Napuyat ako sa kakahintay kay Joc-Joc Bolante, ang matalik na kaibigan ni Mike Arroyo na dumating noong Martes ng gabi mula sa dalawang taong pagkakulong sa Estado Unidos.
Hindi na ako nakipagsiksikan sa loob ng NAIA dahil bawat media entity, isang reporter lang ang kailangan. May reporter naman kami doon sa loob, kaya doon ako sa mga concerned citizens na gustong hikayatin si Bolante na magsabi ng totoo.
Hindi namin nasilayan si Bolante dahil alam naman natin lahat na pagkatapos ma-turn over siya ng Bureau of Immigration at National Bureau of Invesitgation kay Senate Deputy Sergeant-at-arms Jaime Dimacale, isinakay siya sa naghihintay na ambulansya papuntang St. Luke’s Hospital.
