Pambihira naman itong si Maj. Gen. Romeo Tolentino, chief ng AFP Northern Luzon Command chief.
Nagbigay ng shoot-to-kill order si Tolentino laban sa apat na Magdalo members na tumakas mga dalawang linggo na ang nakaraan at sa mga sundalo na gusto sumali sa coup laban kay Gloria Arroyo. Sabi ni Tolentino noong Lunes: “Sa aking pag-iikot sa ating mga units, sinabihan ko ang ating mga officers na kung may sasali silang tauhan sa destabilization, I do not want them to move out alive of their unit. Kung hindi nila kayang i-apprehend at tututol pa, barilin na. Tatapusin na namin ang aming problema doon pa lang.”
Siga, no.
May ilan kaming nakausap na sundalo at hindi maganda ang dating ng sinabi ni Tolentino. Unang-una, kasamahan nila ang pinag-uusapan. Hindi ito mga estranghero na basta lumusob sa kanila na kailangan nilang patayin.Mga kaibigan at kapwa sundalo ang sinabi ni Tolentino na patayin nila.
Pangalawa, walang ginagawang masama na personal sa kanila ang sinasabi ni Tolentino na kailagna nilang barilin. Kung hihikayatin man sila, hindi naman sila pinipilit. Kung ayaw naman nila, pwede naman silang tumanggi. Bakit nila barilin?
Pangatlo, marami sa kanila ay sumasang-ayon sa mga reklamo ng mga rebeldeng sundalo. Hanga nga sila sa mga yun dahil malakas ang loob nilang lumantad.
Ano ba ang mga ipinaglalaban ng Magdalo? Ang mawala ang kurakutan sa pamahalaan lalo na sa military. Ang mabigyan na karapatang sweldo at mga allowances ang mga sundalo. Ang mawala ang palakasan at ang promosyon ay ibabase sa iyong ginawa.
Pinaglalaban rin ng mga sundalo ang irespeto sila at huwag silang gamitin sa masama na gawain.
Bakit babarilin ng mga sundalo ang kasamahan na naglalakas ng loob na ipaglaban ang kanilang karapatan at kabutihan?
Hindi yata alam ni Tolentino kung ano ang tingin ng mga ordinaryong sundalo kay Arroyo na gumamit ng military sa pandaraya noong 2004 eleksyon. Hindi yata alam ni Tolentino na maraming sundalo ang nakinig sa tape recording ng usapan Arroyo at ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garciliano.
Ang sabi sa amin ng kakilala naming sa military, ang pakiusap raw ng mga rebeldeng sundalo sa kanilang kasamahan, “Kung hindi kayo maa-aring sumama, okay lang. Pakiusap lang, huwag na lang kayong kumilos.”
At mukhang umu-obra ang ganyang pakiusap.
Kaya naman kinabukasan, ipinaliwanag ni Lt. Cdr. Earl Evan Pabalan, AFP public information office deputy chief, na ang ibig sabihin lang raw ni Tolentino, barilin lang kung mag-resist ng arrest o tatakas.
Nagkakandabuhol na ang kanilang mga dila. Paano, nagpa-panic.
Matindi nga itong si Gen. Tolentino. Tao ba siya?? Iyon ngang mga sangkot sa Valentines at Rizal bombings hindi natin mabaril dahil kailangan pang patunayan kung talagang sila ng ang nagpasabog, ito pa kayang mga sundalo natin na walang kasalanan sa bayan kundi ang pagbabago tungo sa maayos at matapt na gobyerno? Husgado ba siya? Nakakatakot naman ang military natin ngayon, palibhasa na-corrupt na ni Gloria ang kanilang mga isip, ayan….feeling nila si Gloria din sila na may-ari ng buong Pilipinas. Lalo lamang patitindihin ni Gen. tolentino ang pagpupuyos ng damdamin ng sambayanan. Hindi na sila protector ng tao kundi protector na lang ni Madam Gloria Sinungaling, Mandaraya at Magnanakaw!! Nakakahiya , nakakasuka ang ating mga opisyales sa pamahalaan. Nakapangingilabot ang susunod na mga bugso ng mga pangyayari……..nakakatakot ang darating na anihan…..I pray to God to intercede now and let the good win through Christ our Lord, amen.
