Skip to content

Mas matinding 2006

Noong kalilipas lang na taon, nakita natin kung paano binaluktot at binastos ni Gloria Arroyo ang Constitution ang batas para lamang matakpan ang kanyang krimen na pandaraya noong 2004 eleksyon.

Wala akong nakikitang pagbabago kay Arroyo kung ang ating iniisip ay makonsyensya siya at magka-isip magsabi ng totoo at tigilan na ang pagsisinungaling.

Mayroong kasabihan: “crime does not pay”. Ang pinapairal naman ni Arroyo, “Crime and pay.” Gumawa ka ng krimen, tapos magbayad ka na lang.

Nagtagumpay si Arroyo at ang kanyang mga kampon sa pagpatay ng impeachment complaint sa House of Representatives. Ngunit kung aabot siya sa Hunyo, magkakaroon na naman ng panibagong impeachment complaint. Panibagong bayaran na naman yan.

Ang nakakabahala ay hindi lamang kaban ng bayan ang niri-raid ni Arroyo para mabayaran ang kanyang krimen. Pati na ang ating Constitution.

Para makuha ang suporta ni House Speaker Jose de Venecia at dating Pangulong Fidel Ramos nang siya ay tagilid noong July 8, 2005, nagkunwari siyang payag siya sa pagpalit ng sistema ng ating presidential government sa parliamentary government kahit na hanggang 2007 lang siya. Ito kasing si FVR at JDV ay may sarili ring ambisyon kaya naman isinusulong ang parliamentary form of government.

Eh, di nagamit na niya si FVR at JDV. Lumabas ngayon sa rekomendasyon ng kanyang mga tutang Concom na hindi siya bababa sa puwesto. Presidente at prime minister siya hanggang 2010. Para makuha niya ang suporta ng mga congressman at mga local officials wala ng eleksyon sa 2007.

Marami pang katarantaduhan ang nasa rekomendasyon ng Concom katulad ng pagbabawal ng military para maging tagapagtanggol ng mamamayan katulad ng nangyari noong 2001 People Power. Okay lang kay Arroyo noon ang People Power dahil siya ang nakinabang laban kay Estrada. Gusto na niya ngayon ipagbawal.

Dahil hindi lahat sa media ay hawak ni Arroyo, gusto niya itong sikilin at at nakasama rin yun sa rekomendasyon ng Concom.

Ang problema kay Arroyo ay gumawa siya ng isang krimen. Para mapagtakpan yun, gumawa siya ng iba pang krimen. Patong-patong na. At iyon ay magpapatuloy pa sa taong ito.

Mapagpasensiya tayong Pilipino. Ngunit kapag napuno na ang salop, siyempre kailangan kilisin.

Published inWeb Links

316 Comments

  1. Lino Alano Lino Alano

    MALIGAYANG PAGSALUBONG SA ISANG BAGONG TAON… NAWA’Y PUNO NG PAG-ASA AT PAGBABAGO…PARA KAY LUZVIMINDA.

    Isa na namang taon ang nagdaan. isang taong punong-puno ng panunuligsa, nakakapanlumong mga pananaw na bumabaha sa bawat artikulo, pahayagan man o tv o dyaryo. Bawat galaw, bawat simulain, bawat puntong sinisimulan, politikal man, pangkabuhayang programa, mga makabuluhang proyekto at kahit ang nagdaang matagumpay na SEA Games… walang patid – lahat ibinabato sa nakakarimarim na pisngi ng pulitika.

    Bakit bawat galaw ng Pilipinas, maganda man o mabuti, ang dating sa inyong mga mamamahayag ay puro negatibo… at ito ang palagi nang nakahambalang sa mga babasahin… sa mga artikulong nakaaabot sa aming atensiyon.

    Kailan pa kaya magkakaroon ng tunay na pagkakaisa ang mga Pilipino? Heto at may inaalok na panibagong panukala para maibsan na ang bulok na sistema, panibagong pagsubok para sa sistemang politikal… heto na naman kayong mga mamamahayag, kasama ng mga nagdudunung-dunungang mga mambabatas daw at mga balimbing at ala-hunyangong senadores na hinaharang na agad at iginigisa sa mantikang panis ang mga panukala pa lamang ng Constitutional Commission!

    Kailan ba natin bibigyang-pansin na hindi tayo lamang ang may higit na pang-unawa sa kahit anong usapin?

    Wala nang tama, lahat na lang ng galaw, usaping lokal man o internasyonal, lahat ay ipinupukol sa nag-iisang Gloria o kahit sinong maluklok sa palasyo! Pano pa ba tayo kikilos ng pa-ABANTE? Palagi na lang bang kilos-talangka ang kayang gawin ng mga pulitiko at mamamahayag na Pinoy? Yung sa halip na itulak ang pinuno paitaas upang umarangkada ang kabuhayan, kabig-pababa at pagkulapol ng burak ang siyang gagawin upang makabahagi ng pangalan, makilala ng sambayanan? Ganyan ang nakikita naming ginagawa ng bawat mamamahayag at mambabatas sa pinuno ng bayan! Inabuso na ang “Malayang Pamamamahayag”.

    Ang imahen ng Pilipinas sa paningin ng malawak na mundo ay nakakahiya na dahil sa mga nakikita namin sa telebisyon. Pano ba namin sasabihing “I’m proud I am a Filipino” kung ang mga ipinapakita sa balita sa buong mundo ay ang dumi ng Pilipinas at ng mga taong nagpapagalaw nito?

  2. Lino, ikaw ba ay naniniwala na masama ang magsinungaling, mandaya at magnakaw?

    Ano ang iyong ginagawa kung ang isang tao ay nagsinungaling sa iyo? Ano ang iyong ginagawa kung ikaw ay dinaya at ikaw ay ninakawan?

    Na-intindihan ko ang iyong pagnanasa na sumulong naman ang bayan. Ganoon din ang gusto ko. At naniniwala akong mangyayari lamang yun kung ang lider ay hindi sinungaling, mandaraya at magnanakaw.

    Trabaho naming mamamahayag ang i-report ang tunay na kalagayan ng bayan. Hindi kami ang gumawa ng kalagayan ng bayan. Kung hindi maganda ang kalagayan, hindi naman namin maa-aring sabihin na maganda.

  3. kikoy kikoy

    “kapag may usok may apoy.”

    hindi lahat ng pilipino ay tulog kahit marami sa atin ang nagtutulog tulugan sa mga kalokohan ng mga lider ng ating gobyerno. wag tayong pabulag sa mga pinakikitang maganda ng ating pekeng lider upang mapagtakpan ang kanyang kalokohan at ng mga taong nakapaligid sa kanya na may pansariling interest lamang. salamat sa mga taga media na hindi nabibili ng anumang salapi o bagay upang maglakas loob na isawalat ang nangyayaring totoo sa ating lipunan.

    wag tayong manahimik habang may mga ganid at may mga corruption na nangyayari sa ating gobyerno!

