Skip to content

Paano kung kumanta si De la Paz?

Sa hearing tungkol sa Euro generals na isinagawa ng Senate Committee on Foreign Affairs na pinangungunahan ni Sen. Miriam Santiago, maraming binanggit na batas at order ni Gloria Arroyo na nilabag raw ng Philippine National Police sa kanilang delegasyon sa Interpol conference sa Russia.

Isa na doon ang order ni Arroyo na tigilan na ang pagaaral, training of pagdalo sa mga conference sa ibang bansa maliban lamang kung ito ay hindi gastos ng pamahalaan.

Sa 77th Interpol conference sa Russia 17 ang dumalo galing sa Pilipinas. Tatlo galing sa Bureu of Immigration, lima galing sa National Bureau of Investigation, at siyam ang galing sa PNP. Gastos lahat ng sambayanang Pilipino.

Dito nga na hulihan si PNP Comptroller Eliseo de la Paz ng 105,000 Euros (P6.9 milyon) nang palabas na siya at ng kanyang mga kasamang heneral at ang kanilang mga asawa sa Moscow. Malaking kahihiyan ang dulot ng insidente sa Moscow sa Pilipinas kaya inimbistigahan ng Senado.

Ngayon, bakit naman sundin ng PNP at ng ibang opisyal ng pamahalaan ang utos ni Arroyo? Siya nga mismo gumgawa ng salungat sa kanyang utos, bakit ka nga naman magpaka-tanga.

Tuwing biyahe ni Arroyo sa ibang bansa, sangkaterbang mga congressman at mga local na opisyal ang bitbit kasama pa ang mga asawa. Di ba nang hinahagupit ng typhoon Frank ang Pilipinas, si Arroyo at sovbrang 60 na congressman, nagliliwaliw sa Amerika? Hindi na siya nahiya sa katakot-takot na batikos dahil ganoon din ang nangyari noong isang buwan nang pumunta na naman siya ulit sa New York.

Kaya huwag tayong umasa na may mangyayari sa imbestigasyon sa Euro generals. Pinagbigyan lang ng Malacañang si Santiago dahil kakampi nila.

Nag-enjoy naman tayo, di ba. Talo pa ang nanood ng boksing o wrestling. Tuwang-tuwa tayo ng binabara ni Miriam si Secretary Ronaldo Puno.

Walang ibang tao na makagawa ng ginawa ni Arroyo kay Puno noong Huwebes. At mabuti yun na si Miriam ang gumawa. Kung si Sen. Ping Lacson yun, sasabihin nila pulitika lang o destabilization.

Anong malay natin baka payo pa ng Malacañang kay de la Paz na huwag dumalo ng hearing sa Senado kasi baka lalong mabuking. Ang takot lang ng lahat. Baka kumanta si De la Paz. Hindi lang siya ang madiin, baka marami pa ang madamay.

Kung madamay si Versoza, bibitawan ba siya ni Arroyo? Bata yata ni Ronnie Puno yan. At ang ganyang klaseng may atraso sa bayan, maaasahan ni Arroyo yan na susunod sa utos niya kahit labag sa batas para manatili siya sa kapangyarihan.

Maari ba namang pabayaan ni Arroyo ang mga PNP, na yun na lang ang maasahan niyang magpru-tekta sa kanya? Alam ni Arroyo na maraming inis sa kanya sa military.

Published inGovernanceWeb Links

30 Comments

  1. chi chi

    Pulis ni Pidal (PNP) ang delegasyon sa Russia at tiyak ay alam/kasangkot si Puno sa plano ng mga hinayupaks kaya wash out na ang kaso ni dela Paz. Si Versoza? Korek, Ellen. Never na babanggain ni Gloria si Puno? Takot lang ng impakta!

    Kung kakanta si dela Paz?…Mas madali siyang gawing fertilizer kasi mga Pulis Ni Pidal, sila-sila, ang mga sangkot.

    Ang bilin ni Gloria sa kanyang PNP at Puno: Sa susunod ay pagbutihin ninyo at tularan ninyo ang estilo ko sa pagnanakaw at nang hindi kayo mabisto ng madla.

    Next kakabuyan…..

  2. Mike Mike

    Pag kumanta si Dela Paz??? Sana nga, para magkabukingan na… teka buking na nga pala, ano pa kayapwedeng ibking kung saka-sakali? Hmmm…. ano nga ba?

  3. Mike Mike

    ano pa kaya pwedeng ibuking…

  4. Tedanz Tedanz

    Eto ang kakantahin ni dela Paz …. Saan, Saan ako nagkamali …..

