Skip to content

Posibleng konek ni Arroyo at Aragoncillo

Kaya pala sinabihan nina  Executive Secretary Eduardo Ermita at Solicitor  General Antonio Nachura  sina Justice Secretary Raul Gonzalez at Presidential Chief of Staff Michael Defensor na hinay-hinay lang sa kanilang planong sampahan ng kasong rebellion si dating Pangulo Estrada at ilan pang lider ng oposisyon base sa kanilang koneksyun kay Leandro Aragoncillo, ang Fil-American na intelligence analyst.
 
Maaring may kuneksyon rin pala si Gloria Arroyo.
 
Naibalita na isa  mga tumanggap ng mga dokumento na kinuha ni Aragoncillo sa White House at Federal Bureau of Investigation tungkol sa mg analysis ng United States sa sitwasyon sa Pilipinas ay si Rep. Rodito Albano ng Isabela.
 
Si Albano ay  miyembro ng  partidong maka-administrasyon. Ang kanyang tatay, si dating Rep. Rudy Albano ay chairman ng Energy Regulatory Commission. Malaki ang posibilidad na ang mga nakuha ni Albano na mga impormasyon kay Aragoncillo ay ipinasa niya sa mga opisyal ng administrasyon kung hindi man kay Arroyo mismo.
 
Si  Aragoncillo ay nakaharap ngayon sa kasong espionage. Nadawit dito si dating Police Officer Michael Ray Aquino na ka-email rin ni Aragoncillo. Nakakulong ngayon si Aquino sa New Jersey.
 
Ayon sa mga report, ang mga pinasahan ni Aragoncillo ng impormasyon maliban kay Estrada ay sina Sen. Panfilo Lacson, Rep. Arnulfo Fuentebella, at si San Juan Mayor JV Ejercito.
 
Ayon sa mga lumabas na report tungkol sa mga dokumentong ipinasa ni Aragoncillo, hindi maganda ang tingin ng administrasyon ni Bush sa administrasyong Arroyo lalo na kay Bise-Presidente Noli de Castro.
 
Maliban sa paningin ng Amerika kay Arroyo at kay De Castro, wala namang impormasyon doon na hindi alam ng buong Pilipinas katulad ng akusasyon na pandaraya kay Arroyo, ang mga lumalaganap na corruption.
 
Sobrang excited si Gonzalez at Defensor at sinabi nilang gagamitin raw nilang ebidensya ang dokumento galing kay Aragoncillo para samphan ng kasong rebellion sina Esrada at iba pang lider ng oposisyon dahil ginamit raw nila yun para i-destabilize si Arroyo.
 
Sabi pa ni Gonzalez na kung hingi-in raw ng Amerika ang extradition ni Estrada at ng ibang opisyal, ibigay raw nila. Ibig sabihin tulungan nila ang Amerika na makulong sina Erap at ibang  Pilipinong opisyal sa Amerika.
 
Despalinghado talaga ang takbo ng pagiisip nito, ano.
 
Sabi ni Nachura, kahit guilty si Aragoncillo doon sa Amerika, paano naman magamit na pruweba yun galing kina Estrada dito? Sabi nga ni Sen. Joker Arroyo, na miyembro rin ng partido ng administrasyon, “Ano ba ang krimen na ginawa ni Erap laban sa Amerika  dahil sa pagtanggap niya ng mga dokumento galing  kay Aragoncillo.”
 
Paano ngayon yan at mukhang nakarating rin pala kay Arroyo ang mga dokumento ni Aragoncillo.
                        


Published inWeb Links

20 Comments

  1. Anonymous Anonymous

    Ellen, maybe albano did not give it directly to the “president”. sirugo nai-share lang niya ito sa mga ibang adminstration officials at allies, at yung mga admin officials at allies naman ang nagbigay ng classified info kay arroyo. i know it’s hairsplitting but… 😉

    Here’s Albano’s comments:

    “Now I understand why law enforcers had raided the Tribune newspaper during the duration of the state of national emergency last February. “They are full of lies. I challenge them to present the classified information they claim I passed on the President, if not, they should apologize to me or to the President. Can they state what classified documents were passed on by Aragoncillo to me? They should not engage in character assassination.”

    and take note ellen, mr. albano never said he did not share this information with anybody else.

    john marzan

  2. John, bakit identified ka as “Anonymous”. May problema pa rin dito. I’l better tell my blog admin.

    As to Albano, you are correct there. It may be true that he did not directly givethe documents to Arroyo. But knowing malacañang’s network, it’s very much possible that they were able to get hold of those documents. That means, they were also recipients.

