Skip to content

Babangon tayo para ayusin ang ating bayan

Kahindik-hindik ang iniwan ng bagyong “Pepeng” lalo na sa La Trinidad, Benguet kung saan mga 150 na tao ang natabunan ng lupa sa landslide na nangyari dahil sa ilang araw na ulan na dala ng bagyong si “Pepeng.”

Sa Pangasinan naman hanggang Nueva Ecija, nagiging malaking rumaragasang ilog ang mga bayan. Maliban sa pagkasira ng mga bahay, sira na rin ang mga kabuhayan katulad ng pala-isdaan at palayan.

Sinabi sa isang report na yung isang pamilya, binalikan nila ang nabahang palayan na dapat sana ay aanihin na sana sa susunod na linggo. Nag-ani na rin sila kahit baha. Pagkatapos pinatuyo nila ang palay sa kawali at yun ang kanilang sinaing. Nakakabagbag damdamin.

Siyempre and inani nila ay para lang yan sa isang hapunan. Paano ang kanilang kakainin sa susunod na araw.

Mahirap ang ating hinaharap. Ngunti hindi dapat mawalang ng pag-asa.Ang mga survivors ng bagyong “Ondoy” at “Pepeng”, nagpapasalamat dahil buhay. Ang mga nawalang kabuhayan ay mababawi yan kahit pahirapan, basta wala lang sakit.

Ang nakakalungkot ay ang mga namatayan ng mga mahal sa buhay. Napanood ko sa TV and kwento ng isang taga La Trinidad. Sabi niya mga 3 ng umaga ng may narinig niya ang malakas na malakas na pwersa na sinundad ng mga kahindik-hindik na sigaw na humihingi ng tulong.

Nang lumabas siya, nakita niya ang natibag na bahagi ng bundok kung saan sila nakatira at ang halos buong komunidad na natabunan.

Nakakalungkot lang isipin na ang mga inosente ang nagbabayad ng kasalanan ng mga taong ganid lasama na doon ang mga nasa kapangyarihan hindi lamang ngayon kung di na rin sa mga nakaraang pamahalaan. Bakit ba nagkakaroon ng landslide? Hindi nakapagtataka kung tingnan natin ang ating mga kalbong bundok.

Kung inaalagan natin ang ating kalikasan, umulan man ng malakas at ng maraming araw, may madidigrasya man, hindi siguro ganyan ka-grabe.

Sinabi ng isang eksperto sa urban planning na ang kalamidad na dinadanas natin ngayon ay hindi “natural disaster”. Ito ay kagagawan ng tao. Mga taong pera lang ang iniisip.

Ang isang rason bakit matindi ang baha ay ang mga natakpan na daluyan ng tubig. Hindi lamang ng basura kungdi mga kongkretong building. Mga condominium pa. Hindi maa-aring mgpatayo ang isang negosyante ng building na walang permiso ng pamahalaan. Kung ang pinapatayo na subdivision o building ay sa ilog pala (na tinambakan) bakit binigyan ng pahintulot? Pera.

Ang nangyayari ngayon sa ating bansa ay dapat maging concern natin lahat, kahit pa yung mga hindi naapektuhan ng dalawang mabagsik na bagyo. Dahil sa pagkasira ng mga palay at iba pang patanim, pagkamatay ng mga hayop, malamang kukulangain tayo ng bigas, mga gular, karne at iba pang pagkain sa mga susunod na buwan. Ito lamang ay nagpapatunay na ng kasabihang “no man is an island.” Apektado tayo lahat sa nangyayari sa ating paligid.

Kaya dapat magkasama rin tayong babangon at ayusin ang ating bayan at ang ating mundo.

Published inEnvironmentGovernance

26 Comments

  1. MPRivera MPRivera

    Babangon?

    Habang pasan pasan natin sa ating mga balikat ang dambuhalang panduck, hinahayaan ang kanyang mga kabulastugan habang pinaniniwalaan ng nakararami ang kanyang mga kasinungalingan ay patuloy tayong lalamunin ng kumunoy na tayo na rin ang may kagustuhan.

    Makakabangon lamang tayo kung hindi tatanggapin ng mga nagpapauto ang limos na galing din sa kanilang pinagpawisan ng dugo samantalang ang mag-anak ng mga buwaya at mga kauri ay nagpapakabundat na tila ba walang kabusugan kahit ang mga tiyan nila ay malapit nang sumambulat sa pagkabundat!

