Skip to content

Weder-weder lang

Hindi sang-ayon ang grupo ng mga scientists,Agham (Advocates of Science and Technology for the People) sa pagsibak kay Dr. Prisco Nilo, director ng Pag-asa.

Sabi ng Agham dapat ay ipinaliwanag kay Pangulong Aquino na tingnan ang kaso ng pagkamali ng weather forecast sa bagyong “Basyang” sa dalawang punto.

Dapat, maintindihan kung ano ang bagyo. Iyon ay lakas ng kalikasan. Nagbibigay ang Pagasa ng kanilang assessment sa pagkilos ng bagyo tuwing anim na oras. Ang pagiging eksakto ng pagbasa ng bagyo ay depende sa kakayahan ng instrument na gamit.

“ To require more from PAGASA, the president should have asked what equipment and human resources is needed instead of putting blame on its department head,” sabi ng Agham.

Itong Agham na pinamumunuan ni Dr. Giovanni Tapang ay iba kaysa yung partylist na Agham na hindi raw kilala sa science community.

May mga sang-ayon sa ginawa ni Aquino kay Dr. Nilo, meron din hindi.

Sabi ni Alma Macahia na hindi tama ang sabi na hindi sinabi ng Pagasa na tatamaan ang Metro Manila.

Sabi ni Alma: “Actually it was in the late evening news 11:30 PM that Pagasa made the announcement that typhoon Basyang will hit Metro Manila. I wondered why P Noy did not hear such- was he sleeping already or doing something else instead of monitoring with Pagasa? P- NOY could have called up Pagasa to inquire if Metro Manila will be hit by Basyang but he didn’t. P Noy like the NDCC also waited for the announcement from Pagasa and did not take any initiative to call up Pagasa for updates.”

Sabi ni Alma, naghahanap lang ng rason si P-Noy na maglagay ng sarili niyang tauhan sa Pagasa.

Sabi ni Ariel Alde: “Hindi po tama ang ginawa ni Pnoy na pag tanggal kay ginoong Prisco Nilo bilang pinuno ng Pagasa.

“Una, hindi pwedeng isisi lang kay ginoong Nilo ang mga pag kakamali ng ahensya dahil alam naman ng buong bansa na likas ng luma ang kagamitan ng Pagasa kaya kung may dapat sisihin sa mga pagkakamali ay ang DOST na dapat ay umaagapay sa pangangailangan ng Pagasa.

“Ang dapat sanang gawin ni P-noy ang tulungan nya ang Pagasa na ma upgrade ang mga kagamitan nila sa weather forecasting hindi yong mag aalis sya ng tao na may tamang karanasan sa kanyang trabaho.”

Sabi ni Oblak: “Kung ako nga si Noynoy, lahat dyan sa Pagasa ay papalayasin ko dahil sa napakalaking pagkukulang nila noong September 26, 2009. Wala silang warning na may malakas na ulan pero lumubog ang Metro Manila at Rizal. Hindi sa pagyayabang, kung ako siguro ilagay dyan mas magsisipag akong tingnan lahat ng mga weather/typhoon forecasting agencies ng Japan, US at iba pang bansa at hindi aasa sa Pagasa MTSAT.”

Published inBenigno Aquino IIIScience

47 Comments

  1. luzviminda luzviminda

    “Sabi ni Alma, naghahanap lang ng rason si P-Noy na maglagay ng sarili niyang tauhan sa Pagasa.”

    Yan din ang sapantaha ko. Dahil nga narinig ko yung upgrade ng ‘communications’ sa mungkahi ng bagong uupong liderato, eh na-alala ko tuloy yung NBN-ZTE Deal na naunsyami!

  2. luzviminda luzviminda

    “Sabi ni Alma: “Actually it was in the late evening news 11:30 PM that Pagasa made the announcement that typhoon Basyang will hit Metro Manila. I wondered why P Noy did not hear such- was he sleeping already or doing something else instead of monitoring with Pagasa”

    Baka nagre-relax na at nakatutok si P-Nyoy sa kanyang hobby, sa pakikinig sa kanyang AUDIOPHILE!

  3. patria adorada patria adorada

    audiophile???jejejejeje
    bakit pa hihintayin ang news.e flash kaagad sa tv at walang bayad dahil emergency ito.
    .

