Sobrang amazing ang kuwento ni Kap

Sponsors do not want to be seen supporting someone acccused of plunder

Sponsors do not want to be seen supporting someone acccused of plunder

Malakas ang ugong na baka mawala sa ere ang Kap’s Amazing stories, ang show ni Sen. Bong Revilla sa GMA7. Nagkakakansela na raw ang advertisers ng show at hindi maganda para sa kanila na ma-identify sa isang opisyal ng pamahalaan na akusado sa krimeng pandarambong.

Ang buhay talaga. When it rains, it pours. Kapag umulan, talagang buhos.

Noong isang linggo, kasama sa sinampahan si Revilla ng plunder o pandarambong. Ayun sa dokumento na hawak ng National Bureau of Investigation, si Revilla ang may pinakamalaking nabulsa mula sa pera ng PDAF (Priority Development Assistance Fund) sa pamamagitan ng operasyun na kasabwat si Janet Lim Napoles.

Ayun sa dokumento ng NBI, P224,512,500 ang pera na naman sa mhihirap na Pilipino ang napunta kay Revilla. (Ang kay Sen. Jinggoy Estrada ay P183,793,750 at kay Sen. Juan Ponce Enrile ay P172,834,500.)

Close friends

Close friends

Maiyak-iyak si Revilla noong Lunes at sinabi niyang “Ang hiling ko sa sambayanan, huwag kaming husgahan. Ipapaliwanag namin ito hanggang sa kahuli-hulihang detalye.”

Nakadetalye ang kuwento ni Ben Hur Luy, ang dating kanang kamay ni Napoles, tungkol sa mga perang binibigay nila kay Revilla at sa ibang mambabatas at kanilang mga tauhan na sangkot dito sa pork barrel scam.

Ang baho ng pangalan ng lahat na sangkot sa pork barrel scam kaya maintindihan kung magkaka-kansela ang mga advertisers ng Kap’s Amazing stories.

Sabi naman ni Revilla kumuha na daw siya ng handwriting expert para daw suriin ang mga dokumento sa PDAF na may pirma niya.

Sayang itong si Revilla na hindi pinahalagahan ang tiwala na binigay sa kanya ng mamamayan. Kahit wala naman talagang pinakitang galing sa kanyang panunungkulan sa Senado, binu-boto pa rin siya ng tao. Sa halip na alagaan ang pagtitiwala ng taumbayan, ginawang gatasan ang pamahalaan. Ninakawan pa ang mamamayan.

Really close friends

Really close friends

May ambisyon pa siyang tumakbo bilang maging bise president kung hindi man presidente sa 2016. Sa pagbulgar ng kanilang pangungurakot ng pork barrel, pwede na magpa-alam si Revilla sa kanyang ambisyun na titira sa Malacanang o kahit na mago-opisina sa Coconut Palace.

Ang problema niya ngayon, ay kapag nagdesisyun ang Ombudsman na may basehan ang akusasyun at magsasampa na ng kaso sa Sandiganbayan, mai-isyu ng warrant of arrest. Walang piyansa ang plunder kaya kulong siya.

Itong linggo daw, magpapasabog din daw si Revilla at Estrada. Excited na ako makinig. Baka sobrang amazing yun.
***
Ang tanong ng isa: paano ang bahay ng isang beauty queen sa Beverly Hills na mistress daw ng isang akusado na ang bumili daw ay si Napoles. Naku, baka binenta na yan. Ang bahay sa Beverly Hills hindi bababa sa $1.5 milyon o mga P65 milyon.

September 22, 2013 7:00 am  Tags: , ,   Posted in: Abante, Graft and corruption

15 Responses

  1. Mannie - September 22, 2013 9:36 am

    Bong has had lots of good days and good times. I recall when he was just starting as an actor, he was caught carrying an unlicensed firearm in Binondo. That was during the Marcos years when his father among the most popular actors and politicians.

    Since then, his rise to stardom and richness did not stop. He betrayed his compadre Jinggoy and ninong Erap by going to EDSA and attacked Erap on stage. As a result, people of Cavite dumped him when he ran for Governor. Then, he cried on national TV asking for the Estrada family’s forgiveness. Jinggoy did not forgive Bong for a long time. Not even their buddies, the late Rudy Fernandez and Philip Salvador were able to make the two reconcile. But later, they did and were back in good terms again.

    The elder Revilla does not come clean too. He was once working at BOC. Everyone knows that corruption within BOC is from top to down. When Revilla became Senator, he made sure that he always got the Public Works Committee chairmanship. As we all know, Public Works is among the most corrupt government agencies. He held the Committee until he retired as Senator. But the position was handed to the young Bong. His father made sure Bong got it. His father was even a consultant at Public Works during GMA’s term.

    It’s a public knowledge that the elder Revilla has many mistresses and children. Where did he get the money to support all of them if not from Pork Barrel and other activities, legal or otherwise. The younger Bong is no different. He too has mistresses and remains to be a womanizer. Now he’s worried about his grand children because of his involvement in the Pork Barrel scam. Among the three senators, Bong has the biggest share of the scam. And he was the one who pleaded with Malacanang to let him go as long as he returned the money plus interest.

    Good Bye to 2016 election, Bong. Good Bye to your TV shows and commercials. Like Lito Lapid, you wasted your Senate seat for several years now. Give up politics and just take care of your grand children. Explain to them that the money belongs to their ninong Jinggoy.

  2. Bhong - September 22, 2013 11:04 am

    for sure lahat ng sasabihin nila puro kasinungalingan,., susubukan nanaman nilang makalusot sa issue na to,., naku tama na pagsisinungaling ang panlilinlang mga bossing,.,

    sigurado na itong si Junggoy puro kabaklaan ang sasavhin nyan,, at itong si Bong magpapacute lang yan,.

