Skip to content

Tag: somalia

Ang panganib sa mga Pilipino seamen

Related article in Malaya: Ridiculous, seafarers’ group says of Aden Gulf ban

Tuwing may balitang may naha-hijack na namang barko ang mga pirata sa Somalia, ako ay kinakabahan dahil may mga kamag-anak ako sa probinsya na nasa barko.

Mahirap, kasi hindi naman palagi nilalabas ang pangalan. Sa awa naman ng Diyos, safe naman ang mga kamag-anak at kakilala ko ngunit ipinagdadasal ko rin ang mga humigit-kumulang 300 na Filipino seaman na nasa kamay ng mga pirata sa Somalia ngayon.

Mahirap sundan kung ilan na ang mga Filipino hostages ng mga pirata dahil pakawalan ang 20 ngayon, kukuha na naman sila ng panibagong barko sunod na araw. Sa dami ba naman ng Filipino na seaman, hindi maa-aring walang Pilipino na kasama.