Skip to content

Ashley Acedillo’s new battle arena

Magdalo Spokesman Francisco Ashley Acedillo is seeking to represent the first district of Cebu in the House of Representatives. He is up against Cutie del Mar, daughter of Rep. Raul del Mar (Lakas-Kampi-CMD).

Published in2010 electionsMagdaloMilitary

24 Comments

  1. kapinoyan kapinoyan

    Ellen, ikaw na lang yata ang di pa nagsasawang sumubaybay sa Samahang Magdalo. Kami ng mga katropa ko ay nagsimulang magduda kung gaano sila katapat at kasigasig sa adhikain nilang pagbabago at malinis na gobyerno simula noong i-endorso nila si Manny Villar at mga kandidato sa pagka-senador na kundi man sabit sa mga anomalya at iba pang uri ng pagsasamantala sa kapangyarihan ay mga trapung-trapo naman ang asal at gawa. Palagay namin ay kuminang muli ang gayuma ni Villar at sinilaw sa paghanga ang mga Magdalo! Imagine, ‘yung Honorary National Chairman ng grupo ay nalantad na wala man lang katiting na persuasive influence sa mga kasapi ng Samahang Magdalo. Ang pili ni Gen. Danny Lim ay kaiba sa pinili daw ng kasapian?! Sayang ang Samahang Magdalo. Wala ng mangyayari sa grupong ito; archives na lang ng kasaysayan ang tatanggap pa sa kanila.

    Lalaya na ang iyan sa pag-upo ng bagong Pangulo. They may thrive individually. But Samahang Magdalo? Kaput na from the time they embraced Manny Villar with his lustrous allure. Sayang talaga.

  2. Alam ko ang totoong dahilan kung bakit yan ang desisyon nila. Ikaw , alam mo?

    Nanindigigan sila laban sa kasamaan at pang-abuso ng pamahalaan sa taumbayan. Hindi naluluma ang mga bagay na yan.

    Karapatan mo kung may iba kang pinapaniwalaan. Suguraduhin mo lang na nakabase sa katotohanan ang desisyun mo at hindi sa haka-haka.

  3. kapinoyan kapinoyan

    Hindi ko alam. Ang alam ko lang, langis at tubig kung paghahambingin ang simulain ng Samahang Magdalo at record ni Manny Villar kasama ng marami sa mga senator-wanabees na pinili daw ng mga Magdalo.

    Hindi kailanman maluluma ang simulain ng Samahang Magdalo. Marami ang patuloy na magtataguyod at ipamumuhay ang mga ito. Bagkus, ang Samahang Magdalo ang pupugak-pugak na ang paghinga. Pwede naman kasi silang hindi mag-indorso ng kandidato sa pagka-pangulo, pero bakit super-agap sila sa bagay na ito, at si Manny Villar pa? Ano kaya ang umakit sa kanila para ipagwalang-bahala pati na ang kredibilidad ng kanilang National Chairman na si Gen Danilo Lim?

  4. vanbevabi vanbevabi

    sa akin lang pong pagkaalam ay ang Magdalo ay ayaw sa katiwalian, pero ako’y nagtaka kung bakit si Manny Villar ang kanilang sinupurtahan gayong maraming katiwalian ang ipinupukol kay Villar at ang iba jan ay may katotohanan.
    ano sa palagay nyo ma’m ellen?

  5. olan olan

    Many groups or individuals claims that what they are doing is for the good of the people. Magdalo is no different from the others groups or individuals claiming the same. For me, I consider myself to be one of those “taumbayan” na kailangan pangalagaan and yet for years, if not decade, I have not seen any major accomplishment from these groups or individuals, with Magdalo remains to be seen. So if Magdalo claim what they claim is true, pwede bang malaman sa kanila ang dahilan kung bakit in spirit of transparency o privelege ito? In the end of the day, they are asking the people to support them anyways! Transparency dapat di ba o nasagot na?

  6. olan olan

    Ate Ellen, if you can or maybe Magdalo dito sa Blog mo.

  7. Tedanz Tedanz

    So hindi totoo na si Villar ay suportado ng mga Arroyo? Ganun ba? Na hindi totoo yong C5 at yong iba pa na ipinupukol kay Villar. Mali pala ang mga balita puro paninira lang pala lahat kung ganun. Ganun ba ang paniwala ng mga Magdalo kay Villar? Gusto ko ring malaman ang katotohanan.

  8. Unang-una Tedanz, ano ang basihan mo ng paniwala mo na yan?

    Kung sa paniwala mo ang impormasyun na naging basehan mo ng iyong paniwala ay totoo at sigurado ka doon, karapatan mo panindigan ang iyong paniniwala. Ganun din sila.

    Siguraduhin mo lang na totoo ang basehan mo na kung anong desisyun mo. Ayaw mo naman siguro ang sitwasyun na balang araw malaman mo naloko ka pala ano.

  9. Tedanz Tedanz

    Sa akin ay talagang tama ang isyu na gaya ng C5 na sa aking munting basehan ay yong aking mga nababasa at naririnig. Yong tungkol naman ang pagiging Villarroyo ay alam mo naman siguro kung saan galing iyan … medyo naniniwala ako … na totoo. At kung ako ay isang Magdalo at ako ay mag-eendorso …. medyo mag-iisip ako kung ieendorso ko itong taong ito. Kung ang Magdalo ay may hinanakit sa iba pang Presidentiable o sabihin nating ayaw nila … dapat wala na lang sana silang ieendorso. Puwede naman silang tumakbo na wala ang mga iyan. Yan lang ang akin.

  10. Tedanz Tedanz

    Lalo na ngayon pinagkumpul-kumpulan na ng mga Jueteng lords at mga Glorya boys ang Party nitong si Villar … tapos nandiyan din sila … medyo ilang di ba?

