Itong pagpupugay sa mga OFW ay pinadala sa akin ni Magno Rivera na ngayon ay nasa Saudi. Sabi niya pinadala raw sa kanya ni Frankie Villaflor.
Hindi mayaman ang OFW – Akala ng marami sa ating kapag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, ngunit para sabihin na mayaman sila ay maling-mali.
Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga’t kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o riyal o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya.
Making life worth living.