Skip to content

Preview sa mangyayari kina Arroyo at mga alagad

Hindi daw maintindihan ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos kung bakit siya isinama sa pinakakasuhan ng Senado kaugnay sa ma-anomalyang kontrata para sa pagpatayo ng telecommunication network sa Pilipinas (national Broadband Network) na gagawin sana ng ZTE, isang kumpanya sa China.

“Bakit? Nakasuhan na kami. Ano pa ang gusto nila?,” tanong daw ni Abalos. Ini-imagine ko lang na kuntodo paawa effect pa itong si Abalos.

Ano ang gusto ng mga tao? Makulong ka kasama ang iyong mga amo na si Gloria at Mike Arroyo.
Mabuti naman at isinama si Gloria Arroyo sa rekomendasyun ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon ngayon sa kanilang mga rekomendasyun na kakasuhan at i-impeach.


Alam naman natin na malabo na ma-impeach si Arroyo at busy na ang lahat na mga congressman para sa 2010 na eleksyun (pero maganda sana, ano) ngunit pwedeng magamit ang Senate report sa mga kaso na maaring masampa kay Arroyo kapag siya ay wala na sa Malacanang.

Sabi ni Gordon nakasaad sa Constitution na obligasyun ng isang pangulo “to preserve and defend the Constitution, execute its laws, do justice to every man.” (pangalagaan at dependehan ang Constitution, ipatupad ang batas ant biyan ng hustisya ang bawat isa) batas).

Sabi ni Gordon ng sinabi ni dating NEDA chief Romy Neri kay Arroyo na inalok siya ni Abalos ng P200 milyon, walang ginawa si Arroyo.

Talagang masugid ang interes ni Arroyo sa NBN/ZTE na kasama sa maraming kontrata sa mga kumpanyang Intsik na pinasukan ng kanyang pamahalaan. Hindi maa-aring sabihin na hindi alam ni Arroyo ang detalya ng kontrata dahil maraming pruweba na “close” sila ng mga opisyal ng ZTE. May litrato na nagpapakita sa magkasama sila sa Senzhen.

At diba, iniwanan niya ang kanyang asawa na nasa ICU noong panahon nay un para lamang mag-witness sa pirmahan ng $321 milyon na halagang kontrata dahil yun ang kailangan ng mga Intsik bago sila magbigay ng downpayment na sinabi ni Dante Madriaga, isang engineer na kasama sa grupo nina Abalos, ay umabot sa $40 milyon.

Ang hindi maganda doon sa report na ginawa ni Gordon ay ang isinali sina Jose (Joey) de Venecia III, president ng karibal na kumpanya ng ZTE na siyang nagbulgar ng ma-anomalyang kontrata. Sinabi na inalok siya ni Abalos ng $10 milyon para lang iatras ang kanyang mas mababang offer sa proyekto.

At bakit naman kakasuhan si Lozada at siya na nga ang tumulong sa imbestigasyun ng committee.

Sabi ng ibang miyembro ng committee katulad ni Sen. Alan Peter Cayetano, dating chairman ng Blue Ribbon Committee na hindi siya pipirma sa naturang report.

Kahit maraming pagkukulang itong report, dapat kabahan pa rin sina Arroyo dahil ito ay preview lamang kung ano ang mangyayari sa kanya at ang kanyang mga kasabwat sa panloloko at paglustay ng pera ng taumbayan kapag wala na sila sa Malacañang.

Published inMalayaNBN/ZTE

25 Comments

  1. chi chi

    Kailangan natin ang matinong presidente para suportahan ang sinumang maghahain ng lawsuits against the most corrupt couple and members of their kababuyan.

    Pwedeng gamitin ni Randy David ang report kung lalabanan niya si Gloria sa Pampanga.

    Bagaman at ako ay nagkomento sa kahulihan nito, naisip ko na baka huli ang report/rekomendasyon ni Dickdick ay dahil mas mabisa ito sa mga panahong ito.

  2. MPRivera MPRivera

    Maaaring maganda ngang pagkakataon ito sapagkat isa isang nagsisialisan sa poder ni panduck ang kanyang mga alagad sapagkat alam nilang tagilid na ang bangka at hindi sila makakadaong sa kabilang pampang. Kumbaga sa karera ay banderang kapos ang kanilang nakikita kung patuloy sila sa pagsuporta kay goyang.