  4. BONG ng dammam BONG ng dammam

    mr lino, marami kang nasabi sa mga mamahayag at nasabi mong nahihiya kana sa imahin nang pilipinas…….. alam mo hindi ka filipino kc kong pinoy ka hindi ganyan ang bitaw nang mga salita mo. sino ba ang pinagsasabihan mo ha? tunggak” marunong ka naman bumasa nang news paper saan ba galing yan ha? sa pinagsasabihan mo……. sayang ka kaibigan, tama kaibigan lang ang itawag ko syo kasi hindi ka naman pinoy hehehehe

  5. BONG ng dammam BONG ng dammam

    MR, LINO…….. ITO ANG PATUNAY NA HINDI KA PINOY” ITO ANG SABI MO.kailan pa kaya magkakaroon ng tunay na pagkakaisa ang mga pilipino? AYAN……. DAHIL KONG PINOY KA GANITO ANG TAMANG SALITA. kailan pa kaya magkakaroon ng tunay na pagkakaisa [tayong] mga pilipino. ikaw ang mahiya? nakakainis ka?

  6. BONG ng dammam BONG ng dammam

    Hhmmmmmmm may payo ako syo mr lino, huwag ka nalang mag basa nang NEWS PAPER hehehehe at ikaw nalang din ang magbabalita grabe ka halos nilahat mo pa? GRRRRRRR

  7. Roberto S. Sipayan Roberto S. Sipayan

    Ellen,

    Uulitin ko ulit and sinabi ng History professor ko na ang …
    “Bloodless revolution is only and exercise in futility…”

    Kung babasahin natin ang history ng France, England, US, Germany at kasama na ang Japan… tama siya

  8. Jhun Sagum Jhun Sagum

    LINO, WAG MO NG IPAGTANGGOL ANG AMO MONG SINUNGALING
    MANDARAYA, KORRUPT AT GANID SA KAPANGYARIHAN !!!

    PATALSIKIN SI GLORIA, YAN ANG MAGSUSULONG SA ATIN BAYAN
    SYA ANG SALOT SA PILIPINAS !!!

    KAPAL NG MUKHA !!!
    KAILANMAN AY DI MAKAKALIMUTAN NG TAONGBAYAN
    ANG TAONG LUMAPASTANGAN SA KARAPATAN NG TAONGBAYAN
    MAMILI NG KANILANG PANGULO !!!

    MASAHOL PA SYA KAY MARCOS,
    TUNAY SYANG “PANGGULO” NG PILIPINAS

  9. kikoy kikoy

    naniniwala ako na maraming MAMBABATAS sa ngayon ang madaling “TAPALAN NG PERA SA MUKHA”! dahil sa katatapal ng pera sa mukha NAGSISIKAPAL ANG MGA MUKHA!

    sa totoo lang marami rin sa ating mga MAMBABATAS ang may PSYCHOLOGICAL PROBLEM… makikita mo naman sa kanilang mga asta, galaw at pananalita. pinipilit maging tama ang mga mali. kahit may alam sila pilit nilang pinagtatakpan. MAHIYA NAMAN KAYO! O WALA NA KAYONG HIYA! Pera ng taumbayan ang pinasasahod sa inyo at pera rin ng taumbayan ang kinukurakot nyo! IBAHAGI NINYO ANG PERA PARA SA TAUMBAYAN!

  10. edi gil edi gil

    tama ka Lino, siguro yung mga pinoy na negatibo ang takbo ng utak ay impluwensya siguro ng mga negatibong pamamahayag na puro bulok ang isinusulat.

    go Pinoy, no to losers!

  11. Ang negatibong reporting ay ang nagre-report ng sinungaling katulad ng maganda ang ekonomiya dahil alam naman natin na hindi gumaganda ang ekonomiya.

    Negatibong reporting ang nanloloko ng taumbayan.

  12. Should we swap the 2007 elections for Arroyo’s Cha cha referendum?

    Kasi parang ganyan ang lumalabas eh, kapag natuloy ang kagustuhan ng Arroyo admin. Sabi nila magastos raw ang 2007 Elections, but that’s only because the administration is also gearing up for an expensive Charter change campaign and it’s referendum NEXT YEAR. Kaya nga tinaasan ang buwis natin para sa “great debate” na yan eh. At nire-ready na ng admin ang pork barrel sa budget (Kilos Asenso, Kalayaan Barangay, and the so-called “Healing the Wounds of Edsa” fund) para diyan.

    But the last thing this country needs right now is a Charter change since I believe it is unnecessary and doesn’t directly address the GLORIAGATE crisis plaguing us. Hindi naman ang constitution natin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng GLORIAGATE cheating scandal eh. Yung Malacanang occupant mismo at ang kanyang COMELEC ang dapat sisihin at sibakin. To solve the problem, remove the fake president and her COMELEC. Using CHA CHA is just overkill and very expensive to us Filipinos.

    It’s like a person trying to burn down his house just to kill the cockroaches. Simply overkill.

    Anyway, if we are to undertake something as huge as Cha cha, better make sure of the following:

    1) We have credible leadership and people to make the changes.

    2) We have enough money for it. And a No-el in 2007 just so that we can have enough money for the Cha cha referendum is unacceptable. Kung walang tayong pera, then scrap Cha cha. It’s that simple.

    3) There’s actually an urgent need for it, instead of cha cha only being used as a diversion for GLORIAGATE. In fact, it’s pretty damn obvious that cha cha will not solve our Gloriagate problem. It will OTOH strengthen her and her allies in congress.

  13. Tiago Tiago

    Journalism is an art. It makes rotten news smell good and the good ones bad. It is up to the people to verify and, if you are really interested, research the item and only then you can conclude. You cannot judge something just because you’ve seen it in the TV or read it in the newspaper. That’s being stupid. GMA is bad news to the core. I can smell it all the way here in Jeddah. Mr. Lino and the likes should go and verify questionable news before they say such and such journalists are not good. It is just plain unfair. I just want to say something to Mr. Lino and the likes; absolute power currupts absolutely, so you should be thankful to the media for bringing up some check on the government (wala na tayo nito sa gubyerno kung itutuloy ang Abueva concom proposals, anong say ninyo). Lastly, there are also journalists who say the government is doing just fine, although it is very hard to support with untained data. So you still think all news are bad, i dont think so. We’ve got a little of both, so why complain.

  14. kikoy kikoy

    pakigising nga po si edi gil… nagtutulog tulugan na naman!

  15. etnad etnad

    Uulitin ko ulit kung ano ang aking opinyon sa mga nangyayari diyan sa atin sa ngayon at kahit noon pa. Noong panahon ba na si Ramos ang ating Presidente, mayroon bang nangyari na kudeta? Huwag niyong sabihin na siya ay magaling at malinis na Presidente. Palagay ko nasa kanya ang problema, isa siyang General at karamihan sa mga naka-upo sa Gobyerno ay mga Ex-Generals na karamihan ay nagtrabaho sa kanya. Parang MAFIA di ba? Di ba siya rin ang namuno noong kudeta kay Marcos? Bakit hindi natin silipin ang mga Ex-Generals at mga Generals ngayon. Pangalawang problema lang si GMA.

  16. Jon Jon

    2006 will be a crazier year for everybody. Hopefully it’s going to be good for the filipino.

