Skip to content

Tag: Artemio Raymundo

May mga kakampi ngayon ni Pnoy na maaring matamaan kapag hinalungkat ang dayaan sa 2004 na eleksyun

A Marine officer was jailed 3 and 1/2 years for sharing this DVD about Gloria Arroyo's cheating in the 2004 elections.
Natutuwa ako na nabuhay ang “Hello Garci” at ang dayaan ng 2004 na eleksyun. Sana, sa wakas, malalaman natin ang buong katotohanan.

Natatawa rin ako dahil sa paglabas ng mga recycled na mga artikulo at mga impormasyun na nilabas nitong mga nakaraang anim na taon ay akala ng marami ay bago. Katulad na lang ng pinalabas ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na documentary ng dayaan ng 2004 eleksyun noong isang linggo. Sinabi sa news reports first time daw pinalabas.

Sa totoo lang, maraming beses na pinalabas yan mula pa noong 2006. Ang gumawa niyan ay ang grupo nina Marichu Vera Perez-Maceda, matalik na kaibigan ni Susan Roces at kilala sa kanyang palayaw na “Manay Ichu.”

Ang pamilya ni Manay Ichu ang may-ari ng Sampaguita Pictures na noon ay isa sa malaking movie production company.
Maraming bersyun ang ginawa ni Manay Ichu dahil habang ginagawa ang docu film,maraming impormasyun ang dumarating.

Ang isang bersyun nga na ang pamagat ay “Original Sin” ay isa sa mga DVD na naging dahilan ng pagkakulong ni Capt. Artemio Raymundo ng tatlo at kalahating taon.