Heto na naman si Kris Aquino

Tatlong linggong nakapahinga ang bayan kay Kris Aquino at heto na naman siya.

http://www.abs-cbnnews.com/video/entertainment/07/30/10/kris-aquino-arrives-vacation-tells-all#ooid=d0d3FsMTonP2nbNqnWZ8s7ImIYkZl6Gk

Pagdating niya galing sa Amerika, nagsalita siya sa naka-abang na media at siyempre nagbigay ng exclusive interview sa kanyang BFF na si Boy Abunda. Nagpaliwanag siya sa mga tsismis tungkol sa kanya.

Hindi raw totoong may affair siya sa mga batang artista na sina Gerald Anderson at Coco Martin.

Hindi rin daw totoo ang kay Sen. Chiz Escudero. Ito ang kuwento ni Kris:

Noong proclamation ni Noynoy bilang pangulo, habang paakyat sila sa entablado, nakita nila si Chiz.Sabi ni Noynoy daw sa kanya, “’O Kristina, si Senator Chiz.’ Nagpasalamat daw siya kay Escudero na tumulong kay Noynoy sa kampanya. Tapos, dinadagdagan niya:” Senator, sa 2016, puwede tayong magtambalan, at may slogan na tayo: Chiz si Krissy!’ Sagot daw ni Chiz: “Game ako diyan!”

Sabi ni Kris, baka ang nakarinig sa pag-uusap nila ni Chiz, na misinterpret.

Ito naman ang tungkol kay Makati Mayor JunJun Binay.

Sabi ni Kris hindi raw nanliligaw sa kanya ang bago lang naging balo na anak ni Vice President Jejomar Binay. (Namatay ang asaw ni Junjun na si Kennely Ann pagkatapos niyang manganak noong Agosto ng nakaraang taon.)

Ngunit sa lahat daw na mga lalaking na-link sa kanya, si Junjun ang may kontak sila ngayon. Matalik raw silang magkaibigan.

Ito ang madrama niyang salaysay: “”Nakilala ko siya when I was losing my mother. Nakilala niya ako when he was losing his wife. In the span of that one year, both our lives have changed so much.”

“He’s been good to me. A true friend. Kung tatanungin niyo ako, nasa kanya ang qualities that I admire in a man. He’s smart, he’s hardworking, he’s responsible, he has accomplishments of his own. Mapagmahal siya sa pamilya niya, mapagkakatiwalaan siya.”

Ito pa ang sabi niya:”Ang pinakaimportante, kapag si Josh at si Bimby well-adjusted na sa situation, and if Junjun were to say, ‘Kris, gusto mo ba mag-dinner?’, I’d say yes.

Why? Dahil alam ko na ‘di niya ako lolokohin.”

Alam daw nilang pareho na hindi ito ang tamang panahon.

Paano naman ang tsismis na buntis siya? Hindi raw totoo. Pitong buwan na raw na hindi siya nakipagtalik sa kanyang asawang si James Yap. Katunayan daw na hindi siya buntis, nagka menstruation daw sila kailan lang.

Nakakawindang ang pagka-prangka ni Kris ngunit hindi naman nakaka-shock. Ay kung pinaglandakan nga niya ang kanyang pagkakaroon ng STD na bigay daw ni Joey Marquez sa kanya.

Kahanga-hanga ang pagiging prangka,. Ngunit may limitasyon ang maa-aring sabihin mo sa publiko. Kapag sobra, malaswa na pakinggan.

Sa internet, binabastos na siya. Ngunit marami pa rin naman ang kumakampi sa kanya.

May nagsabi nga, “She needs help. Siya pala ang nangangailangan ng psychiatrist.”

July 31, 2010 9:03 pm  Tags: , ,   Posted in: Politics, Showbusiness

27 Responses

  1. visualinked - July 31, 2010 9:15 pm

    Kawawang babae! Buti na lang at hindi na siya pwedeng mabuntis kasi pagnagkataon ay maari natin siyang ipanglaban sa mrs united nations!

    Seriously, wala akong paki-alam kahit lahat ng lalaki ay kanyang papatulan basta bah bilang kapatid ng isang presidente ay may responsibilidad din siya at bilang isa sa mga nanghihikayat sa mga Pilipino na bumoto sa kanyang kapatid.

