Skip to content

Ang papel ni Kris sa pulitika ni Noynoy

KRIS AQUINO WAVINGNaabutan ko sa TV noong Huwebes ang pasasalamat ni Kris Aquino kay Sharon Cuneta tungkol daw sa suporta na ibibigay nila ng kanyang asawang si Sen. Francis Pangilinan sa kandidatura ng kanyang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino sa pagka-presidente.

Bago ko nakita ang newscast na yun, may nag-text sa akin na reporter, “Sablay kaagad si Noynoy. Biro mo naman, kinuha si Kiko na spokesman.”

Ang reaksyun ko naman, “Hindi yata nagka-ayos sina Noynoy at Mar Roxas.” Sabi nga ng isang reporter din, “Doble sampal naman itong ginawa ni Noynoy kay Mar. Alam naman niya may isyu sina Mar at Kiko.”

Hindi naman lingid sa publiko ang hidwaan nina Roxas at Pangilinan. Mula nang idineklara ng Liberal Party na si Roxas ang kanilang kandidato para presidente, panay ang batikos ni Pangilinan sa LP. Mas malapit siya kay Sen. Manny Villar at kasama siya sa “Wednesday group” na binubuo nina Bise Presidente Noli de Castro, Sen. Joker Arroyo, at Sen. Ralph Recto.

Palagi pinaglandakan ni Pangilinan ang kanyang pagka -”independent” at sumubok pa siya magbuo ng “third force” kasama sina Fr. Ed Panlilio at Isabela Gov. Grace Padaca na hindi naman umangat.

Nagkaroon siya ng pagkakataon na bumalik sa LP nang magwithdraw si Roxas sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente para kay Aquino. Inalok ni Noynoy si Mar para magiging bise-presidente niya. Hindi pa ina-anunsyo ni Mar ang kanyang desisyon.

Ngayon, sinasabi ng mga taga-LP na hindi naman daw tutoo ang pagka-spokesman ni Kiko. Sabi daw ni Noynoy, “overqualified” si Kiko para maging spokesman niya.

May nagsabi naman sa akin, yun lang ang sinabi ni Noynoy dahil halos daw lahat sa LP nagulat sa inanusyo ni Kris.

Mabuti naman at naagapan ito. Si Noynoy ay anti-Gloria . Tapos spokesman mo si “Mr. Noted”, ang isang tao na malaki ang papel sa paglagay sa Malacanang ng isang pekeng presidente.

Mahalaga si Kris sa kandidatura ni Noynoy. Maliban sa lakas ng hatak niya sa masa, siya ang pwedeng-pwedeng tumulong kay Noynoy sa gastusin sa kampanya.

Ngunit marami sa nagu-obserba ngayon sa kandidatura ni Noynoy ang medyo nababahala sa magiging papel ni Kris kung mananalo si Noynoy. Nang presidente si Cory Aquino, bata pa si Kris at hindi pa siya ganun kasikat.

Wala tayung paki-alam sa mga maling desisyon ni Kris sa kanyang personal na buhay. Ang problema, kung manalong presidente si Noynoy at maki-alam siya sa mga opisyal na bagay, katulad ng pagpili niya kay Pangilinan bilang spokesman.

Published inAbanteelections2010

22 Comments

  1. kris was asked on naional tv whether she was willing to act as first lady in social functions if noynoy were elected.She replied,”no way!,i dont want nonoy to have conjugal rights!”silly woman.

  2. Mike Mike

    Kris should stay behind the scene, she should stop talking too much. The only time she needs talking is during the campaign endorsing Noynoy. Huwag niyang sapawan yung kuya niya at magmumukhang engot at under kay Kris si Noynoy. Mas malakas kasi ang charisma ni Kris.

  3. florry florry

    Mukhang tinalian ni Kris sa ilong si Noy at kahit saan niya ito hatakin bahag ang buntot na nakasunod. Meaning walang sariling paninindigan at desisyon itong kandidato ng. LP. Hindi ba siya nahihiya na kumakandidatong president wala naman palang balls at mahina ang tuhod. Papaano na kung milagrong manalo ito, di si Kris pala ang komander at si Noy ay figurehead lang. Imagine a president na under ng bunsong kapatid na babae, at ito ang nagdedesisyon para sa kaniya. Hindi lang sa Pilipinas nakakahiya kundi sa buong mundo. Isang world record na naman ng Pilipinas sa Guiness book.

