Skip to content

Tag: Con-Con

Bakit pinagpipilitan ni Gloria Arroyo ang Con-Con?

Talaga naman itong si Gloria Arroyo. Hope springs eternal.

Pinagpipilit pa ngayon ng kanyang mga kampon sa House of Representatives ang pagpapalit ng Constitution. Hindi na Constituent Assembly ang pinagpipilit. Sumakay na sila sa Constitutional Convention na nakasaad sa House Bill 6975 na nasa second reading na.

Sabi ni Rep. Neptali Gonzales II tatawag daw ng special session mula Enero 18 hanggang Pebrero 5 para dito sa Con-Con. Kumpyansa si Cavite Rep. Elpidio Barzaga na maipasa nila ang HB 6975 na may 51 na authors, pat ay miyembro ng oposisyun.