Archive for the ‘Abante’ Category

Pagbigay kapangyarihan sa may kapansanan

Photos by Mario Ignacio, VERA Files Maraming kahanga-hangang personalidad ang aking nakilala nitong nakaraang dalawang araw sa orientation at training na ginawa ng VERA Files sa pag-uulat tungkol sa mga taong may kapansanan (Reporting on Persons with Disabilities) na ginanap sa Eastwood Richmonde. Nandiyan si retired Capt. Oscar Taleon, ang presidente at Chief Executive Officer [...]

February 26, 2012  Tags:   Posted in: Abante, Human Rights, PWD  5 Comments

Inip na sa ending ang taumbayan

Kapag impeachment ni Chief Justice Renato Corona ang pinaguusapan, ang tanong ng karamihan ay, “Maku-convict ba si Corona?” Inip na sa ending ang mga tao. Sa aming baryo sa Guisijan sa Antique, marami ang sumusunod ng Corona impeachment trial.Sa mga nakita nilang lumabas na mga impormasyun sa trial, naniniwala silang guilty si Corona.Kaya kahit medyo [...]

February 20, 2012  Tags: ,   Posted in: Abante, Corona Impeachment, Justice, Supreme Court  45 Comments

Anong gagawin kapag may lindol?

Nakakapanghilakbot ang nangyari sa Negros Oriental at sa ibang parte ng Visayas na tinamaan ng Intensity 6.9 na lindol. Makikita sa mga litrato na bumuka ang lupa. Ayon sa report kahapon, sobra 50 ang namatay at mukhang tataas pa dahil meron pang mga nadaganan na hindi naalis. Patuloy pa rin ang mga aftershocks na nakakatakot [...]

February 7, 2012   Posted in: Abante, Disaster  6 Comments

Ang lakas talaga ni Mancao sa DOJ

Ang lakas talaga ni dating Police Superintendent Cezar Mancao kay Justice Secretary Leila de Lima. Kahit na dinismis ng Manila Regional Trial Court ang hiling ni Mancao na hindi siya aalisin bilang akusado sa kaso ng pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at kanyang driver na si Emmanuel Corbito noong 2000, ayaw pa [...]

February 5, 2012  Tags: ,   Posted in: Abante, Justice  2 Comments

Protektado pa rin ng DOJ si Mancao

Habang ang atensyun ng madla ay nasa impeachment trial ni Chief Justice, may nangyayari sa Department of Justice. Noong Huwebes, nang ina-nunsyo ni Justice Secretary Leila de Lima na itinalaga niya si Regional Prosecutor Nonnatus Caesar Rojas bilang ofïŹcer-in-charge ng National Bureau of Investigation, kapalit ni Magtanggol Gatdula, ang pinatalsik ni Pangulong Aquino na hepe [...]

January 31, 2012  Tags: ,   Posted in: Abante, Justice  One Comment

Pangmatagalan na impeachment trial

May basehan ang pag-alala ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa sinabi ng prosecution na sobra isang daan daw ang bilang ng witnesses na kanilang i-presenta sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Sabi ni Pangilinan, na miyembro ng Liberal Party at ka-alyado ng administrasyong Aquino, “Kung seryoso sila (ang prosecution) na ipresenta ang lahat [...]

January 29, 2012  Tags:   Posted in: Abante, Corona Impeachment, Justice, Supreme Court  30 Comments

May matutunan tayo sa buhay ni Iggy Arroyo

Nakakalungkot ang pagkamatay ni Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo (fifth district, Negros Occidental), ang nakakabatang kapatid ni Mike Arroyo na asawa ni Gloria Arroyo. Ayun sa balita, ang kanyang kasama sa buhay ngayon na si Grace Ibuna lang ang kanyang kasama sa ospital sa London nang binawian siya ng buhay. Nang pumutok ang isyu tungkol sa [...]

January 29, 2012  Tags:   Posted in: Abante, Gloria Arroyo and family, Mike Arroyo  20 Comments

May kuneksyun ba ang kaso ni Gatdula at Mancao?

Nagkataon lang kaya o may kuneksyun ang pagtanggal kay Director Magtanggol Gatdula ng National Bureau of Investigation sa kanyang pwesto at ang desisyun ng Manila Regional Trial Court (Branch 18) na manatili ang dating opisyal ng pulis na si Cezar Mancao II bilang akusado sa kaso ng pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer [...]

January 21, 2012  Tags: , ,   Posted in: Abante, Justice  25 Comments

Si Jinkee at ang kambal niyang si Janet

Birthday ni Jinkee Pacquiao at ng kanyang kambal na si Janet Jamora noong Huwebes (Enero 12) at pinakita sa television silang magkatabi. Hindi nga naman masyadong malayo ang mukha. Maayos ang trabaho ni Vicki Belo. Nag-uusap kami ng aking mga kaibigan tungkol sa report kung paano pinaganda ni Belo si Jinkee at naawa kami kay [...]

January 14, 2012  Tags: ,   Posted in: Abante, General, Sports  25 Comments

Ang panata sa Itim na Nazareno

Isa ako sa hindi nakakaintindi sa milyun-milyun na Pilipino na sinusuong ang hirap at peligro para makasama at makalapit sa poong Nazareno na ginaganap tuwing ika-siyam ng Enero sa Quiapo. Tama siguro ang sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle na para maintindihan, kailangan magiging ‘devotee’ ka ng Nazareno. Ang prosisyun kahapon ay ang pinakamahaba [...]

January 10, 2012  Tags:   Posted in: Abante, Arts and Culture  7 Comments