  11. Olan, pumunta ka sa kanilang website.Alam ko naeksplika na ni Sen. Trillanes yan sa Facebook at sa ibang publications. Alam ko meron news item nyan sa VERA Files.

    Sa akin lang, naeksplika na yan.Marami ang hindi sumasang-ayon. Karapatan nila yan.

    Karapatan mo rin maniwala sa kung gusto mong paniwalaan.

    Karapatan ko rin maniwala sa kanila. At alam ko ang paniwala ko ay nakabase sa impormasyun na alam ko ay totoo.

  12. Vanbevabi, sa mga kandidato ngayon sino sa akala mo ang dapat suportahan ng Magdalo na sa palagay mo ay makatulong sa kanilang adhikain?

  13. kapinoyan kapinoyan

    Paumanhin po, pero gusto kong sagutin yung tanong kay Vanbevabi kung sino sa mga kandidato ang makatutulong sa mga adhikain at dapat suportahan ng mga Magdalo.

    Kung ang mga adhikain ng Magdalo ay iyong mga binanggit sa Oakwood at inulit-ulit pa sa Manila Pen, hindi si Villar ang kandidato na kapani-paniwalang makapagsusulong ng mga ito. C5, San Rafael, Pulilan, Iloilo, atbp na mga shady deals ni Villar, plus ang mga makabayan at selfless and self-sacrificing persona of the Samahang Magdalo? These would simply not mix.

    Pero kung ang adhikain nila ay magkaroon ng pondo para sa kanilang kandidatura, siyempre ayun at si Villar ang tila umaapaw dito. Kitang-kita naman sa mga ads niya; pati nga Party list napasok na niya eh.

  14. rose rose

    magkakaroon kaya ng bagong pangulo? si Gloria pa kaya or ang bagong gloria…villarroyo? ilang tulog na lang..Kung mayroon Mayo a cinco magkaron kaya ng mayo a diez?

  15. mac.bh mac.bh

    tedanz,
    kulang ang iyong basehan sa C5 dahil base lang yan sa mga dyaryo na nababsa mo. Iisa lang ang logic dyan, kung totoong meron ebedensiya bakit hindi dalhin sa korte, wala ng mas hihigit na maliwang pa diyan. at sigurado na mas maliwanag yan na basehan kesa nababasa mo sa dyaryo.

    yung saita mo na…”medyo”…iisa lang ang ibig sabihin nun, hindi ka 100% na nainiwala, ikaw ay nasa balag ng alanganin kaye hindi ka makakapgdesisyon ng naayon at tama. mananatili ka sa alanganin.

  16. kapinoyan kapinoyan

    Iyan ang piling kandidato ng Magdalo. Matapat. Tunay na galing sa mahirap. Yumaman sa sipag at tiyaga. Hindi nangongopya.

    Ha ha ha ha.

  17. florry florry

    Let the spirit of democracy works: freedom of choice. The Magdalos made their choice but that’s not the end of it. This is a two-way street and so whether you agree or disagree with their choice, everybody else also has a choice and can register it on May 10.

  18. chi chi

    Suportado ng mga in-laws ko sa 1st district of Cebu si Ashley, medyo may kahirapan daw ang laban dahil del Mar ang opponent. Sana ay bumoto ng maayos ang mga Cebuano.

  19. 3engr3 3engr3

    florry…i agree!! that’s a very good point.

    respeto lang sa isa’t isa…hindi yang porke magkaiba kayo ng choice e titirahin ka na.

    na ipagtanggol mo lang ng kunti ang kalaban nila…sasabihin pakawala ka ng kalaban! tsk tsk tsk

  20. jpax jpax

    Mam Ellen,

    Sa pag-endorso ba ng MAGDALO kay Villaroyo sila ay lubusang naniniwala na walang anumang bahid ng katotohan ang mga isyu laban sa kanya. Tulad ng C5 scandal, ang mga Dumagat ng Norzagaray at ang Paradise Park sa San Pedro, Laguna.

  21. mac.bh mac.bh

    Tedanz,
    Kinontra mo na naman ang mga pananalita mo, paparating pa lang pala ayon sa iyo pero kung sumatsat ka guilty na? Ang labo labo ng mga post mo, ikaw mismo ang komokontra sa sarili mo. Meron ka pang “tao ang huhusga” parang nag madam auring ka pa ng scenario.

    E ano naman kung ginaya yung style sa ads, ayon sa ABS CBN, e lahat naman ng palabas sa ABS gaya gaya lang, bakit hindi nila napapansin ang sarili nila? Ano naman ang masama kung gumaya sa ibang bansa ng paraan basta ba ang pamamaraan ay mabuti at hindi nakakasama sa ibang tao.

    You are such a looser!

  22. MPRivera MPRivera

    ‘Yang mga masalapi, pulitiko at nasa poder, kapag merong kasong ayaw harapin ay pinagpipilitang “pinangangalagaan ang dangal” at ang hamon palagi ay dalhin sa korte kung may sapat na ebidensiyang pinanghahawakan. Lahat ng delaying tactics ay gagawin, kung hindi man ay pag-iwas sapagkat nag-aalalang baka sa sariling bibig madiin.

    Ikumpara natin sa mga pobreng kung tawagin ng mayayaman ay patay gutom, suspek pa lamang ay nasa kalaboso na at katakot takot na kulata ang inaabot at pilit pinaaamin kahit alam na ginagawa lamang panakip butas sa sala ng maimpluwensiyang walang kaluluwa.

    Kaya hindi titino at aasenso ang mamamayang Pilipino, ang mga namumuno at mga galamay ay mga kawatan, dorobo at hunyango.

Comments are closed.