  2. MPRivera MPRivera

    Nadobleng bundat na!

    Galit na naman!

    Ngyaaaaaah!!!!

  3. MPRivera MPRivera

    Parang ayaw ko nang magbasa o manood ng balita tungkol sa mga nasalanta sapagkat parang ginugutay ang aking puso kapag nakikita ko ang nakakalunos na larawan ng kapaligiran at kawawang kalagayan ng ating mga kababayan kasama na ang aking mga kapatid at mga kamag-anak, mga kakilala’t kaibigan.

    May sandaling hindi ko maiwasan ang tumulo ang luha kapag nakikita ko ang katawan ng mga natabunan ng landslide lalo na ‘yung paslit na walang malay.

    Ano kayang sumpa ito sa atin ng kalikasang ang ugat ay pagkagahaman sa salapi ng iilang mayaman subalit tayo ang lubhang nagdurusa?

  4. parasabayan parasabayan

    Nakita ko na nagsalita si boobuwit sa Cagayan. Pinatay ko kaagad ang tv! I do not like to listen to this horrible rat! Ngayon lang siya lumabas na magsalita. Para ano pa? Kung tunay siyang nagmamalasakit sa bansa, unang araw pa lang, pinakawalan na niya yung mga bilyones niyang itinatago. But everybody had been seeing ONLY the private sector efforts. Halos wala kang makitang tulong galing sa mga ganid! Akala siguro niya, yung itinantago niyang mga pera na gagastusin niya para sa kanyang mga mamanukin eh may epekto pa sa mga tao? Kamumuhian siya ng lahat pati na ang kanyang mga alipores.

  5. parasabayan parasabayan

    The Filipinos are known to always spring back. We have a threshold for pain and suffering. I hope that we all can bring the best in one another to uplift the country once more. Bayanihan.

  6. chi chi

    My heart is broken, too many pinoys are dying and in pain…

  7. Tedanz Tedanz

    chi,
    Matagal na yan mula pa ng inagaw yong trono kay Erap.

  8. mbw mbw

    Gloria gives an inspirational talk to the nation? What there about her to inspire anyway?
    Feeling ko lang para rin tayong dumaan sa gera—maraming lives losts and properties/produce gone with the wind.
    Sa mga ganitong sakuna, sana matuto rin tayo to learn how to preserve or bottle produce…like those countries with winters. May mga store rooms sila na puwedeng mapag kuhanan ng mga bottled preserves nila. Just my humble opinion.

  9. MPRivera MPRivera

    ‘GAGANTI KAMI SA ELEKSYON!’

    http://www.abante-tonite.com/issue/oct1109/index.htm

    Sige nga, tingnan natin kung talagang nag-uumpisa ng mamulat ang mga nagtutulugtulugan at umasa sa mga pangako ng mga pulitikong walang alam kundi mangako kasabay ng pag-aabot ng isa o dalawa o tatlong dadaaning piso.

    Kung noon pa sana kayo sumama at nakiayon sa aming prinsipyo, baka sakaling hindi natin pareparehong dinanas ang ganito.

  10. MPRivera MPRivera

    ISANG ARAW LANG KAMI IIYAK!’
    ‘Pepeng’ survivors palaban na agad!

    http://www.abante.com.ph/issue/oct1109/default.htm

    Kasabay sa pagkatuyo na ang kanilang mga luha ang pagtigas ng kalooban at paninindigan.

    Sana, hanggang sa eleksiyon na ‘yan!

  11. MPRivera MPRivera

    Wala kang mababasang pahayag ng mga nasa gobyerno kundi manisi ng mga tao at kung ano anong balakin upang maiwasan daw ang mga susunod na kalamidad.

    Kumikilos naman kaya sila?

    O naghihintay pa ng go signal ni donya gloria?

    May pondo ba?

    Saan saan nakadeposito?

    Dito o sa mga bangko sa ibayong dagat?

  12. MPRivera MPRivera

    Isa pang mababasa, ‘yung paglobo ng halaga ng donasyon galing sa ibang bansa.

    Ni walang pahayag na nagpalabas ng pondo ang pinakamatinik na umaastang pangulo.

    Nasaan na sina Gales, Aremondeng at byuting si LoreLIEying Fajardo?

    Tinangay ng baha o natabunan na ng lupa?

  13. MPRivera MPRivera

    Kaya siguro lumalakas ang piso kahit walang mabibili dahil sa sunod sunod at sabay sabay na kalamidad ay buhos ang donasyon (sapagkat walang ginagawa ang gobyerno ni panduck).