  4. luzviminda luzviminda

    Nuong may conference kami sa Europe, particularly in Switzerland na napakabilis magbago ng weather situation, nakita ko ang kakayahan ng kanilang mga equipments magbigay ng 4-5Days Forecast na may 80-90% accuracy. Bukod pa sa makikita ang satellite forecast ng movement o trends. Pero syempre ang broadcast nila sa TV ay every hour para ma-update ang pagbabago ng takbo ng weather situation. At dahil dependable ang kanilang mga equipments ay naka-post din sa internet ang kanilang weather update para anytime ay pwedeng makita ninuman. You can try this link to see:(In German language):

    http://meteo.sf.tv/sfmeteo/prognosen_ch.php?q=player_aussichten

  5. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Ano ba ang nangyari doon sa Doppler Radar na dapat nakuha na ng PAGASA noon pa pero nawala ang funding? Meron na ba sila ngayon?
    Ang Pilipnas ay parating tinatamaan ng bagyo. Meron na tayong data sa bagyo noong panahon pa ng mga kastila. Siguro naman magagamit yun para ma kalcula kung paano tatakbo ang bagyo.

  6. luzviminda luzviminda

    At hindi lang dapat equipments for typhoon/rain ang dapat i-upgrade kundi pati na rin yung sa mga earthquake and volcano eruptions. Ang bansa natin ay nasa critical geographic locations sa ganitong mga disturbances. Sana naman ay walang nagbabantang pangko-corrupt ang PAGASA upgrade issue na ito.

  7. balweg balweg

    RE: At hindi lang dapat equipments for typhoon/rain ang dapat i-upgrade kundi pati na rin yung sa mga…~Luzviminda

    Oppsss…cut ko ang sentence mo Igan Luzvi kasi gusto kong dugtungan ng ganito…dapat i-upgrage kundi pati na rin yung sa mga UTAK-PULBURA nating mga lingkod-bulsa?

    Saan ka ba naman lulugar nito e kapag ang bagyo ay nakapinsala sa pamumuhay ng Kapinuyan…heto ang daming kesyo at palusot.

    Talos ng lahat na ang Pinas e takaw-bagyuhin…ngayon, bakit laging nagsisihan na kesyo obsolete o wala talagang matinong gamit ang PAG-ASA?

    Trilyones ang budget ng Pinas sa isang taon…ang laging bukang-bibig ng mga Pulitikong-Pulpol at taong-gubyerno kailangan daw mangutan, magbenta ng ari-arian ng gobyerno o maningil ng buwis para may panggastos daw sa inspraktura?

    Lumang tugtugin na yan…kita natin ang nangyari sa NAIA at ngayon naman sa PAG-ASA, mga obsolete equipment na dapat e ibenta na sa junkshop at palitan ng latest model e ka nga advance in state-of-the-art parameters nito.

    Heto…walang katapusang sisihan, susmaryosep talaga…mga utak-pulbura, utak-lamok at utak-talangka…puro pahirap sa bayan.

  8. rose rose

    mas matanda pa ata ang mga equipment na ito kay Noynoy..why blame him for things that were bought before he was born? and besides kung hindi na upgrade ang mga equipment na ito noong panahon ni Arroyo dahil sa walang pera..ngayon ba mayroong pera for Noynoy to be able to purchase the equipment?.. saan siya kukuha ng pera? mag palimos kay Uncle Sam or sa mga ninuno niyang mga intsik?

  9. Dahil sa sunod-sunod na stormy weather at maling tantya at ulat panahon, sinibak ang pinuno ng weather forecasting o PAGASA.

    Ang plano ng bagong hepe ay ibalik ang pagpapangalan ng bagyo sa kababaihan. Kung ganun, dapat ding baguhin na ang pangalan ng agensiya dahil nagdudulot lang ito ng kawalang pagasa. Mas tumpak pang gawin itong WEDER-WEDER LANG.

  10. Before considering putting in new equipment, the old Pagasa organization should be overhauled, it seems its developed a culture of incompetence and whats worst, resistance to leadership, incompetents na nga insubordinates pa! Palitan na lahat!

  11. Kung gusto nila, palitan nila ng mga mas bata pa at mas enthusiastic magtrabaho, people with something to prove and not make do with “old dogs.”