    Teka, akala ko ba ayaw ni PNoy na may wangwang, bakit andito na naman siya? Joke lang po

  2. BOB - July 31, 2010 11:09 pm

    Ayaw pa kasing manahimik muna…Heto na naman siya..Ang daldal…!..lalo akong di manunood ng bago nilang palabas dahil isinama pa nila sa programa nila isa pang saksakan ng Yabang ..Robin Padilla..! isa pang sobrang arte…magsama sila ..sana mabuntis siya nin Robin…MAHADERA !

  3. Becky - August 1, 2010 12:14 am

    Where is MTRCB? Kris interview with Boy Abunda is stuff for adults only. Why is it being shown on primetime accessible to prime time?

  4. balweg - August 1, 2010 1:35 am

    Forget Kristeta…ang dami nang problemang kinakaharap ng Pinas…sisingit at sisingit ang Taklesang yan?

    Pati personal na buhay may-asawa e gusto pa niyang ipangalandakan sa buong mundo na ANO? Ek-ek niya!

    Focus tayo kay PeNOY coz’ang kanyang PD1 ang siya nating bantayan…remember nýo pa ba mga Folks…ito ang ikinabagssak ng gobyernong Eraptian?

    Sana si PeNOY e di siya maging 2nd victims ng mga traydor at sinungaling sa ating lipunan.

    Isangtabi natin ang kaek-ekan ni Kristeta…focus tayo sa isang damakmak na problema ng Pinas like ang Bigas sa NFA nangabubulok e bakit binayaan itong magkaganito?

    Hay naku ang daming problema…nakakapundi ng kukote!

  5. rose - August 1, 2010 5:53 am

    Bal: you are absolutely right..sa damidami ng problema ng ating bayan bakit pa natin idagdag ang tsismis ng tungkol kay Kris? seguro ang dapat natin baguhin sa ating mga buhay ay bawasan ang tsismisan…let us leave her alone..that is her life…kung magdaldal siya ang sabi nga “pay her no mind”..hindi ba ang sabi “ako ang simula ng pagbabago”…let’s do it..para sa akin she can tell the whole world that she packs all the time (lagi naman siya nagbabiyahe)..lagi siya handa magbiyahe so let her pack all the time…

  6. parasabayan - August 1, 2010 7:42 am

    Ito ang mga balitang gusto ng pinoy. Kung kewuntong artista everyone participates. Sikat na si Kris noon pa. Ngayong brother na niya ang presidente, lalo na. Akala ko she promised that should she stay in the way of her brother’s presidency, mangingibang bansa siya. Why doesn’t she do it? Bigyan niya ng konting respeto and kapatid niya.

    Susunod na balita, nagkabalikan sila ni Robin Padilla…heh,heh,heh. Worse, love triangle pa dahil kasama si Mariel( did I spell it right?) who is the new love interest of Robin Padilla.

    Kung sana yung hilig ng mga tao sa artista eh pareho sa hilig nilang malaman ang araw araw na problema ng Pilipinas at kung paano lulutasin, mas maganda sana. Uunlad pa ang Pilipinas!

  7. florry - August 1, 2010 8:28 am

    A team-up of Chiz and Krissy on 2016? And with the blessings of Noynoy?

    Ang aga naman yata. Sabagay kasabihan “Ang maagap daig ang masipag”.

    Papaano na si Mar Roxas. It seems he is out of the picture on the Aquinos political plans?

  8. baycas2 - August 1, 2010 9:17 am

    Pitong buwan na raw na hindi siya nakipagtalik sa kanyang asawang si James Yap.

    Isa sa mga grounds for annulment sa Catholic Church:

    “Refusal or inability to consummate the marriage (inability or refusal to have sex)”

  9. saxnviolins - August 1, 2010 10:42 am

    “Refusal or inability to consummate the marriage (inability or refusal to have sex)”

    That refers to not having sex at all, kaya hindi ma-consummate ang kasal.

    May anak sila, so hindi na puwede yang ground na yan. Hindi naman immaculate conception yong panganganak. In fact, sa ibang Mister, inamin pa niyang nagkaroon siya ng sakit.

