Skip to content

Tag: Cebu Pacific

Palpak na serbisyo ng Cebu Pacific

Ruffy and Tina
Napaaga ang Halloween ng mag-anak na Biazon. Courtesy ng Cebu Pacific.
Ito ang kuwento ni dating congressman Ruffy Biazon at ng kanyang asawang si Trina na sinulat nila sa kanyang blogs.

Nagbakasyon daw sila sa Boracay, sakay ng Cebu Pacific noong isang linggo. Okay ang biyahe nila papunta. Okay rin ang kanilang bakasyon. Ang kanilang horror story ay nangyari noong pabalik na sila sa Manila.

Sabi ni Ruffy, meron daw offer ang Cebu Pacific na kung gusto mo, pumili ka ng upuan mo in advance. Magbayad ka lang ng extra. Dahil kasama niya ang tatlong anak na ang pinaka-bunso ay apat na taong gulang ( ang isa ay 8 at ang pinakamatanda ay 15 taong gulang), nagpa-reserve sila at nag bayad ng extra. Anim sila, kasama ang yaya.

Nang sumakay na sila at naka-upo na sila sa front row, dahil yun ang kanilang pina-reserve, pinapalipat sila dahil bawal daw ang batang mas bata kaysa 15 taong gulang sa upuan nay un dahil yun ang nasa-exit.

Kalbaryo ng isang pasahero ng Cebu Pacific

Pinadala sa akin ng isang pasahero ng Cebu Pacific ang kopya ng kanyang sulat sa Customer Service ng Cebu Pacific na naglalahad ng kanyang kalbaryo dahil sa kanyang maleta. Humihingi siya ng tulong na matapos na ang kanyang pagdurusa sa Cebu Pacific. Ito ang kanyang sulat:

Tatagalugin ko nalang ang sulat kong ito para naman malinaw at mag kaintindihan tayong lahat!

Ako ay si Christopher Raymund Saavedra Caballero,nakatira sa 1639-F.Maria Orosa st.Malate, Manila cel. 09165768164/09215758816/09222942257.

Naging pasahero ako ng Cebu Pacific last december 29 papuntang cotabato city at bumalik naman ako from Cotabato City to Manila ng Dec.31 2009.

Kaya ako nag- email sa inyo dahil yung maleta ko,may nakalagay na na “ fragile” at may naka dikit pang sticker galing ng Cotabato City na walang damage ang maleta ko.Kaso nang pag dating namin sa airport sa Ninoy Aquino International Airport ay may bitak na yung maleta ko at maraming gasgas na!

Panghugas ng konsyensya ni Gloria

Paano ko kaya ipadala itong nabili kong body wash kay Gloria Arroyo?

Maganda itong body wash dahil nakalagay, “Village Naturals Green will leave you with a clean body and conscience.”

Tuwang-tuwa ako sa produkto na ito. Biro mo, hindi lang katawan ang nililinis nitong body wash (tubig na sabon). Pati konsyensa. Gusto ko pa sana kumuha ng marami at ibibigay ko sa mga congressman at mga opisyal na walang habag kung mangurakot ng pera ng taumbayan. Para naman malinis ang kanilang konsyensa.

Mura pa naman itong Village Naturals body wash. $0.49 cents ko lang nakuha sa clearance sale ng “Ross for Less” sa Riverside, California. Parang P23 lang. Kaya lang nag-iisa lang e . Kasi clearance sale nga.

CHR’s De Lima slams Cebu Pacific on discrimination of “special child”

The Commission on Human Rights bewailed the discrimination against a “special child” by Cebu Pacific last Dec. 23.

It has been reported last Dec. 23, Maritess Alcantara and her son, John Arvin, boarded a Cebu Pacific flight to Hongkong. They were reportedly asked to deplane because of her son’s “special” condition.

Alcantara, in a broadcast interview related that, prior to departure, she was asked by the crew prior to departure if her son was ill. She responded that he was not, albeit he was a special child with Global Developmental Delay, a condition that impedes the normal development of the child’s faculties. The crew responded that it was company policy that no two special children/persons may board the same flight, and insisted that she disembark together with her son. Based on other news reports, it appeared that there was another passenger on board who had down syndrome.