Skip to content

In-lab si PNoy

Liz, Kris, Shalani
Kuwento ng isang taga-Malacañang, minsan daw may photo shoot si Kris Aquino at si Liz Uy ang stylist. Nag-text daw si Kris kay PNoy na magkasama sila ni Liz. Mamaya-maya daw, dumating si PNoy sa photo shoot. Umalis daw ang lahat sa make up room pati si Kris at iniwan si Liz at si Pnoy.

Ilang araw bago pumuntang Japan si Aquino para dumalo sa miting ng Asia Pacific Economic Cooperation, umaga na raw umuwi dahil nagdate sila ni Liz.

Ayan at in-lab ang ating Presidente.

Sa Yokohama, Japan ,nagre-reklamo si Aquino na ang malaking balita daw sa kanyang pagdalo sa APEC ay ang kanyang pagdi-date sa kay Uy. “Baka puwede naman ’yun love life ko ay ipaubaya na lang ninyo sa akin. Maraming salamat,” sabi niya sa mga reporter .

Kungyari lang yan. Baka kinikilig pa yan sa mga sinusulat tungkol sa kanya at kay Liz. Kung ayaw niya, bakit siya nagkuwento tungkol sa pag-date niya kay Liz. Hindi naman niya sinabi na mali ang balita. Sa kanya naman galing yun.

Nangyari ito sa interview ni Jove Francisco ng ABC-5 sa Yokohama. Ayonsa report sinabi ni ng 50-taong gulang na binatang pangulo na enjoy daw siya sa pakiki-pagusap kay Uy,: “We had a conversation and I discovered how beautiful a person she was. I am impressed how she could engage in a conversation.”

Yan ba sasabihin ng isang tao na ayaw pag-usapan ang love life niya?

Kuwento pa ni Aquino kay Jove Francisco na naramdaman niya ang kakaibang tibok ng kanyang puso sa 28-taong gulang fashion stylist bago ang kanyang state visit sa U.S. noong September. “Noong kampanya, wala pa,” paglilinaw ni PNoy.
Noong kampanya kasi si Shalani Soledad pa ang press release ng kampo ni Aquino na girlfriend daw. Ito nga ang sabi ni PNoy. Sabi niya, “”I was in a relationship. I was focused on the campaign. I was focused on trying to make that relationship work also.”

Hindi masyadong naniniwala ang blogger na si Angela Stuart-Santiago sa anggulong ito dahil ang balita niya break na noong kampanya pa si Shalani at si Aquino kaya lang pinaki-usapan ng mga kapatid si Shalani na mag “play along muna” kasi nakakatulong sa kampanya na may girlfriend ang binatang kandidato. “Pa-macho effect,” sabi ni Stuart Santiago.

Si Shalani naman siguro, umasa na baka mag-iba ang isip ni Aquino at seryusuhin siya. Sorry na lang siya at may nakita ng iba si Aquino. Aprub pa ng mga kapatid, lalo na si Kris. Sabi ni Kris sa interview sa Philippine Star: “She comes from a stable and religious family. Her parents have been married for 33 years. They go to church together every Sunday,” sabi ni Kris.

Sorry na lang si Shalani. May ibang pamilya ang kanyang ama at ang nanay niya ay kinailangan pumunta sa Middle East para maghanapbuhay.

Published inAbanteBenigno Aquino III

40 Comments

  1. chi chi

    Halatang masyado na ayaw ng sisters kay Shalani. I agree with Angela Stuart-Santiago sa kanyang anggulong “Pa-macho effect” lang si Shalani.

  2. chi chi

    In lab na in lab si Kris kay Liz. 🙂

    Si Nwoy? Matagal nang in lab tao na yan.

    Smoke and mirrors!

  3. chi chi

    Sorry na lang si Shalani. May ibang pamilya ang kanyang ama at ang nanay niya ay kinailangan pumunta sa Middle East para maghanapbuhay. – Ellen

    Qualifications for a fine First Lady, alam ang mundong ginagalawan, ang mga paa nakatuntong sa lupa.

    Hindi husband material si Noynoy, naka-buti ang break up nila kay Shalani in the long run.

    Kung hindi presidente si Noynoy, ano kaya ang feeling ni Liz Uy?

    After six years, what???

