Skip to content

Partylist naman ang pasok ni Mikey Arroyo

Hindi talaga humihinto itong mga Arroyo sa pambababoy ng batas para lang manatili sa kapangyarihan.

Dahil nawalan siya ng kaharian sa pagtakbo ng nanay niya bilang congressman ng pangalawang distrito ng Pampanga, nakahanap siya ngayon ng paraan na mananatili sa Kongreso sa pamamagitan ng partylist, na linagay sa Constitution para mabigyan ng representasyon ang mga grupo ng mga mahihirap at mahihina sa lipunan. Kasi naman hindi sila maaring makipaglaban sa mga tradisyunal na pulitiko sa eleksyun.

Nominado si Mikey bilang unang kinatawan ng Ang Galing Pinoy (AGP)
na ang nirepresenta daw ay transport drivers at security guards. Kasama niya ang outgoing mayor ng Lubao na si Dennis Pineda.

Ang kapal talaga at ang kapal din ng Comelec kung aprubahan ito.

Kung matuloy si Mikey dito,lima na silang Arroyo sa House of Representatives dahil mukhang mananalo naman talaga ang nanay niya. Maliban kay Mikey at Nanay niya nandiyan na ang kanyang tiyo na si Rep. Ignacio Arroyo, kinatawan ng isang distrito sa Negros Occidental; ang kanyang kapatid na si Diosdado “Dato” Arroyo, kinatawan ng Camarines Sur; at ang kanyang tiya na si Rep. Ma. Lourdes Arroyo ng Kasangga Party.

Halatang kasama ito sa plano ni Arroyo na makontrol ang House of Represenatatives bilang speaker para mapressure niya ang president na magkaroon ng charter change at papalit tayo ng sistema ng gobierno sa parliamentary system at babalik siya sa kapangyarihan bilang prime minister.

Ang kapal!

Kaya galit na galit rin si Etta Rosales, dating party list representative ng Akbayan. Sabi niya sinasamantala ng mga Arroyo na busy ang lahat sa kampanya sa eleksyun. Hindi natin alam nakapasok na ulit itong si Mikey sa Kongreso bilang kinatawan ng tricycle driver at security guards katulad ng tiya na kinatawan dawn ng mga maliliit na nagtitiinda katulad ng magbabalut. Naku po!

Ang isa pang nambabastos ng partylist system ay itong si Energy Secretary Angelo Reyes na nominado United Transport Koalisyun (1-UTAK). Kaya galit rin ang PISTON (Pagkakaisa ng Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide).

Aabot daw sa 187 ang partylist groups na kaduda nainaprubahan ng Comelec. Ang bilis nila mag-apruba sa mga kadudada at bilis din nila mag-disaprub ng tunay na kumakatawan ng mga naa-api at marginalized katulad ng Ang Ladlad, Migrante at Magdalo.

Sabi ni Etta nilalagyan nila ng “1” ang pangalan para mauna sila sa mga partylist na nagsismula ng “A”. Katulad nitong “1-Ako Babaeng Astig Aasenso” . Ano ba yan?

Published in2010 electionsGloria Arroyo and family

34 Comments

  1. MPRivera MPRivera

    Wala namang masama kung katawanin ni mikey arroyo ang mga traysikol drayber at mga singkyo. Isama na rin sana niya ang mga karerista at mga bookies. Mas maganda nga kung pati na rin ang Akyat Bahay, mga holdaper, kidnaper, pusher at iba pang mga masasamang elemento ng lipunan ay bigyan niya ng representasyon sa tonggreso. Marangal namang layunin niya ‘yun. At least, kahit man lang ‘yung karapatan nilang mabuhay sa kawalanghiyaan ay mabigyang puwang dahil magiging legal.

    Subalit kung tutuusin ay hindi na rin dapat, eh.

    Napakarami ng kawatan sa kotonggreso at saan mang sangay ng gobyerno.

    Huwag na nga lang.