  3. Anonymous Anonymous

    Here’s Albano’s comments:

    “Now I understand why law enforcers had raided the Tribune newspaper during the duration of the state of national emergency last February. “They are full of lies. I challenge them to present the classified information they claim I passed on the President, if not, they should apologize to me or to the President. Can they state what classified documents were passed on by Aragoncillo to me? They should not engage in character assassination.”

    Ellen, maybe albano did not give it directly to the “president”. pero sirugo nai-share lang niya ito sa mga ibang adminstration officials at allies, at yung mga admin officials at allies naman ang nagbigay ng classified info kay arroyo.

    and take note ellen, mr. albano never said he did not share this information with anybody else.

    john marzan

  4. Anonymous Anonymous

    ya, may problema pa rin sa blog mo it think. i’m still labeled as anonymous.

    anyway, maybe somebody in the media should ask albano kung sino sino yung lahat ng tao na nakausap niya at na-share ran niya ng FBI classified info sa pinas.

    that would clear things up, i think.

  5. Ang mas mabuti dyan si aragoncillo susulat nang libro na e expose ang lahat na pangyayari. at kung sa u.s. e publish sigurado e verify muna yung ng publisher bago e publish kaya’t may kaunting credibility. di kikita pa sya mas malaking sa suhol na kinita nya sa katarantaduhan na hindi nya nalusotan.

  6. It’s not farfetched (Aragoncillo writing a book).

    I’ll tell my blog admin about this problem na that all visitors are labeled anonymous tomorrow. Naawa na ako sa kanya.He has to work even on a Sunday.

  7. Ellen,

    Kaya nasabi nina Ermita at Nachura ang huwag agad sumakay ang mga “magnanakaw sa gobyerno natin” dahil alam nila ang mga bagay na iyun dahil siguradong na ibulong ni tiyanak sa kanila at siguradong pinakita ni Albano or ni Arrovo sa kanila dahil kailangan ni “Reynang Magnanakaw” ng payo.
    Etong mga “Gagong” dakilang alalay ay tinalo pa ang mga babae na putak ng putak. Sabagay nakaka buti rin sa atin bakit kamo dahil kahit isang salita or word na lumalabas sa kanilang mga bibig ay puro “MALI” at kagaguhan. May nasabi na ba silang totoo or nakaka tulong sa atin. Kahit sa mga pilipinong naka tira sa US ay wala na ring pag galang sa Pekeng Presdente ng Pilipinas eh. Hindi lang yata sa U.S. pati na sa ibang bansa. Baka sasabihin ni ALBANO na lapse of judgement ang pag tanggap niya ng mga e-mail or pag ka usap niya sa US SPY. Sabagay lahat ng pumapanig kay Magnanakaw ay nawawalang ng sarili at ang “TAMA ay mali at anag “MALI” ay siyang tama sa kanila ngayon.

  8. Ellen,

    Kaya nasabi nina Ermita at Nachura ang huwag agad sumakay ang mga “magnanakaw sa gobyerno natin” dahil alam nila ang mga bagay na iyun dahil siguradong na ibulong ni tiyanak sa kanila at siguradong pinakita ni Albano or ni Arrovo sa kanila dahil kailangan ni “Reynang Magnanakaw” ng payo.
    Etong mga “Gagong” dakilang alalay ay tinalo pa ang mga babae na putak ng putak. Sabagay nakaka buti rin sa atin bakit kamo dahil kahit isang salita or word na lumalabas sa kanilang mga bibig ay puro “MALI” at kagaguhan. May nasabi na ba silang totoo or nakaka tulong sa atin. Kahit sa mga pilipinong naka tira sa US ay wala na ring pag galang sa Pekeng Presdente ng Pilipinas eh. Hindi lang yata sa U.S. pati na sa ibang bansa. Baka sasabihin ni ALBANO na lapse of judgement ang pag tanggap niya ng mga e-mail or pag ka usap niya sa US SPY. Sabagay lahat ng pumapanig kay Magnanakaw ay nawawalang ng sarili at ang “TAMA ay mali at anag “MALI” ay siyang tama sa kanila ngayon.

