true?

  11. balweg - November 29, 2009 12:42 am

    The lack of national and effective military governance leaves the provinces outside of central control, with warlords filling the vacuum.

    Sinabi mo pa Ms. Asiandelight…mawawalan ng budget na makukurap ang mga disgruntled generals kung wala ng gulo sa Mindanao.

    Tsek mo ang lifestyle ng karamihang Generals pag nagretiro e milyonaryo na…magkano ba ang take home pay ng mga iyan?

    Si Tabako nga e sa Ayala Alabang nakatira…di ba si Gen. Garcia ang USofAmerica e pasyalan lang ng kanyang buong pamilya.

    Ibig sabihin…pinagkakakitaan ang walang katapusang kaguluhan sa Mindanao in particular? Ang mga Ampatuan nga e kita mo na gaano kadami ang mansyon di lang sa Magindanao kundi pati sa Davao city e di ko matake kasi nga…sa hinagap e magkano lang ang sweldo ng isang Mayor at Governor ng isang Probinsya na pangatlo sa pinakamahirap sa buong Pinas.

    Ano ang ibig sabihin nito…paki isplika, kailangan imbistigahan din kong saan galing ang kayamanan ng mga Ampatuan …tulad ng mga ordinaryong Pinoy.

    Hay naku…wala tayong tulak-kabigin!

  12. Tedanz - November 29, 2009 12:43 am

    Bakit hindi rin natin tanungin itong Mangudadatu’s kung anong papel nila sa mga nakaraang eleksiyon. Parehas pala silang alaga nitong si Glorya. Kaya ba dinikitan ng husto ni Gibo ang mga Mangudadatu’s baka sa galit ay magsalita na tungkol sa mga pandaraya nila? Puwede di ba?

  13. asiandelight - November 29, 2009 12:47 am

    yes, all warlords are the same…. they will only differ in their ways of milking the system. They have their own local people in their hands. The votes of the local majority is their negotiating power. pareho lang sila…

  14. Tedanz - November 29, 2009 12:50 am

    Walang pinag-iba ang mga Ampatuan’s kay Glorya? Parehas lang silang tuso. Kung may driver ng backhoe ang mga Ampatuan may Dureza rin silang marunong mag-maniobra ng storya. Kung may mga goons ang mga Ampatuan’s may mga Tongressman naman itong si Glorya isama niyo na si Palparan Halos parehas na ang bilang ng mga napapatay nila.

  15. Ellen - November 29, 2009 12:52 am

    Mike re your question:”Someone told me that Col. Ariel Querubin has joined Manny Villar’s NP. Is this true?”

    Yes. Col. Ariel Querubin is in Villar’s ticket.

  16. Ellen - November 29, 2009 12:56 am

    There were talks that the Mangudadatus were the ones who hid Garcillano when he disappeared after he came back from abroad before he came out in public. Remember he was in a Muslim garb during his first TV interview?

  17. Tedanz - November 29, 2009 1:00 am

    Yes ako diyan Igan Balweg. Lifestyle check natin lahat ang mga Generals … retirado na o aktibo pa. Papano nagkaroon ng Rancho itong si Esperon sa Australia? Etong si Rbdane … puwede ba nating i-lifestyle check itong taong ito. Mukhang limpak-limpak ang tongpats niya sa DPWH. Baka mas madami pa ang nalikom ng tangnang yan kaysa ibinibintang kay Erap.
    Mga Igan, tanong ko lang … may nahuli bang corrupt sa mga sekretari dati ni Erap … yong mga anak ba niya ay may nagka-bahay sa Amerika? Ang asawa ba niya ay napagbintangang corrupt din?

  18. Tedanz - November 29, 2009 1:04 am

    Kaya naglalakihan din pala ng mga bahay ang pamilyang Mangudadatu …. alagang alaga din pala sila ng Putang inang Glorya Arroyo.

  19. Tedanz - November 29, 2009 1:41 am

    Dapat ba natin kaawaan ang pamilya Mangudadato? Kayo mga Igan … i-text niyo lang ako O-2-10. lol
    Ang mga kawawa talaga ay ang mga nadamay dito sa palabas ng dalawang pamilya. Kanya pala nangandarapa etong mga galamay ni Glorya sa sitwasyon. Hindi niyo ba napansin na walang General na kasama sa kanilang palabas. Best actor si Dureza, best actres si Devanadera at best supot-ting actor si Gibo at siyempre pa best director ….. Glorya. Espesyal na partisipasyon ng mga Ampatuan’s at Mangudadatu’s.