  10. baycas2 - August 1, 2010 11:35 am

    Sayang para kay Kris…pero according to a radio report may technicality daw sa marriage nila na “null and void in the first place” pala.

    Abangan…doon sa may gusto…kung pahihirapan ni James si Kris…

  11. gusa77 - August 1, 2010 12:28 pm

    Ang wang-wang ni Kris ay pa-alarma lamang sa gustong kumita kahit kaunti{di naman kurakot sa bayan iyon}media entertaiment lang iyan para mawala sa ating isipan ang paka-gutom kahit sa ilan saglit,bigyan ng pansin ang kinababaliwan ng sambayanan ang pagkain ng TENGA ang tsismis ng bayan.

  12. phil - August 1, 2010 4:16 pm

    Agree ako kila Bal and Rose; huwag na lang masyadong bigyang pansin ng media yang si Kris. Kasi naman, it is also media feeding their created frenzy for such news, para mabenta. Eh bakit si Tito Sotto tuloy pa rin ang pagkekenkoy sa TV kahit senador na. Si No. 1 kunong senador Bong tuloy pa rin ang mga shooting kasama ang kanyang agimat, ganun din si Jinggoy. O, bakit ang mga iyan di tinutuligsa tulad ni Kris? Di ba yung time nila habang nagshow-showbiz eh bayad din ng bayan? Di ba illegal yan?

  13. sychitpin - August 1, 2010 5:37 pm

    many famous persons were raised by single parent or by their mother alone, namely : Pres. Bill Clinton, Pres. Barack Obama, Confucious, Genghis Khan, Michael Phelps (Olympic Gold Medalist), Bill Cosby, Tom Cruise, Julia Robert, Lea Salonga, Angelina Jolie, Demi Moore, Pres Sergio Osmena, Manny Pacquiao, etc…..

    no need for Kris to hurry in getting a new husband, after wisely leaving her irresponsible and lying husband james yap…

  14. vic - August 1, 2010 8:02 pm

    what Kris needs are True friends…those that will be there to make her realize that there are better ways to express herself and that lifestyles can always be altered for the better…otherwise she needs professional help.

  15. rose - August 1, 2010 8:50 pm

    vic: true friends are hard to find..(particularly in the world we live today..mabuti pa nga sa probnsiya) that is why they are treasures. I am reminded of these lines from Metcalfe..”I choose my friends for what they are and what they mean to me…and not because some lucky stars have kept them company….I choose them not for fame nor wealth or favors they may do…but just because they are the same when skies are gray or blue..” mahirap nga makakita ng tunay na kaibigan si Kris..but then she has her family who loves her…that is more than enough..hindi ba ang sabi mo kapamilya?…ang masabi ko lang sa kanya Kris you have a lot to be thankful for, hayaan mo na nga tsismis ng mga walang magawa at ang mga tao na kumita sa mga tsismis nila..hindi ba ang kasabihan “ang dila ng tao ay siyang makasalanan?”..hindi ako magtataka kung sabihin ng Mom
    mo…”just pray for them..lift them up to the Lord..”

  16. luzviminda - August 1, 2010 9:16 pm

    Matagal ko nang sinasabi na ipa-konsulta na yang si Kris Aquino. May pagka-KSP na siya. She finds pleasure being talk about. Schizophrenic ba yun? Resulta ng exposure niya at a young age nuong ginamit siya ng Tatay niyang si Niyoy to get sympathy from the people. Ayan namihasang ang attention ay nasa kanya whether good or bad. Makakasama sa image & performance ni P-Nyoy. Please lang Ate Balsy at Biel ipakonsulta nyo na yang si Tetay!

  17. hazzelhope - August 2, 2010 9:32 am

    Siyang tunay Ms. Luzviminda. kailangang patignan si Tetay sa Psychiatrist. Hindi ako naniniwala na ayaw na niyang mag-host sa “The Buzz” & SNN. Sinabihan siya ng kanyang mga ate at kuya Pnoy na tigilan ang mag-host sa talk show dahil wala siyang preno kung magsalita. Dahil ang kanyang kuya Pnoy ay isa nang presidente tiyak na siya (Kriss) ay may masasabi na magiging kasiraan ni Pnoy. Sana mali ako. Huwag sanang ang maging isa sa downfall ni Pnoy ay si Kristeta.