  4. parasabayan parasabayan

    The power of Kris over the brother is so obvious. Parang diktadora and dating. If she acts like she is calling all the shots, it may hurt her brother much more than help. She should zip her mouth and just move mountains for Noynoy. Hindi yung bunganga lang niya ang palaging naririnig kung ano ang ginagawa niya para sa kapatid niya. She will be more powerful if she just supports Noynoy silently and let Noynoy get all the credit so that it will enhance his candidacy. If Kris continues to be on the limelight in her brother’s candidacy, bakit hindi na lang siya ang tumakbo. Tignan natin kung mananalo siya.

  5. martina martina

    He (Kiko Pangilinan) was always looking for opportunity to fit himself in. That came when there was a clamor for Noynoy to run, and he was one of those who openly asked Mar to withdraw to give way to Noy. In the 2007 election, he was independent daw pero aligned sa opposition. So ngayon bakit papel ng papel sa LP? What a smart aleck! Sabi nga ni Korina “Who does he think he is?”

  6. martina martina

    Oh, forgot to say am talking (no.5) about Kiko, Mr Noted, Mr Magastar.

    Well, si Kris ang nagpabalik ng pagmamahal ng tao kay Cory. Madaldal nga siya, pero it would work to the advantage of the people. Walang tago, naka siwalat lahat, hindi ba yan ang hanap nating transparency?

  7. florry florry

    That’s true kay Kris walang tago, in fact sobra pa sa transparent but the candidate is Noynoy and he should be the the one to be transparent not Kris.

    Kris is a chatterbox. Her mouth is 10 times faster than her brain.

  8. mbw mbw

    I recall the many times kris would “demand” for a public interview on her failed relationship. how she would boohoo that the man in her “present” life did her monumental wrong. Mahilig mag-manipulate. Actually, yan ang asset ng isang political campaign—manipulation of emotions. pero I cannot say that is honesty nor transparency. It’s crass and it’s downright egocentric.

  9. I agree with many commenters here. Kris should start acting a lady (with a capital “L”) and not act her early movie roles.

    A bit more of reserve will not damage her and could be good for her brother.

  10. luzviminda luzviminda

    Para ngang sinulot ni Noynoy ang pangarap ni Mar Roxas na maging standard bearer ng partido nila. Pero kung ako kay Mar kakalas ako at magbibise kay ERAP!

  11. Pilipinas Game ka na Ba?
    Deal or No Deal.

    Titignan muna natin kung sino ang makakalaban ni Noynoy.

  12. luzviminda luzviminda

    NOynoy: “Tinatanggap ko ang hiling ng sambayanan.”

    Eh baka naman nauuto lang si Noynoy ng mga kapartido niya at mga nakapaligid sa kanya. O baka naman naghahalucinate dahil di pa nakaka-recover. Ilan lang naman yung nga-uudyok na tumakbo siya eh at hindi sambayanan. Karamihan pa eh yung mga evil society at mga politikong trapo din naman. Pumapapel na naman uli ang Apo Hiking atbp. Haaaaay naku, mga taong nagluklok kay Gloria Engkantada. Kaya di nga di nababahala si Gloria eh.!

  13. masha masha

    message discipline ang kailangan.

    kailangan magpakita na ng gilas si noynoy. get a campaign manager and a spokesman and be tough on your people including kris. if he cant control her then he clearly isnt qualified to govern anything much less a country.

  14. MPRivera MPRivera

    Ako ay medyo kinakabahan din sa kandidatura ni Noynoy sapagkat kapartido niya si Lito Atienza, ang isang kapit linta sa singit ni gloria. Kahit pa sabihin meron silang magkasulangat na paksyon sa LP, hindi pa rin maikakailang magkasama sila at maaaring maimpluwensiyahan ng ninong ni Pakwan ang magiging desisyon ni Noynoy kung sakali.

    Isa pa ang nauna ko nang pahayag na agam agam tungkol sa pagkuha kay Kiki Pangilinan bilang spokesman ni Noynoy. Hinding hindi ko makakalimutan ang kanyang nota, este NOTED noong 2004, silang dalawa ng kakambal ni Matusalem, si Gunggonzales.