  12. Hindi naman ako naniniwala na ang pagsibak kay Prisco Cruz bilang PAGASA Director ay para lang may mailagay na tao si PNoy. Gasino na lang ang sahod ng Bureau Director na isang career position at hindi pwedeng kung sino na lang. Wala ring delihensiya rito sa Weder Bureau maliban siguro kung may bagyo, emergency purchase ng kandila sa opisina kapag nag brownout. May ipinakikita siguro si PNoy na character niya na kapag gusto nyang magtanggal ng tao, gagawin niya. Tamo at dedma lang sa mga pagpuna sa kaso ni Director Nilo.

    Sa pagkaalam ko, tahimik na tao lang si Nilo. Malamang, iniisip niya ngayon na mag-resign na siyang tuluyan at tanggapin na ang alok sa kanya na magtrabaho sa abroad. Sa kanyang qualification, susmaryosep, baka naguunahan pa ng pagkuha ng kanyang serbisyo.

  13. Ang inaasahan ngayon, bilang kasunod ng pagsibak kay Director Prisco Nilo, ay kung gagawin din ni PNoy na hatawin ng sibak ang mga GOCCs officials dahilan sa kanilang naglalakihang sahod at allowances. Kumpara sa sahod ni Director Nilo na patuka lang sa sisiw (about P400K annually before tax and deductions), nakakalula naman ang P26 milyon na may kasama pang sandamakmak na perks. Malamang na ni hindi nakaranas ng hagput ni Ondoy ang mga ito, pero puro milyones ang bienes. Ka-swerteng mga nilalang na nagtatamasa at nabubundat sa kabusugan mula sa pera ng bayan sa kabila ng kalunos-lunos na kalagayan ng marami.

  14. Weder-weder lang talaga. Nakakatuwa itong si Rep. Neptali Gonzales sa pagsasabing he’s in a wrong profession bilang pagpuna sa mga naglalakihang sahod ng mga government offices/controlled corporations (GOCCs) government financial institutions (GFIs) na diumano ay corrupt pracatices ng past administration. Kung hindi pa natin alam, he was very much with GMA at nitong elections 2010 na lang biglang lumipat.

    Ang buhay talaga, parang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.

  15. nung sinabi ng pagasa na dadaan sa manila ang basyang, ang totoo ay nasa manila na ang bagyo noon. walang warning na binigay o signal no. 2 na itinaas bago ito mangyari. at hindi lang sa basyang o inagurasyon sila pumalpak. mas maraming beses pa. gusto pa ba ng mga nagrereklamo sa pakakasibak ng mas maraming palpak pa prediskyon? natutuwa ba sila sa mga kapalpakan ng pagasa? masokista ba sila?

  16. bayonic bayonic

    #14 …. now we know that at least 1 congressman has chosen to be there to earn lots of money. they were all telling us all along that they chose to be law-makers to serve the Filipino people .

  17. From Rigor Bataican:

    Sa totoo lang kasalukuyan nasa Pilipinas kami for one month holiday at napakinggan ko lahat sa radio ang sinasabi ng Pagasa na hindi tatamaan ang Metro Manila kaya kami hindi nakapaghanda kahit kandila man lang dahil umaasa din kami bawat oras sa balita ng Pagasa.

    Pag palagay na natin na may kalumaan ang kagamitan ng pag-asa at hindi na accurate ang pag monitor tungkol sa kalamidad na dumarating sa ating Bansa.

    Ang tanong ko lang bakit simula’t sapul na siya ang tumatayong pinuno ng pag-asa ay patuloy niya itong ginagamit kung ito’y sa kanyang palagay ay hindi na tama ang binibigay tungkol sa ulat ng panahon.

    Kailangan pa ba nating hintayin ang isa pang pagkakamali bago kumilos ang ating Presidente?

    Sa aking pananaw wala akong nakikitang mali sa action ng ating Presidente dahil kasama ito sa kanyang pangako sa taong bayan na bigyan ng magandang kinabukasan ang lahat ng mamayan.

    Kaya kung hindi kikilos agad ang Pangulo natin paano na ang umaasa sa kanya.

