Skip to content

Tag: Maguindanao massacare

Chainsaw gang

Nilabas ni Chairperson Leila de Lima ng Human Rights Commission ang sulat ng Concerned People’s Organization kay Gloria Arroyo Agosto ng 2008 pa.

Doon sa sulat, isinumbong ng CPO ang mga kalabisan ng mga Ampatuan. Ikinuwento nila ang nangyari sa dating asawa ni Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Ang kwento, at ito ay kalat na kalat sa Maguindanao, ay itong asawa ni Andal Sr (hind sinasabi kung ilan ang asawa nng mga Ampatuan na ito) ay na-inlove sa iba. Siguro bata pa itong babae kasi matanda na itong si Andal Sr. Ang anak niya, si Mayor Andal Ampatuan Jr., ang tinuturong namuno sa Nov 23 massacre at ngayon ay nakakulong sa NBI.