    Paghupa ng sungit ng panahon ay ipagmamalaki na namang gumaganda ang ekonomiya patunay ang paglakas ng piso kontra dolyar.

    Putangnang ‘yan!

  14. MPRivera MPRivera

    Ako na lamang’ata ang tao dito, ah?

    Kunsabagay, alam kong bising bisi kayo sa pagkakawanggawa samantalang sina gloria ya ngawa lang nang ngawa!

  15. vic vic

    Filipinos can get up on their own, but it seems everytime their halfway Up, someone will Kick them back to the Ground, and that person and her mouthpieces is the very one that is telling the world that we will be in the “First World sometimes”, that we have funds for Everything ‘On Paper’ that we have Rescue Equipments, instead of Rubber Ducks, that one Day her Budget Secretary has no $10 billions for the Calamity Funds and his Boss told him, yes we have, somewhere, just tell the Public, they will “believe us”…

    yet the few days ago, during my visit with Dentist, a Romanian Lady, ask me, why can’t you do something about your President? She answered her own…might do change or might not..we have not seen much after what had we done to our Nicole Ceausascu..and I replied, but it made you came here and look at your Practice. Yes, she is very successful, but she still cries for her fellow Romanians…and so do millions of Filipino Expats.

  16. chi chi

    I hear you, Tedanz.

  17. chi chi

    “Right now, we’re not Third world anymore. At $1,400 we are now Second World, a middle class country, and we’ll be able to achieve, if we are able to continue the trajectory of (a) one percent decline in the poverty level, we can reach hopefully the First World status by the year 2020”. – Gloria Arroyo Pidal

    Say it again, NOW!

    Kwidaw, lumabas na raw si Gloria from EK and again giving inspirational talks.

  18. Tedanz Tedanz

    Mukhang tulog pa ang mga tao. Hindi pa sila gising para makita ang pagka-inutil ang Gobyernong Arroyo?
    Para hindi na sana madagdagan pa ang pagkamuhi o pagkainis ng mga tao sa Gobyernong ito .. sana yong mga tulong galing sa ibang Bansa ay wag ng idaan pa sa Gobyernong ito … papapakin lang ng mga buwayang nakatira sa Malakanyang at ang mga aso nila sa Tongresso at Senado. Sana makarating sa dapat na tatanggap ng tulong … ang mga taong totoong nasalanta ng kalamidad.

  19. Tedanz Tedanz

    chi,
    May karapatan ba ang taong mandaraya, magnanakaw at sinungaling na magbigay ng “inspirational talk”? Kapal muks talaga itong bansot na ito. Dapat sa taong ito ay damputin at itapon sa alin mang dam sabay release ng tubig … tignan ko lang kung ano ang mangyari sa kanya.

  20. I hope di na tayo magniningas kugon para umunlad tayo.

  21. balweg balweg

    May sandaling hindi ko maiwasan ang tumulo ang luha kapag nakikita ko ang katawan ng mga natabunan ng landslide lalo na ‘yung paslit na walang malay?

    Sinabi mo pa Kgg. MPRivera, tulad mo e may oras na pag napapanood ko ang TV Patrol e nanggigilid ang aking luha sa lungkot…subali’t ang BIYAYA ng PAG-ASA ng ating MAHAL na PANGINOON ang siyang tanglaw sa ating pighati’t dusa.

    Maging ito man e kalungkutan o kaligayahan e dapat tanggapin natin ito na pawang biyaya ng Panginoon sapagka’t Siya lamang ang tanging nakakaalam kung ano ang plano Niya sa ating bayang Minamahal.

    Marami na ang kailangang gapasin pero kakaunti ang manggagapas…kaya laging nagbabalik sa aking gunita yaong winika NIYA na tulad Siya ng isang magnanakaw na daratal sa kaninumang tahanan na kung madatnan tayo na di handa sa anung oras na mangyayari sa buhay ninuman e ito ang sasapitin ng bawat isa.

    Wake-up call ito ng Panginoon at NAWA e maging daan ito ng pagbabalik-loob ng mga Pinoy sa ating Mahal na Panginoon.

    At huwag tayong panghihinaan sa buhay? He is ALIVE forever more!

  22. balweg balweg

    Igan Tedanz…wala nang naniniwala sa rehimeng arroyo kaya kahit na siya ay maglubid ng pinamagandang NOTA e tulad lang yan ng sirang plaka?

