Skip to content

Ang P1 milyon na service fee ni Moner

Moner at the Senate hearing. Oct. 18, 2011
Pwede na nating pagtawanan na ngayon ang mga kinukwento ni dating Lanao del Sur Sharia Court Judge Nagamura Moner dahil wala na sa kapangyarihan si Gloria Arroyo at hindi nakaka-inggit ang kanyang kalagayan ngayon.

Ngunit malaking perwisyo sa sambayanang Pilipino ang kanilang ginawa. Dahil sa pandaraya na kanilang isinagawa sa eleksyun noong 2004, patuloy na kumapit si Arroyo sa kapangyarihan ng anim na taon.

At nabastos ang batas. At nanganak yun ng marami pang krimen. Sabi nga ni Sen. Alan Cayetano, dahil kailangan bayaran ni Arroyo ang mga nandaya sa kanya, kailangan niya magnakaw ng pera ng bayan para mabusog sila at hindi na kumanta. At kapag mabuking, magsinungaling.

Kaya ang akusasyun noon ng mga nagsulong ng impeachment laban kay GMA sa House of Representatives kasama sina Cayetano, Sen. Chiz Escudero, Sen. TG Guingona at iba pa ay “Cheating,Stealing, Lying.”

Ganun nga ang nangyayari sa kuwento ni Moner.

Sa simula ng hearing sa Senado kahapon sa Electoral Fraud, nakakatawa ang parte ng tinatanong ni Sen. Jinggoy Estrada si Moner.

Noong 2005 kasi, merong affidavit si Moner tungkol sa ginawa niyang pagtulong kay Arroyo na manipulahin ang resulta ng eleksyun sa Lanao del Sur para lalabas na nanao si Arroyo kahit na hindi naman talaga siya ang binoto ng mga tao doon sa Muslim Mindanao. Ngunit nang ipinatawag na siya sa Senado, pinabulaanan niya ang laman ng kanyang affidavit.

Sinabi pa niya noon na nagsinungaling siya.

Kaya tinanong siya ni Estrada, “Makakasiguro ba kami na balang araw hindi mo pabulaanan ang mga sinabi mo ngayon?”

Sabi ni Moner nagsumpa raw siya sa Koran kaya hindi na raw maiiba ang kanyang kwento. Kaya nga mahirap daw para sa kanya na pinangalanan niya si dating Philippine Ports Authority general mamanger Alfonso Cusi ngunit kailangan sabihin niya ang buong katotohanan.

Siyempre, deny lahat si Cusi, na nadun din sa Senado, sa mga sinabi ni Moner.

Tinanong ni Estrada kung dahil bas a pera kaya siya nangsinungaling, inamin ni Moner na kumita siya ng milyon sa ginawa niya para kay Arroyo ngunit napilitan siya magsinungaling dahil sa kanyang bayaw na nagtatrabaho sa PPA.

Dalawa rin daw sa mga kasama ay binaril.

Nakakatawa ang pagka-kwento niya tungkol sa pagbulsa niya ng P1 milyon sa P3 milyon na binigay sa kanya ng isang miyembro ng Presidential Security Group para ibayad sa mga mandaya para kay Arroyo. “Kasi sumakay ako sa helicopter (yung binenta ni Mike Arroyo sa PNP sa presyong bago) na bumabagyo.Kaya dapat lang akin na ang P1 milyon.”

Ang laki pala ng kanyang service fee.

Mabuti naman na binuksan ulit itong dayaan sa 2004 na eleksyun dahil hindi talaga natin nalaman ang buong katotohanan ng en grandeng pagnanakaw ni Arroyo ng pagkapangulo.

Published in2004 electionsAbante

16 Comments

  1. Sapagkat isinumpa ni Moner sa Koran na ibinulsa talaga niya ang isang milyon sa hawak nyang 3 milyon, yun na yun. One third of the amount ang kanyang nadikwat. May taginting pa naman ng money ang Moner kung kaya walang kaduda duda… Siguradong mas malaki ang naitago ng mga naghawak ng mas malaking halaga. Aminin!

  2. Parang nakalagay sa isang palayok ang mga ipinamumudmod na pera ng kampo ni GMA para maisalba ang kanyang laban kay FPJ. Lahat na nakahawak sa palayok na yun, siempre, naulingan. Hindi naman kasi sariling pera nila kundi kinurakot kaya walang habas ang pamimigay at nagkakatuwaan namang tinatanggap ng mga hinayupak. Kahit burado na ang uling sa kanilang palad, hinding hindi mabubura ang kanilang kaaliwaswasan sa kaisipan ng mamamayan na ninakawan na ng kanilang boto, ninakawan pa ang kaban ng bayan.

  3. vonjovi2 vonjovi2

    Delikado pala ang ginawa niya at bumabagyo pa kaya sa kanya ang P1 milyon. Helicopter pa ni Fat Boy ang gamit nila ah. Kitang lugaw ang mga hinayupak na ito. Si Cusi kaya mag kano ang na silid nitong GAGO at ang DOJ. Kailan kaya mag hi himas ng rehas ang mga ito.

  4. vonjovi2 vonjovi2

    Hanep at may pag ka “CLASS” pa itong mga magnanakaw ng bayan. Helicopter pa ang gamit sa pag transport ng pera.

  5. parasabayan parasabayan

    Noong una mga generals, ngayon mga judges at educators at election “komisioners” ang ginamit ni bansot. She really destroyed all institutions. She has to pay for destroying these.

