Skip to content

Hindi malinis ang pagka-ayos ni Mikey

Mula nang inilabas naming ang balita tungkol sa bahay ng magkapatid na Mikey at Dato Arroyo sa San Francisco, marami ang nagtatanong sa amin kung ano ang nangyari.

Marami ang naiinis na parang hanggang diyaryo lang. Wala naming nangyayari. Tuloy naman ang ligaya ng mga nagsasamantala ng kanilang posisyun sa gobyerno para sa kanilang sarili.

Kahapon, nilabas namin ang bagong impormasyun na nakuha mula sa San Francisco. Nilipat nang mga abogado ni Mikey ang bahay sa Foster City na nagkakahalaga ng $1.32 million na nasa pangalan ng kanyang asawa na si Angela Montenegro sa pangalan ng Beachway LLC noong Septyembre 18, 2009.


Nangyari ito mga tatlong linggo pagkatapos lumabas ang expose ng VERA Files na may bahay sina Mikey at Angela sa San Francisco ngunit hindi sinama ni Mikey sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth na requirement sa batas.

Sinabi sa papeles na noong Oktubre 2007 pa raw ni Angela binenta ang bahay. Kung ganun, bakit nasa pangalan pa rin niya noong Agosto 2009 nag sinulat namin ang report? Sabi ng abogado ni Mikey na si Atty. Ruy Rondain, mga Amerikanong abogado at broker daw ang may kasalanan at hindi inasikaso ang mga papeles.

Kasama pa rin si Mikey sa Beachway LLC pero minority lang daw ang sahares, sabi ni Antonio Mariano Almeda, dating chief of staff ni Mikey na isa sa managers ng Beachway.

Kaya lang mahirap talaga naglilinis ng dumi kasi kahit papa-ano may nakakaligtaan. Ganun ang nangyari sa papeles nina Mikey. Oktubre 2007 daw niya binenta ang Foster city na bahay na kanyang binili noong Aug 2006. Bakit hindi niya na naisama sa kanyang SALN na kanyang isinumite noong Hulyo 2007?

Mahirap talaga kapag may tinatago.

Ang tanong ng marami, talaga bang binenta o inayos lang ang papeles at sa kanila pa rin. Siyempre kapag hahabulin yan balang araw ng taumbayan, pwede nilang sabihin wala na sa kanila.

Marami nga ang nagbibigay sa amin ng impormasyon ng iba pang mga bahay ni Mikey at pamilyang Arroyo ngunit nasa ibang pangalan ang papeles.

Bilang manunulat, ang trabaho namin ay ipa-alam ang katotohanan sa sambayanan para magiging basehan ng kanilang desisyun at pagkilos. Nagsampa ng kaso ang COURAGE, ang organisasyun ng mga kawani sa gobierno, ng kaso sa Ombudsman laban kay Mikey gamit ang impormasyun sa istorya ng VERA Files.

Isa lang ito at malamang parami pa dyan. Hndi natin dapat pakawalan ang kasong ito.

Published inGloria Arroyo and familyGovernance

13 Comments

  1. &i>Nagsampa ng kaso ang COURAGE, ang organisasyun ng mga kawani sa gobierno, ng kaso sa Ombudsman laban kay Mikey gamit ang impormasyun sa istorya ng VERA Files.

    I wonder if they will succeed…

  2. The case has better chance of succeeding in an Ombudsman not headed by Merceditas Gutierrez.

  3. jawo jawo

    ‘Pag kakampi ka ni Arroyo, Merceditas Gutierrez is like all three monkeys rolled into one……..”see no evil, hear no evil, speak no evil”.

    Pero kapag kalaban ka (ng kahit na driver lang ni Gloria), Merceditas will “see, hear, and speak” of your evil.

    Either way she acts, if at all, she is still THE monkey, bar none.

  4. rose rose

    Kahit ano ang gagawin ng mga Arroyo hinding hinding malinis! paano lilinis..ang utak, kamay puso, kaluluwa and their whole being ay madumi, maitim pa sa gilagid ni putot..btw nabasa ko na pupunta sa US in April..what to celebrate her birthday or to withdraw all their money? saan sila magdidiner sa birthday niya? same restaurant where they spent so much? iba na nga kung mapera ka..lalong lalo na pag ninakaw mo…look at Villar too..kaliwa at kanan ang pagtapon ng pera..galing at matalino!

  5. romyman romyman

    Mrs. Montenegro must pay taxes on the property she sold in 2007. She is liable for tax evasion if her 2007 ITR the income derived from the sale is not reported.

    Wala parin kawala kahit anong gawing lusot.

  6. Hindi malinis ang pagka-ayos ni Mikey

    E paano bobo!

  7. Kasama pa rin si Mikey sa Beachway LLC pero minority lang daw ang sahares, sabi ni Antonio Mariano Almeda, dating chief of staff ni Mikey na isa sa managers ng Beachway. – Ellen

    Si Nano Almeda, na sinasabing trainer ng mga baboy, este, kabayo ni Mikey at FG ay isa ring horse owner ng mga kabayong Perky Perp, Pabilic Express, Bombshell Beauty, Divine Diva, Freedom Charger, etc. Nagtataka lang ako dahil wala na sa listahan ng horse owners ang mag-amang baboy. (Isa pa ay hindi naman lisensiyadong trainer si Nano Almeda). Saan na napunta yung mga Australian thoroughbreds nila? Yung magkakapatid na Almeda, sandamukal ngayon ang mga kabayo na puro Australia ang origin, base sa rehistro.

    Dummy ba siya nina Mikey at FG?

    Dito kayo ngayon magtaka. Si Almeda ay CHief of Staff ni Mikey sa House, meron pang pwesto sa Energy Committee ni Mikey. Si Mikey ay Capo de Tutti Capi ng Kampi, ngayon ay outgoing titular head ng Lakas-Kampi sa House.

    Tapos, si Almeda ay tatakbong congressman ng Caloocan sa anong partido?

    Nacionalista Party!, Nakup diyata’t ebidensiya iyan laban kay Villarroyo!

  8. andres andres

    Dapat sa mga Arroyo ay bitayin o firing squad!!!
    Masyado ng garapal! Pero ang civil society mukhang tahimik. Noong panahon ni Erap ang iingay, kay Arroyo kahit garapalan na ngayon walang imik. Guilty rin ba kayo kung bakit nasa pwesto ang mga Arroyo?

  9. Andres,

    If you listen carefully you will find that the civil society has been very vociferous since Gloria stole the elections in 2004.

  10. bayong bayong

    Bilang manunulat, ang trabaho namin ay ipa-alam ang katotohanan sa sambayanan para magiging basehan ng kanilang desisyun at pagkilos.
    kumg ganito lahat ng media, hindi sana maghihirap ang sambayanang pilipino.

  11. bayong bayong

    harap harapan kung babuyin at lokohin ang taumbayan ng mga lintek na ito kayang kayang paglaraan ang mga batas. yan ang batas sa atin laruan lang. punyeta. R lang talaga ang kailangan para mabago ang bulok na sistema kung hindi habambuhay na tayong gagaguhin at paglalaruan nitong mga lintek na ito. demonyo pa sa salitang demonyo.

  12. mario mario

    Mikey will never be clean. He cannot even clean his ass. Let’s hope that the next President from the opposition would go after the Arroyo family’s ill-gotten wealth. So, make sure not to vote for Gibo and Villar or anyone perceived to be an Arroyo ally. By process of elimination, the one who can be considered true opposition is Erap. Bro. Eddie Villanueva also conspired with the rest during the Edsa 2 and was not so critical of Arroyo in the beginning.

Comments are closed.