Skip to content

Tag: Chavit Singson. Gloria Arroyo

Takot si Arroyo kay Chavit

Related stories in ABS-CBN online: Human Rights chief hits Chavit’s arrogance

Pacquiao supports Chavit

Gloria and Chavit
Gloria and Chavit
Palagi natin sinasabi na pagpasensyahan na lang si Gloria Arroyo hanggang Mayo ng 2010. Total, siyam na buwan na lang yan.

Ngunit sa araw-araw na nangyayari, makikita natin na delikado itong natitirang siyam na buwan dahil una, hindi pa talaga nawawala ang posibilidad na gagawa sila ng hakbang na manatili sa kapangyarihan. Dahil maigsi na ang panahon na natititira, lalo silang nagiging garapal.

Pangalawa, maraming pinagkaka-utangan si Arroyo sa kanyang nakaw na pagka-pangulo at lahat yun nag-iisip rin ng proteksyun para sa kanilang sarili. Sanay sila sa pagbastos o pagbaluktot ng batas. May magagawa ba si Arroyo?