  18. Galing kay Florencio Pacis:

    Tila unti-unting lumalabas ang kanyang inexperience. Tingnan mo na lang ang nilagay niyang mamuno ng Truth Commission. Di ba numero unong tuta ni Gloria? Tatahulan lang ang dating amo. And that will be the end of it. Another Moro Moro in the making. A zarzuela at best.

  19. Galing kay Rey Lopez:

    Amen, Ellen, amen. P-noy which is fast becoming penoy in some of his palpak decisions.. He wanted the heat off him by offering the poor guy Prisco Nilo as a sacrificial lamb.

  20. luzviminda luzviminda

    Joeseg,

    Sa liit nga ng sweldo dyan sa PAGASA kapalit ng 10-24 hours na trabaho ay di biro. Kundi nga lag sa matitiyaga at mga patriotic nating workers dyan sa departamentong yan ay malamang na mawalan ng tauhan yan. Tulad nga ng sapantaha ko nung narinig ko yung suggestion ng bagong uupong head na i-upgrade daw yung ‘COMMUNICATIONS’, eh nagduda ako na baka bagong NBN-ZTE ang gustong ipasok ng bagong tatao ni P-Nyoy. bakit yung communicatons ang ia-upgrade eh yung mga weather equipments ang dapat i-modernize.

  21. A leader is there to make the tough decisions, right or wrong, he must make those damn decisions, he doesn’t have to be popular all the time…
    Those who support him will do so no matter what, its the “losers” with the loser mentalities that keep complaining…even now these “losers” are still complaining – and they have been doing this for a long time already…kaya nga “losers.”

  22. Kay mga “losers” with loser mentalities – wake up! magbago na kayo! 🙂

  23. henry90 henry90

    Mam Ellen:

    Whatever happened doon sa pondo na nirelease na sa kanila noong aftermath pa ng Bagyong Frank na nagpalubog sa Princess of the Pacific? I still recall nanggagalaiti pa si Cong Edcel Lagman sa kagigisa sa PAGASA noon kung bakit di p[a raw nabibili ang Doppler radars na kailangan nila. Sagot ng PSAGASA noon binibiddina pa ata. # years na nakalipas. Di pa rin ba tapos ang bidding? Si Lagman ay may invested interest doon sa isang kompanya na gustong magbid kaya binubully nya si Nilo.

    Mabait kung mabait at magaling kung sa magaling yang si Nilo. Pero walang leadership qualities. Malamya. Kaya hanggang ngayon di pa rin makausad nag PAGASA. Parang may problema sa inter-department na pakikisalamuha. Matagal ko nang kilala yan. Palagi kong kasabay sa mga conferences yan. Kulang sa drive lang siguro. Naghihintay lang palagi na maambunan. Di puede ang ganoon sa gobyerno na di sapat ang budget. Kelangan madiskarte ka. Otherwise, gutom ang ahensiya mo. That’s the sad reality. Lahat ng agencies nag aagawan yan sa kakapiranggot na buto. Parang AFP din yan. May modernization fund kuno pero nasaan ang funds? Di malaman ni Tabako, Erap at Pandak. Meanwhile, pag may pumalpak, relieve lang namumuno, as in the case of Nilo. Taragis! Dapat ipahiya yung mga tongressman at senadore na yan at tapyasan yung pork barrel nila at ibigay sa PAGASA. O di tapos ang problema!

  24. henry90 henry90

    3 years. . . vested interest

  25. Galing kay Eric Salazar:

    Ano ba talaga? Lhat yata gusto nyo na lang punahin e, bigyan nyo naman ng pagkakataon yung bagong pangulo na gumawa ng sa palagay nya e tama. Sinibak na nga dahil palpak eh ngayon sabi mo pa dahan dahan muna. Luma pala mga gamit e di mag request ng bago. Walang pera? Sus maraming pera dyan sa pork barrel lang kuha na yun.

    Hayaan lang muna si President no, hwag naman puro kayo batikos, minsan nakakasuya na rin kayo e, sana sama sama muna hindi yung puro ka puna. Hindi na nga umunlad ang Pilipinas dahil sobrang maraming nagmamarunong.

  26. Langya, ang daming nagrereklamo, magkabilang panig.

    Yung sa isa, kulang sa suporta, bakit daw sinibak. Yung sa kabila, matagal nang palpak dapat lang sibakin at di dapat ipagtanggol si Prisco.