    After all nga naman, tapos na rin ang maliligayang araw ng kanilang pagsasama at ‘yung naging bayad sa kanila noon ay napakinabangan na ng bruha kaya nga tumagal hanggang sa mga oras na ito sa kanyang inagaw na poder noong una, ipinandaya at ipinagnakaw ng boto noong pangalawa at ilang beses na binili gamit ang salaping hindi kanya.

    Di nga ba’t para na silang nakakaamoy ng tae kapag kalapit nila si gloria?

  3. There’s no such thing as a perfect crime!

  4. vonjovi2 vonjovi2

    Tanong ko lang kung bakit ngayon lang nilabas ni Flash Gordon ang report? Sabagay papalapit na ang election dito sa atin at sana Ellen i report mo rin ang mga pangalan ng mga politiko na manonood kay M. Pac. sa mga newspaper dito sa atin at para malaman ng taong bayan kung sino sino ang mga ulupong na ito at maniniwala ba tayo na pera nila ang gagastusin sa bihaye at sa sugal (Perang galing sa nakaw ang gamit nila).
    HInihintay ko na lang sa mga kakandidato na kung ano ang gagawin nila kay Gloria kung sakali sila ang mananalo. Doon ako mamimili kung sino ang iboboto naming pamilya. Alam naman ng lahat na sagad na sagad ang anomalya ni Pandak at ang pamilya niya.

  5. vonjovi2 vonjovi2

    Ellen – “Bakit? Nakasuhan na kami. Ano pa ang gusto nila?,” tanong daw ni Abalos. Ini-imagine ko lang na kuntodo paawa effect pa itong si Abalos.

    Nakaka awa naman talaga at Ipag dasal natin siya na …. Abalos – ma dedbol ka na lang agad. Pero kulang pa rin iyun kahit ma tepok na ito sa utang niya sa bayan.

  6. bayong bayong

    hanggat nanjan si ombudsman gutierez protektado ang mga alagad ng demonyong arroyo clan

  7. perl perl

    Hindi daw maintindihan ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos kung bakit siya isinama sa pinakakasuhan ng Senado kaugnay sa ma-anomalyang kontrata…

    Dapat dito kay Bentamin Abaluslos sa mental hospital eh… baka don may maniwala sa kanya

  8. Rudolfo Rudolfo

    Ang hindi maintindihan ng ilang senadores, bakit daw isinama sina JLO at batang de Venecia..Gusto ko ding pumanig sa kanila, dahil nga kung di sila nag sipag-kanta,at nanahimik na lamang, di malalaman ng taong bayan ang mga “garapal-greed-corruption-transaction” ng ARROYO and Co. Pagdating sa kwarta or kabig-porsyentuhan, na binagit nga ni Neri vs Abpalos (may ph200,000,000 ka dito )
    nawawala ang “kaluluwang pangtao” o professionalism-patriotism, napapalitan ng ” ganid-demonic-attitude “.Sa halip na magsilbi ng buong puso’t kata-patan sa bansa at
    sa kanilang sinumpaang bibliya, sila pa ang katulad sa mga
    tigre-animal-attitude na naglipana sa kabukiran, tuloy naging sala-ula, o nabastos ng husto sa buong mundo, ang masamang pag-nanakaw ng mga naka-upo sa gobyerno sa Pilipinas. Nabulgar ng husto ang ugaling pamunuang Pilipino
    sa lahat ng sulok ng daigdig, na corruption, na nakakahiya, at nagiging kusa o rason kung bakit ang bansa ay nasa bunto’t ng Bangladesh, at ibang 3rd-world nations.
    Ito namang ginawa ni “flash Gordon “, ay ngayon lang nag “flush ” ng action, ey matagal na palang naka-tago ang kanyang naipong dokumento..Bakit ??? ( self-serving objective yata..etc ). Dahil siguro sa mga delaying tactics, na pweding mag-abswelto sa kaso ( kung di pa sinundot ni Joey de Venecia ). Marahil idinamay ang dalawa
    (JLO-Joey ) dahil ikinanta ang amo o dating ama, ni flash Gordon..sabi siguro, “idamay ng lahat,..bali-walain na ang batas”..sayang ang logic-reasoning ni senador..Papaano kung
    Presidente na sya, ey ganoon din ang gagawin nya, bali wala ang ” cause and effect ” analysis..sa usaping ito, lalo lamang na nagiging negative o tuma-taob ang bangka ng GMA and Co. lalo na ang senador.

