Speech of President Aquino on the Framework Agreement with the MILF
Marami na pong solusyong sinubok upang matapos ang hidwaang ito; nakailang peace agreement na po tayo, ngunit hindi pa rin tayo umuusad tungo sa katuparan ng ating mga pangarap para sa rehiyon. Nabigyan ng poder ang ilan, ngunit imbes na iangat ang kaledad ng buhay sa rehiyon, nagbunga ito ng istrukturang lalo silang iginapos sa kahirapan. Nagkaroon ng mga command votes na ginamit upang pagtibayin ang pyudal na kalakaran; naglipana ang mga ghost roads, ghost bridges, ghost schools, ghost teachers, at ghost students, habang tumaba naman ang bulsa ng iilan. Nag-usbungan ang mga warlord na humawak sa timbangan ng buhay at kamatayan para sa maraming mamamayan. Umiral ang isang kultura kung saan walang nananagutan, at walang katarungan; nawalan ng pagtitiwala ang mamamayan sa sistema, at nagnais na kumalas sa ating bansa.
The ARMM is a failed experiment. Many of the people continue to feel alienated by the system, and those who feel that there is no way out will continue to articulate their grievances through the barrel of a gun. We cannot change this without structural reform.