    HIndi na kayo makakalusot ngayon,. nakabantay na ang taong bayan,.,

    tama po ba mam

  3. Bhong - September 22, 2013 11:06 am

    https://www.facebook.com/pages/RIP-Reveal-Investigate-and-Prosecute/587712307937523

    ito ang isang patunay na nagkakaisa ang taumbayan ngaun para lang makulong ang mga yan,.,

  4. Rhuby - September 22, 2013 11:51 am

    #2 tama ,., ang mga magnanakaw mga sinungaling yan,. mahirap paaminin ang mga magnanakaw qng totoong sila ay nagnakaw,. nanjan ang mga evidence na sila ang itinuturo,. kaya kahit na anung pagccnungaling pa ang savhin nila hindi sila makakalusot,., makukulong at makukulong pa rin sila,.

    kaya ang panawagan lang natin ngaun ay ang LIVE COVERAGE,., para masigurado natin na walang gagawin itong c NOYNOY na hindi maganda,.,

  5. Al - September 22, 2013 2:01 pm

    Ang tanong ng isa: paano ang bahay ng isang beauty queen sa Beverly Hills na mistress daw ng isang akusado na ang bumili daw ay si Napoles. Naku, baka binenta na yan. Ang bahay sa Beverly Hills hindi bababa sa $1.5 milyon o mga P65 milyon.

    Alam ko yata kung sino ito. May dalawa silang anak.JC ang initials?

  6. Snoop - September 22, 2013 2:13 pm

    Palitan na yang “amazing” to “amassing” stories.

  7. Jose Samilin - September 22, 2013 8:58 pm

    @1 Mannie, kung siya nga, sa sabi mo, “he was the one who pleaded with Malacanang to let him go as long as he returned the money plus interest. – See more at: http://www.ellentordesillas.com/2013/09/22/sobrang-amazing-ang-kuwento-ni-kap/#sthash.y1fwBh80.dpuf
    Kung totoo, nga siya yun, hindi sincere ang offer, otherwise, he would voluntarily submit all property titles, including list and serial numbers of all personal property, and complete descriptions and measurements accompanied by individual pictures, with just exception of what he is wearing now.

    If he is willing to do his offer he could have done that with out delay and without regard to the outcome of the plunder case. That is the type of man with high integrity if the offer is sincere. He is willing to be stripped of everything and let the law find its due course. He could have filed amended Individual income tax returns for each years he was allocated PDAF.

    No, the man is a professional liar and he deserved no mercy. He deserved both the wrath of the law and the law of God. Clearly the offer is just a trick, to provide another opportunity to to a more bigger scam.

  8. Mannie - September 22, 2013 11:33 pm

    Jose, thanks for your comment. Bong has no choice but to offer and negotiate. The evidences are just too much against him. To hire an expert in signature is a futile exercise because COA has documents to prove that Bong himself personally confirmed that his signatures were his and genuine.

    He might have also been advised by his lawyer to compromise with Malacanang. It’s now each one’s own problem to get out of the plunder charge even if this would affect his colleagues. Remember Jinggoy also plans to reveal other senators who are as guilty. It’s like each one his own. If I sink, you have to sink with me.

    Friendship and relationship are set aside to save one’s own assss. Look at Gigi Reyes whose activities are now being disowned by his staff and Enrile himself now says she’s not authorized to commit those acts. Yet, Gigi was given blanket authority all those years with Enrile. Does Enrile mean that he was not aware of her activities all those years? Unbelievable for a very smart even old veteran like Enrile.

  9. Manachito - September 24, 2013 2:03 am

    Si Revilla ay walang ginawa para sa mamayan ng Cavite. Wala kayo makikita na pinagawa niyan (at gayundin ang kanyang ama na may anting-anting daw na Ramon Revilla din ang pangalan) maliban sa mga “silungan ng tao habang naghihintay nag sasakyan” sa Imus. Ang mga naghalal sa mga Revilla ay mga nabayaran. Marami rin ang nagtataka kung bakit ang kanyang anak (Jolo Revilla) ay nahalal na pangalawang pinuno ng lalawigang Cavite. Dati ay hindi magkasangayon ang mga Revilla at Remulla. Naging napakataas ang lipad ni Ginoong Revilla at akala niya ay wala ng katapusan ang kanyang “agimat” sa panlililang ng mga taong bayan. May dawit din ang mga taong naghalal at nagbile ng boto sa mga Revilla. May kasabihan, “ang taas ng lipad, lumalagapak pagbagsak.” Maging matalino na sana ang mga tao sa paghahalal ng mga nanunungkulan lalo na ang mga mamayan ng lalawigan ng Cavite.

  10. Mannie - September 24, 2013 6:19 am

    The Revillas did something for Cavite. Jueteng has grown all these years and keep growing.

  11. TonGuE-tWisTeD - September 24, 2013 5:03 pm

    Nice, Snoop (#6) Kap’s Amassing Stories. ROFLMFAO!

  12. Ellen - September 25, 2013 11:58 am

    What is ROFLMFAO!

  13. TonGuE-tWisTeD - September 25, 2013 11:10 pm

    Rolling on the floor laughing my fucking ass off.

  14. Snoop - September 26, 2013 1:29 pm

    Tongue, bago yan ah.

  15. Mannie - October 5, 2013 12:02 pm

    Here’s the latest about Bong: He was removed as the actor of a movie being produced by INC to play as Edwardo Manalo in the movie “Ang Sugo” in time for the church’s Centennial Celebration next year.

    Bong said he voluntarily backed out so as not to destroy INC’s movie due to the current problem about Pork Barrel scam which he was allegedly to have been involved. Did he back out or INC asked him to?

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.