Thumbs up, thumbs down for Aquino’s TV Patrol tirades

Aquino tackles Noli

Thumbs up to President Aquino in setting aside tact and taking to task Noli de Castro’s dubious role as journalist.

Noli de Castro

Thumbs down for once again whining about media not reporting his idea of good news, as if media is an extension of Malacanang.

This is a portion of Aquino’s speech that directly hit De Castro even if his name was not mentioned:

“Noong Oktubre ng nakaraang taon, may isang reporter kayo ang nagbabalita sa NAIA 3. Ang sabi niya, sa puntong iyon, tumaas ng dalawampung porsiyento ang passenger arrivals sa paliparan.


“Magandang balita, at higit sa lahat, fact po iyan. Sa kabila nito, nakuha pa pong humirit ng isang anchor n’yo at ang sabi po niya, and I quote, “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.”

Sa loob-loob ko po, anong kinalaman ng ibinabalita sa NAIA 3 sa NAIA 1? May nagsabi po bang ayos na ayos na ang NAIA 1? Kung mayroon man ho, hindi kami. Nakaligtaan niya atang mahigit 30 anyos na ang istrukturang ito.

Napapaisip nga po ako: ‘yung nagkomento nito, hindi ba’t anim na taon ding tumangan sa renda ng gobyerno? Sabihin na po nating minana lang din nila ang problema; ‘di hamak mas luma naman ang ipinamana nilang problema sa amin. Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong inirereklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang tutugon dito, pero, masakit nga ho, may gana pa tayong hiritan ng nagpamana?
Naalala ko rin po nang na-recover ng NBI ang isang banyagang bata na nakidnap. Ang ganda na po sana: Nakakuha ng tip ang awtoridad, kumilos sila, at na-recover ang bata. Masaya ang mga magulang na kapiling na muli nila ang kanilang anak; masaya ang bata na kayakap niya ang kaniyang ama’t ina; masaya ang awtoridad na maayos at matagumpay ang operasyon nila. Mukhang ang hindi lang masaya, ito nga pong anchor natin na nagawa pa uling humirit na baka raw na-set-up lang raw ang rescue operation, at binayaran lang talaga ang ransom. Kahit anong pilit ng reporter na malinaw ang operasyon; nag-surveillance ang mga taga-NBI, at talagang natiyempuhan nilang walang nakabantay sa bata, pilit pa rin po nang pilit ang anchor.

Sabi nga ho ng nanonood kong kasama, “Naman.” Kami pa po mismo ang magagalak kung makakapaghain kayo ng kapirasong ebidensya ukol dito, at kung mayroon nagkamali, usigin natin ang mga nagkamali.

May naitutulong po ba ang mga walang-basehang spekulasyon, lalo na kung lumalabas ka sa telebisyon at sinusubaybayan ng sambayanan? Kung nagbabangkaan lang tayo sa kanto, hindi problema ang mga walang-basehang patutsada. Pero kung alam mong opinion-maker ka, alam mo rin dapat na mayroon kang responsibilidad. Sana po, sa tuwing sasabihin nating, and I quote, “magandang gabi, bayan,” ay totoong hinahangad nating maging maganda ang gabi ng bayan.

ABS-CBN lowered the bar of broadcast journalism when they returned former Vice President Noli de Castro to their early evening news, TV Patrol. The main reason could have been the ratings war.

As Gloria Arroyo’s vice president, he was silent on the many anomalies that riddled the Arroyo administration. He even came to the aid of Arroyo when she was shaken by the Hello Garci expose.
What did he say or do when all the anomalies – fertilizer scam, NBN-ZTE deal, North Rail, etc. etc. were coming out in media?

Nothing.

It’s hypocritical of De Castro to be commenting on other irregularities when he was silent of the many scams when he was near the center of power.

In fact it’s so awkward everytime TV Patrol carried a report on Delfin Lee of Globe Asiatique. As Arroyo’s housing czar, De Castro could not have been ignorant of that huge anomaly. What did he do to stop that. If he really didn’t know anything about it, then he was guilty of incompetence and neglect of duty.

But Aquino’s attempt to be meddle with media’s editorial judgment is a big turnoff.