    Ang tsampyon sa lahat ng komento yung nagsabing hindi siya nakapaghanda dahil palpak ang Pagasa.

    Susme, esep-esep. Palpak pala e bakit inaasahan mo nang tamang forecast? Hahaha.

    Hindi ko talaga malilimutan si Rod Navarro at ang kanyang classic na linya: “Alam mo nang kalamansi, bakit mo hinahanapan ng tamis?”

  27. May kapalit na si Dir. Prisco Nilo.

    Ang tanong:

    Wala na kayang palpak na weather forecast?
    Sisibakin din ba pag nagkamali?

    Abangan.

  28. From Florentino Tesoro, former OIC of PAGASA via Googlegroups.com

    In the interview of Sec Montejo by Mr. Anthony Taverna and Mr. de Leon Lima Sec Montenjo mentioned that there will be drastic changes at PAGASA in one month and dramatic changes in 6 months. He mentioned that one of these changes will be the automation of weather data gathering and transmittal to the central office. The automatic data gathering and transmittal is done with the use of instruments called Automated Weather Stations (AWS).

    Well, there are already 15 AWS installed and operational at PAGASA field stations and some more are being acquired, which means that this something new and dramatic that will happen in one month is already happening even before the start of the new administration.

  29. Interview between DOST Sec. Mario Montejo and Anthony Taberna over DZMM simulcast over DZMM TV:

    Taberna: Did he perform below par?
    Montejo: As administrator?
    Taberna: As administrator.
    Montejo: Yes.
    Taberna: Bakit ninyo po nasabi?
    Montejo: u…ah…for our future requirements as administrator.

    Montejo was caught lying because the CESB (Career Executive Service Board) gave him a grade of “Outstanding” for scores of 6.25 and 6.4 for 2008 and 2009. Who rates bureau chiefs like Nilo? It’s his superiors at DOST, who else? That’s the reason for the qualifying statement “…for our future requirements as administrator…” which sounds like a lot of bull to me.

    Unless Montejo is a gifted fortune-teller, he has no way of rating Nilo for his “future” performance. He has however admitted to have advised Noynoy to sack Nilo.

    Guess what I just realized, Ellen.

    Montejo’s oft-trumpeted (and perhaps the only?) accomplishment, the design of the now defunct Water Fun which had been closed for years, is what apparently earned him the nod of Noynoy. Noynoy himself said this. Cheap job, I must say. There is nothing there in Water Fun (the moving dinosaurs, the dancing waters, etc) that I could not design myself. Basic automation, does that qualify me to become DOST Secretary?

    That’s not the point, though. Water Fun is owned and built by…dyaran! Yeah, you’re right. New San Jose Builders, which also owns the cheapie condominium and townhouse complex adjacent to Water Fun at the Sucat interchange in Cupang, Muntinlupa.

    As in your blog post “Lucille Ortile and the Acuzar connection”, Gerry Acuzar, who happens to own New San Jose Builders, and Water Fun is a brother-in-law of Exec. Sec. Ochoa and a big campaign contributor to Noynoy. He appears very influential these days, isn’t he?

    Now I also see the Acuzar connection and it even extends to PAGASA.

    Kung hindi ninyo masundan, pahihiram ko yung ruler ko to connect the dots.

  30. I think the guy was just reassigned not actually “sibak” because if he was, he should be out of a job already and staying at home na lang.
    Its the leader’s prerogative to “reorganize” if he sees the department’s effectivity will improve by doing so…
    …tweak, continous improvement, etc, whatever we call it – its being proactive and not wait for actual problems to occur before acting (or being reactive)…
    …a guy named Steven Covey doesn’t believe in the saying “if it ain’t broke, don’t fix it” so far we’re seen Pnoy’s approach with first things first, diagnose before you prescribe, now we’re looking at more proactive measures…its a management thing…