  20. Ellen - November 29, 2009 1:51 am

    Statement of the Philippine Council of Evangelical Churches

    We, members of the Evangelical community, convey our deepest sorrow and share the enormous grief and anguish of our fellow citizens in Mindanao, the whole nation, and the international community, for the tragic and untimely loss of brothers and sisters who were mercilessly murdered in broad daylight last November 23, 2009, in the municipality of Ampatuan, Maguindanao Province. There is no adequate expression of what we feel and carry in our hearts. It is a most unfortunate event.

    We condemn in the strongest possible way this senseless act of carnage against unarmed and helpless civilians – women of the Mangudadatu clan, women-lawyers, media practitioners, indigenous peoples representative(s), and other members of the delegation – all were there in their line of duty, including unborn children and innocent travelers on that ill-fated day.

    We lament because of this mass killing. It is a barbaric and savage act, with complete disregard to the rule of law, human rights, dignity and even sanity.

    We are one with the families of the victims and all people of peace who cry for immediate justice.

    We ask our government to use all its powers to apprehend all the perpetrators and apply the full force of the law to address this heinous crime.

    We join others in calling for the creation of an independent body to conduct a thorough and timely investigation of the Maguindanao massacre and to recommend prosecutions and such further actions required by law.

    We ask for churches and other faith groups to open their premises to serve as “sanctuaries” or “safe space” to all those who are helping in the process of uncovering the truth of this incident who may likely be under attack and may need protection.

    We call on all for sobriety, to continue to pray for peace, a transformation of the hearts and minds, the ending of the cycle of violence, and the healing of our land.

    We pray that more people will get to really know the Prince of Peace, Jesus Christ of Nazareth, who taught us to “love your enemies”, “love your neighbors as yourselves” and who on the cross, prayed for those who killed Him and said: “Father, forgive them, for they know not what they are doing.”

    Signed: Board of Directors
    Philippine Council of Evangelical Churches

  21. Amihan - November 29, 2009 1:55 am

    That is the consequence of abusing power and wealth, I think Glueria and her minions and the direct perpetrators of this crime are all responsible for this atrocity.

  22. Ellen - November 29, 2009 1:57 am

    Statement of the Government of France through its Ministry of Foreign and European Affairs

    France condemns in the strongest terms the heinous massacre perpetrated yesterday in the Philippine province of Maguindanao, which, according to the latest reports, has reached a total of forty-six victims, mostly women and journalists.

    It expresses its sincere condolences to the families of victims, and assures the Philippine authorities of its complete solidarity and of its trust that those responsible for this unspeakable massacre are effectively prosecuted, arrested, tried and convicted.

    As the Philippine people will appoint a new president in May, it is essential that all conditions are met for a peaceful election campaign.

  23. asiandelight - November 29, 2009 2:56 am

    Thank you Ellen for the time. The current administration are also warlords who uses it’s own power to hide their guilt. The bigger picture is very obvious. The people are unrepresented. I am also sensing that the next president will do the same. Promise the people all the good things but the process of delivery across the many levels of goverment will be very impossible to implement unless local representatives are honest. Pareho Lang sila … Puro palpak…, kelan pa bah. I will grow old witnessing the same old corrupt Philippines.

  24. baguneta - November 29, 2009 3:54 am

    Ellen, wala pa bang pinalalabas ang Iglesia ni Kristo na kumokondena sa ampatuan massacre? Malaki ang takot ng mga politiko sa bloc vote ng grupong ito.

  25. martina - November 29, 2009 5:00 am

    May deperensya siguro ang mga panga ni Noynoy, hindi sila alligned, kaya parang laging siya ay nakanganga. I suggest patingin siya sa isang maxillofacial surgeon. Pag nacorrect yan hindi na siya tatawaging abnoy o autistic.

  26. parasabayan - November 29, 2009 8:50 am

    I missed blogging for a week but I watched the news about the massacre whenever I could. The palaces of the Ampatuans clearly show that these politicians made money and abused their power while in office.

    I also observed something about this Mangudadatu. He is more obsessessed in running for a position than he is with getting justice for his wife (maybe he has more of them on the side). The fact that he himself was an ally to the Ampatuans and probably their henchman at some point makes me wonder if this man is the new “annointed” of the boobuwit. I am very suspicious!