Bakit hindi imbestigahan ang mga daing o dahilan kung bakit nag-rebelde ang mga ibang sundalo at nang malaman ni Tolentino kung sino ang dapat ‘pagbabarilin’.
Sir, tumingin kayo sa paligid ninyo at makita ninyo ang mga magnanakaw na dapat parusahan.Sa klase eh, baka(?) nabiyayaan kayo at galit kayo sa mga sundalong naglalatag ng katotohanan.
Cool lang sir.Seek the truth behind the rebellious Magdalo.Keep in mind that God doesn’t sleep and He knows the truth.
It’s not too late for you to help reform our decaying government.
Ano po ba ang masasabi ninyo sa mga na-promote na military officials na nabanggit sa ‘Hello Garci’ tape? Hindi ba kayo nasasaktan sa nangyari?
Mag-isip-isip kayo.May panahon pa.God Bless us all.
Siga? Eto pa ang isang manduduro, sa palagay ko. Kahit ba battle-hardened soldier siya, pagka nagkasubuan na at buhay na niya ang nakataya, palagay ko mabibisto na isa ring duwag at kalahati itong si Tolentino. Baka matae sa salawal niya pag nagsimula na ang labanan at nakorner na siya. ROMEO (Retired Old Man Excreting Often).
Tsk tsk tsk. ano ba yang pakan mo general ,Ang aso nga sipain mo lang kakagatin ka kung mawala naman hahanapin ng may ari. Nagpapahalata kang na promote di dahil sa angking talino mo kundi sa pagiging linta mo. baka naman iniisip mo general kayo ang nagpapasahod sa mga sundalo, pero kahit na di pa rin sapat un para pagbabarilin na lang sila kung nararapat. kaw naman general ang pusa nga gipitin mo kakalmutin ka. Napagaralan mo cguro ang pinagumpisan ng digmaang amerikano at pilipino nang pagbabarilin ng mga amerikano ang mga kawal na pinoy sa pinaglabanan cg ka wag mong sindihan ang mitsa general.
Pinaghuhuli na yung mga tumulong kay capt faeldon at iniimbestigahan. Paano kaya kung buong kasundaluhan ang tumulong? eh di lahat pala yun, huhulihin nila? saan naman kaya nila ikukulong? sa umpisa lang nila gagawin yan kasi mapapahiya sila pag hindi matapos tapos yung mga nalalaman nilang tumulong kay capt faeldon.
Si gloria arroyo, mas matindi pa kay marcos ang gagawin niyan, marami pang gagawin yang kasuklam suklam. pero, sigurado tayo, MAS MATINDI PA KAY HITLER ANG MANGYAYARI DIYAN!!
Kahit noong panahon ni Pres. Marcos na sinasabi nating Diktador ay hindi mo maririnig ang mga sinasabi ng mga kampon ni Ulikba ngayon kagaya ng “Fire with Fire”, “Shoot to Kill”. Medyo pino nga lang ang gawa nila Ulikba and Co. Nakakatakot na talaga ang mga nangyayari sa atin. Kapit na talaga sa patalim si Ulikba. Sana pag naalis si Ulikba ay burahin lahat ang mga palatandaan na naging Presidente siya. Peke siya dahil una inagaw niya ang posisyon kay Erap na talagang ibinoto ng mga taong bayan, nag-GARCI siya noong huling eleksiyon. Wala siyang karapatan na gumawa ng ano man dahil peke siya. Yong mga perang pirmado niya dapat sunugin, yong Airport na ipinangalan niya sa ama niya palitan basta’t lahat ang ginawa niya burahin at alisin. Pati na rin ang mga taong nagtrabaho sa kanya kagaya ng mga Sexytary of … ay dapat alisin at tanggalan ng retirement benefits. Peke rin sila di ba?
SU-TO-KIL
Nadulas lang po siguro itong kanyang dila
“Su-to-kil” ang sabi pagkat gusto niya ng isda;
Sa Cebu City po kasi, kapag nagutom ka
Ang restorang pupuntahan ay “su-to-kil” ang handa.