    1. Will it be good to see GMA go? I think yes, but we don’t have control over this.
    2. Will GMA last the year? I think yes, but we don’t have control over this either.
    3. If GMA is kicked out, will the replacement be better? I think no, but still we don’t have any say on this.
    4. Then why change GMA? She’s not a legit president.
    5. What shall we do? This is something we have complete control over. Therefore we should do something!

  17. bim bautista bim bautista

    If you tried to attend the ConCom sessions you would perhaps know that there were upright people like Commissioner James Marty Lim and 6 others who made a firm stand and voted against the shift to a parliafed form of government.In no way can you brand them all as “tuta” when there were in fact gutsy and sane men among the 55 commissioners.

  18. Karl Karl

    sa maling estado ng ekonomiya
    naniniwala ako dyan 110 %

    Yung data ng exports imports natin puro Hula at boladas
    dati messneger ako ng mga diskette ng imports export sa south harbor at dinandala ko ito sa NSO

    malaman ko lang isang taon nakalipas na di pala nila mapakinabangan ang mga diskette dahil walang kakayahan silang basahin ang ACOS format
    ang program lang naila ay para sa DBASE at Foxbase

    Yung ACOS kasi pakana ng UN pero nakatutok lang sa Customs yung PPA,NSO at ibang ahensya na me kinalaman sa trade naiwan sa ere…
    1998 ito makalipas 7 taon me nagbago ba…

    Kung mag computer tayo dapat para sa lahat ng ahensya di lang para sa pinakmalaking magbayad….

    sampol lang yan ulit
    madami akong sam ng loob na ipanikita
    tulad ng sama ng loob ko ke Disierto ng pag intan nya ang Navy wala naman nangyari mas matindi pa nga yung kaso kesa ke gen . Carlos garcia(kait karl garcia pangalan ko di ko kaano ano yun)ginamit lang nya para kunwari me nagawa syang matindi bago magretiro at nagamit pa ang PAGC ni Rama nga ba yon pero tatanda na lahat ng opisyal wala mangyari dyan..

    at inuulit ko yung bridges to nowhere na isinampa sa SC

    madami pa kulang ang blog space na ito sa kapalpakan ni GMA

    una inakala ko lahat ng presidente me palpak
    maaring tama pero sa ngayon di lamang nakakainis at nakakasira ng araw ..medyo inaawat ko nga ang sarili kopa nito….

    salamat at dito sa blog nato maaring magbuhos ang sama ng loob at pwede magtagalog sa iba nauubusan na ako ng inggles kelangan ko pang tingnan bawat salita ko baka mali ang lumabas…minsan nga nabura ang isang buong blog dahil sa isa sa mga kasong nabanggit ko sa Navy at natapat sa bagong ombudsman na blog ng isa sa mga blog na dinadalaw ko……..

  19. bfronquillo bfronquillo

    Ang tutuo tama si Lino sapagkat ang 90 porsiyento na yata ng mga diyaryo at kolumnista ngayon ay bumabanat at pumupuna kay GMA at sa lahat kaniyang mga kaamistad na kongresista at kabinite. Pero ang tanong e bakit ba umaabot sa ganito?

    Nasulot ni Gloria ang Malacanang ke Erap sa gitna ng MALAKING PANGAKO at pagbubunyi ng 90 porsiyento ng Media. Dalawang diyaryo lamang ang nakita ko nuong nanatiling pumupuna sa loob ng mahabang panahon – Ang Malaya at ang Tribune. Wala angal ang mga Lino at Edi Gil nuon at masasaya sila. Walang angal.

    Pero ang pangako ay napako at ang mabangong si Gloria ay bumaho dahil sa mga katiwaliang mas masahol pa sa kaniyng pinatalsik at naging garapal at halatang-halata ang pandarayang ginawa niya nuong Mayo 2004. Nabigo ang media at inamin ang pagkakamali sa pagpili ke Gloria at nagsimulang pumuna at hinihiling na bumaba si Gloria.

    Lino at Edi Gil, kailanman ay hindi ko inisip na ang Inquirer at ang kaniyang mga kolumnista, laluna na si Conrad de Quiroz, ay BABANAT NG GANUONG KATINDI KE GLORIA. Idagdag mo pa si Randy David at sasabihin mong hindi na ito biru-biruan. Me diperensiya talaga si Gloria.
    The majority in the House of Reprersentatives strut as if they are God’s gift to the Filipino people and they themselves want to be the ones to tinker with our constitution. They are so terribly afraid of an election of representatives to a Constitutional convention because they will surely not be chosen by the people. Majority of the Filipinos does not want cha-cha but if we must, then give the people the chance to do it by giving them the RIGHT to elect the people who will do so.
    Ang sabi ng mga marurunong na kongresista ay me referendum naman daw pagkatapos nilang lutuin ang constitution. Pero aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo. DAPAT ay ang tao sa simula at ang tao pa rin sa huli. At duon tiyak na magkakaisa tayo.

  20. dell dell

    02 January 2006

    Happy New Year Po.

    Please enlighten me on this, does this mean it’s ok for us if someone, lied, steal and cheated their way???does this mean that we just have to ignore what this person did???. I stil have my sanity, if people could still live with a person who lied, steal and cheated, well I dont!!! Why does some people think that GMA is the only one who could lead us to promise land???

    Issue on Cha-Cha, as I said, I am not against charter change, but please do not implement concoms recommendations immediately. Let’s proceed with the 2007 election together with plebiscite on cha-cha, let the people decide on the course of our beloved country. If the people thinks its for the good of the Philippines (the change in system of government), then so be it, and those who will be elected, let them be part of the transition period from 2007 to 2010, then these legislators can further study the ConCom’s recommendations, (After 2010, will have another election for the members of the parliament, Then we can truly say that we have a transition period from bicameral to unicameral system of government). Why are they in a hurry??? will it to benefit them from the hurried recommendations of these so called concoms???, and why is the President concurrent Prime Minster??? this will only show how hungry she is and others for power.

    Please enlighten me on this madam

    more power

    Dhell

  21. Ano ba ang Katotohanan

    Kahit anong pag-uusig, paggambala, paggugulo, pagyuyurak, pagdudungis,pagtataboy, pagbabalugtotlugtot, pagbabanta, pagpapatay at pagpapalibing sa KATOTOHANAN…..
    Ito ay MANANATILING KATOTOHANAN.

    At parating na ang panahon….Dumating na ang Panahon….

    Na itong inuusig na Katotohanan ay IPAGTATANGGOL
    itong ginulo at ginambalang Katotohanan ay KAGIGINHAWAAN
    ang niyurakan na Katotohanan ay MAGNININGAS at MAGSISIKLAB
    Ang dinungisan na katotohanan ay MAGNININGNING
    Ang tinataboy na Katotohanan ay HAHANAPHANPIN at IKAAALIWAN
    Ang binabalugtot na Katotohanan ay MANANATILING TUWID
    Ang binabantaan na Katotohanan ay DI-MANGANGAMBA o MATATAKOT
    Ang pagpapatay sa Katotohanan ay Di MAGTATAGUMPAY dahil ito ay WALANG KAMATAYAN.
    Ang nililibing na Katotohanan ay BABANGON dahil manantiling itong BUHAY

    MAY BUHAY ang KATOTOHANAN
    MAbuhay ka sa KATOTOHANAN
    MABUHAY sa iyo … Tagapagtanggol ng KATOTOHANAN.