    VON JOVI ….

  9. ELLEN,

    PAKI SABI KAY SEC. SIRA-ULO GONGONGZALEZ NA KASUHAN RIN NIYA AKO DAHIL MAY NATANGGAP AKONG E-MAIL BUHAT SA AMERICA NA ANG NILALAMAN AY MGA KAWALANGHIYAAN NG MG ARROVO. PINASA SA AKIN NG MGA KAKILALA KO SA U.S. AT NAKUHA OR NABASA NILA SA MGA MAGAZINE AT SA US NEWSPAPER NA PATI ANG MGA AHENSIYA NG NEWSPAPER SA U.S. AY HINDI NANINIWALA KAY ARROVO AT PANIWALA NILA NA TALAGANG NANDAYA AT TINULUNGAN SIYA NGA MGA HIMAYUPAK NA “GERM-NERAL”. LABAN SA MGA ARROVO ITO AT SIGURADONG TREASON RIN ANG NAGAWA KO DAHIL IYUN ANG PAG KAKA UNAWA NG MGA GAGO SA GOBYERNO NATIN. ELLEN, PAKI FORWARD MO NA RIN ANG BLOG KO RITO KAY MIKE “BULLDOG” DEFECTOR AT PARA MAG NEWS CONFERENCE AT MAY MASABI OR MABALITA SIYA.

    SEC. SIRA ULO GONGONGZALES KASUHAN NINYO AKO NG REBELLION RIN.

    SABAGAY LAHAT NG PUMAPANIG KAY TIYANAK AY NAWAWALA SA SARILI NILA AT HINDI NA NILA ALAM ANG TAMA OR MALI OR BALIKTAD NA ANG MEANING NG TAMA OR MALI SA KANILA DAHIL BALIKTAD NA RIN ANG MGA UTAK NITO.

    VON JOVI

  10. Greg Greg

    Magandang araw Ellen,

    Comment ko ito sa sinulat mo tungkol sa sinasabi mong koneksyon ni arroyo kay arragoncillo, Alam mo ellen, isa lang ang pattern nyong mga nagsusulat at hindi eto maganda , hindi ba pwede na mag imbestiga mo na kayo, kung totoo ba o espekulasyon nyo lang , kung sana may matibay kayong ebidensya cge isulat mo at sasaludo pa ako sa inyo, at sana wag na nating bigyan ng puwang sa ating mga pahayagan na magsulat yang sina senator Estrada,Congw marcos at Chiz escudero dahil wala namang lalabas sa mga panulat ng mga iyan kung hindi bumatikos at ilabas ang kanilang sarili na isang magaling at kagagalang na mga tao pwe!!! isa lang ang masasabi ko kahit sino pa ang mamuno sa ating bansa o kahit ibahin pa ang porma ng ating gobyerno ay walang mangyayari sa atin, hangang nandyan ang mga taong kagaya nina pimentel, corazon aquino, estrada family, binay, lacson, batasan 5, they are the root evil of our society, bunutin mo sila at tatahimik ang ating bayan.

  11. Ang isyu ay sino ba ang binoto ng tao maging pangulo? Nandaya ba si Gloria Arroyo?

    Sa mga ebiensyang lumabas, klaro na nandaya siya at hindi siya binoto ng tao para maging pangulo. Ang pandaraya ay krimen.

    Sa ating sistema, sinasabi ng batas na ang gumawa ng krimen ay pinaparusahan.Ang presidente ay may obligasyon na ipatupad ang batas. Paano magpatupad ng batas ang isang presidente na gumawa ng krimen na pinipilit niyang ipinagtatakpan.

  12. E-mail from Gary Esperida:
    Good evening po. ipinakikita lang ni mike defensive at unjustice sec.raul gonzales ang kanilang pagkasipsip a amo nila.masama bang tumanggap ng e-mail sa kaibigan?kaya paano nila mapapatunayan na may kaugnayan si erap at lacson sa kasong episionage ni agoncillo?puro sila sipsip darating din ang mga araw nila at sila naman ang hahatulan ng bayan.salamat po.