  31. Rudolfo Rudolfo

    Sa napupuna kung mga kumentaryo ( pros vs.Cons ), parang “weder-weder” din ang mga sina-sabi ( may pabor vs. may di pabor o di panig…). Dapat pag-bigyan at igalang muna ang P-Noy desisyon, dahil “hot-na-hot” siya sa pag-babago sa bansa. Yong mga nag-tatangol ki Nilo, tinangal na Head ng PAGASA, natural sasabihin nila ang kakayahan, ngunit, palpak naman pala, dahil ” MALAMYA ” daw, kulang ng “leadership value. Ang ginawa ni P-NOY ay, tunay na “pag-papakalalaki at, “strong leadership trait “…Kung sino man, sa mga Kontra sa pag-tangal ni P-Noy, sana, kayo na lang ang mag-apply ng trabaho sa ” PAGASA “, baka, kayo o sila ang pag-asa sa “weder-weder lang na ito, na perwesyo sa bansa, taon-taon…kaya ang gulo sa pamahalaan ng Pilipinas, marami ang gustong maging pangulo, at magdisisyon ng kung ano-ano…” a good follower is a good leader “..masunuring anak, at mapag-mahal sa pamilya,di arogante, and honest, iyang si P_NOY, kaya magiging mahusay na leader iyan, sa aking palagay. Antayin natin ang 100-days
    honeymoon niya bilang Pangulo ng bansa ( 30-days++ pa lamang niya, marami ng pag-huhusga sa kanya. Pre-judging is
    not good, mostly, it is a mistakes, based from the Bible teaching, and the past experience. Lets be fair ). A food for thought…

  32. Hindi mo nga nasakyan, Rudolfo, masikip ba pantalon mo?

    -“Outstanding” ang administrative rating ng CESB kay Nilo. Dalawang taon pang magkasunod. Ano pang hahanapin mo’ng leadership value?

    -Si Nilo ay inirekomendang tanggalin ni Montejo, bata ni Acuzar. Si Nilo ay malayo sa kategoryang scientist. (Siya raw ang nagimbento ng mga slides at mechanical waves. Hahaha. Idedemanda siya ng Siemens niyan.) Sinunod lang ni Noynoy ang rekomendasyon.

    -Si Acuzar ay bayaw ni Ochoa, na may nakatali pala sa perang donasyon sa kampanya ni Noynoy.

    -Si Acuzar din ang nagdala kay Ortile sa Malkanyang, ayon sa susunod na blogpost.

    Spoon-feeding na yan.

    Pre-judging is not good, mostly, it is a mistakes, based from the Bible teaching, and the past experience. Lets be fair ). A food for thought…

    E kung gayon e mali si Montejo sa rekomendasyon niya, dahil hinuhusgahan niya si Nilo sa balak pa lang na gagawin.

  33. Don’t be surprised later on to see the name of House Speaker Sonny Belmonte connected to the Gerry Acuzar.

    Ochoa as we all know was chief of staff of Belmonte.

  34. Statement of Courage:

    The militant group COURAGE, the national center of government employees, expressed alarm over the unceremonius sacking of Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Adminsitrator Prisco Nilo.

    In a statement, COURAGE National President Ferdinand Gaite said the Aquino administration’s move to relieve Nilo of his post is an obvious diplay of a double standard. “For in one hand, we have the case of an administrator being relieved for the wrong reason, and on the other hand, the President and General Manager of GSIS is being retained despite persistent demand for his removal for corruption, fund mismanagement and abuse of authority”.

    Gaite added the move is not only unfair but is also setting a bad precedent. “Nilo rose from the ranks of the employees of PAGASA. Despite receiving a measly salary and managing an agency lacking much-needed resources, equipments and manpower, Nilo chose to stay at PAGASA when most of his fellow weathermen and scientists were seeking for better pay abroad to support their families. And this is what Nilo gets in return for choosing to serve the public”.

    “How can the government stem the tide of brain drain with this action? Apparently, there are only 16 weather forecasters left at the agency. PAGASA employees are surely demoralized and worried that if the President can do this to their head of agency, what protection can they expect for the lowly employees”. The leader stressed the government should have instead increased the budget of the agency, procure the needed equipments and technology, and increased the salaries of the employees to address the supposed repeated errors in the storm predictions.

    “If there’s anybody who should get the ax, it’s GSIS PGM Winston Garcia. But what’s taking this government, who promise change and a continuing campaign against corruption, so long to replace the likes of Garcia perflexes us”.

  35. norpil norpil

    ayon kay montejo na nabasa ko sa dyaryo ang dahilan daw ng sapilitang pag papalipat kay nilo ay ang hinihingi nitong budget na 1.8 billion dahil ang kaya lang daw ng gobyerno ngayon ay 600 milyon.