  4. chi chi

    Ayyyy, bakit ba ako nagkokomento? Sori mga die-hard Noynoyans, can’t help e kasi si PNoy mismo nagdaldal ng love live nya sa mundo. 🙂

  5. Becky Becky

    Ilang araw bago si Pangulong Aquino papuntang Japan para dumalo sa miting ng Asia Pacific Economic Cooperation, umaga na raw umuwi si PNoy dahil nagdate sila ni Liz.-Ellen

    Di lalong hindi yan makagising ng maaga.

  6. Kailangan ni Noynoy na palaging pag-usapan ng mga Pinoy-sa-Pilipinas kung sino ang girlfriend na kasama niya. Eh wala naman siyang kasamang wife; hindi naman siya separated, hindi naman siya diborsiyado.

    Kailangan ni Noynoy na palaging pag-usapan ng mga Pinoy-sa-Pilipinas kung sino ang girlfriend na kasama niya. Baka ang maging tanong ay eto — bakit nga ba hanggang ngayon, solo flight sa mga girls si Noynoy?

  7. chi chi

    #5, Becky…”Di lalong hindi yan makagising ng maaga.”

    Natapon kape ko, hahahahahahaha!!!

  8. Tedanz Tedanz

    Talaga namang etong magkapatid na Penoy at Kris …. si Kris .. sumama dati sa isang parang Lolo na niya at tapos nakadalawa pa … kita niyo naman ha puro matatangkad yong tatlo … 🙂 alam niyo na kung ano ang ibik ko sabihin. Eto namang Penoy hanap parang anak na lang niya. Ano kalase tao ito dalawa? Wakanga!!!!

  9. Tedanz Tedanz

    Chi,
    Ako wala pela, ako hindi Pangulo, ako me edad na … pero ako guwapo …. palagay mo kaya melon kaya gusto akin na bebot 20+ taon ang agwat namin …. 🙁 🙁 🙁

  10. Kung hindi presidente si Noynoy, ano kaya ang feeling ni Liz Uy?

    Good question.

    Well, power is like a magnet. Aquino need not resemble Tom Cruise or be as intelligent and brilliant as Clinton. He could even look like the hunchback of notre dame or Vlad the impaler but he’s the president of the republik of pinas and by virtue of that powerful position, it makes him the most eligible, sexiest, handsomest creature in the eyes of young, ambitious, power loving socialites.

  11. Ellen,

    I just noticed that Kris Aquino is snow white skinned … is that natural? The mom and the dad (and Pres Aquino himself) weren’t snow white skinned. Is that natural?

    The three girls (Trois Graces) have all different complexion color.

  12. Kris is really very fair. Yes, but her color does not look natural in the picture.

    Maybe it’s just the picture. Can’t explain.

  13. chi chi

    #10. Anna, “…but he’s the president of the republik of pinas and by virtue of that powerful position, it makes him the most eligible, sexiest, handsomest creature in the eyes of young, ambitious, power loving socialites.”

    Aha! Kung ganyan, madami pang magiging addition sa 18 girlfriends kung hindi mag-alburuto si Kris and sisters, hehe…

  14. Kuwento ng isang taga-Malacañang, minsan daw may photo shoot si Kris Aquino at si Liz Uy ang stylist. Nag-text daw si Kris kay PNoy na magkasama sila ni Liz.

    Who revealed that? Security breach somewhere? 😉

  15. chi chi

    Hindi ang love life ni PNoy ang problema talaga kundi ang kanyang security. Kahit sino ang i-date nya, ayos lang. Pero ang problema ay bakit lumalabas ang sekretong info na ganyan. Si Kris dapat patahimikin ni PNoy talaga, napakadaldal and not aware of the president’s safety.

    As to the ‘trusted’ people around him, PNoy should check out his security mismo. Elementary that info on his date dito date doon are coming from his close in sekyus na nagyayabang siguro. Delikado yan, never take anything for granted when it comes to the President’s security.

    Siguro naman magkasundo kami dito ni henry sa anggulong ito. 🙂

  16. benjpedro benjpedro

    Ginamit lang ni PeNoy si Shalani noong kampanya.

    Mas may click kasi sa masa ang isang councilor ng Valenzuela kaysa isang burgis na Fashionista.

    Ang pagkakaroon ng ‘stylist’ ay showbiz na showbiz. Ang pipiliin lang naman ni PeNoy paggising niya ay ‘barong’ o ‘amerikana’.

    Ang ‘stylist’ ay isa lamang taga-masahe ng ego.

  17. NFA rice NFA rice

    Hindi niya gustong pag-usapan ang kanyang pribadong buhay pero satsat siya ng satsat sa hook up niya. Hanep naman si pare o.

