Paliwanag ni Commissioner Ricardo David sa sitwasyon sa NAIA1

Immigration Commissioner Ricardo David, Jr.

Sumulat si Bureau of Immigration Commissioner Ricardo A. David ,Jr. na dating Philippine Armed Forces chief of staff, tungkol sa aking sinulat noong Hulyo 1 tungkol sa sobrang haba na pila sa immigration sa NAIA 1.

Ipinaliwanag ni Commissioner David na pitong buwan na nakasara ang ilang parte ng runway ng NAIA dahil inaayos kaya kailangan walang eroplano sa runway 30 minutos makalaampas ang hatingggabi. Dahil doon, sunod-sunod ang mga dating ng eroplano.

Ang problema, maliit talaga ang lugar para sa immigration sa NAIA I.

Ito ang isang parte ng sulat ni David: “Please be informed tha the Manila International Airport Authority (MIAA) has commenced implementing a seven-month partial closure of the NAIA due to runway repairs from January to August 2012 from 00:30H to 5:30H, affecting departing and arriving flights at the NAIA.

“Consequently, all airlines are compelled to arrive and depart at the NAIA runway before 00:30H. Specifically for NAIA Terminal I, this resulted to 19 succeeding flight arrivals from 2120H to 0010H. Moreover, the buildup of passengers became more obvious due to the limited space allotted for passengers at the immigration arrival area where primary inspection can only be conducted with the placement of three additional counters.”

Sabi ni David, hindi totoo na kaya kulang ang mga immigration personnel dahil wala silang pambayad ng overtime.

“Thus, we would like to clarify that this concern does not involve at all the issue on overtime payment for our personnel.”

Sa ngayon, sabi niya, patuloy ang training nila ng mga immigrtation officers: “Presently, we are reinforcing our human resource capability. The undersigned initiated the creation of one hundred (100) Immigration Officers (IO) I items which was favorably approved by the Department of Budget and Management (DBM) through the endorsement of the Office of the President (OP).

“For CY 2012, we have already deployed forty-nine new regular Immigration Officers I at the NAIA who underwent the rigid training of Basic Immigration Officers Course at the Philippine Immigration Academy (PIA). Despite this development, we still lack IOs at the NAIA as other senior officers were re-assigned to other international airports and immigration offices in the country, including our border crossing stations.

“However, we have developed and implemented an enhanced duty schedule for our IOs and Acting IOs in order to maximize their utilization.”

Sabi ni David, para madali makita ng mga dumarating ang tamang counter na kanilang pipilahan, inutusan niya acting chief, Airport Operations Division na si Benito G. Se, Jr., na makipag-coordinate sa NAIA I Terminal manager para maglagay ng mas madaling makita mga sign.

“I have already instructed M. Benito G. Se, Jr., acting chief, Airport Operations Division, to closely coordinate with the NSIA Teminal I Manager for the construction of bigger and more visible signages to better guide arriving passengers.

“Counters 1 and 2 are designated for passengers in wheelchair and People with Disability (PWD), Counter 3 to 10 are for visitors and all other typologies of passengers. Counters 11 and 12 are for diplomats and official passport holders as well as those with Asia-pacific Economic Cooperation (APEC) Business Travel Cards (BTCs) while counters 13 to 20 are exclusively designated for Filipino nationals. “

Salamat naman at aksyun kaagad si Commissioner David para magiging “More fun in the Philippines” para sa mga dumarating na pasahero.

Click below for the full letter:

LETTER TO MS ELLEN TORDESILLAS RE HINDI FUN PAGDATING SA NAIA 1

July 7, 2012 8:20 pm  Tags: ,   Posted in: Abante, Travel

383 Responses

  1. TonGuE-tWisTeD - July 7, 2012 9:28 pm

    So that’s Immigration’s story. Paano naman yung sa NAIA Admin? Can they confirm that the repair works on the terminal (for defects found LAST YEAR) have begun this month as promised?

    Madali lang yang sa Immigration, konting sistema, konting personnel, solved na yan.

    Pero yung structural defects pag nirepair yan, kasabay ang congestion, naloko na. Lalo nang sisikip.

  2. chi - July 7, 2012 10:51 pm

    Ang intindi ko sa artikulo ni Ellen ay kulang ang nagmamanehong personnel kaya ang haba-haba at hilong-talilong sa linya sa immigration ang mga dumarating sa NAIA 1.

    Therefore, walang kinalaman ang pitong buwan ng saradong parte ng NAIA sa haba ng pila sa loob ng immigration pila.

  3. Jake Las Pinas - July 7, 2012 11:33 pm

    We need new blood Immigration Officers. The old ones are already hard headed. They dont listen to the bosses anymore plus NAIA 1 is really small and old for the traffic it handles.

  4. chijap - July 8, 2012 11:58 am

    I agree with @Chi.

    Iba yung issue sa runway, sa number of immigration officers manning the post.

    Granted sabay sabay yung mga night flights (tapos long hauls and >300 pax pa bawat flight) pero this has been going on for more than a year already (i have no data but if i remember correctly 2010 pa lang, katakot na talaga night arrival sa Terminal 1 and its not due to runway issues).

