Skip to content

Mapayapa at masaganang bagong taon

Sakay sa agos ng buhay,payapa man o maalon.

Taong 2012 na tayo.

Sa mga katulad ko na nasa pangalawang buhay (nagkaroon ako ng ovarian cancer noong 2003), bawat minuto dito sa mundo ay bonus na. Kaya kapag nakabuo ng isang taon, talagang malaking bonus.

Alam ko naman na darating na rin talaga ang oras na kailangan nang pumunta sa pupuntahan natin lahat. Palagi ko iniisip, paano ngayon kung tanungin ako ng Panginoon, ano ang ginawa mo sa bonus na binigay ko sa iyo?

Kapag papasok na tayo sa bagong taon, magandang okasyun din para magbalik tanaw sa nakaraang taon at tingnan kung paano natin ginamit ang mga biyaya ng Panginoon. Kahit sa mga pinakamahirap sa atin, marami pa rin ang dapat ipasalamat sa Panginoon.

Sa pagpasok ng bagong taon, ang hingi-in siguro natin sa Panginoon ay ang alalay sa direksyun na ating tatahakin at lakas para maitaguyod at maisapagkatuparan ang gusto natin gawin.

Sana naman lawakan natin ang ating pang-unawa at isipin natin ang karapatan ng bawat isa sa kanilang paniniwala. Kahit hindi tayo magkaparehong ng opinyun, hindi ibig sabihin masama na sila. Matuto tayong magrespeto ng panindigan ng bawa’t isa.

Sa pulitika, marami ang nangyari. Sa isang taon at kalahati ng administrasyong Aquino, makikita naman natin na nagsisikap naman ang pangulo na matuto. Siguro dapat bigyan siya ng puntos sa kanyang magandang hangarin.

Ngunit alam naman natin kung hangarin lang ang pag-usapan, lahat naman na tao pwede magsabi na maganda ang hangarin. Kahit si Hitler, panindigan nun ang ganda ng kanyang hangarin. Si Imelda Marcos, maraming magandang hangarin yun para sa bansa na siyang nagbaon ng Pilipinas sa maraming utang.

Sa isang lider, mahalaga ang kakayahan na maipatupad ang kanyang magandang hangarin. Dito kailangan ni Aquino ang tulong ng magagaling na advisers.

Dahil sa tumututok ako sa Department of Foreign Affairs, malaki ang pagbabago nang maalis si Alberto Romulo na foreign secretary at ipinalit si Albert del Rosario.

Umaasa ang marami na hindi pa huli para maliwanagan si Aquino na mas mahalaga ang interes ng bansa kaysa pagkaka-ibigan sa kaso ng kanyang paghirang kay Domingo Lee, kaibigan ng kanyang tatay, na ambassador to China.

Ang pinakamahalagang accomplishment ni Aquino ay ang pagpakulong kay Gloria Arroyo. Kamuntik nang maka-eskapo si Arroyo dahil sa kabagalan ng legal team ng administrasyon.

Sana natuto si Aquino sa kahalagahan ng kakayahan sa kayang pagpili ng tauhan para hindi na sila mapilitan gumawa ng aksyon na semplang sa batas para lang maipagkasatuparan ang kanilang hangarin.

Published inAbanteBenigno Aquino III

3 Comments

  1. chi chi

    Maligayang Bagong Taon, Ellen!

    Mahustisyang Bagong Taon, Pinas!

  2. Rudolfo Rudolfo

    Mahustisya ding hamak ang Panginoon, dahil kung di inabot ng Taong 2012 ?..wala siguro itong Ellen Bloggers na ito !..Hulog ka ng langit ( sa akin ), sa kasaysayang Pampahayagan-“Media News “, sa bansang Pilipinas, at sa Magdalo group. Isa kang naging haligi nila, at mga kapanalig mo Ellen, sa pagbibigay ng HUstisya, at pagmamahal sa Bansa. God had given you the second life for a prime purpose to bring Hope and changes in the governance of our country, especially in the field of journalism. Mabuhay ka Ellen, Mabuhay na muli ang Pilipinas,sa ma-hustisyang Taon na ito, sa pangu-ngulo ni Pangulong PNoy. GOD BLESS to everyone,the whole world and the Philippines.Amen.

  3. Mike Mike

    Happy New Year sa inyong lahat! 🙂

Leave a Reply