Si Jinkee at ang kambal niyang si Janet

Before the Belo makeover, 2010.Thanks to Malaya for photo

Birthday ni Jinkee Pacquiao at ng kanyang kambal na si Janet Jamora noong Huwebes (Enero 12) at pinakita sa television silang magkatabi.

Hindi nga naman masyadong malayo ang mukha. Maayos ang trabaho ni Vicki Belo.

Nag-uusap kami ng aking mga kaibigan tungkol sa report kung paano pinaganda ni Belo si Jinkee at naawa kami kay Janet.

Di ba ibang-iba na ang mukha ni Jinkee. Sexy at glamorosa. Kailangan daw gawin ito ni Jinkee dahil malikot daw ang mata ng boxing champ sa mga sexy na artista na nakakasalamuha sa showbusiness. Di ba showbiz na rin si Pacquiao?

Sabi ni Jinkee dati, ng tanungin siya tungkol sa mga balita sa mga babaeng nauugnay sa asawa niya, “Ayaw kong magalit. Magpaganda na lang ako.”

At sa tulong ni Belo, talaga namang gumanda.

Cover girl Jinkee Pacquiao Jan. 2012

Cover ng January issue ng Mega magazine si Jinkee at halos walang nakakakilala sa kanya dahil ibang-iba ang mukha. Sabi nga ng iba, “Kilala pa rin ba ni Pacquiao ang asawa niya? “ O kilala pa ba siya ng mga anak niya?

Si Jinkee mismo ina-amin niya na ibang-iba na siya ngayon. Ngunit ipinagmamalaki niya ang kanyang pagbabago.

Sabi niya, “Minsan hindi ko na nakikilala ang sarili ko. Parang ‘wow! Totoo ang sinasabi ng ibang tao. Kung ikukumpara mo ako ngayon sa Jinkee dati, lalo pa kung tingnan mo ang aking mga lumang litrato, malaki ang pagkaiba.”

Ang biruan nga ay, kung gusto mo malaman kung ano ang hitsura ni Jinkee dati tingnan mo ang kanyang kambal na si Janet.

Noon yun.

Kasi sabi ni Belo, para hindi naman daw masyadong iba ang mukha ni Jinkee sa kanyang kambal, inayos na rin niya si Janet.

“The twin is also doing some procedures so they don’t end up looking too different,” sabi ni Belo.

Kawawa naman itong si Janet. Biruin mo, wala ka namang sakit, ooperahan ka para retokehin ang mukha mo para lang mahabol ang mukha ng kakambal mo na nag-iba na ang mukha. Major operation ang pagretoke ng mukha ha.

Kung sabagay, hindi natin alam, baka naman gusto rin ni Janet gumanda nang katulad ni Jinkee. Hindi naman problema ang pera sa kanila.

Paano ngayon yan at hindi yata humihinto ang pag-iba ng mukha ni Jinkee. Paano yun, sa susunod na mga buwan, hindi na naman sila magkamukha.

Sabi nga ng isang kaibigan ko, hindi naman pangit ang orihinal na Jinkee. Medyo matapang lang ang pagka-mestisa. Kung gusto niya magpasexy, bakit hindi na niya sabayan ang asawa niya sa pag-exercise sa gym sa halip na magpa-lipo?

Siyempre, magpapawis ka kung mag-exercise ka. Ayaw ng mayayaman mahirapan.

Ay naku. Iba talaga ang problema ng mahihirap kaysa mga lumalangoy sa pera.

January 14, 2012 9:08 pm  Tags: ,   Posted in: Abante, General, Sports

25 Responses

  1. arvin - January 14, 2012 10:31 pm

    Kahit ano pang pagpaganda ang gawin ng isang babae para sa asawa niya para hindi na sakali mambabae ay hindi pa rin iyon sapat. Dahil kung ang isang lalaki ay mahilig mambabae ay mambabae talaga lalo na kung hinahabol habol na siya ng babae. Darating ang panahon na kung matanda na dahil maraming retoke ang pinagawa ay doon magsisisi dahil kumulubot ang mukha. Matutong tanggapin kung anong mukha ang bigay ng Panginoon.

  2. chi - January 14, 2012 10:46 pm

    Iba klase problema nila talaga, psycho! hahaha!
    Katawan at pera nila, wala ako paki, nakikibalita lang. :)

  3. chi - January 14, 2012 10:48 pm

    They will die looking young and banat na banat, hindi na kelangan ang embalsamo. :)

  4. chi - January 14, 2012 10:55 pm

    Walang magagawa sa titisterone ni Mani, bruskong-brusko ang dating lalo kung tanggal ang T-shirt :). Mucho dinero na, mucho kotse pa!

    Kaya tama si Alvin, hindi mapipigilan ng bagong mukha ni Jinkee ang pagka-hilig ni Pakyaw. Maganda at pangit, pareho din para sa kanya. Hehehe!

  5. arvin - January 14, 2012 11:39 pm

    Kahit anong pagpaparetoke niya ay siya pa rin. Hindi mag iiba ang pagkilala ni Pacquiao sa kanya. Walang halaga ang pagparetoke niya para sakali hindi na mambabae si Pacquiao.

