Skip to content

Midnight deal sa MILF?

Mukhang may niluluto na namang isang midnight deal itong administrasyong Arroyo. Ito ang kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front na magkakaroon sila ng sariling nilang bansa sa ilalim ng Pilipinas.

Sariling bansa sa loob ng bansang Pilipinas? Hindi tama dahil kung magkaroon ng Bangsamoro substate, ay parang nagtanggal ka ng parte ng Pilipinas at binigay sa MILF.

Di ba yan ang ginawa ni Gloria Arroyo noong isang taon sa kamuntik lang matuloy na MOA-AD (Memorandum of Agreement-Ancestral Domain) na ipinabasura ng Supreme Court dahil labag ito sa Constitution?

Nagkita noong isang linggo ang GRP (Government of the Republic of the Philippines) panel at ang MILF sa Kuala Lumpur at nagpalitan sila ng oputline ng kanilang proposal. Sabi ni Presidential Peace Adviser Annabelle Abaya na 17 pages daw ang sa kanila at 31 pages naman daw ang sa MILF.


“Enhanced autonomy” ang bagong term na ginagamit ngayon ng mga tauhan ni Arroyo. Hindi natin alam kung ang “enhance” na sinasabi ay mas malaki o mas makapangyarihan. May sinasabi si Abaya na “power sharing” ngunit hindi klaro kung ano klaseng power sharing yun.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit nagpipilit si Arroyo na magkakaroon ng kasunduan sa MILF samantalang limang buwan na lang ang natira sa kanyang ilegal na administrasyon. Napakamahalaga itong kasunduan sa MILF dahil niya ito ay tungkol sa teritoryo. Bakit hindi niya hayaan ang susunod na administrasyon ang mag-ayos nito?

Nakakaduda dahil alam naman natin kung paano kamuntik lang ibenenta ni Arroyo ang buong bansa sa MILF at sa mga Amerikano na atat na atat na mgakaroon ng independent Bangsa Moro state dahil mas libre sila doon mag-operasyun sa kanilang “war on terror” daw.

Alam naman natin na hindi lang ang ARMM ang binigay ni Arroyo sa MILF. Kasama na ang Cotabato at iba pang probinsiya na mas maraming Kristiyano.

Mas nagsasabi na gift offering daw ni Arroyo itong kasunduan sa MILF sa Amerika para kung sakaling gagawa siya ng hakbang na hindi siya aalis sa Malacañang, susportahan siya ng Amerika at ng mga Muslim countries.
Kaya, pansarili pa ring interes ni Arroyo ang nangingibabaw dito.

Maala-ala natin na kaya lang hindi natuloy ang maitim na balak ni Arroyo sa Mindanao ay dahil sa hinarang ng Supreme Court.

Ngayon, hawak na hawak ni Arroyo ang Supreme Court. Iilan lang diyan ang may sariling pag-iisip.
Kaya naman medyo kinakabahan si North Cotabato Vice Gov. Manny Piñol. Sabi niya kung nanalo ang sambayanang Pilipino noon, baka hindi na tayo swertehin ngayon.

Magbantay tayo.

********************************************************************************
RP, MILF swap drafts on pact
Malaya

The government peace panel yesterday expressed optimism that formal negotiations with the Moro Islamic Liberation ront would soon resume after both parties exchanged draft proposals in Kuala Lumpur last week.

Secretary Annabelle Abaya, presidential adviser on the peace process, said an initial study found that the 30-page draft of the MILF “is quite reasonable.”

Abaya said the meeting held in Kuala Lumpur from Jan. 27 and 28 was the 17th since formal negotiations broke down in August 2008 following the aborted signing of the controversial Memorandum of Agreement on Ancestral Domain.

Abaya said the government panel’s instructions were to limit discussions to actions that are within the powers of the Executive department.

She said the government draft is compliant with the Constitution and pertinent laws and is guided by the Supreme Court ruling last year which declared the aborted MOA-AD as unconstitutional.

She added that the draft identifies mostly “executive doables” such as proposed legislative actions to strengthen regional autonomy and openness to MILF proposals for constitutional changes.