  5. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Palagay ko diversionary tactics ng Malacanang ang ‘Euro Generals’ scandal imbestigasyon. GMA rabid ally Brenda at Ombudsmnan ay naging aktibo sa kaso. Himala? Alam nila ay malapit ng i-deporta si Joc. Joc Bolante. Gusto nilang ibaling ang atensyon. Mas malaking halaga ang dinugas at sabit si Gloria Arroyo. Kung sakaling kakanta si Joc-joc, baka makonsenya ang mga tongressman at pirmahan-suportahan ang bagong reklamong impeachment laban kay Gloria Pandaka.

  6. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Heto ang kanta ni Joc-Joc para kay Gloria: Please release me let me go for I don’t love you anymore.

    Anong klaseng pag-ibig? Puppy love o pag-ibig tuta.

  7. syria syria

    Malamang ay sintunado si de la Paz kapagka kumanta siya dahil sintunado ang mga bosing niya na tagapagturo niya.

    Pero sa Russia, napilitang maayos na kumanta si de la Paz ng “From Russia with Cash” dahil buking na buking siya.

  8. Valdemar Valdemar

    Disintonado si dela Paz. Hindi papayagan ang ninoman na kumitil sa golden goose. Jan oobra to the hilt ang vulcanized unity among mired and stained Peemayers to impose to other ‘beneficiaries’the mafian code of silence.

  9. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Not again! More of futile exercise, now with pathetic Miriam. Miriam, us we already knew, not a well guarded kept secret, of course not, is nothing but the main playmaker of wh*re Gloria’s orchestrated playbook. My two cents worth, once again, as many others before de la Paz, this one is just an exercise to nowhere. Just how many times that people will fall to the joke of Malacanang is up for sale? Another lost cause, I suppose. De la Paz is nothing but a small pee-on, and if Miriam is not dishonest person, she should instead prosecute the wh*re Gloria for massive abuse of power and plundering of billions of tax payers money. But being Miriam and corrupt like the others in the gov’t, going after de la Paz is nothing but another rhetorical lips service. Miriam is probably bored and wants to be heard. I came to the conclusion that no one working in the gov’t can be trusted, zilch.

  10. tagairaya tagairaya

    Ellen, you must have been in a hurry.

    “Tatlo galing sa Bureu of Immigration, lima galing sa National Bureau of Immigration, at siyam ang galing sa PNP.” You mean National Bureau of Investigation, right?

    “Walang ibang tao na makagawa ng ginawa ni Arroyo kay Puno noong Huwebes. At mabuti yun na si Miriam ang gumawa.” You mean Santiago and not Arroyo, right?

    But I am amazed how often you update your blog. Great work – in terms of both quantity and quality.

  11. “Magiging sunod na tanong natin: Okey, nakalusot sila doon sa imbestigasyon sa customs ng ibang bansa. Tingnan naman natin ang patakaran ng Philippine National Police (PNP) kung naisunod ba nila yan. Baka naman naglabag sila ng ibang patakaran ng PNP,”Ronaldo Puno .

  12. rose rose

    Tumawag si Bush ng meeting of world’s economic leaders sa Nov.15 sa Washington DC. I am quite sure Gloria will atternd..as this will be her chance to meet the President elect who will also be there. I am quite certain that kahit hindi siya iibitahin she will be there by hook or by crook,..wanna bet?

  13. florry florry

    Report says that Santiago terminated her committee’s hearing and investigation of the Eurogens. Wow, that was fast. On the side it’s unbelievable and suspicious because how can anyone draft a report on an investigation if you consider that she never saw even the shadow and heard the side of the principal resource person de la paz. So now it looks like she pre-determined the extent, how far she would go in her committee’s investigation. It would be only up to the closed gates of Malacanang. Mention of contingency funds which is under the evil bitch, make her feel that it’s inching its way to the doorsteps of her boss and before it runs out of control, she have to shut it off. And besides she also got her wish to get back at Puno. Nabanatan na niya ito kaya masaya na siya. Tapos na naman ang isang palabas para sa mga Pilipino.

  14. victor victor

    Senator Santiago vying for the honour of sitting in an International Court can come up with a decision in a case where she already made up her mind before she even heard a single word and handed a verdict just because she is going somewhere else for her personal career (she’s going to New York for that Court appointment, isn’t she?)in a single day or two, (how long was the hearing?) and I’m pretty sure she had not seen any documentary evidence, or even heard independent Testimonies, other than the Parties so deeply involved in the case,Is in my opinion not Fit to be a member of the World Panel. But since this is also a Number Game, she might as well get it, with GMA lobbying and what Else? But Louise Arbour she is NOT.