  2. jdeleon5022 jdeleon5022

    Dapat ay kumandidato rin yong anak ni Gloria na babae, si Luli, kulang pa kasi sila se kongreso. Kailangan din na may kumakatawan sa mga panget. Yong asawa naman ni Gloria, ang kagalang-galang sa kapal ng mukha na si mike ay kumatawan naman sa samahan ng mga hayop, tutal binababoy rin lang nila at ng utusan nila sa comelec ang lahat ng batas, ituloy na nila. Wala na rin lang magagawa dahil yong kapal ng mukha nila ay bullet proof na.

  3. chi chi

    Sampal-sampalin ko pagmumukha ang ungas na Mikey na yan!

    The son of the bitch and pig is devoid of brains!

    Ano kaya ang national karma ng Pinas at pinahihirapan tayo ng husto ng pamilyang walanghiya Macapagal-Tuason-Pidal-Arroyo?! Gggggrrrrrrr!!!

  4. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ang galing sa partehan si Mikey Arroyo. Pulpol na Comolek, bakit nila pinalusot ang mga kadududang party-list. Walang katapusang tongress.

  5. Tedanz Tedanz

    Kasama si Melo sa malaking plano ng mga Arroyo. Kaya ipinuwesto yan sa Komolek para palusutin lahat ng mga kagustuhan ng mga ito. Narinig ko sa DZMM habang ini-interview si Rafanan na abogado ng Komolek … ayaw magbitaw ng salita noong tinanong siya tungkol sa mga party list lalo na tungkol diyan kay Mi-pu-key at Re-yes-man. Mukhang takot na takot.

    Kung tignan niyo na lang kung anong mga pinaggagagawa ng mga namputsang mga Komolek Komisyoner … pina-panalo lahat ang mga kampi sa kasalukuyang pekeng Glorya. At etong huli naman sa taguig … pinalusot etong anak ni Reyes. Ano ba yan … kawawa talaga ang ating Bansa.

    Kung sana ang mga Military at mga Huwes ay ginagawa lamang ang tunay nilang tungkulin sana hindi natin nararanasan ang mga kagagaguhan ng mga taong ito lalo na yang mga Arroyo.

  6. Dapat nang matigil ang ganyang KALAKARAN sa kongreso. Kung hindi miyembro ng marginalized sector ay hindi dapat maging kinatawan nito. Kelan pa naging magbabalut si Malou Arroyo? O naging traysikel driver si Mikey? Pwede pa siguro kung abugado (on record) sila ng kooperatiba o isang unyon ng mga sektor na ito. Kahit paano, ang abugadong may ganitong koneksiyon ay naka-hands on sa mga nangyayari sa isang organisasyon.

    Kundi naman ay binababoy lang nila at pinaiikutan ang batas at siguradong hindi yan papayagan ng Supreme Court kung may magku-kuwestiyon diyan.

  7. Si Angelo Reyes hindi nararapat sa 1-UTAK partylist. Doon siya bagay sa NO-UTAK!

  8. srcitizen2000 srcitizen2000

    isang malaking pagkukulang sa batas na nagbigay buhay sa party list system ay hindi nilimita o dinefine kung ano at sino ang marginalized group. isa pa hindi dapat ibinoboto at large ang representative ng marginalized group. dapat i-limit lang ito sa kanikanilang grupo. gaya halimbawa ang mga mahihirap lamang ang dapat maghalal ng kanilang katawan. kung si mikey o si reyes ang kanilang hinalal kasalanan na nila yon

  9. martina martina

    Last na naging topic dito si Mikey ay tungkol sa bahay niya sa California na hindi idiniklara sa kanyang SAL. May nagrally pa yata nuon duon sa Merika, ano ba nangyari duon. Kung wala, eh di wala ding mangyayari dito sa party list kuno niya na ayaw at ewan ni Juan. Kay Mikey, lahat ay pwede, oh di bah?(ala Willie R tone)

  10. Rudolfo Rudolfo

    Bakit di pa nila sabihin sa COMELEC na palitan na ang pangalang Pilipins….ARROYO REPUBLIC na lang…yaan naman
    ang gusto nila…isalpak na lang sa utak-bunga-nga nila ang kanilang kahibangan sa TRONO !!! Wala na ba silang Diyos kundi
    ang Salapi, at kapangyarihang Arroyo…Luzon-Visaya-Mindanao..
    sana naman itong mga tao sa Comelec at mga botante, magising na….kailan pa ??? maybe an earthquake of 9.9, susunod sa HAITI, at Chili…..

