Skip to content

Takot si Arroyo kay Chavit

Related stories in ABS-CBN online: Human Rights chief hits Chavit’s arrogance

Pacquiao supports Chavit

Gloria and Chavit
Gloria and Chavit
Palagi natin sinasabi na pagpasensyahan na lang si Gloria Arroyo hanggang Mayo ng 2010. Total, siyam na buwan na lang yan.

Ngunit sa araw-araw na nangyayari, makikita natin na delikado itong natitirang siyam na buwan dahil una, hindi pa talaga nawawala ang posibilidad na gagawa sila ng hakbang na manatili sa kapangyarihan. Dahil maigsi na ang panahon na natititira, lalo silang nagiging garapal.

Pangalawa, maraming pinagkaka-utangan si Arroyo sa kanyang nakaw na pagka-pangulo at lahat yun nag-iisip rin ng proteksyun para sa kanilang sarili. Sanay sila sa pagbastos o pagbaluktot ng batas. May magagawa ba si Arroyo?

Ang kasagutan sa tanong na yan ay nakikita natin sa kanyang reaksyun sa ginawa ni Chavit Singson, ang kanyang national deputy security adviser, sa kanyang dating kabit na si Che Tiongson.

Nakita ng publiko ang hindi makataong ginawa ni Chavit kay Tiongson, ina ng kanyang limang anak ng mahuli niyang kasama ang boyfriend. Nilatigo niya na parang hayop. Ang balita, hinubaran ng kanyang mga bodyguard ang boyfriend ni Che, binugbog. May nagsabi nga na minartilyo ang ari. Ewan kung totoo.

Nakita rin ng publiko kung gaano kayabang si Singson sa kanyang panindigan na tama ang kanyang gianwa. Mabuti pa nga raw at hindi niya pinatay.

Ngunit sa gitna ng ganitong karahasan ng miyembro ng gabinete ni Arroyo (kung paano naging miyembro ng gabinete si Singson ay isang bagay rin na nagpapakita ng klase ng gobyerno ni Arroyo), ano ang sabi ng Malacañang? “Behave”. O magpakabait ka. Yun lang.

Babae si Arroyo. Hindi ba siya nakaramdam ng galit sa ginawa ni Chavit?

Ito namang mga opisyal ni Arroyo katulad nitong si Remonde. May mga anak silang babae. At kung ginawa sa anak nyo ang ginawa ni Chavit kay Tiongson?

At tama ang isyu na tinanong ng mga reporter, pera ba ng taumbayan ang ginamit ni Singson sa pag-matyag kay Tiongson?

Sa malamyang reaksyun ng Malacañang sa ala-gangster na ginawa ni Chavit, ang nakikita ng tao ay takot si Arroyo kay Singson. At alam din ng lahat kung bakit.

Alam naman ng lahat na kung hindi kumanta si Singson laban kay dating pangulong Joseph Estrada, wala si Arroyo ngayon sa Malacañang. Ay kung kumanta rin si Chavit sa mga baho ni Arroyo?
Nagpahiwatig nito si Singson sa gitna ng kontrobersiya sa Poro Point sea port ng gusto niya kunin ang kontrata sa isang kumpanya na may legal na kontrata. Nagkandarapa noon si Arroyo magtawag ng miting para maayos ang gulo na yun.

Marami pang pinagkautangan si Arroyo wala siyang magawa para rendahan ang mga yun sa pambabastos ng batas at ng bayan dahil siya mismo guilty sa ganyang gawain.

*******************************************************

Excerpts from the interview with Che Tiongson by Philippine Entertainment Portal:

The difficult part is simple enough to see. Che has no skills to get herself employed in a job that will pay for rent and food, much less send five children to private school. Neither does she have money or connections to start a business, no matter how modest. She was plucked at 19, when she had just begun college. She has not studied since and has never worked. She is finding, she says, that she was raised to be a dependent.