  6. arvin - January 14, 2012 11:45 pm

    Ipinagmamalaki pa niya na nag iba na ang mukha niya. Sabi niya, “Minsan hindi ko na nakikilala ang sarili ko. Parang ‘wow! Totoo ang sinasabi ng ibang tao. Kung ikukumpara mo ako ngayon sa Jinkee dati, lalo pa kung tingnan mo ang aking mga lumang litrato, malaki ang pagkaiba.”

    Ibang klase siya. Nagpapa intriga talaga. Ang ibang mga artista kung mag paretoke man ay hindi isinisiwalat nila dahil nakakahiya sa mga tao.

  7. jawo - January 15, 2012 2:45 am

    Napaka-suwerte talaga nitong si Manny. Kung gagawing magka-mukha talaga si Jinke at ang kakambal niya, puwedeng “romansahin” ni Manny si Janet sa albi na akala niya si Jinkee ang pina-pangos niya. :)

  8. Lurker - January 15, 2012 2:13 pm

    I knew really beautiful women whose husbands went astray. Husbands’ philandering has little to do with wives’ beauty. I think it’s biological: Males are hard wired to spread as much seed as they can for the survival of the species.

  9. MPRivera - January 15, 2012 5:44 pm

    sus, ginuu!

    walang magawa sa katawan. pati ibinigay ng diyus ay binabagu.

  10. chi - January 15, 2012 8:46 pm

    #7. Hahaha… si Jawo o! Hindi sumagi sa isip ko yan a… :)

  11. chi - January 15, 2012 9:05 pm

    Pakyaw said he changed his ways na raw. Super absentee pala sya sa Tongress, natalo pa ni Marquez. Pero at least meron syang newly renovated wifey. hehe!

  12. chi - January 15, 2012 9:25 pm

    Sa totoo lang, sino ba ang Jinkee dyan sa dalawa sa picture?

  13. Mike - January 16, 2012 2:34 am

    Chi,

    Medyo lukot lukot at may konting punit ang sofa namin sa bahay na gawa sa balat. Minana ko pa sa aking lolo yan. Gusto ko rin ipaayos kay Belo at dapat kamukha din ni Jinkee, banat na banat dapat. Hehehehe :P

  14. Mike - January 16, 2012 2:36 am

    Ang galing talagang negosyante itong si Belo, siya ang nilalapitan ng mga mayayamang lukot ang mukha at laylay ang bilbil. :P

  15. chi - January 16, 2012 4:14 am

    Mike, basta ba lukot kahit ano pwedeng ipabanat kay Belo at magiging kamukha ni Jinkee? Hahaha ka!

  16. lifen - January 16, 2012 11:36 am

    Hahaha mababaw ang mga posting ngayon.

  17. juggernaut - January 16, 2012 2:20 pm

    I agree with arvin, hindi yan sa mukha ng babae, nasa lalake yan, talaga namang konti n alang kaming mga faithful ngayon, hehehe :)

    Tingnan mo si Governator Arnold, ang ganda na nga ng asawa niya pinatos pa rin ang yaya? :)

  18. juggernaut - January 16, 2012 2:21 pm

    Henry,

    Ang ibig bang sabihin ng “faithful” o loyal sa “one and only” yun pa ring “very fast?” and unfaithful naman ay “very slow?” :)

  19. juggernaut - January 16, 2012 2:23 pm

    mike,
    mahal kaya yan pag original cowhide leather, aba, lahat na lang ngayon synthetic leather na? :)

  20. MPRivera - January 16, 2012 5:46 pm

    maganda naman kung sa maganda ‘yang si dyike, eh.

    pagmasdan ninyo, mukhang egol (eagle) byuti. talas ng mata kaya laging buking si mane.

  21. Ellen - January 16, 2012 6:56 pm

    Lifen, re #16, dapat lang hindi lahat seryoso. I-igsi ang buhay kapag palagi kang serious.

    Kahit mababaw, may leksyun kang makukuha.

  22. Mike - January 16, 2012 9:58 pm

    #19

    Jug,

    Ang alam ko lahat ng finished product ni Dr. Belo ay synthetic na. Hehehehe ;)
    :p

  23. chi - January 16, 2012 11:25 pm

    Imagine, synthetic na ang nilalambutsing ni Mani, hahahaha! Ay naku, ang rico nga naman….

  24. lifen - January 17, 2012 10:40 am

    Ellen,
    Well,,, oo nga. I agree. Sooner or later i need a ‘belo’ too.

  25. MPRivera - January 17, 2012 6:11 pm

    mike, hindi synthetic ang tingin ko sa ganyan KUNDI balsamado dahil ‘yung kulubot na ay nababanat nang husto.

    ‘yung kayang betlog ni topakcio, ano kaya, kayang gawing makinis ng siyensiya ni belo? mapaputi kaya niya ang kutis niyon?

    kapag nagkataon, kaunaunahan sa pilipinas na magkakaroon siya (topakcio) ng MALAPORSELANANG bayag!

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.