  11. chi chi

    Wala bang requirement na 90 days as actual performing sekyu o truck driver si Mikey before running as representathief of his Arroyo Garapal Party (AGP)?

  12. rose rose

    Ano ang anak ng bitch at baboy? ano pa di horse named mickey mouse..aso + baboy = horse natinatawag nating mickey mouse…isang daga

  13. vic vic

    I think this party-list proportionate representation been abused and brought to disrepute by many despicable politicians and one of the newest member is Mickey the Son of the President. And since it has lost its purpose (whatever it was) about time to abolish the Party-List representation.

  14. ocayvalle ocayvalle

    ang galing naman, ang party list pala ay kumakatawan sa mag sector sa lipunan ng pilipinas..magtayo na rin kaya tayo ng isang party list.. ACPP partylist.. association of corrupt pilipino politicians.. representing the marginalized group in the society.. manalo kaya ng landslide eto..??
    wow..!!! only in the philippines..

  15. rose rose

    …transport driver? of course he is..siya ang driver ng nanay at tatay niya sa pag transport ng pera na ninakaw nila.
    …security guard? siempre naman siya ang nagbabantay ng mga ninakaw nila..
    …qualified na qualified siya not only to be a member but the founder, CEO of the party list..as well as the CFO..

  16. Phil Cruz Phil Cruz

    What really riles me is how the Arroyos and her bunch have committed and continue to commit such acts with IMPUNITY. Slapping us around like this and snickering while doing it. As if they own the country.

    Yes, the above incidents are a continuance of slapping us around with GLEEFUL IMPUNITY.

    But what goes up must come down. I look forward to that day.

  17. pranning pranning

    02 March 2010

    I will not be surprised if COMELEC will approve mikey’s nomination. If you notice most of those nominated to represent the “marginalized” group in the lower house belongs to the same rich and elitist families.

    COMELEC should really study the nominees if they do belong to the marginalized group, or else scrap the party-list representation in the lower house.

    prans

  18. MPRivera MPRivera

    While our politicians, the well-to-do families/members of political dynasties think of ways of perpetuating themselves in power unmindful or setting aside concern about our starving poor, people not of our descent are leaving little comfort behind in their own country/ies and involve themselves in helping if not alleviating the living conditions of our deprived countrymen.

    Swiss cop quits job to help kids in Philippines

    http://www.abs-cbnnews.com/pinoy-migration/03/02/10/swiss-cop-quits-job-help-kids-philippines

  19. jawo jawo

    Ano kaya ang national karma ng Pinas at pinahihirapan tayo ng husto ng pamilyang walanghiya Macapagal-Tuason-Pidal-Arroyo?! Gggggrrrrrrr!!!———–chi – March 2, 2010 12:53 am

    #####################

    Total in-action of the Pinoy as a whole is the main reason. Like we always say, “evil triumphs because good men do nothing about it”. The ruling cabal is stronger than ever, the opposition are in total shambles, the judiciary, DoJ and the Ombudsman are CLONES of the executive, the military and police play partisan politics, the true makabayan few are gagged or are declared LOSERS after a COMELEC vote recount. Why, even the church vouches for gloria for a few peso dole outs. Kung baga, the people cannot rely on anybody anymore. They are left on their own.

    The only solution is the inevitable. The question is, however, “is Juan and Juana fuming mad enough for such actions ? If they are, how far are they willing to go ?

    And if, on the other hand, the thought never crossed their minds in spite of everything, then let gloria reign for all eternity. The people get the government they deserve.

  20. Rudolfo Rudolfo

    Nasilip yata at nanghinayang sa ” PORK-Baboy-Barrel,na pundo, “…Milyones yata iyan, pambili ng mansiones sa california,Las Vegas…mukha kasing mga Pork at rabbit
    na sila sa pag-kagahaman sa salapi, at kapangyarihan..
    Pilipinas, saan ba patutungo ang gobyerno ???..maganda ang sinabi ng bagong tapos sa PMA, sana tutuhanan na nila iyon..
    ” ipagtangol ang masang Pilipino, at Saligang Batas “..kaya
    lang tricycle driver yata yong tatay,..baka dito nata-uhan si mikey mouse para tumakbo ng party-lista…kinatawan ang trabaho ng ama, at iba pang nag-mamaniho ng sasakyan…sayang na bansa !!!