He said, “Kung gabi-gabing bad news ang hapunan ni Juan dela Cruz, talaga namang mangangayayat ang puso’t isip niya sa kawalan ng pag-asa,” he said. “Ilang turista kaya kada buwan ang nagka-cancel ng bakasyon dahil sa araw-araw na negatibismo? Ilan kayang kababayan ang nawawalan ng pagkakataong magkaroon ng kabuhayan dahil sa bad news na ito?”

Reporters do not classify news as “good” or “bad.” Their responsibility is to make sure that their reports are accurate.

As long as the report adhere to the basic rules of journalism –truthful,fair, written without any hidden agenda or conflict of interest, didn’t put innocent people in harm’s way, the reporter is accountable for it – it is good.

What is not good is a inaccuracy. Any report that is not truthful is not good.

Tourists don’t cancel plans because of news reports. People don’t lose their job because of news reports. Tourists don’t come because of many things –poor infrastructure, inefficiency, incompetence, etc. etc.

And it points to one thing: leadership.

July 29, 2012 9:15 pm  Tags: ,   Posted in: Benigno Aquino III, Media

36 Responses

  1. Ka Enchong - July 29, 2012 10:01 pm

    Reporters do not classify news as “good” or “bad.” Their responsibility is to make sure that their reports are accurate.

    Kapag balita, dapat balita lang, walang kurukuro. That’s basic journalistic principle. I simply don’t understand why our newsreaders today are given the leeway to proclaim their own views on news stories they are reading. Kung gusto nilang maglahad ng kanilang sari-sariling pananaw, they should be given another slot separate from news segments.

    Some may say the venue was wrong and the timing ill – I might agree. Pero saan ang tamang venue at kailan ang tamang pagkakataon – at, sino ang tamang tao na magsasabi sa kanila?

  2. Tilamsik - July 30, 2012 12:30 am

    Thumbs down to both of them.

  3. chi - July 30, 2012 1:21 am

    Ano nga ba ginawa ni Noli sa loob ng anim na taon na kaagapay sya ni Gloria? Wrong venue and timing, buti nga kay kapabad!

  4. joeseg - July 30, 2012 1:32 am

    Hala ka, Noli de Castro! Matatandaan mong harap-harapan ding binanatan ni PNoy si ex-CJ Corona noon at hindi nagtagal, umarangkada na ang impeachment hanggang malaglag ang kanyang korona. Hindi kaya itong banat na ito sa iyo, sa harap ng matataas na pinuno ng ABS-CBN ay mayroon na namang mala teleseryeng aabangan ang bayan, kabayan?

  5. Jake Las Pinas - July 30, 2012 1:37 am

    Hindi na dapat kasi pinapatulan ni PNoy ang mga ganitong issue. Wala ako naririnig na ang isang presidente ng bansa nakikisabak pa sa issue ng international airport nila. Kahit na mayor ng lugar walang koment dyan. Hindi nila problema yun.

    Sa bagay ang news sa atin parating bad news. Kung hindi bad news, hindi news. Nakasanayan na ba natin ito? Mas gusto natin marinig ang bad news? Good news is no news?

  6. Ellen - July 30, 2012 4:14 am

    From Inquirer:

    The source admitted that officials of the news department were conflicted when they decided two years ago to bring back De Castro who was widely perceived as carrying a lot of baggage after spending nearly a decade in politics — from his tainted victory in the 2004 elections to his subservience to the administration of Gloria Macapagal-Arroyo to his alleged involvement in the North Rail and Globe Asiatique controversies.

    “The management was aware of all the criticisms against him… His political past made his return complicated. But the management stuck with him because they believed in his sincere desire to help and serve the masses,” said the source.The source admitted that officials of the news department were conflicted when they decided two years ago to bring back De Castro who was widely perceived as carrying a lot of baggage after spending nearly a decade in politics — from his tainted victory in the 2004 elections to his subservience to the administration of Gloria Macapagal-Arroyo to his alleged involvement in the North Rail and Globe Asiatique controversies.

    “The management was aware of all the criticisms against him… His political past made his return complicated. But the management stuck with him because they believed in his sincere desire to help and serve the masses,” said the source.

    http://newsinfo.inquirer.net/238879/abs-cbn-has-cautioned-de-castro-even-before-aquinos-critique-insider

  7. chi - July 30, 2012 6:40 am

    “The management was aware of all the criticisms against him… His political past made his return complicated. But the management stuck with him because they believed in his sincere desire to help and serve the masses”.