  9. parasabayan parasabayan

    JLO and de Venecia may be the whistle blowers but the senate committee is right, they too had their hands on the pie. Nabuking nga lang dahil nagkaonsehan. So they too need to be investigated.

  10. kejotee kejotee

    Equalizer – November 11, 2009 10:42 pm

    There’s no such thing as a perfect crime!

    ….
    Wrong, equalizer. there is virtually no crime because punishment cannot be enforced. panduck saw to it that law enforcement has no teeth. all anomalies she committed are perfect occasions of plunder.

  11. MPRivera MPRivera

    Manonood ng Pacquiao fight kinonsensya

    http://www.abante-tonite.com/issue/nov1209/news_story6.htm

    Tagilid pa rin nga!

    Mag-aalisan ang mga walang kahihiyang tonggressmen upang manood ng laban ni Pakwan.

    Tangnang mga ‘yan. Ibinoto, pinapasweldo para magtrabaho walang laman ang utak kundi maglamyerda at magwaldas ng pondo. Sasabihin sariling kuwarta daw nila?

    Kung sariling pera nila ‘yan, manghihinayang gastusin sa mahal ng pamasahe puntang Yu Is at pumusta ng malaki dahil ang iisipin, paano kung matalo ang pupustahan nila?

    Mga kotong, bistado na istayl ninyo. Mahiya naman kayo. Hindi kayo ibinoto para maglakwatsa lang. Magtrabaho kayo.

  12. MPRivera MPRivera

    Dapat siguro tanggalin na ‘yang presidential immmunity, eh.

    Sobra nang inaabuso.

  13. parasabayan parasabayan

    Until we jail the corrupt, never allow them to be ever elected into offfice again and take all the stolen assets from them expediously (no lengthy hearings), higher public office will always be a haven for the corrupt. It is the system that failed us too.

  14. MPRivera MPRivera

    Saka ‘yang pakikialam ng mga kaanak sa mga government transactions, dapat ay huwag nang pabayaan. Katulad niyan, sobra nang nababoy ang pamahalaan.

    Isama na rin ang accommodation ng outsiders to represent a district where one is not a legitimate resident.

    Tatay taga Visayas, nanay walang permanenteng address. Hindi pa dugong tao.

    Tama na!

  15. ace ace

    “Kahit maraming pagkukulang itong report, dapat kabahan pa rin sina Arroyo dahil ito ay preview lamang kung ano ang mangyayari sa kanya at ang kanyang mga kasabwat sa panloloko at paglustay ng pera ng taumbayan kapag wala na sila sa Malacañang.”
    ______________________________

    Ang tanong,Magsasampa ba ng kaso ang Ombudsman sa Sandiganbayan? Habang si Gutierrez o sinumang alipores ni Gloria ang nakaupong Ombudsman, malabong makasuhan si GMA.

  16. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Walang presidential immmunity sa ating Saligang Batas. Talagang abusado si Gloria Arroyo at kunsintidor pa.

  17. ace ace

    Si Gutierrez ay hanggang 2012 manunungkulan at pagkatapos ay magkakaroon na nang bagong hirang na Ombudsman ang bagong halal na presidente.Alam ito ni Gloria at hindi siya makikipagsapalaran, kaya hindi malayong i-pressure o pakiusapan ng Malacanang si Gutierrez na magbitiw bago mag Marso, 2010 at pumili ng kanyang kapalit na alipores din.Kaya,voila, bagong Ombudsman na may bagong terminong pitong taon.Tapos na ang termino ng bagong halal na presidente, naka upo pa rin ang alipores ni Gloria. Kayo na ang maging “evil-bitch”.

  18. ace ace

    Si Simeon Marcelo ang hinirang ni Gloria na kapalit ni Aniano Desierto.Si Marcelo ay mahusay at matinong abugado, ayaw niya ng katiwalian.
    Kaya siya pinili ni Gloria dahil kay Erap, kailangan ni GMA ng magaling na Ombudsman para sa mga kasong isasampa laban kay Erap.
    Nang matapos na ang trabaho ni Marcelo, nag bitiw siya bilang Ombudsman due to health reasons daw.
    Di ako naniniwala, bakit irrevocable resignation?Bakit di na lang muna nag leave of absence at nagpahinga sandali? Merong nag-pressure sa kanya para magbitiw, dahil ang susunod na mga kaso ay ang mga kaso na ni Gloria at kanyang mga alipores.
    Kaya pumasok sa eksena si Gutierrez, kayo na ang maging “evil-bitch”.

