Skip to content

Hindi dapat ma-insecure si Pnoy sa kanyang pagkabinata

Feeding media with his non-existent lovelife
Sa kakadaldal ni Pangulong Aquino tungkol sa kanyang lovelife, halata tuloy ang kanyang insecurity sa isyu na yan.

Noong isang linggo, pagkatapos niyang sabihin na huwag paki-alaman ang kanyang lovelife, siya mismo ang umungkat sa topic na yan sa kanyang talumpati sa Laguna. Wala namang nagtatanong sa kaya ngunit bago siya nag-paalam, sinabi niya: “Manalig po kayo: Hangga’t pagkakapwa-tao at hindi panlalamang ang isinasapuso natin. Pagbaba ko po sa pwesto sa 2016—sana po’y nakapag-asawa na—babangon naman kayo sa isang Pilipinas na mas maunlad, mas marangal at mas maipagmamalaki sa buong mundo.”

Hindi lang doon niya siningit sa kanyang opisyal na talumpati ng tungkol sa kanyang hindi matuloy-tuloy na pag-aasawa. Sa kanyang talumpati rin sa Iloilo, sinabi niya na baka raw doon siya makahanap ng mapangasawa.

Lumalabas tuloy na desperado siya sa kanyang pagkabinata. Para bang insecure siya na pinipilit niya at ng kanyang mga tauhan na pinagtatakpan sa pamamagitan ng pagpalabas ng impormasyun na kung sino-sino ang girlfriend o ang liniligawan.

Lalo tuloy siyang mukhang desperado.
Hindi naman nakakatulong ang mga kapatid lalo pa si Kris Aquino na ang pinakamaliit na detalya ng sinabi tungkol sa babaeng nakadikit lang kay Pnoy ay pinagku-kwento sa media ultimo comment ng anak niya.

Ang isang kapatid nagsabi noon sa media na sobra 20 ang naging girlfriend ni Pnoy. Gusto nila palabasin playboy si PNoy. Dapat ba yan ipaglandakan sa media? Bakit?

Katulad ng marami, hindi naman ako naniniwala ng mga pangit na usap-usapan tungkol sa pagkalalaki ni Pnoy. Ngunit wala naman siyang dapat ipatunayan.

Binoto siya ng tao na binata. Ang suporta ng tao sa kanya ay hindi maiiba mag-asawa man siya o hindi. Ang suporta sa kanya ay nakasalalay kung paano niya tinutupad ang kanyang pangako na siya ang mangunguna sa pagtahak ng matuwid na daan.

Madali naman intindihin na sa edad niya, gusto na rin naman niya magkaroon ng pamilya. Ngunit ang mga bagay na yan darating kung darating.
Hindi yan pinipilit. Hindi yung maganda lang ang tingin, ide-date na niya. Siyempre, presidente siya, talaga namang ibabalita yan.

Siya rin mismo siya pa ang nagdadaldal. Katulad ng impormasyun ng panliligaw niya kay Liz Uy noon. Siya mismo ang nagbigay ng detalya sa interview kay Jove Francisco ng Channel 5 sa Yokoyama,Japan. Ang okasyun noon ay miting ng mga lider ng Asia Pacific Economic Cooperation.

Hindi niya kailangan sagutin ang lahat na tanong ng media.

Tuloy sabi ng iba, ginagamit niya at ng kanyang mga communication advisers ang kanyang lovelife na pantapal sa mga isyu na hindi niya kaya ayusin.

Hindi yata tama yun.

Published inAbanteBenigno Aquino III

15 Comments

  1. Jojo Jojo

    Tila walang nag-papayo sa butihing Pnoy, Na para siya maka bingwit ng magandang dalaga, ay dapat na mag change siya ng kanyang porma. Ang kanyang porma ay luma na. Obsolete na. Porma sa lahat ng bagay. Specially ang kanyang pag-lalakad. Kapag malayo ang camera ay kitang-kita ang kanyang lakad na aayawan ng babae.

  2. Jojo Jojo

    This is out of topic. But I can not help my self to say this.Title ng article na nabasa ko. Na nag patayo ng balahibo ko. Nakakahiya ang naglalakihang diamante ni Gloria.

  3. Jojo Jojo

    Going back to Pres. Pnoy. Dapat siguro ay manood siya ng mga Mens Fashion Show para mag karoon siya ng idea ng tamang porma ng lalake.

  4. andres andres

    Eh di naman kasi “normal” si PNoy, nagtataka pa ba kayo? Para siya ay mabasted ni Liz Uy, imagine Pangulo na butata pa! Malamang may alam si Liz Uy na may mali!

  5. chi chi

    Hehehe! Nakakatuwa ang article na ito. Hindi lang “nagmumukhang” desperado si PNoy sa pag-ungkat niyang muli ng isyu ng pagka-bachelor, mukhang ibinibenta pa niya ang sarili. 🙂

  6. parasabayan parasabayan

    Reverse psychology ang ginagawa ni Pnoy. Para hindi na panghimasukan yung buhay niya na paghahanap ng partner, siya na lang ang nag-oopen up tungkol dito. Pinangungunahan na niya ang mga tsismoso at tsismosa.

  7. parasabayan parasabayan

    Dito sa America at kahit na sa Europe, walang age limit sa pagaasawa. Yung ngang tiya ko nagasawa sa eded na 75. Yung napangasawa niyang Americano, na mas bata sa kanya, mas Pinoy pa ang ugali, sobrang makapamilya. Sadly, nauna pang namatay yung kano after a very happy union of ten years.

    Kahit na over 50 na si Pnoy, marami pang pagasa para sa kanya. Huwag lang sana siyang maghanap ng may gatas pa sa labi baka turotot na trumpeta pa ang kinalabasan niya…heh,heh,heh.

  8. Feeding media with his non-existent lovelife [and spending precious time, energy over such idiotic antics]

    😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀

    Chinese and Malaysian leaders must be scratching their heads in wonderment, baffled by the kind of leadership Pinas has

    😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀

  9. Ellen asks,

    Ang isang kapatid nagsabi noon sa media na sobra 20 ang naging girlfriend ni Pnoy. Gusto nila palabasin playboy si PNoy. Dapat ba yan ipaglandakan sa media? Bakit?

    They probably take Pinoys for idiots… sanamagan!

  10. And I thought the kapatid possessed a bit of brains… 🙁

  11. celideguzman celideguzman

    egotripping? Kala nya nakakatuwa siya? No, nakakatawa. Ew!

  12. norpil norpil

    palagay ko lang hindi na mag aasawa si pnoy. siempre habang tumatagal lalo siyang nagiging pihikan. pinakamasama sa bandang huli kahit sino na lang pinili niya para lang mapatunayan na hindi siya ganuon.

  13. Re # 8. You bet, Anne.

  14. balweg balweg

    Opppss…wala na bang ibang topic, ang daming problema ng Pinas e itong buhay pag-ibig pa ni Penoy ang laging pinag-uusapan?

    Gurang na yan…so dapat maging matured na siya about lovelife, ilang panahon na lamang e candidate na siya bilang senior citizen.

    Mahilig talaga ang Pinoy sa showbiz…hehehe!

Comments are closed.