  18. parasabayan parasabayan

    Mukha ngang palamuti lang ang mga GF ni Pnoy para hindi masabing matandang binata na siya. Mukhang pinalalabas pa na “gigolo” siya dahil nagkaroon na daw ng 18 girlfriends. Tanong ko naman, bakit hanggang ngayon eh binata pa siya? Na-broken hearted na kaya siya at ayaw na niyang magtiwala sa mga girls?

  19. renaldo renaldo

    Minsan sumasagi din sa isip ko kung gaano kastable ang emotional and mental stage ni PNoy. For someone with that kind of background and upbringing in life it would really not be very difficult to find somebody to be part of his life till death do they part.
    Yung mga women ba who became a part of his life or siya ang may problema?
    Di ba malaking palaisipan?

  20. Mike Mike

    Pareho silang maganda, pero mas type ko beauty ni Liz Uy. 😉

  21. Mike Mike

    Ang mahal siguro ng LV bag ni Kris, ang laki kasi. Ano kaya ang laman niyan. 😛

  22. Mike Mike

    Sinong makikipag pusta kung magaasawa ba o hindi si PNoy habang siya’y nasa Malacanang pa. 😀

  23. Hindi ubra sa kategorya ni Kris si Shalani, kakagulat nga nung pinakilala siyang syota ni Noynoy. Pangmasa, good material only for political show, not for a permanent sister-in-law.

    Nilaro lang nila ang tao nung kampanya, pati si James ginamit dahil mahina sila sa Negros na balwarte ng mga Arroyo hiwalay na pala sila noon.

  24. Ako wala pela, ako hindi Pangulo, ako me edad na … pero ako guwapo …. palagay mo kaya melon kaya gusto akin na bebot 20+ taon ang agwat namin? – Tedanz

    Malas lang, bro. Sirit na ako, sirit. Hahaha.

  25. orange-beetlejuice orange-beetlejuice

    yun ba talaga yung logo ng bagong “tourism brand” natin?

    if you have a promotional logo that contains a pronunciation guide and a dictionary entry for it to be understood, then you’re in big trouble.

  26. Tedanz Tedanz

    “Mukha ngang palamuti lang ang mga GF ni Pnoy para hindi masabing matandang binata na siya. Mukhang pinalalabas pa na “gigolo” siya dahil nagkaroon na daw ng 18 girlfriends.” —– psb
    Ay nakwo ahh … alaws akwong know diyan.

  27. Tedanz Tedanz

    Dati ang bpren ng babae ay idol ng bayan … ngayon naman pangulo ng bayan na may edad na at oklab pa pero mayaman. Tanong …. pag-ibig nga kaya??????? 🙁 🙁 🙁

  28. Ang kilala ko lang na cinquenta-edad lalaki sa Pilipinas na walang anak….. pari.

  29. Becky Becky

    Mike, re #21. I read somewhere that LV bags cost something like $3,000. Kung sabagay, Kris is very rich. Kayang-kaya naman niya yun.

    Liz’s bag looks also nice.

  30. Becky Becky

    I went back to this early report by Ricky Lo:

    Noy to admit courting Liz?

    By Ricky Lo (The Philippine Star) Updated November 12, 2010

    MANILA, Philippines – President Noynoy Aquino left for Japan yesterday for the APEC meet.

    According to The STAR’s very deep penetration agent (VDPA), P-Noy will explode “a little bomb” when he comes back Monday and it’s none other than a “casual admission” that, yes, he’s pursuing (read: courting) Liz Uy, his stylist, who was introduced to him by his sister Kris Aquino-Yap. Liz has also been Kris’ stylist.

    After he broke up with Valenzuela City Councilor Shalani Soledad, P-Noy has been seen having dinner with Liz whose last known celebrity boyfriend was John Lloyd Cruz. In fact, as Funfare reported in a scoop recently, P-noy visited the set of Kris and her son Baby James’ Nido commercial to see not them but Liz who was also there. P-Noy stayed on the set for 20 minutes.

    Talaga palagang planned. Kaya lang instead of announcing it here in manila upon his return from Japan, he announced it there. Hindi maka-hintay. Excited si PNoy. In-lab nga.

  31. Becky Becky

    I also read Kris saying that she was told by her brother to stop feeding Ricky Lo about his activities with Liz.

    So it’s Kris who is Ricky Lo’s VDPA.

  32. From Rolando Salcedo Dolor:

    Galit ka ba ka Pnoy? I have read ur column in Abante. I am not pro- Pnoy pero halatang nagsa-sourgraping ka pa sa pagkatalo ng manok mo!

