Skip to content

Tag: Mike Arroyo

Ang tindi ng mga bata ni Mike Arroyo

Sagot ni Public Works Secretary Hermogenes Ebdane kay Sen. Miriam Santiago: “Hindi ikaw ang magpapa-alis sa akin. Ang presidente ko.”

Sinabi kasi ni Miriam na dapat i-fire ni Arroyo sina Ebdane, Finance Secretary Gary Teves at Ombudsman Merceditas Gutierrez dahil pabaya sila sa anomalya sa mga kontruksyun ng mga proyekto sa ginagastusan ng World Bank. Malaking kahihiyan ang nangyari na kailangan pa World Bank ang mga blacklist ng E.C. De Luna Corp., Cavite Ideal International Construction at Development Corp., and C.M. Pancho Construction Inc.

Maliban sa walang kasong naisampa sa tatlong blacklisted na kumpanya, patuloy pa silang sumasama sa ibang bidding.

Bakit absent yata si Mike Arroyo sa Las Vegas

Isa ako sa iilang Pilipino na hindi mahilig manood ng boxing.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang isang tao ay masasayahan makita na nagsasakitan ang dalawang nilalang. Parang laro ng mga sadista.

Kaya pasalamat ako na ang beauty parlor na aking pinuntahan noong Linggo ay hindi nagbukas sa televised na laban ni Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya. Kung hindi maiinis lang ako sa mukha ng mga politiko na nandoon sa las Vegas, gastos ang pera ng taumbayan.

Si Mike Arroyo sa sambayanang Pilipino

Diarrhea, not heart attack,downed Mike Arroyo : St Luke’s doctor

Nang unang lumabas ang balita na inatatake sa puso (na naman) si Mike Arroyo sa loob ng eroplano ng Philippine Airlines papuntang Los Angeles at nag-emergency landing sila sa Osaka, Japan, ang dami kaagad ang reaksyon sa mga text at sa blog.

Si Mike Arroyo at kasama ng presidential party papuntang Lima, Peru kung saan magtitipon na naman ang mga lider ng bayan na miyembro ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).

Hindi maganda ang mga reaksyon. Sample: sabi ni Atty36252 , “Heart attack? Wala namang puso yan eh. That was just an excuse so that he would be left off sa Japan, where someone i is waiting.”