    Kairous Kai Krounous

  22. Totoo. May buhay ang katotohanan. Kahit anong pagsisikil ang gagawin, lalabas yan at lalabas.

    Dell, the fact that you are bothered by lying, cheating and stealing, that means you are an enlightened person. The one that need to be enlightened are the ones who do not use their eyes to see and their ears to hear.

  23. Emilio Emilio

    Ang galing magyabang ni Gloria sa pagsasabi na lumalakas ang ekonomiya ng bansa. Kung hindi sa aming mga OFW na wala naman puhunan ang gobyerno kundi ang pag-asikaso ng mga travel documents namin upang kami ay makalabas ng Pilipinas at makapag-trabaho sa ibang bansa. Ang aming mga remittances sa aming pamilya ang isa sa bumubuhay sa pamamalakad ng gobyerno. Hindi ang anupamang bagong investments na pumasok sa bansa (kung mayroon man). Ang pamilya Concepcion nga ay matagal ng nasa ibang bansa ang kanilang pagawaan ng air-conditioning units. Gloria Arroyo alam mo ba ang ipinagmamamalaki mong pag-unlad ng ekonomiya? Papuntahin mo nga ang iyong mga alagad sa palengke at magtanung-tanong sa mga presyo ng bilihin. Si Juan at Juana dela Cruz ay hirap na hirap na!

  24. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Heto na naman ang isang member ng mga kampon ni Lucy. Hindi pa ba sapat ang http://www.news.ops.gov.ph para sa iyo? Wala namang pumipilit sa iyo na basahin itong blog ni Ellen. Bakit ka nagsusumiksik dito?

  25. Tiago Tiago

    Ellen, para sa akin, i think it is just right to hear both sides in order to have a balanced and healthy blog. During the height of the Gloriagate, emails went to and fro between Anti and Pro-GMA here, substantiating and/or denouncing the allegations, and to me that is healthy. It is also an arena where you get to exercise your tact and retraints. This is a challenge to those who still think GMA deserves the seat but are timid to write. Bring your argument and we’ll evaluate it, together.

    On another note, Ellen, can you verify if the live kidney sale in Bagong Ilog still going on. Sorry i know it is not of this thread, but I’ve seen a documentary this morning on the Reality TV that it is still active. Do we have laws against this? or our lawmakers sleeping again.

  26. Jay Cynikho Jay Cynikho

    Was once in San Jose, A. wrote
    to you once about “And then there
    was one left to believe among
    the three of Malaya. Just to
    greet and wish you a happy and
    fighting new year, fighting
    to make life worth living.
    Thanks to God for giving us
    a creature like Ellen.

  27. edi gil edi gil

    let;s take a glance at pero-dollar status. it means the economy is geting better.

    “if you can’t beat her, join her”!!

  28. Jhun Sagum Jhun Sagum

    EDDIE GIL, MAGSAMA KAYO NG PANG-GULO GLORIA ARROYO !!!

    OFW REMITTANCE ANG NAGPAPALAKAS SA PESO AT HINDI YANG
    GAWA NI GLORIA !!!

    PATALSIKIN SI GLORIA !!!
    SINUNGALING, MANDARAYA, MAGNANAKAW !!!

    E-VAT ? WAG MONG GAGAMITIN NA PANGLAGAY YAN SA MGA
    KAALYANSA MONG MUKHANG PERANG KONGRESISTA !!!

    TAMA NA, WAG MO NG PAKIALAMAN ANG PONDO NG IBANG AHENSYA
    TAPOS PAG NABUKO PATATAKASIN NYO AT AYAW NYONG
    PAIMBESTIGAHAN SA SENADO !!!

    DI NIYO KAMI MALOLOKO !!!

    DAPAT LANG SIGURO ANG CIVIL DISOBEDIENCE
    NG WALA NG MAKUHANG PANG BAYAD SA MGA WALANG SILBING
    KONGRESISTA NA WALANG GINAWA KUNDI PAGTAKPAN ANG
    KANILANG PEKENG AMO !!!

    MAHIYA NAMAN KAYO !!!

  29. Eddie Eddie Eddie Goto Gil, di lang OFW nagpapaangat sa economy natin kundi dahil sa pag dedevalue ng US dollars contra cdn dollars at euros. Walang kinalaman si panggulo glo. Ang US ay nababaon na sa utang dahil sa Iraq war, kaya humihina value ng US dollar

  30. kikoy kikoy

    SI EDDIE GOTO GIL AY ISANG MALINAW NA PRODUKTO AT RESULTA NG NILOLOKO NG MGA MANLOLOKO… KAWAWANG EDDIE GOTO GIL! NAWA’Y MAGISING KA SA KATOTOHANAN… MADALE KANG MAUTO NG PEKENG PANGULO MO! TSK! TSK! TSK!

  31. hazel hazel

    don’t mind him peeps,he’s just a typical EDI-OT(idiot) he sounds like a parasite though,hindi mabubuhay na hindi sumisipsip..what a big shame..

  32. lulipo lulipo

    If you just listen to our President Gloria Arroyo, you will feel that she is sincere in asking every Pilipino for a national healing. Tayo po ay magkaisa na at kalimutan na ang mga nakaraang mga isyu. Isulong na natin ang pagpapaunlad sa ating bansa.Ang bagong taon po ay talagang magiging maunlad para sa ating lahat. Ang piso po natin ay napakaganda na ng kalagayan, na ang gustong sabihin ay patungo na tayo sa malaking pag-unlad. Please dont listen to SOME writers whose only intention is to throw mud on this administration. Marami sa kanila ay bayaran ng mga oposisyon at administrasyon din, kaya hindi talaga natin mapagkakatiwalaan kung ano mang masamang balita tungkol sa ating bansa. Magkaisa tayo, kalimutan ang nakaraan at harapin ang pagsusulong ng Pilipinas!

  33. hazel hazel

    doh…lulipu gloria sucks and stinks and so do YOU…tell me whom you believe and i tell you who you are..

  34. bfronquillo bfronquillo

    Thanks lulipo for your comments. I can sense your sincerity. But reality is reality and I want tell you that majority of Filipinos do not believe that sitting President Gloria Arroyo is sincere. I am sorry but that is the truth. The call for unity must come from someone who they believe is sincere. And we don’t believe she is. A person who says something and does the opposite IS NOT SINCERE. A person perceived to be a cheat and a liar cannot claim to be sincere.
    You are right, the time to unite is now lest we perish. But your President Gloria Arroyo is not the ONE who can lead us towards a United Philippines. And I am not talking about being unelected but being UNWORTHY!

  35. kikoy kikoy

    si lulipo at eddie goto gil ay iisa lang… kunwari dumadami kakampi nila d2… what a shame talga! hehehe!

  36. jeff jeff

    Lulipo and Ediot Gil..magkano ba binayad sa inyo???…magpakatotoo kayo na talagang hirap na kayo sa ginagawa ng pangulong nyong PEKE..mga pilipino naman kayo..pero mga EPAL ang pananaw nyo sa buhay…

  37. Jay Cynikho Jay Cynikho

    am still trying:
    nabalaho yata yung sinabi
    ko na hindi lahat ng
    tagapagtanggol ni gloria
    ay mga binayaran. sincere
    din sila. maraming dahilan.