  36. perl perl

    In the interview of Sec Montejo by Mr. Anthony Taverna and Mr. de Leon Lima Sec Montenjo mentioned that there will be drastic changes at PAGASA in one month and dramatic changes in 6 months. He mentioned that one of these changes will be the automation of weather data gathering and transmittal to the central office. The automatic data gathering and transmittal is done with the use of instruments called Automated Weather Stations (AWS).
    Dito natin malalaman kung tama o mali ang decision ni PNoy sa pagsibak kay Nilo.

  37. luzviminda luzviminda

    On #28 c/o TongueT:
    ” which means that this something new and dramatic that will happen in one month is already happening even before the start of the new administration.”-From Florentino Tesoro, former OIC of PAGASA via Googlegroups.com

    Sabi nga ni Mr. Prisco Nilo sa isang interview eh na ii-install na yung mga equipments na paparating. So ang mangyayari niyan eh yung bagong uupo sa PAGASA ang makikinabang sa mga upgrade at AANGKININ ang credit kung sakaling gumanda at mas accurate ang mga forecasts… At yung sinasabing “gathering and transmittal”, dyan ako medyo duda dahil baka papasukin ang isang tulad ng NBN-ZTE na “COMMUNICATIONS” ang negosyo at hindi mga Weather Equipments.

  38. Yung matagal nang hinihirit ng Pagasa na Doppler Radar ay hindi na bago sa Pinas yan. Yung nasirang kamakailan na DVOR sa NAIA na navigation equipment ay isang uri ng Doppler Radar. Kung kayang tutukan ng Doppler ang isang matuling eroplano para makalanding ito ng maayos, yun pa kayang bagyo na malayong mas mabagal kesa eroplano. Di lang nito matututukan ang direksiyon ng bagyo, pati volume ng ulan na dala ay meron ding kakayahang ma-detect.

    Sa tagal ng panahong hinihingi yang Doppler Radar, meron na raw bidding nung isang taon pa sinabi ni Tani Cruz – yung forecaster na madalas sa TV at radyo pero ngayon ay nangibang-bansa na rin.

    Nasaan na ang radar?

    Pinakikialaman kasi ng mga politiko, sina Lagman at Suarez yata ang may binabata diyan na supplier. Tangnang mga Tongressman yan, ibinoboto pa rin kasi, tignan nyo aling probinsiya ang laging pinahihirapan pag may bagyo, di ba Bicol (Lagman) at Quezon (Suarez)?

  39. Nilo’s removal came three weeks after Aquino reprimanded PAGASA for failing to predict that Typhoon Basyang would hit Metro Manila.

    “Failing to predict”. Kelan ba naging “predicter” ang Pag-asa? Diba “forecaster” lang sila. Kung hindi alam ang diperensiya ng dalawa, merong Wikipedia, for starters.

  40. Kahit gamitan mo ng supercomputer para sa mathematical analysis at computer modeling, wala pa ring makakapagpredict ng direksiyon ng bagyo.

    Mahirap bang intindihin yan?

  41. I believe the reason given was “irreconcilable differences with his boss,” if I were in Pnoy’s place I would do the same, as the guy is too old to be a team player and has probably been playing primadonna for too long he’s forgotten that he has to take orders from a duly designated authority…

  42. …anyway, h was “kicked upstairs” so to speak, its just been blown out of proportion by some quarters…

  43. …anyway this is not a “touch move” chess game, the leader can move his pieces around as he sees fit, for the good of the whole…and not just for one man or group…

  44. norpil norpil

    irreconcilable differences with the boss is ground for divorce if in marriage. to kick somebody upstairs is a way of relieving the pain.a good leader can also move back if it was a wrong move.

  45. Naku, dun din pala ang puno’t dulo. Impluwensiya rin lang pala itong isyu na ito. Akala ko e kay Acuzar na bayaw ni Ochoa nakakabit itong si Montejo. E leche naman, bayaw din pala ito ni Ochoa mismo.

    Di lang pala iilan ang Kamaganak, Inc. – merong Cojuangco Division, Abad Division, meron na din palang Ochoa Division.

    Ang pagbabago. Ang daang matuwid. Daw.

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/08/12/10/palace-confirms-ochoa-montejo-ties

Comments are closed.