Skip to content

Ang mas mabigat na problema

May kumpirmado ng biktima ang A(H1N1) o swine flu sa Hongkong kaya lalong itinaas ng Department of Health at National Disaster Coordinating Council ang alerto.

Ang biktima ay 25-taong gulang na lalaki. Galing daw sa Mexico, ang sentro ngayon nitong epidemic (pandemic na nga ang sabi ng iba opisyal. Ibig sabihin, pangkalahatang mundo na) na dumaan sa Shanghai. Mabuti pa naman daw siya ng nasa Shanghai siya ngunit nang dumating sa Hongkong ay nagkaroon siya ng lagnat.

Kaya praning na praning ang mga opisyal ng Hongkong dahil noong 2003, nang umatake ang SARS, tinamaan din sila at 229 ang namatay doon.

Sentro kasi ng international travel ang Hongkong kaya madali silang ma-apektuhan ng ganitong virus na nalilipat sa paraan ng hangin at paghawak ng mga bagay na nahawakan ng isang kontaminadong tao.

Pinaghahanap ngayon ng mga Hongkong authorities ang lahat na 140 na pasahero ng eroplano na sinakyan ng pasyente at ang taksi na kanyang sinakyan papuntang MetroPark Hotel kung saan siya nag-check-in.

Ito ang kauna-unhang kaso ng A(H1N1) sa Asya kung saan siksikan ang pamumuhay at madali maglipat ng virus.

Ang Pilipinas ay dalawang oras lang ang layo sa Manila at araw-araw, maraming pasahero ang pumupunta sa Hongkong at dumarating din galing Hongkong.

Ginawa na si Health Secretary Francisco Duque III na pinuno ng National Disaster Coordinating Council na pinamumunuan ng defense secretary.

Sabi ni Dr. Eric Tayag para panigurado, nasa emergency na ang turing ng pamahalaan ng sitwasyon. Kapag lumala raw ang sitwasyon, isara ang mga paaralan at mga opisina sa Metro Manila. Ngunit idini-in niya na ito ay kung talagang grabe na ang sitwasyon at hindi pa naman tayo nakarating doon.

Mabuti naman na sinabi ni Tayag yun dahil ang problema ng pamahalaang ito ay kredibilidad. Dahil nga sa palaging kasinungalingan ang pinagsasabi ng Malacañang, hindi na naniniwala ang mga tao. Akala nila nambobola na naman si Arroyo para ang mga tao ay hindi aalma habang isinu-sulong ang charter change.

Sana huwag magkamali sina Arroyo at ang kanyang mga alagad na gamitin itong kalamidad para ipilit ang charter change o panggigipit ng kanilang mga kritiko. Iba ang health emergency, iba ang politika.

Itong swine flu ay seryosong banta ngunit ang mas mabigat na problema ng Pilipinas ay ang liderato na hindi pinagkakatiwalaan ng taumbayan.

Published inAbanteHealth

6 Comments

  1. Ellen,

    European media have been announcing that perhaps, swine flu is not as serious a threat to humanity as has been announced.

    Just the same, it would do well for people to be cautious.

  2. Then, that’s good news, Anna. Yung mga baboy lang sa kongreso at Malacañang ang pwedeng mahawa!

  3. Valdemar Valdemar

    We dont worry a bit. The Filipino presence in all nooks and corners of the earth is pandemic and if not for our immuned system from the commonplace double dead meats, we could have already infected guys. We should congratulate our authorities for not controlling the epidemic of the pigs, it smells on the Bulacan rivers.

  4. fenix fenix

    The porcine and avian strains of influenza virus has educated me on something absolutely indubitable: the invisible buggers can infect even Congressmen — and are as brainless as most.

  5. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    PACQUIAO-MAYWEATHER POSIBLE SA OKTUBRE

    …………..Manny Pacquiao fought and displayed high quality sportsmanship and FAIR PLAY in victory and undoubtly gave his best to bring honor and glory for our country,” ayon sa resolusyon ni Enrile.

    http://www.abante.com.ph/issue/may0509/sports01.htm

    Doesn’t it sound ironic?

  6. Off topic: Impeachment Complaint vs Merciless Gutierrez…

    Gutierrez has her own team of private lawyers to represent her in the impeachment complaint filed against her led by Harriet Demetriou. Why did Demetriou agreed to represent Gutierrez. Is the legal fee so huge that she couldn’t turn it down? I don’t think Demetriou is that kind of a person. As if her legal assistance is not enough, two former DOJ Secretaries, Serafin Cuevas and Artemio Tuquero, are part of the legal team. What’s going on? Why are there reputable lawyers representing a crook at Ombudsman?

Comments are closed.