  38. Jay Cynikho Jay Cynikho

    ang dahilan ay wala
    silang control, nangyari
    lang sa kanila. marami
    sa politikong oposisyon
    ay maaring nagtatanggol
    din kay gloria, pag nawala
    si gloria, pag nahusgahan
    ng batas si gloria damay sila.
    sabi nga ni gloria yung
    walang kasalanan puedeng
    pumukol ng bato. sino ba
    ang walang uling or dugo
    sa kamay?

  39. Jhun Sagum Jhun Sagum

    EDIE GOTO OGIL AT LULLIPO, WALA AKONG MAGAGAWA SA MGA

    TAONG TULAD NYO …

    MAHIRAP GISINGIN ANG TAONG NAGTU-TULOG-TULOGAN.

    TALAGANG GANYAN KAPAG NAKIKINABANG ANG ISANG TAO

    SA KATIWALIAN NI GLORIA, SEE NO EVIL, HEAR NO EVIL

    AND SPEAK NO EVIL HANGGANG SA MAGING DEVIL !!!

    ANG MGA TAONG KATULAD NYO AY WALANG KWENTA, DI KAYO

    KAILANGAN NG PILIPINAS.

    JAY CYNIKHO, MARAMI HINDI AKO MAKA OPPOSISYON

    PERO YAN AY OBLIGASYON NILA – TO SEE THE MISTAKES

    OF THE ADMINISTRATION. KAYA WAG MO NAMAN

    ITURING OPOSISYON ANG 80% NG MGA PILIPINO NA AYAW

    NA SA PEKENG PANGULO MO !!!

    KUNG WALANG PALPAK ANG ADMINISTRASYON, DI WALA SANANG

    GANITO … SILA ANG GUMAWA NG PROBLEMA NILA AT NG ATING

    BAYAN, HELLO !!!

  40. Tiago Tiago

    To lullipo;
    I know deep in your heart, you’re one good person; but you’ve got a lousy judge of character. GMA is NOT sincere and will never be, come on; she’s a bonafide pure-to-the-bone politician who’s trail of lies starts from her home to God-knows-where. GMA has lost credibility and moral ascendancy to rule. Every Filipino is dreaming of a prosperous Philippines, don’t get us wrong, but we could not achieve it with a leader tainted with mud and a questionable mandate. The hands of reconciliation must wait until she steps down.

    To edi gil;
    You really never ceases to amaze me. i think you were cast in the same mold as Mike Defensor. Please refer to my comment on the effect of the OFW remittances on the peso strength vis a vis economic growth (this blog “Ang issue ng taon”).

    On the lighter note:
    To jay cynikho;
    naku, kung narinig ko lang si gloria nun sinabi niyang ” kung sino walang kasalanan, unang pumukol ng bato” binato ko na siya sabay sabing, “ako, wala akong kasalanan!”, e di amanos na (lies vs. lies)! joke.

  41. Jay Cynikho Jay Cynikho

    sorry jhun sagum mali yata ang
    dating ng sinulat ko. gustong kong
    sabihin magingat di lang sa
    taga pagtanggol ni gloria,
    baka yung oposisyon taga
    tuligsa ni gloria peke lang
    pala tignan mo si chiz
    escudero, si nene pimentel,
    si frank drilon, HINDI
    DAPAT pagtiwalaan. Hantad
    sa publico ang mga yan, di
    lalong pag ingatan yun mga
    pakawala na galing pala sa
    oposisyon. that’s
    my point mr juhn sagum.
    these politicians have the
    blood of the Filipinos
    in their hands.

  42. Jay Cynikho Jay Cynikho

    kay jhun sagum at iba pa:

    si dadong macapagal apat na taong
    nagkampanya bago naging pangulo,
    hindi raw kakandidato uli, pero
    nang maging pangulo apat na taong
    na taon namang nagkampanya. noong
    martial law si dadong nag chairman ng constitutional convention ni
    Marcos, si Jose Abueva
    naging Convention Secretary general
    under ni Marcos. Noon pa kilala ko
    na ang mga yan. Si gloria aking
    pekeng pangulo? I must be in Mars
    Mr. Jhun Sagum.

  43. Jon Jon

    Sabi ni Eddie Gil gumaganda na ang ekonomiya dahil tumataas ang value ng peso vs US dollar. Paki-eksplika naman kung ano ang relasyon noon.

    Ako bilang OFW, ang epekto sa akin ay mas kakaunting peso ang kapalit ng HK$ ko. Pero ang presyo ng mga bilihin sa Pinas ay tumataas naman kaya mas kakaunti ang nabibili ng nire-remit ko. Hindi ako at aking pamilya nakinabang di ba?

    Sa mga nasa Pinas, papaano nakikinabang ang ordinaryong Pilipino sa pagtaas ng value ng Peso? Makikinabang lang sila kung bababa din ang mga presyo, pero hindi di ba? Kaya papaano gumaganda ang ekonomiya kung tumataas ang value ng peso vs US dollar?

  44. Jon Jon

    Idadagdag ko lang na ang pwedeng makinabang ay ang mga mayayaman na bumibili ng dolyar at nagpapakasarap sa bakasyon sa Amerika. Paano na naman nakinabang ang Pinas doon?

    Pwede rin makinabang ang mga importer dahil mas marami silang mabibili na dolyar sa kanilang peso. Pero ang kanilang tinutulungan naman ay ang mga gumagawa ng imported goods. So papaano nakikinabang ang pinas doon?

    Makikinabang lang ang pinas kung bibili ng mga makinarya at gagamitin ang mga makinaryang iyon para gumawa ng ibang goods (addon value). Pero ang mga negosyo ngayon ay di naman nag-eexpand di ba? Kaya talagang di nakikinabang ang bayan (sa ngayon) sa strength of peso…

  45. etnad etnad

    Sabi mo Lulipo “Magkaisa tayo, kalimutan ang nakaraan at harapin ang pagsusulong ng Pilipinas!”, PAPANO? Dito nga lang sa Blog ni Ellen, iilan lang tayo hindi pa tayo magkakasundo, buong Pinas pa!!! At papano ako susunod sa isang pekeng Pangulo na alam nating mandaraya. Siguro naman sa laman ng “Garci Tape” naintindihan mo, Tagalog na Tagalog kahit Ilokano o Bisya o ano ka pa basta’t Pinoy naiintindihan kung anong pinag-usapan. Yon ang “ISSUE” di ba ba ba ba…… at sabi “lapse of …” oo maniwala ako kung minsan lang pero ilang beses niyang tinawagan di ba ba ba ba …….

  46. batong-buhay batong-buhay

    “A sheep in wolf’s clothings” – Iyan ang tunay na GMA.

  47. Emilio Emilio

    Ginoong Tomas Tinio,
    I think you are barking at the wrong tree. Regular contributor ako ni Ms Ellen noong wala pa siyang blog site sa kanyang mga columns. Kung ikaw man ay isang OFW ay nararamdaman mo ang aking isinulat pero kung hindi man ay magtanung-tanong ka nga kaya sa mga kaibigang OFW.