  15. martina martina

    Kaya nga Brenda!

  16. victor victor

    what brenda means?

  17. victor victor

    oh oh i got it!!

  18. pranning pranning

    26 October 2008

    Geezzzz, peeps you still don’t get it, nothing will happen on the investigations, now that brenda, the crazy bitch is a cinch to become a member of the ICC, she is in a hurry. Nothing will happen.

    As long as the evil and the crazy bitches are in power nothing will happen.

    By the way, its not the evil bitch who has in her hands the generals, its the other way around, they need to protect, or should I say “THESE GENERAL HAS THE EVIL BITCH IN THE NECK” to protect themselves.

    The evil bitch is the hostage of these generals, that’s why she can’t do anything. They are playing us Filipinos for folls, and we kept on buyin it.

    GEEEEZZZZZZZZZ, we really never learn!!!!!!

    prans

  19. kabute kabute

    “Paano kung kumanta si dela paz” Ako segurado di kakanta si dela paz. Sindikato ng matataas na opisyal ng PNP ang sangkot sa usapin ng eurogenerals kaya walang kadudaduda na hinde kakanta iyan si dela paz. Gagawa lang ang mga iyan ng kung ano-anong mga estratehiya para abalahin ang mga pag-imbestiga at magpapalabas ng malabong resulta. Mga resulta na di magagamit kahit dahil sa husgado ang isyu. Iisa ang takbo ng mga isip nitong sina GMA at mga opisyales ng PNP. Kailangan nila ang isat-isa. Ki mamilipit ang taongbayan ng ka proprotesta, walang kahihinatnan ang imbestigasyon na ito. Mula ng magpalabas ng “hands off” policy si GMA sa isyung ito, sabay niyang ibinigay ang utos na ayusin ng mga PNP generals kanilang drama. Eh kung matino itong si GMA kaagad niyang sinuspende ang lahat ng sankot mula kay versoza sa PNP at ang mga taga BI at NBI na lumabag sa kautusan niya. Malinaw na nagkaruon kaagad ng insubordination sa di pagsunod sa kautusan tungkol sa pagbibiyahe sa iabang bansa. Swerte nila, napakahaba ng pasensya ng taongbayan. Isa pa, wala naman tayong makikilingan kung sakali kahit na ang oposisyon.

  20. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Wh*re Gloria Arroyo has set the precedent since day one on her stolen office, the wh*re Gloria’s doctrine, “thou shall steal people’s money”, without being answerable to anyone in accordance to the rules set by the wh*re which is why no one is accountable nor not even one being prosecuted. De las Paz will a get a pass!

  21. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    tama ka kaibigang kabute, with that kind of scandal immediate na direktiba sana ni gloria ay sipain sila sa puwesto…kung siya ay isang matinong lider (pero nga hinde eh!)

    lies after lies after lies ang nangyayari para pagtakpan ang mga pagnanakaw, panlilinlang at pang-aabuso nila sa mga pilipino.

    dapat magsimula na sa taong bayan ang pagkilos, walang pulitiko, walang personalidad..kahit anong paraan at least maipakita na natin tayo ay nagkakaisa at isinusuka na natin ang kagarapalan nila.

    nagbida na naman ang magaling? na labor sec. ni gloria at nagsinungaling pa sa asean+3 meeting na nakapag-generate daw ang gloria regime ng almost 10M new jobs from 2004-present? whoa! kasinungalinagn na naman! at ang lakas ng loob pati sa ibang bansa ay pinamumukha ang kanilang kasinungalinagn at panlilinlang.

    ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw therefore ang mga sinungaling sa glorias circle ay magkakapatid…puro magnanakaw!

    ano naman kaya susunod nilang ibibida at pagsisinungaling?
    hindi kakanta si dela paz kasi sunud-sunuran sila kay puno at si puno ay isa sa haligi ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration…bakit kaya di silipin ng ombudsman lifestye check ni sec. puno, pnp at afp generals? dati mga pulis at military generals at officers ay napakasimple ng pamumuhay, marami pa nga after retirement nangungupahan pa rin..but during glorias regime, wala yatang opisyal na di mayaman at di lang basta mayaman..sobrang yaman!

    sana nga pumiyok si dela paz? eh kaso missing in action na, style na ni gloria etal yun pag malaki ang eskandalo at anomalya biglang nawawala yung personalities involved biglang foreign trip at biglang hospital arrest.

    and while they are buying time kumikilos naman media brigade and legal dept nila para iaayos ang mga counter actions nila…

    paulit-ulit na panloloko! pero di tayo kumikilos..and now jocjoc will be in manila next week..expect for another ala-houdini disappearing act.

    kilos bayan!

    mabuhay ka pilipino!

