Skip to content

Tag: Liu Xiaobo

Sanga-sangang problema dahil sa palpak na desisyon sa trahedya ng Agosto 23

Sinabi ni Pangulong Aquino sa Inquirer na kaya daw yumuko ang Pilipinas sa kagustuhan ng China na boykotin ang awarding ceremonies ng prestihoso na Nobel Peace Prize sa Intsik na aktibista na si Liu Xiaobo ay dahil daw sa limang Pilipino na nasa death row sa China.

Nilalakad kasi ng Pilipinas na salbahin ang limang Pilipino na yun sa kamatayan.

Dalawang rason pa ang sinabi niya: ang Agosto 23 na trahedya at ang girian ng South at North Korea dahil may 50,000 na Pilipino raw sa South Korea.

Hayaan na natin ang away ng South Korea at North Korea. Sobrang malayo na yun sa isyu na ito.

Kaya naman pala eh

Ang pagpalaya sa mga Morong 43 ay nagpapatunay na kung gusto talaga, mahahanapan ng paraan. Kaya gawin.

Salamat naman at nagkaroon ng “political will” si Pangulong Aquino na pakawalan ang Morong 43, ang 43 na health workers na nakakulong ng sampung buwan mula pa nang sila ay inaresto noong Pebrero habang sila ay nasa outreach program.

Sa kanyang memorandum order na pinalabas noong Biyernes, sinabi ni Aquino sang-ayon siya na may pagkukulang sa batas ang pag-aresto ng 43. Ito ay nangyari ng malapit na matapos ang termino ni Gloria Arroyo na walang pakundangan nilalabag ang karapating pantao ng mamamayan..