    I am also wondering why Gibo seem to be always there beside him. He is no longer the DND chief. Ito ba ang linuto nila Kenney (bago siya alisin sa pwesto) at ni Gibo before they both hanged their hats. It is the worst publicity stunt for Gibo! He is riding on a highly politically motivated feud. If Gibo knows what is best for him, he should not even be seen with these feuding families. I do not like to speculate but I remember when Hillary said that the best time to act is when one is on his/her way out of his/her office. Can this be what she was referring to? Is this a clear purging of those who made the boobuwit a president?

    Mangudadatu was all smiles each time he is on TV, no tears whatsoever kahit man lang “crocodile” tears man lang. I do not know if I can trust this man too. He may just be as notorious as the ampatuans. I hope that our moslem brothers will discern the good, the bad and the ugly. They should scrutinize this Mangudadatu before voting for him. For all they know is is just like replacing Erap with the boobuwit!

  27. tingog boss - November 29, 2009 9:46 am

    asiandelight at #23: Bakit mo sasabihin na “the people are unrepresented.” Eh ang bumoboto para sa lahat na naririyan sa Kongreso — kasama na si NoyNoy, si Jamby, si Mar, Si Villar, si Jinggoy — lahat iyan ay ibinoto ng Pilipino. Lahat ng mga mayor at gobernador, ibinoto ng Pilipino.

    The leaders of the Philippines are chosen by the voters of the Philippines. Huwag mong bibigyan ng palusot dahil eleksiyon na naman Mayo 2010 at mamimili na naman ang mga botante.

  28. asiandelight - November 29, 2009 11:39 am

    tingog boss,

    true.. “ibinoto nang pilipino ” but what did the filipinos get from their votes?
    1. terror
    2. the most corrupt in Asia
    3. The nation of servants
    4. The most dangerous place for journalists
    5. On Index 2009 Index on economic Freedom what does that tell you…

    So you think the votes of the Filipino people were respected and represented according to the people’s wants and needs? ” of the people, by the people and for the people”

    are you saying that the filipinos are also stupid for voting the wrong person in office?

    Regardless f the stupidity of the majority , the votes of the people should be reciprocated not abused. If the people made a mistake of voting GMA and even if she cheated, it does not excuse her from performing her DUTY according to the rule of law. All of the above 1-5… are the result of poor governance .

    The bewildered voters don’t know who to believe. Too bad, 1000 pesos is also allowed to buy a vote by this government….

  29. asiandelight - November 29, 2009 11:55 am

    So if the filipino people vote for the wrong president again, what is then the function of local representative? is it not to impeach a wrong president?

    the facts above “1 to 5″ will confirm that the people are unrepresented.. right ?

    to go back to the topic… why can’t Mangandadatu mourn for the loss of his family. Do the local people really want him or somebody put him there?

  30. Pepito - November 29, 2009 12:25 pm

    Asiandelight: Teka muna. Are you saying if NoyNoy gets elected and his lack of competence to govern means he can’t create jobs nor improve rice supply, then what — he should be impeached? I’m okay with that, I like Mar Roxas!! Heh heh heh

  31. MPRivera - November 29, 2009 1:08 pm

    Tigilan na nga ‘yang pagpapaliltpalitan ng magkakamag-anak sa pulitika? Sila sila na lang ang mga mukhang nakikita natin. Pareparehong mga pangalan. Puro pangako. Puro magagandang larawan ng pag-unlad ang hinahabi at ipinipinta sa imahinasyon ng mga botante. Wala namang nangyayari. Sila sila lamang ang yumayaman sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

    Iisa lang ang ibig sabihin at maliwanag na kahulugan – MAKAKAPAL ANG MGA MUKHA NILA!

