Skip to content

Nakakalukang Coco

ABS-CBN update: Quisumbing says sorry to media

Noong Marso pa pala unang pumunta itong si Ana Evangelista sa Commission on Human Rights at nagsampa ng kaso dahil sa pagkawala ng kanyang asawang si Darius, suspek daw sa panghu-hold up pagkatapos mahuli ng mga pulis.

Meron din ibang pamilya na nagsasabing ang nakikita sa video na pinalabas ng ABS-CBN ng isang taong tino-torture (tinalian ang kanyang ari ay hinihila, pinipilipit tuwing hindi gusto ng pulis ang sagot sa kanilang tanong) ay ang kanilang kaanak na si Vicente Obrigo na napatay sa encounter sa mga pulis noong isang linggo.

Itong si Ana (hindi niya totoong pangalan) ang sinasabi ni Human Rights Commissioner Cecilia “Coco” Quisumbing na kanyang inaasikaso raw kaya limitado ang kanyang oras sa mga reporter. Kaya nagtaray. Click on this site. http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/08/20/10/chr-commissioner-coco-goes-loco#ooid=ZwdnZuMTr9BqVNywApk_PWoISyqPS95D


Sabi ni Lightyear sa ABS-CBN online, “Nagpunta pala sa inyo ung pamilya Evangelista nung March 18 pa para ireklamo ung pg torture kay Darius pero pinauwi nyo lang ang mga pobreng tao at sinabihang wala silang ebidensya. Bakit hindi tinulungan mangalap ng ebidensya? Ngayon na kino-cover na ng media tsaka kayo nagkukumahog. So pag wala palang camera, pauuwiin nyo lang ung mga kawawang mga tao. Pag may camera, gusto nyo perfect angle pa? “

Kay Quisumbing na ngayon nabaling ang galit ng marami ng ipinakita ang video ng kanyang pagtataray sa mga media. Talo na niya ngayon si Police Inspector Joselito Binayug, ang suspek sa pag-torture, sa mga komento sa internet.

Dagdag nga ni Lightyear,”Kung ako sa isang reporter dito pinukpok ko ito ng microphone. Feeling nya Panginoon sya at subject nya yung mga kausap nya.”

Sabi nga ni Stella Arnaldo, reporter, “CHR Commissioner ba sya or floor director? Siguro me stiff neck ang gaga kaya ayaw tumingin sa kanan. And ang mga reporters naman, di pumapalag! Such wusses.”

Talaga naman. Meron pang nag “Yes, Ma’am” sa mga astang prima donna ni Quisumbing. Meron din namang nag nawalk-out. Pero dapat bago sila nag walk-out, tinarayan din nila si Quisumbing para mabigyan siya ng leksyun.

Maliban kasi sa video ng ABS-CBN may report din ang Inquirer na nagalit daw siya sa reporter sa reporter ng DZMM na si Dennis Datu dahil hindi sumunod sa bathroom kun saan naglalagay siya ng make-up. Gusto daw niya kasi na doon siya interbyuhin sa bathroom habang nagmi-make up dahil busy raw siya.

Ito ang iba’t-ibang reaksyun sa pagtataray ni Quisumbing sa internet :

Sabi naman ni Anselmo Cabingan : “Aba’y loco pala yang si Coco, parang hindi dating taga media. May hangin na sa ulo?” sabi naman ni Inday Fabillar, “Medyo nabastosan ako sa kanya.”

Sabi ni Countdown , “Questions lang sasagutin nya sa media ganito ang reaction nya. I can’t imagine kung papano if lumapit ka at humingi ng tulong. Di malayo na ganito rin ang trato nya.”