  48. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Emilio: You lost me there. Nagkataon lang na sumunod yung post ko sa post mo. Si Lino, hindi ikaw, ang tinutukoy ko.

  49. Jhun Sagum Jhun Sagum

    – Noon pa kilala ko
    na ang mga yan. Si gloria aking
    pekeng pangulo? I must be in Mars – Jay Cynikho

    NO DOUBT GANYAN NA LANG PAGTATANGGOL MO KAY PANDAK !!!

  50. Jhun Sagum Jhun Sagum

    – Sabi nga ni gloria yung
    walang kasalanan puedeng
    pumukol ng bato. sino ba
    ang walang uling or dugo
    sa kamay?

    Jay Cynikho – THIS IS A LAME EXCUSE OF A PERSON

    WHO JUSTIFIES HER WRONGDOING !!!

    WE DO NOT DESERVE A LEADER WHO DOESN’T TO CHANGE HER BAD WAYS.

    WALA PALA SA AGENDA NIYA ANG PAGBABAGO, SABAGAY

    NAPASAKAY NYA ANG MGA SUMAMA SA KANYA NUNG EDSA 2

    PERO LUMABAS DIN ANG TOTOO NA “MASAHOL” PA SYA SA

    PINALITAN NYA .. PWE !!!

  51. Emilio Emilio

    Ginoong Tomas Tinio – maraming salamat po sa paglilinaw. Iisa pala ang ating layunin upang ang mga nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ay kailangan ng matauhan sa kasalukuyang nangyayari sa ating pamahalaan sa blog site na ito ni Ms. Ellen. Nguni’t napakarami pa rin sa mga tauhan ni Gloria na talagang talamak na ang pagkamanhid sa pagtatakip sa mga kamalian at pag-uulat na malayo sa katotohanan. Purihin ka, Ginoong Tinio bilang isa sa mga nakikibaka sa pamamagitan ng pagsusulat.

  52. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Salamat naman, Emilio, at naintindihan mo ang tunay na mensahe ng post ko. Salamat sa magalang na tono ng iyong pagbanggit sa akin. Ituturing kong ito’y isang “aguinaldo” galing sa iyo. Anyway, hindi ako naghahanap ng “papuri” dahil wala naman ako halos nagagawa kundi ng magbasa at sumulat lamang sa blog na ito. Makakasiguro ka sa isang bagay–kumporme ako sa karamihan ng articles ni Ellen. Sa mga pinuno ng kahit anong organization/nation, ang hinahanap ko ay yung may mga mabubuting puso. Para sa akin ay may malaking kabuluhan ang character ko at hindi ito maihihiwalay sa aking pamilya, trabaho, pananalita o iba pang bahagi ng aking pagkatao. Hindi ako kuntento na pagtiyagaan ang isang lider na mandaraya/magnanakaw/sinungaling/corrupt dahil wala raw “worthy” na kapalit. Hindi ako papayag (bilang lider ng aking sariling pamilya) na pagtiyagaan lang ako ng aking wife and children dahil wala silang ibang choice. Nais kong maging mabuting halimbawa lalo na sa aking dalawang anak para hindi ako mapahiya kung sabihin nilang gusto nilang lumaking kagaya ko. Marami na akong pagkakamali sa aking wife and children pero pinagsisihan ko na, itinumpak, at patuloy na binabago ang aking ugali. And I hope na kahit isa sa aking mga pagkakamali ay hindi out of impure motive or bad faith. I wish I can say that about the present administration.

  53. eddie gil eddie gil

    pls read this: i hope tuloy tuloy na ‘to wag me kokontra.

    PRESIDENT Gloria Macapagal Arroyo on Thursday was visibly elated at reports from the International Herald Tribune and Wall Street Journal praising the economy for its newfound strength.

    In a roundtable discussion with her economic managers, Arroyo boasted of the international community’s “growing admiration” for the Philippines.

    Reading a portion of the IHT report, Arroyo said, “analysts and investors say the Philippines is looking better than it has in a long time, thanks to a series of tax increases by President Gloria Macapagal Arroyo.”

    Wall Street Journal meanwhile reported that “investors turn to the Philippines, the sale of bonds grows big as peso and stocks keep rising,” Arroyo said.

    She said these should prod her administration to work harder to carry out reforms, instead of being distracted by politicking.

  54. kikoy kikoy

    ayos ang report ni eddie goto gil ah… balatuan mo naman kami… magkano ang ibinayad sa u ng mandarayang presidente mo? gumising ka nga at tignan mo ang kabuuan ng paligid mo kung umaasenso tayo! GAGO!

  55. Wow galing! Komikero talaga itong si Eddie. Sa tingin ko meron problema pa rin. Kasi kailangan pang mangutang ng Pinas para lamang matapalan ang kanyang sobra-sobrang fiscal deficit.

    Gustong-gusto ng mga investors (mga bumibili ng bonds) ang Pinas dahil alam nilang meron nang pambayad galing sa itataas na buwis (e-vat)! Kawawang mga pinoy butas na ang bulsa dahil sa taas ng buwis, kaunti na ang mabili dahil tumataas presyo ng bilihin, tapos saan napupunta ang mga buwis natin? Sa bulsa ng mga naka-upo sa kapangyarihan.

    Masaya kung mapabuti ang kalagayan ng pinoy, pero hindi pa rin dapat kalimutan ang mga ginawa nilang kabulastugan.

    Kung ang isang anak ay pumatay sa kanyang mga magulang, di siya pwedeng magsabi na “maawa kayo sa akin dahil ako ay ulilang lubos na”.

    Ang isang magnanakaw ay hindi pwedeng magsabing “kalimutan mo na ang ginawa ko, bibigyan kita ng pera!”.

  56. kikoy kikoy

    “ang naniniwala sa sabi sabi walang bait sa sarili”

    ilang taon na ba tayo niloloko ng mga kano para kumuha ka ng report sa mga kano at para paniwalaan mo tapos idadamay mo kami sa walang basehang paniniwala mo… palibhasa ang panggulo mo ay mandaraya at sinungaling kaya magkapareho lang kayo! MGA GAGO!!!

    “same feathers flock together”

  57. danilo danilo

    Mga kababayan nais ko lang bigyang pansin ang ipinagya-yabang ni GMA at ng ilang pulitiko at ekonomista na gumaganda daw ang ekonomiya ng ating bansa batay sa palitan ng piso at dolyar.

    Dapat ang gawin ninyong basehan kung bumubuti na ang kabuhayan ng mga Pilipino ay ang bilang ng mga OFW. Dahil habang dumadami ang bilang ng mga kababayan natin na nangingibang bansa upang maghanapbuhay— ibig sabihin po nyan mahirap pa rin ang buhay sa Pilipinas. wala pa rin makuha na trabaho at kung meron man trabaho na makita ay di naman sapat ang sweldo para sa pangangailangan ng pamilya.

    Kung tatanungin nyo ang bawat isa na OFW kung bakit sila nakikipag-sapalaran sa ibang bansa, iisa lang ang tinig nila—mahirap ang buhay sa Pilipinas. bukod pa riyan kung tatanungin mo sila kung gusto ba nila maging OFW, iisa din ang kanilang idadahilan—di nila gusto magtrabaho sa ibang bansa dahil napakahirap ng malayo sa kani-kanilang pamilya bagkus ay napipilitan lang umalis dahil nga sa hirap ng buhay sa atin.