  21. martina martina

    Just delete it then

  22. MPRivera MPRivera

    Bago sumapit ang June 30, bangkaroteng pulubi na ang Pilipinas pag baba ni gloria sa parang mala-kanyang palace:

    Gov’t assets paspasang sinusubasta

    http://www.abante.com.ph/issue/march0210/news04.htm

    Mga kagulanggulang na mambabatas, sa senado at tonggreso, ano ang ginagawa ninyo? Ubos na ang mga assets at patrimonies ng Pilipinas, natutulog lang kayo sa pansitan? Pinapabayaan ninyong gawin kayong tanga ng putang inang si gloria?

    Magkano ba ang hatian ninyo?

    Mga inutil! Hindi pala ninyo kayang pangalagaan ang kapakanan ng bayan. Nariyan ba kayo, ibinoto ng taong bayan para ano? Para magpapogi la’ang? Tumanggap ng pork barrel at magliwaliw kung saan at kailan ninyo gusto?

    Mahiya naman kayo! Wala kayong ginawa kundi magbangayan sa plenaryo.

  23. chi,
    Ang Garapal Party pala ang ibig sabihi ng AGP. Akala ko Anak ni Gloryang Putot.

  24. MPRivera MPRivera

    May nasagap akong balita na itong si IpigDye ay tatakbo din bilang kinatawan ng isang partylist na kasalukuyang binubuo ngayon sa may bandang La Loma. Kinakausap daw ‘ata ang mga may ari ng Mila’s, Lydia’s, Ping Ping’s at iba pang may ari ng litsunan gayundin ang mga piggery owners.

    Humihina daw ‘ata ang negosyo ng mga magbababoy at maglilitson dahil sa lumalalang FMD bunga ng El Nino.

    Ang itatayo daw ‘atang grupo ay APOG BA na ang ibig sabihin ay Alliance of Piggery Owners and Growers.

  25. MPRivera MPRivera

    Ang bilis naman.

    ‘Yun daw ay MAAPOG na ang ibig sabihin ay Malayang Alyansa ng Piggery Owners and Growers.

    Hay, mabababoy lalo ang ating tonggreso kapag nagkatotoo.

  26. chi chi

    side topic..

    Gordon says Villar tried to buy him out of race
    abs-cbnNEWS.com as of 03/02/2010
    __

    Kung ganyan na lahat pati bata in disguise of compassion (hahaha!) ay binibili ni Villarroyo, lahat din, ultimo Pinas, ay kanyang ibebenta para makabawi.

    Wow, tone-tonelada ang money ni Villarroyo! There’s no way he’d let this election taken away from him, by hook or by crook ay mapapasakanya ang trono ni Gloria!

    Don’t worry Mikey, parang hindi ka rin umalis sa Palasyo.

  27. bayong bayong

    Tedanz – Kung sana ang mga Military at mga Huwes ay ginagawa lamang ang tunay nilang tungkulin sana hindi natin nararanasan ang mga kagagaguhan ng mga taong ito lalo na yang mga Arroyo.
    hindi lang militar at huwes dapat pati pulis. katulad ng lagi kong sinasabi ang mga batas sa atin ang pumipigil para lumabas ang tama at dapat, puro blind followers ang ating sundalo, pulis at huwes.

  28. gusa77 gusa77

    Ang buwaya at baboy pag-mate,ang lalabas ay isang “Buwaboy” kaya kahit ano na lang party list ay isusulong,parang buwaya laging bukas ang bunganga,at parang baboy kahit TAE ng tao kinakain.Kaya ang blood type ng ungas ay CS+{crocodile&swine}.Not surprising if mother run for lower post,so as the Anak do,pagkasuwapang ang mananaig sa DUGO ng “BUWABOY”.

  29. chi chi

    Buwaboy si Mikey! Hahahaha!!!

Comments are closed.