Skip to content

Fashion show ni Garci

(From Abs-CBN online)
(Photo by Recto Mercene)

Ano naman kaya ang suot ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano paglabas niya sa House of Representatives bukas?

Sa kanyang unang media interview kay Henry Omaga-Diaz ng ABS-CBN, naka-suot ng puti at pula na ghutrah o kuffiyah, ang Muslim scarf.

Marami ang nagtaka kung bakit siya naka-Muslim scarf. Nag-convert ba siya sa Muslim? Hindi naman. Mali nga ang kanyang pagkasuot ng ghutrah dahil dapat pala ‘yun ay nakatakip ang tenga.

Sabi nga ni Abdulah Dalidig, ng Namfrel sa Lanao na talagang Muslim, parang binastos ni Garcillano ang kanilang kasuutan. At dahil sa mukhang masama ang kanyang nasa-isip dahil magsasabog pa siya ng mas maraming lagim, sabi ni Daligdig dapat putulan siya ng ulo. Biro lang siguro yun pero may laman.

Gusto niya yata palabasin na nasa bundok siya at guwardyado ng mga Muslim rebels. Ang pagka-alam naming ay mga bata ng isang gubernador ang nagga-gwardiya sa kanya. Baka naman Muslim rebels nga ang mga bata ni Gob. Magandang kuwento yan.

Nang lumabas naman siya sa GMA-7, nakasumbrero siya ng batik.Hindi na siya ngayon Muslim. May rason naman palang magagalit si Daligdig.

Nang dumating naman niya dito sa Maynila noong linggo ng hapon, naka sumbrero naman siya ng maong at naka-vest. Parang lolong jeproks. Baka nakabullet proof vest pa siguro dahil sabi ng mga reporters, grabe ang security.

Sabi ni Garci kakasuhan raw niya ang mga tao o grupo na nagpalabas ng Hello Garci tape. Teka nga, akala ko ba sabi niya hindi toto ang tape na yun.

Sabi ni Rep. Roilo Golez: “Dapat unahin niya si Press Secretary Ignacio Bunye dahil siya ang unang nagpalabas ng tape.” Naala-ala pa siguro ng lahat ang “I have two tapes” na drama ni Bunye noong June 6 ngayong taon.

Sabi pa ni Golez, dapat habulin rin ni Garcillano ang nagpa-tape sa kanya. Sino ba ang nag-utos sa ISAFP na i-tape siya. Mangyayari ba yun na hindi aprubado sa Malacañang?

Tinatanong ni Golez kung sino ang nag-order na sangkaterbang security ngayon kay Garcillano hanggang sa Camp Bagong Diwa. Gastos yun ng taumbayan. “Halatang-halata na may maestro na kumukumpas,” sabi ni Golez.

Sa halip na magsisi sa kanyang ginawang pandaraya, offensive ngayon si Garcillano. Tanong ni Golez: “Sino itong taong nagpapalakas ng loob ni Garcillano?”

Kahit ano pang suot ni Garcillano, kahit ano pang kuwento niya, ang nakaka-alam ng katotohanan ay nasa itaas. Doon dapat matakot si Garcillano.

Published inWeb Links

61 Comments

  1. Karl Karl

    Sino nagpalakas ng loob ni Garci?

    Hindi ko minamaliit ang abilidad ni FG sa paglakap ng pondo para sa mga atleta at pagkuha ng pledges..

    lahat naman tayo nakinabang sa magandang pinamalas ng ating mga atleta…

    pero kung kumuha sya ng pondo para palakasin ang loob ni garci ibang usapan na yan….

    baka di naman si FG
    pero sya lang ang nakikita kong katapat ni Sen Ping
    at lahat ng mga oppostion congressman…..

    Ito ay haka haka lamang huwag bigyan kahulugan at kunin bilang isang butil ng asin….

    pero malay mo….