“No work. Hindi na ako nag-aral. Hindi naman ako tinuruang mag-negosyo, ganun. Parang ginawa lang akong housewife kasi gusto niyang maging dependent na ako sa kanya. Habang nagsasama kami, yun ang gusto niya talaga. Kapag nagbigay siya sa akin, very minimal. Talagang very minimal, kasi nga ayaw niya talaga na parang magkaipon ako.”

“Sa seventeen years naming nagsama, hindi talaga ako kumukuha sa kanya. Ganyan ang pagkatao ko. Kahit kailangang-kailangan ko na, hindi talaga ako ganun. Hihingin ko na lang kesa kunin ko.”

“Pero, I think, pagbigay, e, bigay na yun, e. Kung anumang gawin ko dun, akin na yun. Wala siyang binigay sa aking property na nakapangalan sa akin. Lahat—walang negosyo, walang properties. Gusto nga niyang maging dependent ako.

“Yung car ko, sa akin nakapangalan, kaso nung pinaalis niya ako, nung nangyari ito, damit ko lang talaga bitbit ko. Naiwan ko yung car ko, siyempre. Wala na yung car. Wala na lahat yung gamit. Kaya hindi ako dun [Corinthian house-apartment] ngayon natutulog, kasi walang bed, walang laman, wala lahat. Tinanggal nung Sunday [August 30].”

“Ang isa pang torture ko diyan, yung pag-aari niya ako, na pupunta siya dun [Corinthian house-apartment] any time gusto niya. Para galawin lang ako. At yun lang talaga ang purpose niya. Pupunta siya dun, ayun, ‘tapos alis na siya.

“Pag nag-no ako, ganito yun, may panakot na, ‘Hindi mo na makita yung mga bata!’ Parati ko silang tsini-check. ‘O sige, papuntahin mo yung mga bata rito.’ Sinusundo ko sa school, sabay-sabay kong hinahatid. Yung mga ganun na lang, na kahit every day nakakausap ko sila, nakikita ko sila.”

In fact, she says, he was there on August 22, a Friday, the day before he beat her up. “Grabe siya. Ginalaw pa niya ako nung Friday, na parang wala siyang balak gawin. Na meron pala siyang plano na sundan ako, at gagawin iyon [to beat her].”

. Parati ko ngang sinasabi, akala ng iba, ang sarap-sarap ng buhay ko. Totoo, dahil totoo naman, na-experience ko rin yung mga ‘yang luxurious life, na nagbiya-biyahe ka, ano, ganun. But ang kapalit nito… does that make you happy? At the end of the day, are you happy?”

“Yung relationship namin, parang bangko, na dapat deposit nang deposit. Ang nangyari sa amin, withdraw nang withdraw, hanggang sa nagiging negative. Kasi yun na nga yung nawalan ka ng respect, ng trust.

For the complete article, click here (PEP)

Published inAbanteGovernance

30 Comments

  1. Mike Mike

    Takot si Gloria kay Chavit baka kasi siya naman ang bugbugin at hatawan ng latigo ng tigre. 😛

  2. Let this story be a lesson to young women who think that cavorting with powerful men will land them the material status they crave.

    This is not the first time I hear of a young Pinay girl who was plucked from girlhood and then made a kept woman, a possession of a dirty old man.

    I met such young woman almost 15 years ago who accompanied a powerful personality in the Philippines and incidentally, happens to be a close friend of Singson (I met Singson through that friend) with whom we (company I was working for) was about to do a JV.

    The young woman was a very pretty thing, in her early 20s, from a good family I heard (studied in a well known college for girls but had quit school) and was always around at our business lunches, dinners, etc. She was introduced as the “second wife” and all the other Pinoy businessmen I met recognised her as such. She was always around and travelled abroad with him — met her a few times in Paris when he came on business, and frankly, I didn’t care.

    Naively, I thought the man had divorced and re-married. I was a bit surprised because really the age difference must have been close to 40 years at the very least but I told myself if they were married, who cares?

    But I was wrong. Over the next 2 or 3 years, I got to know the girl who trusted me enough to blurt out that she was sick and tired of the DOM and wanted out of the relationship — I said, well why don’t you tell him so and get a divorce? That was when she said, “We’re not married, he’s very much married. I’m only one of his 3 other mistresses.”