  22. Bobitz Bobitz

    Iyang storya ni DelaPaz pang kontra sa pag-uwi ni Joc-Joc kaya habang mainit pa ang DelaPaz at saka naman ang Uwi ng Joc-Joc

  23. irene irene

    sana matuloy na ang impeachment ni pandak para mapatalsik na sya sa pwesto! sobra na talaga!

  24. eddfajardo eddfajardo

    Tama ka Ellen, I truly enjoyed watching the “Mirriam Show.” Paano kaya tinanggap nina General Versoza at Secretary Puno iyong masasansang salita ni Mirriam at mga matitinding banat ni Senator Mar Roxas hanggang sa pagtulog nila sa gabing iyon? Biruin mo iyong lalaitin ka sa buong mundo at ikaw ay hindi naman nakasagot ng matino at trying pa na magpalusot ng katwiran na alam mo namang baluktut? That was Versoza, a 4-star general at head ng PNP ni Gloria na parang walang pakiramdam during the senate hearing. At si Puno? Asos asos, wala naman sa katwiran ang pinagsasabi at gusto pa rin magpalusot. Dapat sa mga opisyal na ito mag harakiri na. Nakakahiya kayo hindi lang bilang Pilipino kungdi bilang tao.

  25. kabute kabute

    Kantahan din lang ang pinag-uusapan, tiwala ba kayo na kakanta din si JDVenecia ngayon na kasama na siya sa nag-endorso ng impeachment complaint? Ano naman kaya ang sasabihin niya? Baka panis na ang mga isisiwalat ni JDV kung sakali. Talagang nakakawalang gana itong mga namamahala ng ating gobyerno.

  26. Nakakahiya talaga itong mga pulis na pinoy. Golly, nagmamaang-maangan pa ang mga ungas na hindi nila alam na bawal na magdala ng kasinglaki ng perang dala ni dela Paz kaya nga puedeng makahingi ng emergency fund sa mga embahada at diplomatic missions ng Pilipinas na inaabisuhan sa kanilang pagdating, etc. Puede ba, huwag nang magmaang-maangan iyong mga kriminal na nakaupo sa Malacanang na mga amo ng mga gunggong na pulis na ipinadala sa Moscow.

    Nakakasawa na sa totoo lang na pinakikinggan ang mga kalokohan at katarantaduhang ginagawa ng mga ungas na inutil batay sa utos ng amo nilang pandak!

    No bilib ako doon sa lukaret na mahilig lang sumigaw at manggulat at manduro pero panakip butas lang noong unano. Dapat sa mga hinayupak na iyan kinukulong! No exception and exemption to the rule! Nawiwili lang ang mga ungas at nakakalusot kasi iyong isinumbong, nagsumbong at humuhusga ay pare-pareho lang kurakot.

    Kawawang bansa talaga! My condolence and sympathy to all Filipinos!

  27. Bobitz Bobitz

    Hindi kakanta yang si Dela Paz, pitpitin niyo man ang B_@#g niyan ay di kakanta yan. Remember PNP yan lahat yan Magnanakaw kaya.
    Ngayon nga iba ang statement nila tungkol sa Pera dati ay Contingency Fund galing nuong nalaman nila na medyo tagilid iyon ginawang Inteligence fund na at bawal na raw ipaalam kung ano ang paggagamitan ng pera..Talagang lahat iyan mga Generals na yan Magnanakaw. At wala nang kokontra sa akin ok.

  28. Bobitz Bobitz

    Hindi kakanta yang si Dela Paz, pitpitin niyo man ang B_@#g niyan ay di kakanta yan. Remember PNP yan lahat yan Magnanakaw
    Ngayon nga iba ang statement nila tungkol sa Pera dati ay Contingency Fund galing, nuong nalaman nila na medyo tagilid iyon, ginawang Inteligence fund na at bawal na raw ipaalam kung ano ang paggagamitan ng pera..Talagang lahat iyan mga Generals na yan Magnanakaw. At wala nang kokontra sa akin ok.
    Tama si Pimentel !
    Gen.Versoza , “Tell it to the Marines”

  29. Golberg Golberg

    Ang magandang kanta ay My Wiy o di kaya Der Wiy.
    Bahala na siya dun. Pero di pakakantahin iyan ng amo niya at nung mga mas mataas sa kanya. Tapos siyempre dapat merong magic Mike para mas masaya ang kantahan. Pero kung meron namang magic Mike, sabit-sabit na naman iyan.

Comments are closed.