  2. Mukhang siniswerte pa rin itong si Garci baka gawan pa ng movie siya dahil makulay na buhay niya o madilim na buhay pala, ang pamagat ay “Pasaway na Sablay pa II” produced by FG films starring Bentong.

    just kidding

  3. Anelle Y2K Anelle Y2K

    Lubhang napakaswerte talaga ni ginoong garcillano,imagine full security measures and pabahay galore ang dakilang butt kisser! VIP! Subalit, hindi man tayo mahusgahan ng batas ng tao ay meron pa rin tayong batas na siyang huhusga sa atin IN HIS TIME…

  4. myrna myrna

    talagang kapal-muks na itong si garci. not that we should judge a person by his looks, pero i will take this as an exception. grabe na ang pagkakapal ng mukha at utak niya.

    yan ba ang dating comelec commissioner? sa hitsura pa lang, masyado nang pathetic. he is one lying stupid son of a bitch!!!!

    and the bigger son of a bitch is no less than FatGuy, with an unano as a wife (kuno!).

    hay kawawang Juan de la Cruz, harap=harapan ginagago, kaso yung iba naman, nagpapagago.

    ano ba yan? wala ng integridad ang pagkatao nila?

    sana tamaan na lang ng kidlat.

  5. Yuko in Tokyo Yuko in Tokyo

    Dalawang ibon ang tinutugis sa pagpa-fashion show ni Garci—awa ng mga Abus at mga pilipinong nililito nila na parang talilong! Pero may araw din ang dagdag-bawas na iyan. Malay ninyo, matuluyan iyan kapag umarte-arte siya na katulad noong si Gonzales. Masama ang nagpapanggap na maysakit, natutuluyan!

    Dapat ang pangalan ni Garci hindi Virgilio kundi Islaw—“Islaw palitaw, lulubog-lilitaw sa tae ng kalabaw na may halo ng etabom ni Ate Glue at Ip Dyi (tawag ni Manny Pacquiao kay Fat Guy)!” :-p

    Sorry, ang dumi! Kasi ang dudumi ng mga taong ito!:-

  6. che che

    ay, ang sosi ng gurang! nagpakasarap sa pagtatago at hayan, pagbalik bongga! e, ang sasabihin nya kaya sa publiko…bongga din? o scripted? hay, buhay, tututok na naman tayo sa taong…pasaway na…at walang maidulot na tama sa ating bansa…sa amo nya lang siya tama. Sus, talaga! kapal mo talaga, GARCI!

  7. ELLEN: Timing na timing talaga: kalalabas lang (4:00) ng decision ng Korte Suprema na SUB JUDICE na ang Garci tapes (kahit na headline ay turn down ang pag void ng arrest warrant) Yan ang magiging batayan ng bawat “I refuse to answer” and “I cannot answer that question, your honor because…” na maririnig natin bukas. Nga pala binanggit ko rin yung punto ni Dalidig..

  8. Dennis Rodman Dennis Rodman

    baka gayahin ni garci ung mamang iyakin n kakampi dati ni sandra cam???? yung bigotilyo n kung makaatungal sa harap ng kamera e puwedeng pang hollywood???? sino na nga yon??? ano n ba nangyari don….tsaka dun kay gen. mosqueda, san n rin ung mamang yon??? pag nagkaganon, sana may isang matapang n ingudngod n lang ung mukha ni garci sa lamesa at paaminin o gamitan n lang kaya si garci ng pulis brutality para umamin n nandaya sila talaga ni gma….palagay ko di makukuha s mabuting pakiusapan si garci, dapat dun kamay n bakal!!!!!!!

  9. E-mail from Romeo Balagtas:
    PAKISABI KAY DALIGDIG PUNTA SIYA DITO SA SAUDI PARA MAKITA NIYA NA MARAMING NAGSUSUOT SA ULO NG ISINUOT NI GARCI HALOS LAHAT NG TAGAWALIS DITO SA KALSADA AY SUOT MOSTLY MGA BANGLADEST KAYA SA TINGIN KO HINDI BINASTOS NI GARCI ANG KASUOTAN NG MGA MUSLIM. DITO NGA WALANG NAGAGALIT NA ARABO KAPAG SUOT YAN ANG DAMI KASI DITO NYAN MINSAN NGA PINANPUPUNAS PA NILA NG SAPATOS NG MGA TAGAWALIS DITO, TANUNGIN NA LANG ANG MGA PINOY NA NANDITO SA SAUDI.