    I almost fell off my seat. And I asked her pointblank, “In that case, all the more he has no right over you and you can leave anytime you want.”

    She said, she was afraid he would hurt her physically. I couldn’t believe what I was hearing. Clearly, the whole situation smacked not only of double standards but, triple, maybe quadruple standards. She also revealed that despite what I saw (jewelrey, nice clothes, good wealthy appearance, travel, etc.), she had nothing in her name — that she is living in an apartment he’s renting for her, she had no car, that he would give her some money if she needed but the real source of her income is that he made her “work” in one of his companies and from which she drew “consulting fee” from time to time. I was truly shocked, first by the complete stupidity of the girl and second by the discovery that if what she was saying was true, the man who seemed thoroughly charming was worse than a snake.

    She also revealed that she was not allowed to leave the apartment in the evening unless chaperoned by the man’s secretary or unless he invited her to one of his many dinners, etc. that he was always checking up on her in the middle of the night and even in the wee hours of the morning by coming over unannounced.

    I felt pity for her but at the same time, I told her, you gotta be bold and get out of a relationship that’s master-slave, reminiscent of the Medieval Ages — only you can do something to change the situation. She said she was scared and that the man might become nasty and get even by destroying her brother’s business, and worse, have her killed., etc.

    The good thing about it is that one day, this man had a cerebral hemorrhage and went into coma. He had never been the same since, a bit invalid and bit amnesiac; Last time I heard, she had gone off to be the mistress of a prominent but very married lawyer with whom she now has a child.

    Oh well…

  3. andres andres

    Si Chavit ay demonyo!!!

  4. parasabayan parasabayan

    Ang takot lang talaga ni bitch kay sabit! Isasabit siya ng buhay ni sabit. Sabit knows the inner world of the bitch! They, afterall belong to the same club “The HOODLUM CLUB”!

  5. parasabayan parasabayan

    Birds of the same feather, flock together. Sabit and pacman love to gamble and womanize!

  6. chi chi

    Minartilyo daw ang ari, bakit naman e kay liit na nga, sabi mismo ni Chavit. Pati yun ay pinatulan ni Chavit, gangster talaga.

    Sa picture sa itaas ay magkamukha si Chavit at Gloria palibhasa ay parehong utak kriminal.

  7. Tedanz Tedanz

    Palagay ko tinuli ulit at nasobrahan ng hiwa. Aral din naman talaga yan sa mga oportunista. Kung may nagme-mayari na wag ng sasawsaw pa. Kahit sabihin natin kabit pa siya ni Gob. Lima na ang anak ng babae … siguro sabi ng lalake … may itsura naman yong babae at mucho pa sa allowance kay Gob.
    Pero kung si Gob. naman ay binabae niya kunyari ang asawa o anak mo, kaya mo bang tuliin? Baka ikaw pa ang tadtarin ng bala at gawing longganisang Vigan.

  8. kandongKANTANOD kandongKANTANOD

    Hwág nyó naman sanang pakaalipustain si Chavit. In fairness, he’s now planning to venture in organic fertilizer business – giving jobs to fellow Filipinos. They’ll market ipot ng manok (chicken droppings). mrgreen: 😆 :mrgreen:

  9. Tedanz Tedanz

    Pero Gob. mali naman yata yong bubugbugin mo ang babae. Bakit Gob. may balak ka din bang gawing tapa ng Iloko yong bit-ka mo? Si FG na lang puntahan mo at bugbugin at gawing chicharong Iloko … ang tuwa pa ng tao sa iyo.

  10. I do not like Chavit nasusuka ako sa kanya akala niya sa sarili niya kung sino siya .

  11. Mike Mike

    Ang yabang kasi yang Chavit na yan, sobrang yabang at akala niya kung sino siyang hari. Ayon, natorotot (cuckoled) tuloy!!! Hahahahaha!!!! beh butinga!!!