    Ina ng Awa, e di sana pinatunaya nya ito sa loob ng halos isang decada ng kanyang pakikitungo sa masa bilang VP kuno. Taragis!

    Sa tagal ng panahon na lap dog sya ni Gloria, wala syang karapatan na bumanat sa kasalukuyang administrator!

    Nagkamal ng daang milyunes na mansion, Globe Asiatic… dalawa lang sa malalaking eskandalo ni Noli. Pordios porsiento ni Kabayad!

  8. chi - July 30, 2012 6:44 am

    http://www.ellentordesillas.com/2011/08/31/dapat-may-panagutan-si-de-castro-sa-anomalya-sa-pag-ibig/

  9. chi - July 30, 2012 6:50 am

    http://www.ellentordesillas.com/2010/…/lucille-ortille-an...

    Mukhang hindi alam ni Pnoy na kinupkop nya ang alledged special one ni Kabayad. Hay, buti na lang may Ellenville archive.

    Lucille Ortile and the Acuzar connection

    Why is Lucille Ortile, once rumored to be former Vice President Noli de Castro’s special someone, in Malacañang as chief of staff of Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa?

    In February 2008, when De Castro was still being considered as a presidential candidate for the 2010 elections, an item went around the internet and text about a P200 million house at 2256 Paraiso st, Dasmariñas Village, Makati City reportedly belonging to somebody special to De Castro. The name “Lucille Ortile” was mentioned.

  10. chi - July 30, 2012 8:03 am

    #4. joeseg, masaya kung tititigan ni Pnoy si Kabayad. :)

  11. vic - July 30, 2012 8:45 am

    Noli de Castro better be not hiding any skeletons in his closets…he will be next in line in the docket if he has…

    The one thing with one term President is he does not have to worry for Re-election and can pursue his goals and programs in his one and only 6 years term, and he can stumble, blunder and not to worry about comes re-election time, but says it the way he sees it…and the truth is what Pnoy just blabber is mostly True. I would not mind Media to bring the “bad” news and disregards the good ones, like he President been preaching, but if there are influence behind the messengers and with the Agenda against the Ethics of Journalism, then that is another story…and some of the messengers of news and even the opinion providers can be Likened to the Riders of motorbikes in Tamdem..

  12. manuelbuencamino - July 30, 2012 12:39 pm

    1. Dapat clear ang line between news and commentary o editorial. Ang problema ay bobo si Noli. Walang gamot diyan. Ang pagkakamali ng presidente ay akalain niya na pwedeng pagsabihan ang bobo. Batok lang ang naiintindihan ng bobo.

    2. Sana maliwanag sa newscasts kung ano ang balitang pang national at ang panlokal. Yun nakunan ng cctv na nagnanakaw sa tindahan, sabihin natin sa Tawi Tawi, ay problemang lokal at hindi national. Hindi dapat sinasama ito sa lead story, pinalalaki at ginagawang national. Ang problema ay akala ng mga network na ang sensational at national ay synonyms o iisa ang ibig sabihin. May gamot sa ignoransya, ang tawag diyan ay dictionary.

    3. Bakit ba ang mga newscasters laging nagbibigay ng warning na ang ipapakita nila ay masalang o nakakadiri? Di huwag na lang nila ipakita. I-report na lang nila ng walang picture o video. Kaya lang ang paniwala ng media ay gustong-gusto ng manonood makakita ng mga ganyan kaya buong puso nilang ibinibigay ang akala nila hilig ng manonood. Anong basehan dito? Eh hindi ba kung may aksidente lahat naguusyosyo? Oo pero yun ba ay dahil gusto nila makakita ng bituka o utak na nakasabok sa kalye o gusto lang nila malaman kung ano yung aksidente?

    4. As to good news and bad news. Reporters report. Editors decide what reports to air or publish. Owners of media don’t interfere with editors. They focus on profits. So who do you think they will make editor in chief, the editor who focuses on substance or the one who promotes sensational stories? Sabi nga ni Ellen, “Man bites dog is news.” The sensationalist will focus on how the man bit the dog. The bite ika nga. The substantive reporter will ask why and what led the man to bite the dog. Meron useful information na ipapamahagi.