    Ang focus nating Pinoy e magbalikatan upang maisalba natin ang bayan at kapwa nating Kababayang Pinoy na ngayon e biktima ng pighati’t dusa.

    Huwag na nating iaasa ang ating buhay o kapalaran sa gobyerno de bobo ni gloria sapagka’t wala tayong aasahan kundi ang dapat na magtulungan e ang kapwa-Pinoy upang marausan ang mga pagsubok na ito.

    Gloria is NOTHING and lameduck Panggulo? Tutal ito na ang finale ng kanyang pagkagahaman sa nakaw ng kapangyarihan at sa pagtatapos ng kanyang nakaw na termino e ito ang bunga ng kanyang kawalang inspirasyon sa taong bayan na nagkawatak-watak ang puso’t isipan ng dahil sa kanilang pagdusta sa ating lahat.

  23. balweg balweg

    Filipinos can get up on their own…?

    Noon pa man Kgg. Vic, but ang problema ang mga gahamang pulitiko and their cohorts na siyang nagpapahirap sa ating bayan?

    Most of us e surviving Pinoys naman…ang kaso ang 10-years ni gloria sa Malacanang e disaster sa ating lahat? Kung magbabalik-tanaw tayo since EDSA 2 till Ondoy at kumpare niyang si Pepeng…nakita natin ang pagkainutil ng gobyerno de bobo ni gloria?

    Ang dami nilang ka ek-ekan…morethan 2trilyon pesos ang nautang at winaldas ng rehimeng arroyo pero ang NDCC ay walang kabuhay-buhay? Puro sila kayabangan at isama na natin ang mga ipokritong mga Tongresman…ang alam lang nilang gawin e magpatayo ng basketball court o kaya waiting shade pero ng humirit si Ondoy at Pempeng…may nakita ba kayong boat o salbabida man lang upang mailigtas ang mga inanod ng baha.

    Nakakainit ng ulo lalo na yong napanood natin na yaong mga Pinoys na nasa ibabaw ng bubong ng bahay na inaanod e naging panoorin ng pagka-estupido ng gobyerno de bobo ni gloria na nilamon ng alon ang mga pobre at wala tayong nagawa?

    Ngayon e magsisisihan pa sila na kesyo ganito o ganoon…imagine, alam naman nila na laging bumabagyo sa Pinas at ang dami nang experiences sa ganitong sitwasyon e bakit di sila nakapaghanda man lang…in 10-years ni gloria sa Malacanang e puro yabang ang alam?

  24. ocayvalle ocayvalle

    “babangon tayo para ayusin ang ating bayan..”
    ang gandang pakinggan..sa totoo lang, mahirap yata iyan paniwalaan..ang ugaling pinoy ay very extra ordinary.. we are good on words but not on work.. our country was in this pit since time immemorial, we don`t have a fore fathers we could say that have done goods in this country, not even our national hero jose rizal.. or anybody else.. we are a country divided since time..you can read it in our history, we have aguinaldo who hate`s bonifacio, every hero`s we have, their enemy is a filipino..japanese occupation, makapili is our enemy, spanish era was the guardia civil compose of filipino,up to know our common enemy is a corrupt filipino politicians..our country needs a total overhaul of leader`s, and total overhaul of our attitudes and morality..maybe this dissaster is a wake up call for us, to be united and change our attitude..and the belief that “we rather see the philippines run like hell by filipinos than run like heavens by the americans( or foreigner)”.. without foreign job, that`s employs filipino ofw,where do you think we are now..?? our goverment is helpless to help it`s own people,and our military`s and policemen are the butcher of their own people who go against the wrongdoing`s of our leaders..GOD save our country from it`s own people..!!

  25. florry florry

    Philippines is where the Philippines is. Year in and year out it is the favorite punching bag of typhoons and storms. It is also the favorite dumping ground of excess water in the atmosphere coming down as rain. Add to these is man’s own contribution in abusing nature and the environment. And so flooding and landslides all over the country are the yearly events resulting in life and economic losses. But inspite of all these facts, government, previous and present just take it for granted. When a calamity occurs officials begin planning and talking about doing something to prepare and minimize damages, but the truth is they really have never been serious in dealing with it. They are not even ill-prepared because they actually never prepare for it in the first place.

    When Noah built his ark, it was not raining, and so when the rain and flood came he didn’t have a problem.

    That’s Surviving 101.

Comments are closed.