  12. Mike Mike

    And to the lover of Che na may asawa’t anak din pala, buti nga din sayo! Siguro nangangamatis na yung kuwan mo…. Hahahahaha!!!! 😛

  13. patria adorada patria adorada

    naranasan na ba ninyo ang ma pendejo?papaano kung ang isang tao,isang ama ay nag abroad,walang ibang iniisip kundi ang ginhawang financial na maibibigay niya sa kanyang familia at pagkatapos nalaman niya may ka share pala siya sa perang kanyang ipinapadala.ano talaga ang gagawin mo pag nahuli mo sila sa acto?
    may mga gigolo sa atin na walang ibang target kundi ang may mga asawang nasa abroad.magandang gatasan.ang puhunan mo lang ay guapo ka at mabola at may brain din.kung may pito kang girlfriends na lahat sa abroad ang asawa,buhay na buhay na si compadre.
    kay che,sana bumili ka na lang ng dildo mas safe pa.kung ayaw mo na sa ka relasyon mo,be brave enough to say so,before going into a new relationship.
    kay chavit naman,hindi mo puedeng silawin ang mga babae sa lahat ng oras ng pera mo,kailangan din ang tunay na pagmamahal.
    ngayong alam na ni gloria na nanlalatigo pala si chavit,would she likes to try it too?

  14. norpil norpil

    chabit should move to iran or saudi.

  15. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    magtataka pa ba tayo???? si chavit ay mala-hari sa ilocos…di niya naisip kung saan siya nanggaling at nagsimula bago maging isang bigtime trapo…utak ganster, utak kriminal

    queen gloria??? takot dahil daming baho niya ang puedeng ikalat ni chavit, dami nga projects sa govt pinasukan ni chavit at wlang palag si queen gloria

    saan na ang mga womens group??? banatan at kasuhan nyo si chavit kasi astang demonyo talaga!

    nabubuhay sila sa pera, sa maduming pera…pag nakikita ko siya sa san juan coliseum kasama si manny pacquiao kung pumusta laging open dahil sa daming pera, at mahina ang Php5.5M isang pusta nila sa isang manok pero ang tanong saan galing…kaya duda na rin ako kay pacquiao kung totoong makabayan kuno o pakitang tao lamang mana kay queen gloria kasi sa mga kasama niya na karamihan ay notorious sa pinas

    si manny pacquaio naman ay ganda na ng pangalan na ginawa pero gusto pa yatang masira dahil sa mga idol niya…chavit, lito atienza, queen gloria…sana nga lang di uli lumusot sa tongreso kasi pihadong after boxing career niya yung luho at bisyo niya ay isasandal sa political career…onli in the pilipins

    kaya sana matuto na tayo, kapwa pilipino rin natin ang gumagawa sa mga demonyong ‘to, kung matalino at mapanuri tayo sa ‘ting politicos walang trapos, walang chavit.

    NO TO TRAPOS 2010!

  16. Gabriela Gabriela

    Parasabayan, tama ka. Sina Chavit, Gloria at Manny Pacquaio, birds of the same feather flock together.

    By the way, sana balang araw, lamunin ng kanyang tigre si Chavit.

  17. Gabriela Gabriela

    Di ba bawal magkaroon ng pet na tiger? Dapat i-protesta din ito ng mga grupong nag-tatrabaho to protect animals.

    Kung sabagay, animal din itong si Chavit.

    Basta, sana lamunin siya ng kanyang tigre.

  18. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    tingnan mo nga naman paano magbiro ang kapalaran…macho image si chavit kahit pangit at mukhang goons pero sa nangyari sa kaniya talo pa niya natalo sa derby at sa politica….hahahaha

    sana magtuloy-tuloy na ang karma ng damuho para mabawasan naman ng mga gago sa pinas….

    saan na ang womens group? human rights group? at ang pnp women and children desk na pinagmamalaki ni sec. puno? halatang may kiling ang illegitimate govt ni queen gloria sa mga nagpapanggap na makapangyarihan at naghahari-hariang trapo.

    kulelat sa senate race 2007, pendejo 2009, sa 2010 sana matalo pa as governor sa ilocos hahahaha may katapusan din ang lahat ng kagaguhan at kapalaluan ninyo.

    deputy sec. ng national security, pero madalas magdamag sa derby sa san juan at makati coliseum laging nandun kasama ang apprentice na si manny pacquiao…sa isang gabi mahina sa Php20M talo ng magka-partner,sarap talagang maging trapo at malakas kay queen gloria may balon ng pera na mistulang di nauubos.