  10. Email from Jhun Sagumh:
    Nakakasuka na at ang KAKAPAL ng mukha ng KASALUKUYANG
    ADMINISTRASYON. Lokohin nila LELONG nila.

    KAHIT ANO PA ANG SABIHIN NI GARCI HINDI NA NYA MAPAPANIWALA
    ANG TAONG BAYAN, AT MAGING ANG PEKENG PANGULO .
    WAG NILANG LOKOHIN ANG MGA PILIPINO !!!
    SOBRA NA !!!

    NAKAKASILAW TALAGA ANG KAPANGYARIHAN, NGUNIT
    ITO AY MAWAWALA RIN AT BABAWIIN DIN NG TAONG BAYAN

    HINDI NATUTULOG ANG DIYOS, LORD KAYO NA BAHALA …

    SALAMAT AT MAY MGA TAONG TAGA MEDIA NA HINDI
    NABIBILI AT NAPAPASUNOD NI PANDAK !!!

    Nakakatakot na baka sa DARATING na ELEKSYON, Marami
    ng IIDOLO kay GARCILLANO … PUNYETA !!!

    IPAKAIN SA PATING :

    GMA AT ALIPORES
    MIKE ARROYO sama mo na si VICKY TOH
    PICHAY
    BUNYE
    NOGRALES
    JDV
    SANTIAGO
    CLAUDIO
    SALUDO
    TIGLAO
    ATIENZA – SIPSIP
    LOMIBAO
    QUEROL
    AT ALAM NYO NA KUNG SINO KAYO.

    MGA PARI AT OBISPO NA NAGBUBULAGBULAGAN DAHIL SA DONASYON

  11. romeo romeo

    hindi ba taga borneo yan.. o cast out ng borneo. kasi parang kahawig sya ng orang-utan eh. tingnan nyo shots nya. di ba kahawig.. pero palagay ko kasiraan sa lahi ng mga orang-utan yang si garci kaya nagpipilit magmukhang tao. Pilipino pa ang nagustuhang lahi. hak hak hak

  12. Atong Kuliglig Atong Kuliglig

    Kumakain po kami noon sa isang restoran,
    Restorang maganda, “Cooking Ng Ina Mo” ang alan;
    Pagkat di pa tuyo ang tina na sa buhok ay inilagay
    Kami po ay nagtalukbong ng napkin na hiram kay Nanay.

    Kaya nang dumating ang kamera ni Henry O,
    Nagmukha kaming muslim na mey takip sa ulo;
    Di naman namin sinabing mga muslim kami, ano. . .
    Bakit ganoon ang inilabas ninyo sa dyaryo?

    Kasi naman kayong lahat, mga padalus-dalos,
    Pati ako ay pinadudulas at ginagawang palos,
    Ang palalong puluhan ng inyong panghambalos
    Hinahataw ninyo sa Mindanao, habang ako’y nasa Malolos.

    Sa mga tanong ninyo na mey tunog ng pakakak,
    Ang isasagot ko ay sagot na mga palpak;
    Ang mga usapan natin sa cellphone, kapag aking inilabas,
    Magtawa na kayo ngayon pagkat akin ang huling halakhak.

    Ang senaryo sa itaas ay kathang-isip po lamang
    Ng katulad kung walang magawang katinuan;
    Ang pagkakahawig sa mga balitang pangkasalukuyan
    Ay pinagtiyap po, “Hello M’am. Yong dagdag M’am?”

    Atong

  13. Urgie F from New York City Urgie F from New York City

    Pang Famas or fashion show model award ang fashion show ni Garci-gate. Bigyan natin siya ng award. Ano kayang award.. nauukol kay Garcillano. Palagay ko ang magandang award sa kanya ay “master operator-dagdag-bawas award”

Leave a Reply