Skip to content

Nag-iiba tradisyun sa paglakad ng panahon

Rizal Park New Year 2010.From ABS-CBN
Kumusta ang bagong taon ng isa’t isa sa atin? Sana walang daliring naputol o ano pang kapansanan dulot ng paputok.

Kausap ko ang aking kamag-anak kahapon at nagkamustahan kung paano sinalubong ang bagong taon. Sila ng kanyang dalawang anak na dalaga ay nagpunta sa Eastwood. Sa unang pagkakataon, sabi niya, sa labas ng bahay siya ng New Year. Ang dami-daming tao daw at punong –puno ang lahat na restawran.

Sabi nga niya, sa pag-iba ng panahon, naiiba na rin ang mga tradisyun.

Ako, lumaki sa tradisyun sa probinsya na kapag bagong taon, may sayawan sa plaza. Kapag malapit na ang bagong taon, may misa. Sabay-sabay ang buong baryo na magsalubong ng bagong taon. Kasama ang banda, umiikot sa buong baryo at nagsisigaw ng “Adios, (kung ano ang taong lilisanin) at “Viva (kung anong bagong taon).

Nawala na rin yun habang lumalaon. Tuloy ang sayawan ngunit pakunti na pakunti ang nagsisimba ng hatinggabi.
Nang magpuntahan na sa Manila ang karamihan sa probinsya, ang kinaugalian ay may handa at sama-sama-samang nagsasalubong ng bagong taon. Nandyan na ang payabangan ng paputok.

Nauso naman ang trabaho sa abroad. Hindi na pwedeng sama-sama sa pasalubong ng bagong taon lalo na kapag ang magulang ay OFW.

Kahit nandito sa Pilipinas, kung nasa call center ang trabaho, hindi rin maaring umuwi ng bahay dahil ang serbisyo noon ay sa ibang bansa at iba ang oras doon.

Uso na rin na kapag holidays, nagbabakasyun sa ibang lugar. Kaya nasa balita na marami ang nag-New year sa Boracay. Marami sa mga lungsod, may fireworks display para mag-ipon-ipon ang mga tao sa pagsalubong ng bagong taon. Ganun din ang mga malls.

Sa Amerika ang pinaka-sikat na New Year countdown ay sa Times Square. Ang mga nasa-bahay, nakipag-countdown sa TV.

Mabuti lang may internet at cellphone. Kahit magkakalayo, pwede mag-usap at magbatian ng “Happy New Year!”

Ang pinakagusto kong oras sa bagong taon ay umaga ng unang araw ng Enero. Tahimik dahil tulog lahat. Sa probinsya man o lungsod.

Kaya huwag magkamaling mag-schedule ng biyahe sa araw na yun dahil tulog nga ang lahat. Nang buhay pa ang Nanay ko doon ako sa probinsiya palagi kapag Christmas at New Year. Minsan, ang kinuha ko na flight pabalik sa Manila ay Enero 1 dahil na- isip ko, marami ang magbibiyahe Enero 2 at ayaw kung maki-pagsabayan. Naku, walang bus at jeepney na masakyan.

Nahaharap na naman tayo sa maraming trabaho sa taong ito kaya mabuti naman na kahit isang araw lang ay makapagpahinga tayo ng husto.

Masaganang bagong taon!

Published inArts and Culture

5 Comments

  1. Rudolfo Rudolfo

    Napaka ganda ng iyong mensahe Ellen..sana nga di na nag-bago ang maka-lumang ka-ugalian, at lagi ng, “original-na-original”, dahil ito ang mas maganda at hina-hanap ng mga banyaga. Ngunit, bakit kaya ang lahat ay nagbabago ?..sa kultura, niyayakap ang mga bagay na di dapat yakapin, at ina-alis ang pinak-original, na dyan tayo kilala bilang isang Pilipino at bansa.Unti-unti tuloy naglalaho ang ating identity, masyadong magaling tayo sa kupyahan ng ibang kultura ng ibang bansa, pagsasalita, pananamit, pabungahan, at marami pang iba. Nawawala ang mga ipinaglalaban ng dakilang bayani na si Dr. Jose P. Rizal, na sabi niya, ” ang di marunong magmahal sa sariling wika, ay daig ang hayup at malansang isda”.

    Sana sa taong ito, 2011, makita natin ang pagbabago, lalo na sa pag-laya ng Magdalong mga sundalo, na siyang mga TUNAY na bayani, at gampanan sana ni Sen Sonny Trillanes ang mga nararapat, na malapit doon sa mga mithiin ng ating dakilang bayani ng Pilipinas.

    Maligaya at Matahimik na bagong taon sa iyo, Ellen at sa lahat ng mga kapatid sa “blog” na ito.

  2. mbw mbw

    Happy New Year, Ellen!!! Salamat sa lahat! At sa patuloy pa ring pagbigay balita at kuro-kuro na hindi nakikita masyado sa mainstream media!

  3. humus humus

    Happy New Year!

    I am an old avid reader but would like to contribute in writing my thoughts beginning this year.

  4. Welcome, Humus. A good way to start the New Year.

    Just for admin matters.

    Please observe the margin when you write. And refrain from using all caps. If you have to stress, maybe you can make it bold. But it’s better if you just write it in normal fonts. Readers will get your message even if it’s not capitalized if you state it clearly and simply. That’s for a more pleasant reading.

    Thanks.

  5. humus humus

    Thanks Ellen for guidance. I’ll stick to the old sentence type of writing. My new New Years’ resolution is to avoid shouting even if angry.

    I write to be corrected and admonished when called for.

Comments are closed.