    NO TO TRAPOS 2010!

  19. eddfajardo eddfajardo

    Ngayon at nabulgar ang tunay na pagkatao ni Chavit Singson, I am just wondering kung ano naman ang gagawin ng Malacanang o si Gloria Arroyo na disiplinahin itong gangster na ito. Hindi pwede ang sasabihin lang nila na he must behave and subject himself to the rule of law. They must show stronger action by suspending him at the earliest. Yabang, gangster mentality, corrupt, vindictive, mahilig sa threat at mag intimidate, iyan si Chavit Singson na very close kay Arroyo. Ang lakas pang kumandidato for senator last election. Diyos mio, bayan, gising naman kayo!!!

  20. Dapat diyan sa hayup na yan ipamukha na wala siyang kakwenta-kwentang tao. Sana kumandidato uli sa Senado. Gagawa na naman pihado siya ng drama nila ni Ducat na kesyo matapang siya at napasuko niya si Ducat kahit pa may machine gun at granada.

    Anong nangyari sa drama niya? Ayun, kulelat pa rin kahit nag-number 1 sa Maguindanao sa tulong ni Bedol.

    Sino kaya ang mag-uudyok dito kay Lastog para tumakbo uli? Pakisabi lang na kaya siya mainit sa balita kasi patok siyang mananalo sa eleksiyon. Pag nagpumilit yang isama sa tiket ni Putot, makakatanggi basi Putot? Hihihi.

    Chavit for Senator! Patok!

  21. andres andres

    Utang na loob ni Gloria ang pagkapangulo kay Chavit. Imagine, pinaniwalaan ng civil society at ng media, na siya namang ginamit ni Cardinal Sin upang makapaghiganti kay Erap ang mokong na ito!

    Ngayon nakikita na kung anong klaseng animal ang ginawang bayani ng Edsa Dos!!!

  22. MPRivera MPRivera

    Akala ba ninyo tunay na lalaki ‘yang si Swab-it? Bakla yan dahil hindi gawain ng isang tunay na lalaki ang hubaran ang kapwa lalaki at pipiktyuran ang etits.

    Dismayado lang dahil nakita niyang para palang usbong ng okra ang bubulaga sa kanya. Kahit naman sinong lalaki kapag ganyang akala mo’y papatayin ka sa bugbog ay magpaparang kabute ang matikas na pagkalalaki.

    Bagay kasiping ni Swab-it ay ‘yung kanyang alagang tigre.

  23. chi chi

    MPR,

    Baka nalilimutan ni Swab-it na gumamit ng blue pills kaya madalas siyang kaliwain ng asa-asawahan. Pero kahit na hindi tumatayo yun e sa pagmumukha lang si Swab-it sino ba namang babae ang maliligayahan? Ano, humahalik kay Michael Myers? Ngeekkk!!!

  24. mbw mbw

    grabe…ngayon naman ibinaliktad ni Sa-bit ang statement niya about saving (naman ngayon!) the two from the maniacal detectibs! ginoong ulupong talaga itong lalakeng ito! alam na niyang recorded na, broadcasted and written ang mga pinagyayabang niya na binugbog ang dalawa ay walang pikit-matang ibinaliktad ang kuwento. Nag sashabu ba itong mokong na ito? delusional!!!

  25. chi chi

    mbw,

    Tingin ko ay under shabu lagi ang kriminal na yan. Disturbing for his boxing fans is Pakyaw siding with this woman beater. I’m not surprised at all, barkada ba naman sila ni Gloria at Mike Pidal di wala ngang magawang matino.

  26. parasabayan parasabayan

    Mbw, don’t be surprised if he may head the gambling arena, prostitution and drugs! One is dependent on the other industry.

Comments are closed.