    5. Ang balita ko ay isang dahilan kung bakit umalis ang buing grupo ni Maria Ressa sa ABS-CBN ay ang pagbalik ni Noli. Bakit nga ba ipinagpipilit ng ABS-CBN si Noli, meron naman silang Anthony Taberna na bata pa ganyan na.

  13. Phil Cruz - July 30, 2012 5:27 pm

    The newscast management and top management had it coming. So many had been criticizing the way De Castro had been doing the news freestyle.. his own interpretation of what a newscast should be? All those smirks and snide remarks in a newscast?

    So it had to take the President to call management’s attention right in their own turf. No holds barred, in your face again.

    Aquino and Gabby Lopez were seen in a huddle. Gabby I guess was forewarned before the guns were fired. Obviously De Castro was also forewarned because he scampered for cover, nowhere to be seen while the President fired the shots.

    I have a feeling this is the beginning of the end of Noli. His credibility is shot full of holes.

  14. chi - July 30, 2012 7:22 pm

    Phil, not only his “credibility is shot full of holes”, his face, too.

    Abs-cbn was doing very well without Noli, the management had to ruin the NEWS hours by bringing him in (again), he who does not know the simple difference between news, editorial and commentary. Nakakasuka na makita at marinig si Noli doing his OWN brand of newscasting during prime time.

  15. joeseg - July 30, 2012 11:46 pm

    Matagal nang nilalampaso ng 24 Oras of GMA7 ang TV Patrol ng ABS-CBN kaya I think one of the reasons why they re-enlisted Noli de Castro was to try catching up in the rating game. Kahit papaano marami rin siyang fans. Ang problema, nakalimutan ni Kabayan na bilang news reader lang dapat ang papel niya, not a commentator. Nakalimutan din nyang kapag pinatututsadahan niya ang Malacanang, damay si Ricky Carandang na dating taga ABS-CBN. Kaya ayan, ang mga isyu vs Noli de Castro, biglang umusok sa Facebook.

  16. saxnviolins - July 31, 2012 1:26 am

    “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.”

    What is not factual about that? Totoo namang malala.

    Was there any mention of the present administration? Wala. In fact, if Ted Failon had the wit of Dolphy or Tito Sotto, De Castro’s comment was actually inviting this riposte:

    Siya nga pala Kabayan. Anong ginawa niyo para sa NAIA?

    So I don’t know what the anger was all about. Maybe we need another impeachment to keep the President entertained.

  17. Ka Enchong - July 31, 2012 5:18 am

    What is not factual about that? Totoo namang malala.

    Right. Pero, hindi kaya mas tama kung tinalakay ang NAIA1 sa isa pang hiwalay na news item? Dahil ba sa airport ang pinag-uusapan, pwede nang isingit ang ibang facts tungkol sa ibang airport?

    Was there any mention of the present administration? Wala…

    Again, I agree with you, SnV. I personally see this as an indication that PNoy isn’t speaking up in defense of his administration. He is speaking up against an a perceived attempt at putting a malicious slant to an otherwise neutral news story.

    Yung rescue nung bata? Ipinaliwanag na nga nung field reporter kung paano ginawa ang recue operation, bakit kailangan pang ipilit ni Noli na baka palabas lang ang rescue? Again, this can be perceived as an attempt at putting a malicious slant to an otherwise neutral news story.

    One does not have to be a President to see that… but, it may take a President to speak up and be listened to.

    Kung BBC o CNN ang naglagay ng ganyang slant sa mga news stories na yan, baka makita natin nang mas malinaw ang punto ni PNoy.

