Hininto ng Korte Suprema ang pirmahan ng mga representatives ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front ng napagkasunduan tungkol sa pagpatayo ng BangsaMoro Juridical Entity (BJE) na sana ay ngayong araw sa Kuala Lumpur.
Sa mga lumabas na dokumento ng agreement, maliban sa limang probinsya na kasama ngayon sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) -Maguindanao,Basilan, Lanao del Sur, Sulu , Tawi-tawi at marawi City, 712 pa na barangays sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Lanao de Norte kasama ang 98 na barangay sa Zamboanga, at sobra isang daan na barangay sa North Cotabato and isasama sa BJE.