    E ano ba kung in love ang pangulo natin. E ano ba kung pa-epek sya sa lovelyf nya. Wala namang problema. Binata sya! Apektado ba ang palakad sa gobyerno. Sa palagay koy hindi!

  33. Rolando, wala akong “manok” for president in the last election.

    Anong problema mo about my article on about PNoy’s love life? May mali ba?

  34. From Rolando Salcedo Dolor:

    Thanks for replying on my comment. Wala namang problema sa write-up mo sa abante. Infact, I am one of your follower.

    Gusto ko yung mga topics mo, maybe except this (PNoy lovelife). For me kasi mas magandang pag-usapan yung mga bagay na kelangan ng tulong ng media para mag-“push”, like yung pagbibigay ng pardon sa mga oakwood mutineers. It’s about time na kasi na mapalaya sila because what they did is para matuwid yung mga mali sa gobyerno. It’s about time na makapagtrabaho na ng todo si Sen. Trillanes.

  35. chi chi

    May problema sa takbo-takbo ni PNoy sa set ni Kris just to see Liz Uy.

    Have you forgotten the SECURITY of the President. And why were there leaks? Pardon me, but in my vocabulary there are problems with PNOy’s love life, most is his security nightmare and the ‘people’ around him who spread the leaks and news. Check your security Noynoy and zip Kris mouth for your own well-being. O kaya, just get married kahit kanino para mas safe ka kesa takbo ka ng takbo pursuing your tibok ng puso.

  36. chi chi

    Rolando, bakit wala ka dito kung ang topic/isyu ay sina Trillanes. Lahat ng nangyayari kina Trillanes et al ay well documented sa blog na ito.

    Ngayon, yung bagong kabwisitan ni TUPAZ re admit guilt first before amnesty, dun ka magkomento sa Facebook o ABS-CBN blog, hindi yang nagdidikta ka kay Ellen kung ano ang dapat nyang ilagay sa SARILI niyang blog.

  37. olan olan

    hindi yang nagdidikta ka kay Ellen kung ano ang dapat nyang ilagay sa SARILI niyang blog…chi

    kala ko nag suggest lang itong si Rolando..dikta ba yun? 🙁

  38. olan olan

    In reality marami naman talagang dapat pagtuunan ng pansin. Di lang si Pnoy. I was hoping issues katulad ng arroyo appointments to our judicial systems at epekto nito sa current administration at sa hustisya, plagiarism ng isang supreme court justice, trapiko sa manila, mga projects ni arroyo anong nangyari duon, mga toll roads na mahal na toll fee, wesm electricity spot market at epekto nito sa bayaring koryente bakit lalong namahal, etc.etc.etc. but since this is ellen’s blog and i’m only a guest siempre kung ano ang gusto ni ellen…opinyon lang po!

  39. Patricia A R Patricia A R

    My sympathy is for Shalani. Nakaka awa dn sya, sa pagtitiyaga nya kay Pnoy before and during election. Ang mga komento ni Kris dati na halatang hindi sya gusto para sa kapatid nya. Kung totoo man na hindi na pala sila noon pa, pero nakisakay lang dahil na rin sa pakiusap sa kanya. Ang laking ganda nya para kay Pnoy, pasalamat nga ang Presidente natin ngaun na naging sila. Huwag ng masyadong maliitin si Shalani. Respeto na rin sana, hindi pa man isang buwan na napabalitang wala na sila pero ito sina Kris at Pnoy kilig na kilig sa bagong pag-ibig.

  40. Rudolfo Rudolfo

    kung gaano bumababa ang mga ” Ratings ” ni PNoy, ganoon na din yata ang pagbaba ng paghangga ng iba ( nadadamay tuloy ako )..marami kasing mga “palpak” na pakulo lamang yata.Tulad na lang nitong “Love Life ” ni PNOY..bakit laging naka-singit si Kris ?…bakit di maka-decide ng para sa kanyang pag-aasawa si Pangulong Pnoy ?..nalalaboan yata kami. Okay na sana kami ki Shalani, maganda, magalang at may “future”. Baka naman wala siyang dugong chinese, kaya ayaw sa kanya…o mga kapatid ang pumi-pili, dahil mahina ang disisyon pangsarili niya…dapat pang-panguluhan ang kanyang disisyon at Pan-lalaki !!!..sana mali ang aking pananaw ??..

Comments are closed.