Skip to content

Tag: Martin Romualdez

Swerte pa tayo at simple lang ang hapunan sa New York

le-cirque-1m-meal
Pasalamat pa pala tayo dahil simple lang ang hapunan ni Gloria Arroyo at ang kanyang “wine imbibing” o mahihilig sa alak na kasamahan.

Kung naiisip pala nila na magkaroon ng medyo bongga na hapunan, para ipagdiwang ang pang 41st na anibersayo ng kasal nina Gloria at Mike Arroyo, baka ilang miyong dolya ang inabot ng bill.

Habang nagpapaliwanag si Press Secretary Cerge Remonde tungkol sa kanilang halos isang milyong piso na hapunan sa New York, lalong lumalabas ang kanilang despalinghadong pag-iisip.