  18. Rudolfo - July 31, 2012 5:21 am

    Isang pananaw lamang, tungkol sa naging VP…Una dapat nag-clear muna sya ng pangalan, bago tinangap ang bumalik bilang “news broadcaster “, kasama nina Failon, etc..mahilig sa public exposure, yata…para paghingi ng “boto” uli, okay lang…Ika-lawa, Zero naman ang kanyang nagawa sa pangkalahatang pambayan, kundi ang sumunod sa saya ni GMA, at magtago, para, maitago ang mga “bulok” na pinag-gagawa nya bilang VP..Housing Scandals, at iba pa na sangkot sya? ?..at sa panghuli, muli syang nagtatago sa iniwanan nyang trabaho noon, na napabantog-sikat, na isang “Kabayan”…(Ito din ang ginawang sangkalan ng ibang senador sa ngayon), para makilala at iboto ng mga “bulag” na mga “botantes”..another, wala na bang iba na pweding palitan si “kabayan” ?..sya lang ba ang may-kakayahan at may boses na Pinoy ?..Daming bagong graduates sa communication-press na kurso, dapat nabigyan sila ng “breaks”..nakakasawa na ang kanyang arte sa pagka- Newscaster, iba naman, and more challenging sa kabataan, at sa susunod na panahon…Mahilig sa “easy-money” posisyon, yata!..siYA..at mahilig din sa pagtatago ng Katutuhanan, tungkol sa naging background nya, bilang taga-salo ni GMA noon, or bilang isang politiko..

    Kapag lalo syang nag-ingay, baka, ma-”koronahan” din sya..pana-panahon lang, sabi ni Erap…

  19. saxnviolins - July 31, 2012 8:30 am

    # 17

    Right. Pero, hindi kaya mas tama kung tinalakay ang NAIA1 sa isa pang hiwalay na news item? Dahil ba sa airport ang pinag-uusapan, pwede nang isingit ang ibang facts tungkol sa ibang airport?

    Natural flow lang naman yan. Para bagang,

    Failon: “Pare ang gulo sa Manhattan, kaysa Brussels.

    Noli: Lalo na kung nasa Harlem ka.

    Should that anger the blacks, dahil biglang nalipat sa kanila ang attention?

  20. saxnviolins - July 31, 2012 8:39 am

    This is the defensive part:

    Sa loob-loob ko po, anong kinalaman ng ibinabalita sa NAIA 3 sa NAIA 1? May nagsabi po bang ayos na ayos na ang NAIA 1? Kung mayroon man ho, hindi kami. Nakaligtaan niya atang mahigit 30 anyos na ang istrukturang ito.

    Napapaisip nga po ako: ‘yung nagkomento nito, hindi ba’t anim na taon ding tumangan sa renda ng gobyerno? Sabihin na po nating minana lang din nila ang problema; ‘di hamak mas luma naman ang ipinamana nilang problema sa amin. Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong inirereklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang tutugon dito, pero, masakit nga ho, may gana pa tayong hiritan ng nagpamana?

    With one comment – “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.”, the guy gets so riled up.

    Where in the statement is there any mention that NAIA 1 was caused or is not being addressed by the current administration?

    Reminds me of Mamintal Tamano’s comment when Santanina Rsaul bristled at some negative mention of Mindanao in the news.

    Tamano said: “Your Honor, I’m afraid I cannot join the club you just joined – the Balat Sibuyas Association.”

  21. Robert - July 31, 2012 9:50 am

    “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.”—Noli

    Moral lesson: One living in a glass house should not throw stone.

  22. arvin - July 31, 2012 9:53 am

    Super saludo ako sa sinabi ng ating Pangulo patungkol kay Noli de Castro. Napakadaming katiwalian ang inakusa kay GMA pero tikom lang ang bibig ni Noli de Castro. Dapat ang mga ganun na tao ay nararapat lang na ipahiya kasi kahiya hiya naman talaga sila. Sa panahon ni GMA pakiramdam ko parang walang Vice President.

  23. Ka Enchong - July 31, 2012 3:00 pm

    Natural flow lang naman yan. Para bagang,

    Failon: “Pare ang gulo sa Manhattan, kaysa Brussels.

    Noli: Lalo na kung nasa Harlem ka.

    Yes, the flow is natural – if the exchange happened under ordinary circumstances… pero, on cam, beaming worldwide?

    Should that anger the blacks, dahil biglang nalipat sa kanila ang attention?

    Yes, that should. Wala namang kinalaman sa pinag-uusapan, biglang madadamay… But, you’re probably right. The blacks in Harlem won’t mind. Americans have grown more individualistic, more personal.

  24. Ka Enchong - July 31, 2012 3:34 pm

    With one comment – “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.”, the guy gets so riled up.