“The government draft is clear that discussions that will concern legislative and other policy actions will still be proposals for submission to Congress…There is no agreement yet. Both sides are still in the early stages of discussing each other’s positions,” she said.

Abaya said 80 percent of the proposals in MILF’s draft are “executive doables” but declined to elaborate.

“There is no mention of any ‘Bangsa Moro’ sub-state in our draft,” she added.

She said both parties have agreed to meet again on Feb. 18 and 19 to discuss the draft texts and identify the next steps toward reaching a comprehensive settlement of the 40-year-old Mindanao armed conflict.

Abaya said the government hopes the agreement could be signed before President Arroyo steps down on June 30. – Raymond Africa

Published inAbanteMindanao

19 Comments

  1. chi chi

    Committed dyan si Gloria sa Obama administration. In fact, it was in the news (when Hillary came down to Pinas) that O wrote a letter to the MILF supporting the peace in the area, whatever that means….

  2. Tedanz Tedanz

    Naisanla na niya ang Mindanao. Sa ayaw man o sa gusto natin .. wala na tayong magagawa.

  3. balweg balweg

    Tedanz – February 2, 2010 1:34 am

    Naisanla na niya ang Mindanao. Sa ayaw man o sa gusto natin .. wala na tayong magagawa

    Opppsss, remember Igan Tedanz…mayroon pa tayong pag-asa at ito ay walang iba kundi ang AMA ng MASANG Pilipino!

    Magkamali sila ng move e giyera-patani ito? Yan ba ang gusto nilang mangyari sa Mindanao…well sundan natin ang mga susunod na kabanata or else maraming dugo muli ang dadanak sa lupang pangako.

    Bakit ka mo, e ganito yon…syiempre di papayag ang mga taga-Mindanao na dustain ito ng rehime for the sake ng ANO?

  4. “enhanced autonomy” wow! and they have not even resolved how the ARMM funds were used

  5. Kailangang makakuha ng kopya noong mga dokumento na pinag-usapan sa Kuala Lumpur. Baka kasama sa usapan ay may permanenteng sundalo (observer-kuno!) ang Indonesia o Malaysia sa Mindanao, medyo palpak iyon!!!

  6. Ano nga ba ang hustisya sa MILF-territory, sharia ba?

  7. vic vic

    Well, maybe GMA is trying to turn another page of History, the First Princess (sounds nicer than the Queen) of the Autonomous Mindanao, a Nation within a Nation and that is always her dreams to be the first of something, not necessarily something desirable.

    Remember the First World Status? the Enchanted Kingdom? and what else?

  8. Ito ang kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front na magkakaroon sila ng sariling nilang bansa sa ilalim ng Pilipinas.

    And that’s why America backed the toppling of Estrada…because Estrada didn’t want to dismember RP.

  9. Matagal nang tahimik sa Mindanao matapos ang agreement sa pagitan ni Imelda at Misuari na inisponsor ni Moammar Khadaffy. Nag-exile si Misuari pero nang umupo si Cory, sinundo nina Butz Aquino at Nene Pimentel para umuwi. Ayun balik-gulo sa Mindanao, sumawsaw pa si Salamat Hashim.

    Tapos gusto ni Pimentel na magka-Federal State ng Mindanao? Dapat sa mga botante ng Mindanao na 75% ay Kristiyano, huwag nang iboto yang mga Pimentel. Meron silang malabong agenda na ihiwalay ang ilang probinsiya ng Pilipinas.

    Hindi tayo dapat pumayag diyan.

  10. Peace Agreement sa MNLF aprubado pero nanganak ng bagong rebeldeng grupo: MILF.

    Pagkatapos ng Peace Agreement sa MILF meron namang bagong rebelde?

    Naglolokohan lang tayo. Tapusin na ang mga rebeldeng iyan!

  11. balweg balweg

    RE: Pagkatapos ng Peace Agreement sa MILF meron namang bagong rebelde?

    SURE Igan TonGuE…ang daming warlord diyan sa Mindanao, di ba namumundok na ang mga CVO nina Ampatuwad?