  5. vic - July 8, 2012 3:28 pm

    I think the best solution to the problems is to divert or have the many arrival flights scheduled to the nearby international airports where shuttle services can be provided..Former Clark Air base should have the ready facilities…while performing the necessary repairs or enhancement with the NAIA,,,

    I have been picking passengers at entry at Pearson International and it does not take more than an hour after landing and clearing custom and immigration to appear at the arrival gate and ready with the luggage…just do not bring balot, dried fish is ok, custom would not dare open when declared..

  6. MPRivera - July 8, 2012 6:51 pm

    “……..Sa ngayon, sabi niya, patuloy ang training nila ng mga immigrtation officers….”

    pambihira!

    hanggang training na la’ang ba ang alam nila?

    sa ganyan nauubos ang pondo at hindi sa matinong pagtatrabaho?

    pisting yawyaw, oo!

    kapag nabubuko, ang daming palusot at dahilan.

    aba’y kung matino ang pagtatarabaho ninyo, walang magrereklamo.

    sa loob ng halos dalawampung taon kong pabalikbalik sa pinas ay hindi nawawala ang mga taga immigration at customs diyan sa airport natin ang akala mo mga kung sino umasta kapag kapwa pinoy ang kaharap SUBALIT para silang maamong tuta kapag dayuhan ang pagsisilbihan.

    hindi marunong mangahiya!

  7. Oblak - July 8, 2012 6:58 pm

    Iyan ang palpak na explanation. kahit na ang daming darating na pasahero, dapat handa ang nasa immigration. Maglalagay ng madaming booth pero madalas 3 o 4 lang ang immigration officer na naka duty. Walang iniwang sa mga bangko na anim ang teller booths pero 2 tellers lang ang nakaduty kaya ang haba ng pila.

    Kapag paalis ng Pinas, maamo ang effect ko, with matching smile and thank you sa immigration officer para walang hassle. pero pag pabalik na, tinititigan ko talaga ng masama ang immigration officer para bilisan nya ang ginagawa nya. Pag lumaban ng titigan, tatanungin ko ng “BAKIT?”

    #5 Vic, walang maayos na mode of transportation from NAIA to Clark. Napakalaking hassle kung taga manila or southern luzon tapos pupunta ng Clark. Nakakapagod at magastos.

  8. Mike - July 12, 2012 3:35 am

    Isa sa maraming problema ng immigration ay ang pagsala ng mga pasaherong luluwas ng ibang bansa. Isinasala nila ang mga pasaherong na naka lista ang pangalan sa HDO o WLO para di makatakas sa bansa at sa batas. Tama lang naman ang kanilang ginagawa sa pagsala at paninigurong walang makakalusot ng mga pasaherong may pananagutan sa batas. Ngunit ito ang problema, minsan na akong naging biktima sa kawalang ng kaayusan at sistema ng BI. Ako po ay may kapangalan na naka lista sa HDO. Noong ako’y sinita at sinabing nakalista ang aking panagalan sa HDO, aking mariing itinanggi na ako yung taong nasa listahan. ang sabi sa immigration officer na i-check nila ang middle name, edad at address at sabi ko ay siguradong di tutugma sa aking pasaporte. Ang sagot ba naman ng mga engot ay ang nakasaad sa kanilang listahan ay ang first and last name lamang at wala ng iba pang impormasyon sa pangalang nasa listahan.
    Pinalusot din naman ako nung napatunayan kong di ako yun pero inabot kami ng halos 20 mins. Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit matagal at humahaba ang pila. Mga ENGOT nga sila!!!

  9. Mike - July 12, 2012 3:39 am

    Hindi lang ang mga incoming passengers ang may problema sa NAIA, pati na rin ang mga outgoing passengers din.

  10. Mike - July 12, 2012 11:03 am

    Oo nga pala, ang sabi sa akin ng immigration officer noon ay kumuha daw ako ng immigration clearance sa susunod na ako ay luluwas palabas ng bansa. Ang tanong ko sa sarili ko, BAKIT? Diba dapat trabaho na ng mga BI ang alamin ang buong impormasyon tungkol sa mga taong nasa listahan ng HDO/ WLO? Di ba kabobohan yang ganoong patakaran?
    Where in the world will you find a person having have to clear his own name so that he can enjoy his freedom to travel jus because a namesake has trouble with the law? Geeez, only in the Philippines!!!
    Sabi ko nga sa immigration officer, paano naman kung may sampu akong kapangalan na nasa HDO list at ang mga kaso ay nakakalat mula Aparri hanggang Hulo, kailangan ko bang suyurin ang mga korte kung saan nakasampa ang mga kaso? Ang sagot niya, oo ganoon daw ang patakaran. Hayyy!!!!

  11. Mike - July 12, 2012 11:13 am

    Kulang nalang sabihin nila na sa aking tatay ako magreklamo dahil masyadong generic ang pangalang ibingay sa akin. :-(

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.