Sabi ni Grandefratello: “Coco(nut)huwag kang masungit,lalo kang pumapangit.Dati ang ganda ng tingin ko sayo,ngayon hindi na,binabawi ko na ang paghanga ko sayo. ..Ito na ata pinaka maarteng tao napanood ko dito. “

Published inAbanteHuman RightsMedia

27 Comments

  1. aislinn aislinn

    She’s a disgrace to the CHR. Nakakahiya ang inasta niya. Pero hindi na ako nagtataka. May first hand experience ako ng katarayan niya na wala sa lugar. A few months ago she came to give a lecture on Human Rights to our class, actually representative lang sya ni Chairperson De Lima that time. All of a sudden sinita nya yung classmate namin na foreigner. Ang reason? He was closing his eyes daw. Actually totoo naman, pero not enough reason for her to go ballistic. Hay, mas malala ang ginawa nya sa nakita nyo sa video! Dumbfounded kami lahat! My classmate is a full colonel from an African country, malapit na maging one star general. Masama lang ang pakiramdam nya that time kaya papikit-pikit pero hindi naman yung tipong nakakabastos. Coco berated the poor officer in front of everyone. Nakakapanliit talaga ang ginawa nya. My classmate asked for an apology pero tuloy pa rin ang dakdak. Grabe, we had to endure her 3-hour lecture “kuno”. Pero my male classmates made fun of her na lang. Paano ba naman, umupo sa desk at pabuka-bukaka. The guys saw her undies and her peklat tuloy.
    Simula nung araw na yun, isinumpa na naman ang bruhang yun!

  2. patria adorada patria adorada

    what she needs is a real good sex before giving lectures or interviews baka in between pakanta kanta pa siya.

  3. rose rose

    is she a nut? wala atang laman ang kanyang utak kaya siya ay coco nut…nakakalungkot na we have people like her in the government…is our government run by cuckoos? lumala ang problema ng bayan…may sinasabing brenda sa senate…ngayon mayroon cuckoo…mama mia!

  4. chi chi

    bwahahaha!!! korek good sex muna bago mag-lecture is what locacoca needs. Schizo din pala but unlike Gloria who’s having plenty, Coco loca needs a supplier/s. Meron naman palang open invite ang mga kelots e, sabi ni aislinn ay “pabuka-bukaka” kung umupo sa desk. hehehe!

  5. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Simple lang. Kulang na kulang sa dilig kaya masungit. Gusto yatang puro frontal shots para makita ang kanyang kagandahan. Eh kung lenteng wide angle di mukhang bibingka siya.

  6. rose rose

    kung siya ay maganda (pagnakatalikod seguro) ay wala mg pangit sa mundo..

  7. florry florry

    She maybe suffering from attention deficiency or have thoughts of becoming a porn star. No decent woman would ever do what she did allegedly. Only a whore-like-minded woman desperate for fame and attention would act the way she did like “pabuka-buka” in front of a group or anybody else.

    Now she got what she wanted, she got the attention and she is even more popular than Kris at the moment, but at the Mr. Hyde side of her personality.

    Well, that’s how it gets to be popular and well-known, though not necessarily well-liked, by sometimes doing the unthinkable and out of the ordinary.

  8. bwahahaha mga lintek kayo! ba’t napunta sa sex and usapan haha sigurado ako, magtataray uli ang locaret na yan dahil mali na naman ang angle dito haha

  9. From a source in Malacañang:

    Re Coco, talagang terror yan. Kahit na nuong nasa Malacanang ganyan na yan or should I say, naging ganyan.

    She’s known to lash out on her staff and she’d scream on top of her voice pagnagagalit. Two weeks lang ang tumatagal na staff sa kanya dahil sa ugali niyang yan.

    (Note: Coco was head of a human rights unit in Malacanang which was created by Gloria Arroyo at the height of the UN investigation on human rights violations of her government. It was to say the least, an awkward situation because at that time her mother was the chair of of CHR.)

  10. saxnviolins saxnviolins

    Puro pala disipulo ni Sigmund Freud ang mga tao rito. Sex is the reason for everything.