  6. parasabayan parasabayan

    If the head is super corrupt, who would be the underlings who wont follow. Money stolen from the people was free flowing in the 2004 elections. Bansot and fatso used money and the lure of promotions to get their wish that she would be the president. And when she won by cheating, she continued to steal more. For six years she allowed those she used to steal the presidency to continue with their stealing ways as she continued to do the same. The same corrupt officials were used anew in the 2007 elections.

  7. parasabayan parasabayan

    Although it is laughable now to listen and look at these witnesses, I am fuming mad! We are not even sure if these testimonies will ever be used to convict bansot later because of the statutes.

    If anything, I hope that our legislators will craft stricter laws to put behind bars all those who use money and the promise of higher positions to win in an election. Incumbent politians should not run for a 2nd term to even up the playing field for those who would not have the money and clout to maneuver the results of the elections. I do agree that political dynasties should be dismantled and turncoatism should be treated as a crime.

  8. Tedanz Tedanz

    Sa mga dinami-daming kabulastugan ang ginawa nitong mga Arroyo sila’y safe pa hanggat si DeLima ay naka-upo pa sa DOJ. Yan ay kasama sa mga Tres Maria’s ni Glorya … Merci G. , Devanadera at nitong si DeLima. Di ba para silang magkakapatid 🙂 🙂 🙂

  9. MPRivera MPRivera

    Gloria, bumabagsak ang katawan, walang ganang kumain — Spokesman

    http://abante.com.ph/issue/oct1911/news04.htm

    letse! wala kaming pakialam!

    noong kayo ang nasa poder puro tago ang ginagawa ninyo sa ospital lalo na sa paborito ninyo St. Loot’s Medical Center. Ngayong kinakasuhan kayo sa inyong mga kawalanghiyaan ay kabikabila ang medical bulletin bilang pagpapaawa. Pahinog kayo!

    kung hindi kayo kayang ipakulong ng sinungaling (din) na adminsitrasyong ito, taong bayan na ang kalaban ninyo kahit magsamasama pa kayo.

  10. Rudolfo Rudolfo

    Noong nakaraang halos 10-Taon ng GMA, Gloria admin, “glorya-na-glorya silang lahat-lahat”, Punog-puno ng kalakuan sa gobyerno, pati na Saligang Batas, pinag-samantalhan, at niyurakan, ngayon sa panahon ni Pangulong Pinoy, baliktad na, mukhang ang “Boss” ni Pnoy, o Taong Bayan naman ang nalalagay sa kalagayang Gloria. Ang “kasinungalingan pagkakasakit” ngayon, ang kanilang depensa, at ma-prolong lamang ang kanilang pagtatago sa mga kasong “plundering”. Na Karma din sila sa ginawa ki Pangulong Erap. May kasabihan “ang magnanakaw daw ay galit din sa kapwa magnanakaw “, kaya ito ang mapa-pala nila. Talaga, magkakasakit at di na kayang kumain ng normal ni GMA ngayon, dahil sa karma o bweltada sa mga pagkakamali niya, at ng pamilya mga “Pidal”,sampu ng kanilang mga kabalikat-kasabwat sa paglumpo ki Juan de la Cruz o ng Bayan.

  11. vonjovi2 vonjovi2

    Gloria, bumabagsak ang katawan, walang ganang kumain — Spokesman

    Sigurado ba kayong bumabagsak ang katawan. Baka palabas na naman iyan or “OA” at ma iisahan na naman ang bansa natin. Alam naman ninyo na magaling mangoyo ang pandak na ito.

    Sa akin ay sana kinalawang ang nilagay na bakal. Made in China kasi at puno ng leads.

    Walang nakaka kita sa kanya kundi ang mga galamay niya.

    Ini isahan na naman tayo…

  12. martina martina

    Hindi makapaniwala si Jinggoy na isang milyong piso lamang ang ibinulsa ni Moner (sabi nga niya ay one time, big time lang), dahil kung siya si Moner mas malaki pa duon ang kanyang kukunin, siguro.

  13. chi chi

    Alam ninyo kung bakit nabali leeg ni Gloria? Kasi sa lalaki ng diamonds na kwintas na inilalawit dun! 🙂

    Ubos na ang isang milyun ni Moner na binigay ni fatguy para manalo ang asawang bitch kaya malakas ang loob na magsisigaw mgayon. Ganunpaman, buti at lumitaw!

  14. It is too late to be hero na. Hayop siya dapat sa kanya ipakain kay lolong na pinakamalaking buwaya. Ginagawang gago ng mga witness ang taumbayan. Kung kailan wala na sa podes si GMA saka siya kakanta. Ang laking perwisyo ang ginawa nila sa taumbayan. Lalong nalugmok sa kahirapan at kahihiyan at kakurakotan ang bansang Pilipinas ng tulungan nilang paupuin sa puwesto ang walang kasing hayok sa posisyon na si GMA.

  15. Dinamay pa niya ang Koran. Samantalang sila na mga muslin ang problema ng Pilipinas dahil sa mga MILF/MNLF/Abu Sayaff. Minsan sila mismong mga muslim ang nag aaway away. Dapat sa mga riding in tandem na mga tao na pumapatay ay ang mga katulad ni Moner ang pinapatay kasi mga walang kuwentang tao. Hindi iyong mga negosyante.

  16. Talagang magnanakaw si GMA. Bagay sa kanya ang nangyayari sa kalusugan niya ngayon. Kinakarma na siya. Pero marami pa rin ang hindi kuntento sa sinapit niya o nangyayari sa katawan niya ngayon. Dapat sa kanya ay maging malubha ang kalagayan na wala ng pag asa pang gumaling.

Leave a Reply