  13. BITOY BITOY

    ELLEN
    TY PO AY MAY KAGAYA PA NINYO NA MATAPANG MAG SULAT NG MGA KATARANTADUHAN NG MGA BULOK AT MANDARAMBONG AT PINSAN NG MANDARAYA…..PAKI RATING LANG PO KAY ….SI>>>RAULO GONSALEZ NA TAMA PLA ANG MARAMING KASABIHAN NA ANG TUMATANDA NA KAGAYA NYA AY ULYANIN NA ….AT BAT KAYA YAN NAKA PASA SA PAGIGING ABUGAGO,AY MALI ABUGADO PALA EH BOBO PALA AT SANA PANALANGIN KO NA LANG SA KANYA WALA SANAG MAG MANA SA KANYANG ANAK OR APO MAN LANG SA PAG KA SI..RAULO NYA..AT SANA ELLEN PAKI LAGAY NAMAN SA SITE MO NG EMAIL NI ARAGONCILIO PARA MA BASA NAMIN AT SNA PADALHAN MO AKO SA EMAIL KO AT IPAPADALA KO LAHAT SA MGA KAIBIGAN KO AT SASABIHAN KO RIN NA IPADALA NILA SA MGA KAIBIGAN NG KAIBIGAN NILA PARA KASUHAN KAMI SA KA BOBOHAN NYA …BASTA ANG ALAM NAMIN ……ANG SINUNGALING AY MAMAMATAY… SNA MA UNA SI MADAL PUNGOK AT ANG KANYANG BULLDOG NA SI>>RAULO GONSALEZ

  14. TO GREG,

    PAKI MULAT MO NGA ANG MATA MO AT SABAGAY ANG MGA KAMPI SA MGA MAGNANAKAW AY NAWAWALA SA SARILI NILA KATULAD MO. TANONG KO SA IYO “GREG” SI GLORIA MO BA AY TOTOONG PRESIDENTE AT HINDI NAG NAKAW. ANO PA ANG EBIDENSIYA NA GUSTO MO. OO HINDI NAGING MAGANDA ANG PAMAMALAKAD SIGURO NG MGA NAKARAANG TUNAY NA PRESIDENTE (ITOY SY SIGURO LANG). PERO ITONG PEKENG PRESIDENTE AY HINDI MO MAKITA ANG KANYANG GINAGAWA NGAYON. ANO KA BA BULAG OR TANGA. SABAGAY ANG KAKAMPIHAN MO AY ANG KAPWA MAGNANAKAW. OKEY LANG PARA SA IYO NA PATULOY NA NAG HIHIRAP ANG BANSA NATIN AT PATULOY NA PINAG NANAKAWAN. SIGURO AY KASAMA KA NILA DAHIL NATITIIS MO ANG MGA NANGYAYARI SA ATIN NGAYON. SA MGA BINANGIT MONG PANGALAN AY SILA ANG TUNAY NA BINOTO NG TAONG BAYAN KESA SA IDOL MO NA REYNA NG MAGNANAKW. ROOT OF EVIL PA ANG SINABI MO PERO HINDI MO NAMAN ALAM KUNG PARA KANINO TALAGA. PWE.. TANGA NA TALAGA ANG MGA TANGA-ANGA NI REYNANG MAGNANAKAW. ANG MALI AY TAMA SA KANILA AT ANG TAMA AY MALI ITO ANG HALIMBAWA SA MGA SUMULAT NGAYON KATULAD NI MANG GREG… SORRY PO… MANG GREG AT TANGA LANG ANG MANINIWALA NGAYON NA HINDI NANDAYA, NAG NAKAW ANG IDOL MO.

  15. Anonymous Anonymous

    Pag pasensyahan na natin si GREG may MENTAL LAPSE yan…
    gaya ng BOSSING niyans si GMA may MENTAL LAPSES…
    dapat sa MENTAL HOSPITAL NA DALHIN

  16. Habang inaayos pa ang ilang teknikal na bagay dito sa blog, paki lagay na lang ng pangalan sa dulo ng comments para hindi “anonymous” ang lahat. Aayusin ko na lang isa-isa.

    Salamat.

Leave a Reply