Ang “su” ay “sugba” sa bisayang salita
Na sa Tagalog ay “ihaw” sa uling na nagbabaga;
Ang “to” ay “tola” na sa sabaw ay “tinola;”
Itong “kil” ay “kilaw,” kilawin, sa asin at suka.
Ang “su-to-kil” na order ni General Tolentino
Ay muli natin na sa utak ng ating ulo
Kanawin, halu-in, at pag-isipang totoo
Na kung siya’y ating iluluto. . . “Iprito! Iprito!”
Atong
Siguro kalahi niya ang dating Ugandan diktador Idi Amin. Sobrang sip-sip sa Malacanang at utak pulbura. Magdalo escapees are not convicted criminals. Bakit shoot-to- kill order? Hey! General Tolentino shoot my ass!
Ellen,
Si Bolante ang dapat ang target ng order na SHOOT TO KILL!
Our soldiers and junior officers have done more for the country than this Bolante ever did or ever will; that they should try to escape, resist arrest is no more no less than the dangers they’ve faced since they started serving the flag.
Bolante, on the other hand has done nothing but commit two major crimes: plunder and abetting the commission of election fraud
Bolante should be hunted down like a dangerous animal and shot on sight.
If nobody could imagine the reason why, let me give one why he should be shot on sight: COWARDICE.
Huwag naman kanoon kalupit at kadahas. Pag binaril agad e hindi makukuha sa kanya ang testimony niya (although doubtful kung magsasabi rin ng totoo). Dapat pag nadakip na si Bolante, iharap agad sa Senate hearing ni Magsaysay at pakantahin. Hindi naman criminal case kaya dapat wala nang time para maghanda ng depensa niya. Dahil nga ilang beses na silang inisnab at tinakasan at cited na for contempt, dapat wala nang palugit na ibigay sa kanya. Pagkatapos ng testimony niya, kasuhan sa proper criminal court ng plunder na ang dinig ko ay punishable by death dahil sa laki ng halagang involved.
Kung may dapat i shoot to kill walang iba kundi ang mga gagong heneral na gaya ni senga at esperon, si gloria, mike defensor, bunye, gonzales, joke joke bolante at garci. Pero hayaan na lang natin sila, mas magandang magparusa ang Diyos sa kanila, alam Niya ang tamang panahon.
‘Nanginginig na kasi ang tumbong ni Gen. Tolentino sa takot’ eh kaya nag-order ng ‘shoot-to-kill’. Hahaha! Sumisipsip kasi si Gen.’Praning’ Tolentino para maging ‘chief-of-staff’ in the future. Ang mga katulad ni Gen Tolentino, who have shown that he is not a professional soldier, ay hindi dapat mamuno sa mga ating magigiting na sundalo, who only wants the best for the whole soldiery and the Filipinos.
GINAGAMIT PA NI GENERAL “GAGONG” TOLENTINO ANG UTAK NIYA. HENERAL PA NAMAN SIYA AT KAMAG ANAK YATA SIYA NI MIKE DEFENSOR AT TITING BUNYE EH. HINDI ALAM KUNG ANO ANG PINAG SASABI PURO KAYABANGAN LANG KAPAG NABIBISTO AY PILIPIT ANG MGA DILA AT PATULOY NA NAGSISINUNGALING. KUNG SUNDALO LANG AKO AT MALAPIT KAY TOLENTINO AY HAHAMUNIN KO ITO NG BARILAN PARA MALAMAN MATAPANG TALAGA.LAHAT NG MAKA ARROVO AY PURO WALANG UTAK KAYA LUMULUBOG ANG PILIPINAS SA MGA GAGONG ITO.