  15. MPRivera MPRivera

    “Ngayon, sinasabi ng mga taga-LP na hindi naman daw tutoo ang pagka-spokesman ni Kiko. Sabi daw ni Noynoy, “overqualified” si Kiko para maging spokesman niya.”

    Noynoy should and must publicly declare he is not seeking the service of Mr. Noted as his spokesman.

    Doon lamang mapapawi ang pangamba natin.

  16. “Ingrato” ang tawag ni Korina diyan kay Kiko. Isa siya sa nanggugulo na tatakbo laban sa LP kung hindi bababa si Mar.

    Napulot lang ni Korina yan sa UP patambay-tambay sa College of Law nung bigyan niya ng break sa evening news. Diyan siya nagsimulang makilala hanggang mapangasawa niya si Sharon na na-meet din niya sa ABS-CBN.

  17. eddfajardo eddfajardo

    Let’s face it, mabangong mabango ngayon at mahal si Kris ng mga Pilipino sa kahit na anong level ng ating society. Kahit nga sa mata ng asong ulol na si Prospero Pichay, sinabi niya na mas malakas na leader si Kris kaysa kay Noynoy. From now on, marami pang mga sirang ulo sa Malacanang na susubaybay sa bawat salita at kilos ni Kris especially kung pulitika ang pag-uusapan. Dito dapat naman pumapel ang asawa niyang basketbolistang si James Yap. Dapat magising na siya sa katotohanan na it’s his responsibility to help and protect his wife from potential dangers.

  18. chi chi

    As long as Noynoy clear himself of Mr. Noted’s presence, pwede ko siya na pagtiyagaan. Pero oras na nasilip ko sa paligid niya si Kiko Cuneta ay dun lang ako sa iba. Can’t swallow the person na nagsadlak sa Pinas sa dusa for ‘noting’ Gloria!

    As for Kris…shut your mouth! Walang pakialam ang babaeng ito sa “Noted” episode na nagwasak sa Pinas. She must be thinking that everything is a part of showbiz.

    Kris is disappointing giving us a preview of Noynoy’s leadership. Hindi ko pa nga tanggap na ipapalit ko lang si Noynoy kay Mar heto at nagwawala pa si Kristeta!

  19. Gabriela Gabriela

    From Neal Cruz, columnist of the Inquirer. Sept. 11, 2009 issue:

    “Now that Noynoy Aquino has formally declared that he is running for president, will somebody please tell his youngest sister to be careful about what she says in public. I know Kris means well, but she is taking votes away from him with her careless prattle. This is no longer show-biz gossip she is talking about. This may be the next president of the Philippines.

    “Maybe she doesn’t realize it, but she makes Noynoy look like a wimp. She criticizes his choice of clothes (“I don’t like pleats in his pants. It’s so….”). She said she will pay for Noynoy’s wedding. Why, can’t Noynoy afford to pay for his own wedding? Is she trying to suggest that she has more money than Noynoy? She infuriated Valenzuela folk when she said she did not want Noynoy to marry (demure and beautiful Councilor Shalani Soledad). She said she will take care of him. Why, isn’t Noynoy old enough to take care of himself? My God, her elder brother is asking the people to make him president and she treats him like an autistic child.

    “Kris’ celebrity status has made her feel like she were floating on air and could do no wrong. It’s time she came back to earth. She should help her brother get elected by not talking carelessly and too much.

    “If Noynoy becomes president, Kris may be his Imeldific. She may even assume the role of first lady. Imagine what she would be as first lady. Remember that their mother was loved by the people because she was unassuming and not mayabang. Kris should do no less if she wants her brother to be president.

    “Kris, help your brother. Think 10 times before opening your mouth.”

  20. andres andres

    Chiz Escudero pa rin ako! May paninindigan at may ulo ay may nilalaman!

  21. My God, her elder brother is asking the people to make him president and she treats him like an autistic child.

    She’s mad! That girl has got to be gagged.

  22. andres andres

    AdeBrux,

    Kris is already used to having an autistic child, that is why she takes care of his elder brother.

    Just imagine, they will be risking making him President, when he needs Kris to groom and fix him up!

    Di pa ba kayo nagigising mga yellow army???

Comments are closed.