    At isa po ako sa milyong mga OFW na yan at nasa combat zone po ako sa kasalukuyan.

    Katulad nang marami nating kababayan, di ko gusto na maghanapbuhay ng malayo sa piling ng mga mahal ko sa buhay—napilitan lang po ako umalis ng Pinas dahil sa kawalan ng pag-asang hatid ng kasalukuyang pamahalaan.

    Sa mga namumuno, sa mga ekonomista, sa mga pulitiko, bigyang pansin po ninyo ito; huwag po ninyo gawing batayan ang palitan ng piso at dolyar bilang panukat kung bumubuti na ba ang kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino dahil maraming factor ang nakakaapekto sa bagay na yan.

    Masakit na po sa tenga pakinggan e sa totoo lang, sana buksan naman ninyo ang inyong mga mata para makakita kayo ng kahit kaunting liwanag.

    Bigyang pansin po ninyo ang bilang ng mga OFW, habang nadaragdagan ang bilang at nagnanais maging OFW—lalong naghihirap ang buhay at ang kabuhayan sa Pilipinas.

    Kaya pakiusap lang sa mga kinauukulan, tigilan nyo na ang pangloloko sa taongbayan. Kung nais ninyo magyabang na bumubuti ang ekonomiya natin, iangat nyo muna ang kalidad ng kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.

    Ipagmalaki ninyo kapag unti-unti nang bumababa ang bilang ng OFW. Ipagmalaki ninyo kung at least 70% na ang magiging savings mula sa buwanang sweldo ng pangkaraniwang empleyado labas na lahat ang buwanang gastusin. Dyan ninyo makikita at tunay na mararamdaman ng bawat Pinoy na maganda na nga ang buhay sa atin.

    Pag dumating ang araw yan natitiyak ko mawawala na ang OFW, sana balang araw maging OFTS na ang lahing Pinoy (Overseas Filipino Tourists and Shoppers). Hay…

  58. eddie gil eddie gil

    even before GMA or even during marcos time, marami na ofw kasi:
    1. gusto nila kumita pa ng mas malaki as in gahaman.
    2. yung iba nasisilaw na mabili ang materyal na bagay na pwedeng ipagyabang.
    3. or talagang walang trbaho as you mentioned.

    ang point hindi komo you chose to be ofw eh walang trabahao sa pinas.

  59. etnad etnad

    Sa iyo Mr Gil … isa rin akong OFW dati at ngayon naninirahan na dito sa Amerika at kasama ko na ang aking pamilya. Noong nag-umpisa akong magtrabaho sa ibang bansa .. panahon pa ni Marcos .. dahil sine-quester ang companyang pinapasukan ko. Mahirap ang isang OFW lalo na’t malayo ka sa mga mahal mo sa buhay, pasalamat ka at hindi mo naranasan. Karamihan ang OFW ay skilled o experienced ika nga kaya kahit gusto mo man wala ka siguro noon. Hindi gahaman ang isang OFW Mr. Gil gaya ng sinabi mo, mayroon lang kaming pangarap sa aming mga pamilya na hindi kagaya mo na wala. Uma-asa ka rin lang siguro sa awa. Nakabili ako ng bahay at sasakyan dahil sa aking paghihirap hindi kagaya mo na umasa ka lang sa mana mo sa iyong mga magulang. Kung isa ka mang executive ngayon, siguro dahil sa ikaw ay tsu-tsu. Tanong ko lang sa iyo …. Bakit mas marami pa ngayon ang OFW kaysa panahon ni Marcos? Bakit ang mga Doktor diyan sa atin ay nagsisi-alisan na sila papunta sa Amerika para magtrabaho as Nurse ang mga Teacher ahhhh .. siguro wala ka talagang alam.

  60. eddie gil eddie gil

    ikaw lang naghusga sa akin na isang basura lang ako…yung dios natin di ako sinabihan ikaw lang…

    anyway, me bahay at sasakyan mukha mapera ka..marami tayong projects sa pinas para sa mahihirap na nangagailangan ng tulong…kami nagbigay ng maraming pabahay dyan sa mahihirap, tumulong ka rin ex. GK777

    hope more blessings to come to you and to your family.

  61. etnad etnad

    Salamat Mr. Gil at naunawaan mo ako, na bilang isang OFW ay isang sakripisyo hindi lang sa pamilya at pati na sa nakakarami. More blessing to you also and ur family!!!!

  62. hazel hazel

    kung bumuti po yong lagay ng piso ngayon,bakit di roll back ang mga tumaas na presyo ng mga commodities na biglang nagtaasan noong mababa ang halaga nito..puro na lang dada ang malacanang na ayos na ang piso asan ang effect niya?
    at eddie gil ang mga ofw noon hindi sila napilitan gusto nila mas malaking pera unlike now napipilitan silang umalis dahil nga sa walang trabaho sa pinas ngayon hindi dahil sa laki ng sasahurin sa ibang bansa.di ba magkaiba naman yong gustong mas kumita ng malaki noon kaysa sa wala na talagang trabaho sa phils at sa ibang bansa e meron kahit na kesahodang malagay sila sa alanganin,katulad ng mga rape.
    be realistic alright? huwag yong puro ka daldal ng di mo naman nararamdaman.mahirap na talaga ang buhay, at di rin nakakatulong ang govt ni arroyo to uplift it.

  63. Tama si Hazel, tumataas nga ang value ng peso pero ano ang effect niya? Di ba mas mataas naman ang peso kesa Japanese Yen pero bakit mas mariwasa naman ang Japan kesa sa atin? Kaya hindi basehan ang value ng currency natin. Sino nga ba ang talo at panalo sa pagbaba-taas ng piso? Check these views out.

  64. mukha atang nabubulol sa salitype si eddie goto gil… hehehe! sabi nya marami daw projects sa pinas! marami ngang projects sa pinas kaso ung mga nakapwesto lang nakikinabang at ang malaking bahagi ng kikitain ay napupunta sa iilang taong mga ganid! ! PARA KANG BATA KUNG MAGBIGAY NG OPINYON MO! BUMALIK KA NA SA TATAY MO! MAGLOLIPOP KA NA LANG!

  65. danilo danilo

    mr. ed di gil tanong ko lang sau, kapag nagkaMALI ang anak mo, kapatid o kaibigan mo ano ang gagawin mo pupunahin mo ba sila upang maituwid ang pagkakamali nila o pupurihin mo? at ano naman ang gagawin mo kapag “TAMA’ ang ginagawa nila? pupurihin mo sila o pupunahin?
    kaya magulo at naghihirap ang bayan natin dahil sa mga taong may isip na katulad mo kaya pakiusap lang ‘wag mo padamihin ang lahi mo.