  32. Rudolfo - November 29, 2009 1:49 pm

    Sa aking pananaw, ang Pilipinas ay katulad ng isang punong kahoy..Kapag ang UGAT at katawang-KAHOY na dina-daluyan ng buhay , ay Bulok at may deperensya, TIYAK mga sanga-dahon at bunga ay mabubulok din…NGUNIT, kapag ang kahoy na iyan, ay mabuti, matatag-sagana, mga ugat ay humihigop ng sariwang bitamina ng lupa, at uma-ayon sa kalikasang, kalooban at alaga ng DIYOS na Maykapal, TIYAK na matatamis ang bunga, sariwa palagi, at nakakatakam na ka-inin,
    napaka-inam na kanlungan, at naka-kagaling ng karamdamang PANG-TAO…….ngayon tingnan natin kung gaano kabulok ang mga ugat ( nag-mumula sa malakanyang ) at mga galamay (House of Congress,Gobernador,Mayors at Barangay, at lahat ng Departamento, mga advisers, cabinets, PNP-AFP,..etc.) …Ang Maguindanao ay isa sa mga sanga’t-bunga na PINAKA-MAPAIT at
    naka-lalasong kainin, ganoon din ang pinak-puno….sa halimbawang ito, malaki ang ugnayan ( accomplice ) ng UGAt sa mga bunga, ng nasabing trahidya sa Ampatuan town…”patawarin na lamang ng DIYOS AMA, sabi ni HESUS, dahil, hindi nila alam ang kanilang ginagawa”…money or earthly wealth is the root cause of ALL EVILS ( the GGG-power ). Kailan kaya ang TAO, mato-toto sa “kumonoy” ng buhay na ito sa mundo…paulit-ulit !!!!, mahirap maintindihan…

  33. MPRivera - November 29, 2009 3:00 pm

    Islam is religion of PEACE. It was derived from the word Sala’am which means Peace. It is a religion based on understanding, harmony and respect.

    The Ampatuans, Mangudadatus, the MNLF, the MILF, the Abu Sayyafs and the political warlords in all of Mindanao are Muslims, but why aren’t they live in its truest meaning? In its truest sense?

    Whatever religion or belief one practices, when wealth and power come into picture, any solid foundation would be easily eroded. Greed will prevail. Just what is happening not only in Mindanao but in the entire Philippines SINCE the arroyos came into power. By grabbing first time and cheating next time.

    This the legacy gloria and her family members will forever instill in every Filipino’s memory. A legacy every Filipino will spit on! By any Filipino who was not bought by gloria’s LIES and DECEIT.

  34. MPRivera - November 29, 2009 5:57 pm

    Nakakaumay na ang balitang ito!

    Sana bukas pagbukas ko ng internet ay bumulaga ang balitang patay ang buong pamilya ng babaeng demonyo!

  35. ken - November 29, 2009 8:18 pm

    GMA made this Ampatuans therefore she must be responsible also for this horrible crime. Ampatuans must be charged with genocide crime and not just by merely terrorism. UN should monitor this investigation. it is a crime only a monster can do.

  36. xman - November 29, 2009 10:04 pm

    “It’s also under the Arroyo administration that the Ampatuans are said to have expanded and strengthened their private army, composed of civilian volunteers enlisted and funded by the military.

    Ms. Arroyo, however, may just be improving on something that Cory’s Constitution has allowed. The 1987 Constitution does not really provide the dismantling of private armies per se. Read carefully Section 24 of the Transitory Provisions—it bans only the private armies that are not sanctioned by government. But those that are “consistent with the citizen armed forced established in this Constitution”—like the civilian volunteer organizations formed by the military during Cory’s time—don’t have to go.”

    The above statements was quoted from previous thread.

  37. asiandelight - November 29, 2009 10:36 pm

    why is the Arroyo government not suspending the Ampatuan Sr. ? i think the filipino people and the media must file suit against the SR ampatuan.

    Under Section 63 of Republic Act 7160 or the 1991 Local Government Code, preventive suspension may be imposed by the President, “if the respondent is an elective official of a province, a highly urbanized or an independent component city.”

    So Arroyo can pevent suspension? the Sr. Ampatuan is as guilty as the son. Both are PROXIMATE Cause of this crime. No excuses…

  38. SumpPit - November 29, 2009 11:28 pm

    mprivera:

    i hate to ruin your breakfast but in a few hours your Queen will be filing her Certificate of Candidacy for the next higher position of the land – District Representative to Congress.

    This government is of the monsters, by the monsters, and for the monsters.

  39. MPRivera - November 30, 2009 1:32 pm

    SumpPit,

    Sinira mo nga ang umaga ko dahil sa comment mo.

    Matutuwa pa sana ako kung sinabi mong ipina-file na ang kanyang Certificate of Death.

    Haaay!

  40. eestrada - December 1, 2009 12:25 pm

    The Ampatuans have long been powerful, since the days when they were members of the NAcionalista Party and coddled by Marcos himself. GMA merely exacerbated the problem by giving them more free rein.

Comments are closed for this entry.