    At yan namang babaeng yan, pabuka-buka ba ka niyo? Waiting for somebody to irrigate the terrain perhaps. Marahil pinuntirya ang African dahil sa reputation nilang sila’y mahaba ang pasensya, at matigas ang paninindigan.

    Walang karapatang magsungit ang pangit. Pangit na nga, masungit pa. Ano na lang ang redeeming social value niyan?

    Wala bang second video? Puwede bang i-focus doon sa litid sa leeg?

  11. chi chi

    #11 and 15. hahaha!!! E kasi, bukaka si Coco e! hehehe!!!

  12. ABS-CBN update: Coco Quisumbing says sorry to media

    A penitent officer of the Commission on Human Rights on Monday apologized profusely to members of the media for scolding them during a press conference at her office last Friday.

    In an interview with radio dzMM, CHR Commissioner Cecilia “Coco” Quisumbing said she was deeply sorry for her treatment of the media that caused some journalists to walk out on her during the press conference.

    “Ako ay sobrang hiya sa sarili ko sa ginawa ko nuong Friday sa media. Hindi lang paliwanag kundi apology. Very deep apology. Over ang ginawa ko. Naiintindihan naman nila na I was trying to arrange it for them na para ayos at organized ang press briefing,” she said in an interview with Ted Failon.

    Click here for the rest of the story:http://www.abs-cbnnews.com/nation/08/23/10/red-faced-quisumbing-says-sorry-media

  13. chi chi

    Nah! Napahiya lang si Coco dahil mas sikat sya kay Binayag ngayon, hahaha!

  14. Ulysses Ulysses

    “When a character of a man is lost, everything is lost…”

  15. rose rose

    may hiya rin pala,,,ilang beses na nga nag sorry si putot?
    hindi ba ang sabi sa kanta..”love is when you don’t say I am sorry? seguro naman contento na siya ngayon…sa wakas na pansin na siya..kahit na nga pangit..the more important thing is napansin! ang buhay nga naman…

  16. From Rodrigo Herpacio:

    Isa po akong ofw na naka-base dito sa Middle East.

    Nabuhayan po ako ng pag-asa ng mailuklok si P-noy ngunit ng mapanood ko po yung video ni Coco Quisumbing na aroganteng tinarayan yung mga mamamahayag bigla po akong nagkaroon ng alinlangan sa bagong administrasyon na meron po palang mga na-appoint na megalomaniac government official tulad ni quisumbing.

    Hindi po siya nababagay sa commision on human rights, karapatang pantao dapat sa kanya manggaling ang magandang ehemplo pero bakit ganun kagaspang ang pag-uugali niya?

    Akala ko sinasalang mabuti ang mga bagong opisyales na inaasahan nating magbibigay ng bagong mukha sa bagong administrasyon ngunit tila mabibigo na naman ang sambayanan dahil sa mga taong tulad nito.

    nawa’y magkaroon ng aksyon ang bagong pangulo sa pagrenda sa mga ito kundi man palitan ng taong may kababaang loob at tunay na malasakit sa taumbayan.

  17. Rodrigo, si Quisumbing ay appointee ni Gloria Arroyo. Kaya lang may term of office ang amga commissioners ng CHR kaya hindi siya mapalitan basta-basta. Independent commission ang CHR.

  18. aha! appointee pala ni Opo Ma’am! kaya pala!!!

  19. chi chi

    Ellen, ibig sabihin maghihintay pa si Etta?

  20. No, Coco is a commissioner. Etta is the chairperson.

    CHR sources said the reason why Quisumbing was in bad moon that day was because of the announcement of Etta’s appointment as CHR chair vice Lilia de Lima. She wanted the position.

  21. dan dan

    CHR sources said the reason why Quisumbing was in bad mood that day was because of the announcement of Etta’s appointment as CHR chair vice Lilia de Lima. She wanted the position. Well that’s not a problem anymore Etta is the chair then give coco the table.

Comments are closed.