  66. kikoy kikoy

    nagagaguhan talaga ako dito kay eddi goto gil, ang sabi nya sa time pa daw ni marcos marami ng ofw… e gago nga talaga!
    1. i-compare mo kung gaano karami ang ofw noong panahon ni marcos at kung gaano karami ang ofw sa panahon ni pandak.
    2. pangalawa, ang sabi nya kaya nagagahaman daw ang mga ofw. ang sakit mong magsalita sa mga kababayan natin na ofw samantalang ginagamit ni pandak na dahilan ang paglakas ng peso against sa dollar. dahil sa mga ofw na eto kaya lumakas ang piso. atsaka nga pala ang tawag namin sa mga ofw ay MGA BAGONG BAYANI, samantalang ikaw ang tawag mo sa kanila mga gahaman! speaking of gahaman, tumingin ka nga sa malacanang nandun ang mga gahaman! ang pekeng panggulo mo at ang pamilya nya at mga asong bundat na bundat na tila mga gutom na gutom pa rin!
    3. si eddie goto gil ay mayaman, o anak ng isang mayaman at baka opisyal pa nga magulang nito ngayon sa administrayon ni arrovo kaya ganito na lang kung mag komento at panay ang pagtatanggol kay arrovo.
    sana wag kang magtago sa anino ng mga magulang mo at lumabas ka upang makita mo ang tunay na kalagayan ng pilipinas. wag kang magbulag bulagan at magbingi bingihan. maswerte ka dahil mayaman ang mga magulang mo kaya isusubo na lang sa u ang yaman nila samantalang karamihan sa mga kababayan mo dugo at pawis ang puhunan para makatawid gutom at minsan pa isusubo na lang inaagawan pa ng kasalukuyang gobyerno dahil sa pagpapatupad ng mga hindi makatwirang buwis o tax.
    4. wag mong akusahan ang mga ofw na mukhang materyales sila, kung alam mo lamang ang damdamin nila na magkaroon ng maliit na bagay na naiibahagi nila sa kanilang mahal sa buhay upang magbigay kasiyahan sa kanila. wag mo silang gawin kawawa. tingin ko sa yo eddie goto gil, galit ka sa mahihirap. wala kang konsensya! patawarin ka sana ng Panginoong Diyos sa masamang asal at ugali mo!

  67. danilo danilo

    pahabol lang para sa iyo ed di gil at mga katulad mo; pasalamat kayo kung ipinanganak kayo na mayaman at di nyo nararanasan na maging OFW, malaki nga ang sweldo namin dito sa ibang bansa pero ano naman ang kapalit nun, PANGUNGULILA sa mga mahal namin sa buhay. kaya wag mo sabihin na gahaman kami sa pera, ang nais lang namin ay mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang aming pamilya sa maayos at parehas na paraan.

    ang pangarap namin na yan ay di namin makakamtan kung mananatili lang kami sa Pinas.

    subukan nyo at kayo kaya mag-budget ng P500 sa isang araw… sa isang maliit na pamilya, sa tingin nyo sapat yun? GMA at mga alipores; subukan nyo i-budget ang minimum wage nyo sa isang araw para malaman nyo kung bakit nagugutom ang mga pinoy.

    kaya ikaw ed di gil at mga katulad mo, buksan mo ang iyong mga mata at tumingin ka sa paligid at ng makakita ka at makita mo ang kadiliman sa munting liwanag na umiilaw sa bayan natin ngayon.

  68. Rossana Rossana

    Kaibigang Eddie Gil,sabi mo, ” marami tayong projects sa pinas para sa mahihirap na nangagailangan ng tulong…kami nagbigay ng maraming pabahay dyan sa mahihirap, tumulong ka rin ex. GK777″.

    Ikaw ba ay nagtatrabaho sa malacañang?

  69. eddie gil eddie gil

    rosanna,
    i’m a pissed off and ripped off OFW too and working hard as a private IP engineer. GK777 is a good project. Google for it if you’re getting interested.

  70. danilo danilo

    eddie gil will you stop bragging about GK777 as if it is a gma govt initiative pls. where’s you’re fuckin logic and analysis engineer eddie gil? GK777 is a project of CFC and some OFW volunteers to help those poorest of the poor to have their house they can call their own.

    what we want for our gov’t is for them to stop the corruption once and for all. pagandahin nila ang kanilang imahe sa international business community sa pamamagitan ng maayos na pamamalakad ng gov’t para magka-interest ang investors na mamuhunan sa atin at ng sa ganun maraming trabaho at opportunity na naghihintay sa mga kababayan natin.

    aanhin mo kung masipag at matiyaga ka sa work kung wala ka naman pagsisipagan at pagtitiyagaan gets mo? at anong gagawin mo sa sarili mong bahay kung wala ka naman mapasukan na trabaho?

    tanungin mo sarili mo kung paano umunlad at magkaroon ng maginhawang buhay ang bawat pamilyang Pilipino.

  71. eddie gil eddie gil

    danilo, so very long but i dont seem to follow what you are trying to point out. if every pilipino has a reasoning level as yours, no wonder we’re the most kulelat among SE Asian countries. to my knowledge, GMA has been doing all efforts to attract investors but because of too much politics, they are driven away. And because of some pinoys like you being so makitid isip, you somehow contributed to that with your pasiklab na opinion albeit you’re abviously misinformed…hay naku.

  72. Rossana Rossana

    Eddie Gil, ang mga ginagawa ni Arroyo ay hindi para sa bayan kung di para sa kanyang sarili. Siya ay nandaya,nagsinungaling at nagnakaw. para sa bayan? kung gusto niya isulong ang interes ng bayan, bakit niya pinagnakawan ang taongbayan? Bakit niya dinaya ang taumbayan?
    Kung mahal niya ang bayan, dapat umalis siya sa ninakaw niyang pwesto.

  73. eddie gil eddie gil

    rosanna, minority anti-gma lang lang ang nagsasabi nyan but as I said earlier from a majority standpoint, she’s legit.

    if you can’t accept it, so be it. isipin mo na lang na mahal tayo ng taas at me magandang plano sa pinas kaya i-nilagay na legit president si GMA.

    ok, case close!

  74. danilo danilo

    eddie gil ang kitid mo tlaga, bkit di mo buksan ang mata mo at ng makakita ka? kahit anong effort ang gawin ng gma mo para maka-attract ng investors e wala rin mangyayari. alam mo kung bakit? dahil di niya mapigil ang corruption sa pamahalaan nya, isipin mo kaya kung ikaw ang nasa sapatos ng investors?

    speaking of politics, si gma mo mismo ang pasimuno ng sobrang pulitika sa atin, di mo ba nakikita o napapansin man lang? panay ang press release nya ng mga kasinungalingan na kesyo umuunlad na tayo, puro pambobola at pa-pogi points. halimbawa yun pagyayabang nya na lumakas ang piso di ba abot ng logical reasoning mo na niloloko nya sarili nya at tayo? bakit kamo? dahil di napapakinabangan ng simpleng mamamayan yun dahil hindi naman bumaba ang halaga ng basic needs dyan.

    besides, dapat wala sya sa malakanyang. may magandang plano ang Diyos para sa atin but not with gma steering the wheel.

    you’re a close case eddiot gil.

  75. eddie gil eddie gil

    ok then, danilo, if that;s what you believe then live with it, just chill out….pathetic misinformed

  76. danilo danilo

    misinform my ass eddiot gil. kahit anong sabihin mo walang ako makitang matuwid dahil baluktot ang pinagtatanggol mong pandak sa malakanyang.

Leave a Reply