People like this Gen. Tolentino, who because of their uniform and rank, became so “arrogant” (beside being a “bigtime sucker” to GLORIA) that he was able to utter such words. I dunno, but i would surely start admiring Ka Roger’s group if they can “take down” people like Gen. Tolentino…he’s one BIG KAHUNA, a good “trophy”.
tama kayo katoto,, sa hitsura palang ni tolentino nakakahawig sya ni idi amin. hak hak hak.. ultimo simpleng tao lang ang nakarinig nung shoot-to-kill order na yon sa news eh napamura.. WALANG UTAK.. SUMIPSIP KA NA LANG NG SUMIPSIP.. hak hak hak… pag naalis ka na sa pwesto mo pagdating ng pagtutuos.. MAG-APPLY KA KAY MALABANAN! kailangan ng maraming sipsip dun.. taga-sipsip ng t*e ng poso-negro. OO NGA.. BAGAY SA KUKOTE MO! YANG MABAHO MONG BIBIG ANG GAGAMITIN MO
Ano kaya ang masasabi ng mga MISTAH ni Heneral Tolentino?
Sana mabasa ito mismo ni Heneral Romeo Tolentino:
“Ipagkumpara mo ang buhay ng isang OFW sa Middle East at isang sundalo na mula sa NOLCOM”
ANO NAMAN KAYA ANG MASASABI NG MGA HENERAL NG AFP DITO:
Ano ang mas nanaisin nyo?Ang maging isang marangal na OFW o isang kahiya-hiyang sundalo ng AFP?
DApat ang i-SHOOT-to-KILL ay ang mag-asawang ARROYO. Wala naman lahat ang problemang ito pag hindi sila ang naka-upo. Ang mga kampon nila ay hindi naman gagawa ng ganyan pag wala silang GO-SIGNAL. Habang tumatagal ay dumadami na ang lumalabas na mga kabulastugan na pinag-gagawa nila. Itong Mike, mas masahol pa pala kay Imelda kung totoo lahat ang mga nakasulat sa pahayagan. Kung pagkukumparahin ko ang dalawang administrasyon ay mas masahol pa ngayon. Dati ako’y galit kay Marcos pero dahil sa ginagawa nila ngayon ay napagisip-isIp ko na hindi pala siya ganoon katindi may mas masahol pa pala —> ang mga ARROYO’s. Tama pala ang sabi ng dating Pangulong Marcos “SA IKAUUNLAD NG BAYAN, DISIPLINA ANG KAILANGAN”.
BIRUIN NIYO NAMAN, BINAWI NILA ANG PERA “DAW” NA KINURAKOT ANG DATING PANGULONG MARCOS, TAPOS KUNG SAAN SAAN LANG NILA GINAMIT O BAKA IBINULSA NA NILA. NGAYON SINO ANG MAS MASAHOL? MGA KABABAYAN KO MAG-ISIP ISIP TAYO KUNG LAHAT ANG MGA BALITANG ITO AY TOTOO DAPAT TAYO AY MAGKA-ISA NA. ANG ISSUE AY SIMPLE LANG AT NAIINTINDIHAN NG KAHIT SINONG MAMAMAYAN. HINDI LANG ANG BOTO NATIN ANG NINAKAW NILA PATI NA ANG MGA PERA NATIN …. PINOY GUMISING KA!!!!!!
Shoot to kill !!!.. those who say this, takot sariling anino!! If he is on the front line facing a contigent of armed citizens wanting to oust Gloria, perhaps this general will back out. He did not know what he is saying. It will boomerang on him.
God does not prevent us from acting foolishly but he reminds us of the consequences of foolishness.
Lose lips sink ships, and may do so as surely as an enemy torpedo. T0lentino will pay the price of his own shoot to kill order. Bible say: Proverbs 17:13 “If you pay evil for good, evil will never leave your house.”
sya dapat ang shoot to kill!!! wala sya kwenta na genaral walang isip!!! utak talakitok pala utak ang heneral na yan!!!
Ms. Ellen, just wondering the whereabout of Senator Lacson (?) his name is quite unheard nowadays…
Lacson is still there in the Senate.
Nakakapagtaka lang po kasi ang pagiging tahimik ngayon ni Sen. Ping Lacson… thanks Ms. Ellen!
Dapat ipaala-ala sa military na sila ay tagapagtanggol ng mamamayang Pilipino, hindi lang ni Gloria Arroyo.