  18. Ellen - August 2, 2010 9:47 am

    From Christie:

    I heard you are a credible writer but since this is your first article I came across with; I kind of
    think otherwise.

    There are hundreds of corrupt politicians all over the nation; culprits and killers who can do the worst
    thing possible to protect their ill-gotten wealth and power. Why Kris Aquino? I don’t know what is there
    to criticize about her latest interview. Why bring out her past? What is so horrible about it her honest confessions?

    Why this condemnation? Kris is one of the most popular figure in Philippine entertainment. As a public
    figure, not only her fans but the entire TV viewers are so eager to hear the truth from her own mouth.
    No one is forced to listen – you can always change the channel. Blame it on media or the networks for making her a hitmaker.

    I recall someone said: the most critical people are those who hide skeletons in their closets.

    If we are trying to act vigilantly of this new government – let us focus on the political arena.

    Christie
    San Francisco, California

  19. bayong - August 2, 2010 10:31 am

    sobra ang kapal ng mukha ni kris at walang isang salita. nung natalo ang isang bata sa abs cbn pinoy got talent ba yun ang sabi niya ikaw na lang ang magiging anak ko kasi nangako ako na hindi lalabas si baby james, natapos ang palabas hindi pinalitan si baby james. ngako si kris na hindi na lalabas sa tv dahil presidente na si pnoy eto siya na naman ang bida sa win na win. napakasinungaling.

  20. Becky - August 2, 2010 12:15 pm

    If we are trying to act vigilantly of this new government – let us focus on the political arena.- Christie

    And who are you to even try to set the agenda for everybody?

    As far as I know, this blog is for things relevant to daily living. Kris Aquino is not a model of virtue but she is a public figure and she is worth discussing.

    BTW, Kris is a political issue because she meddles in the governance of PNoy.

  21. juggernaut - August 2, 2010 2:11 pm

    I’m just glad Kris is back and in good health…and since the intrigues are cropping up again, back to normal.
    …I hope everybody reads up on all this excitement and trivia, it will sell more magazines, good for business…where would be be without people like her, too boring, all politics, we need a segway… :)

  22. ken - August 2, 2010 4:04 pm

    Btw, where did we got that premise that kris is a political figure? Though she’s the sister of our Pres. and since she talked about as a family member of P.Noy, is she now tantamount of politicking? We should rather go into issues of governance and not about family matters of a single Filipino individual. It shows to the fact that we Filipinos are fond of interfering in others lives though we should not. We should rather leave it to their own family matters & judgement. We should focus instead to the real issue of our country, our economy, our role in the government and governance and not to the issues of a certain marriage couple.

    Had we questions the lives of GMA in-laws or families that are not in gov’t service? Had we questions the families of other politicians that are or were not in Political arenas? Had we questions the families of Cong. Pacquiao or any individual persons that are not in politics sans if they had committed crime? Enough na mga kababayan. We should rather pro-active in the issues and not dis-tractive.

  23. juggernaut - August 3, 2010 4:18 am

    Enough na mga kababayan. We should rather pro-active in the issues and not dis-tractive.
    ————————-

    Spot on!

    It would be more interesting though if someone were to journalistically investigate the GOCCs…and worthwhile…

  24. rose - August 3, 2010 5:17 am

    were they married in the Catholic Church?…I don’t think so…kung kasal sila sa simbahan then she has to get an annulment..pero kung hindi…walang annulment na maibigay ang simbahan…the Catholic church has nothing to do with annulment…kaya lang being a catholic (and I suppose a practicing one) and they live together..excommunicated siya at hindi dapat ibigyan ng communion…(she cannot receive the Holy Eucharist) kaya mga padirs ano ang alam ninyo? ano ang say ninyo..is this not a sin of scandal? Bishop Soc..ano ang say mo? will you sock it to her?

  25. Becky - August 3, 2010 9:06 am

    I have already said my piece on Kris Aquino. That’s all. Move on to other issues. Until her next pakulo.

Comments are closed for this entry.