    WANTED sa batas kaya dagdag problema na naman yan ng mamamayan kasi mga armado ito.

    Sa Militar OKs lang yon kasi dagdag budget sa AFP/PNP para mayroon silang pagkakitaan.

  12. MPRivera MPRivera

    Bakit ba kailangang pakinggan palagi ang demands ng MILF?

    Lumalabas na inutil ang administrasyon ni ngoyang dahil nagagawang sumunod sa kagustuhan ng rebeldeng grupo.

    Noong MNLF pa sa pamumuno ni Nur Misuari ang aming sinasagupa, sila ang humingi ng negosasyong pangkapayapaan matapos ang mahaba haba ring panahon nilang pakikipaglaban para sa awtonomiya kaya nga natatag ang ARMM. Subalit mula sa napakaliit na bilang ay nagpakitang gilas at nagpasikat itong MILF sa pamumuno ni Hashim Salamat na ang gusto ay pagkalooban sila ng sariling bansa, magtatag ng sariling pamahalaan at sariling sandatahang lakas na isang napakalaking kahangalan at maliwanag na kasuwapangan.

    Napakaraming buhay ang nabuwis sa pagtatanggol upang huwag mapahiwalay ang Mindanao sa Pilipinas subalit ito’y binabalewala ng kasalukuyang pamahalaan. Mas pinapaboran pa nila ngayon ang kapritso ng MILF na parang bata pang inaamo upang huwag magmaktol at magdamdam.

    Kung patuloy sa ganitong pagpapauto ang buwisit na si gloria, dapat sa kanya ay kaladkaring palabas sa malakanyang sapagkat siya isang halimbawa ng isang inutil na namumuno.

    Tama na! Sobra na!

  13. balweg balweg

    RE: Naglolokohan lang tayo. Tapusin na ang mga rebeldeng iyan!

    Pinulbos na ng Pangulong Erap ang MILF at ang kanilang leaders e nagsibatsi na sa Malaysia, but sa kagaguhan ng mga EDSA DOS con Hello Garci conspirators e ibinalik lahat yong 46MILF camps?

    Imagine, without flowering words nabawi ng gobyerno ang 46MILF camps kumpara sa kayabangan ng rehime na pupulbusin daw ang mga rebelde pati NPA…yaks, binibilang na lang ang araw ni gloria sa Malacanang e still alive and kicking pa ang mga kinauukulan.

    Ibalik ang Ama ng Masang Pilipino…TAPOS ang PROBLEMA sa Mindanao kasama na ang mga bugok na itloges sa Pinas?

  14. Dapat itry nating ibalik and hanapin ang totoo nating identity at history ito ang magpapatigil sa mga ito.

  15. Nathan Nathan

    Totoo yan sa panahon ni Erap takot ang mga yan… dapat tapusin na yang MILF…. namimihasa na nga mga yan. Pag may bala War gusto nila pag malapit na maubos ang Bala… Peace na naman tapos sabay mag ipon uli ng Bala pag naka-ipon Geyira uli… kaya dapat tapusin na yan!!!!!

  16. Tayong lahat ay dapat umaksyon hindi isang tao lang.

  17. Ang natatandaan ko sa isang VeraFiles interview, ang sabi ni NoyNoy na paraan niya para matapos na ang gulo sa Mindanao — mga kolehiyo-estudyante na taga Mindanao ay bigyan ng scholarship sa Maynila para magkaroon sila ng mga kaibigang taga Luzon.

  18. MPRivera MPRivera

    Nakalimutan na ba natin ang Basilan beheadings noong July 2009? Itong karumaldumal na Maguindanao massacre?

    Sakaling ipagkaloob ni gloria ang buong Mindanao bilang pampalubag loob sa MILF, paano na ang mga Kristiyanong kapatid natin doon? Alalahaning kapag naging isang federal state ang Mindanao ay magkakaroon ng purge at kawawa ang mga hindi Muslim na naninirahan doon.

  19. Visayan Christians are the majority of the inhabitants of Mindanao not the muslims.

Comments are closed.