  19. Oblak Oblak

    Kahit na may magandang idudulot ang paglabas ng report ni Gordon, hindi maalis sa isip ng ilan na mayrung ibang dahilan sa ginawa ni Gordon.

    Parang hindi kinakabahan si GMA at FG. Maaring isipin na alam nila na kasama sila sa report.

    Nakakapagtaka din na mabilis pumirma ang mga senador na identified kay Gloria tulad ni Joker. Ang mga actions nila sa pagdidinig ng broadband deal, todo depensa sila na halos bastusin si Lozada. Sila yung mga huling kasama ni Neri bago ito nag invoke ng executive privilege.

    Kung dadalhin sa Ombudsman, kampante sina GMA at FG dito. Kung kasama sa script na kasuhan sila ng Ombudsman, ibig sabihin, kampante rin sila na palulusutin sila ng Sandiganbayan. Halos lahat ng justices sa Sandiganbayan ay appointed ni GMA.

    Bago siguro nilabas ang report, plantsado na rin ang mangyayari sa Ombudsman at sa Sandiganbayan.

  20. balweg balweg

    vonjovi2 – November 12, 2009 12:26 am

    Tanong ko lang kung bakit ngayon lang nilabas ni Flash Gordon ang report?

    Obvious ba Igan Vonjovi2? Well, itong sa Gordon e magaling lang manalita pero kulang sa gawa…alam mo na, delaying tactics yan para walang makasuhan.

    Ang batas sa Pinas e alam mo na kayang busalan…ang mga kurap na Pinoy ang siyang nagprotekta dito sa halip na ang batas ang siyang magtanggol sa Kapinuyan.

    Walang kwentang mga lingkod-bulsa? Ginagawa nilang tanga at tangengot ang Kapinuyan…na akala nila e sila lang ang korek?

  21. balweg balweg

    Nakakapagtaka din na mabilis pumirma ang mga senador na identified kay Gloria tulad ni Joker?

    Natumbok mo Kgg. Oblak…kung kailan tumanda itong si Sen. Joker e paurong, in layman’s word “WALANG PINAGKATANDAAN”!

  22. chi chi

    balweg, nauna na si Joker sa jumping ship game.

  23. balweg balweg

    Talaga Igan Chi…ibig sabihin e kinain na nang sistema itong Matandang walang pinagkatandaan?

    Ngayon e magsisihirit yan at lipat-bakod sa Yellow Fever…oks lang pero dito nila makikita ang paghihimagsik ng EDSA 3 wannabees?

    Yong ginawa nilang paglibak sa Masang Pinoy na pang-aasak na winika nila na amoy lupa, hampas-gutom, walang pinag-aral e still alive and kicking.

    Akala nila e nakalimutan na ito ng Masang Pinoy….NO, NO, Nooooooooo! Hangga’t ang civil socialites e walang habas sa kadadakdak ng sila lang ang may guts na pumili ng maging Pangulo ng bansa e diyan sila nagkakamali.

    Magsitigil sila sapagka’t sila ang tonto sa ating lipunan kaya tayo nagkakaganito?

  24. MPRivera MPRivera

    Walang presidential immmunity sa ating Saligang Batas. – DKG

    Wala? Eh, ‘yan ang palaging ipinangangalandakan ng mga alipores ni goyang, ah? Pati na rin ‘yung sekyutib pribiledys ng kanyang gabinete?

    Nakow, makakapagmura na naman ako, eh!

    Tang@#@$#$%&^y*n!!!

  25. Gloria’s clan(Macapagal) is a clan known for double crossers so be prepared for everything as in dapat magkaisa tayo to defeat her plans…..
    If not for the traitors in this clan the spanish occupation will not even last for 300+ years and the american occupation is not even possible that is why dapat magkaisa tayo para talunin itong pandak na ito.

    The traitors in this clan killed many of our heroes.

    We should not let Gloria’s plans materialise further.

Comments are closed.