    Hindi naman one lang… that was just one example.

    Where in the statement is there any mention that NAIA 1 was caused or is not being addressed by the current administration?

    Wala nga. But, if you line that statement up along with other statements – like, insisting that a successful rescue operation was merely a show (and, there are a lot more) – the pattern becomes more apparent.

    If a non-Filipino newsreader gives an obviously malicious slant to news stories like these, most of us would already be reacting negatively. Must it hurt more if the newsreader is Filipino? Must it hurt even more if the newsreader is a Filipino who had the opportunity and the clout to correct the issues he is commenting on(when commenting is not even part of his role as newsreader)?

  25. saxnviolins - July 31, 2012 7:53 pm

    Yes, the flow is natural – if the exchange happened under ordinary circumstances… pero, on cam, beaming worldwide?

    Why should conversational flow be different just because it is on TV? Ano gusto mo? Canned?

    Must it hurt even more if the newsreader is a Filipino who had the opportunity and the clout to correct the issues he is commenting on…

    I thought you agreed the statement was factual?

    I never heard Obama, Bush, nor Clinton bristle when complaints were made of airports. Neither does Bloomberg, when JFK or LaGuardia are brought up. They take to task the administrator of the airport.

    It only goes up the President’s alley if national security is the problem. But toilets? Other physical problems? Anak ng kuwagong duling naman.

    I think the President should be elected Chairman Emeritus of the Balat Sibuyas Association.

  26. chijap - August 1, 2012 7:00 am

    We don’t attend a party to insult the host. That’s what my elders taught me.

    We also don’t insult the current problem solver, if we were once the problem solver. Take that from George W. Bush (who rarely made any public appearance or comment since stepping down).

    To me, Aquino has a point. When we talk about the Philippines, we talk of? Traffic, baha, mga pulis kotong, customs lagay, snatcher, tambay, etc. Everybody knows that already. Foreigners and Filipinos alike.

    In fact, Noli mentioning sa NAIA Terminal 3 ka kasi eh di sa Terminal 1 is a point that I get why Aquino is complaining, that we know that already. NAIA Terminal 1 sucks. Do we simply want to remain in the negative aspect?

    Don’t we want to at least pad ourselves, even just for a little and say, we did a one step forward? or let a comment by someone like Noli push us 20 steps back?

    http://www.youtube.com/watch?v=nCdIGup03vg

    Aquino also mentioned a very important thing about the case of the boy who was kidnapped and rescued but Noli raised suspicion na moro moro yung rescue operation and the money did change hand (ransom). We forgot now more details about the kid, the rescue, etc, and instead is stuck with haka haka, with oo nga baka nga.

    Noli’s style has always been sensationalism. He’s successful with that. Aquino can never unmake Noli by his mere comment, even at the lion’s den. But I think this is a good wakeup call to media in general. Media is power, but it should be also used with grace and balance. What they spread educates and puts quality and class and knowledge to the common tao. And the next generation of media should not be like Noli.

    I also think Noli should watch the Newsroom.

  27. chijap - August 1, 2012 7:07 am

    @sax: “I never heard Obama, Bush, nor Clinton bristle when complaints were made of airports. Neither does Bloomberg, when JFK or LaGuardia are brought up. They take to task the administrator of the airport.”

    True. But the pero the people making the comments were never once in public office who could have done something.

    We can’t blame Aquino if he wanted to remind people in general what Noli truly is.

  28. dan1067 - August 1, 2012 12:52 pm

    Dakilang “yes mam” lang naman si Noli kay Gloria during his time. Noong panahon ba nila maayos ang NAIA 1?

  29. olan - August 1, 2012 1:04 pm

    Ive seen the video of the Pnoy’s message. I don’t see anything wrong with his comments other being frank and truthfull. I hope some will stop trying to technically ruin his message. Nag aala expert di naman makaintindi!

    Noli was given a chance..trusted by many but what did he gave us in return but Global Asiatique. Its a shame. No more magandang gabi bayan for me. GMA na lang ako!

  30. chi - August 1, 2012 6:49 pm

    dan, #28 korek na tanong!

  31. TonGuE-tWisTeD - August 2, 2012 9:48 am

    NAIA has never been in its worse shape especially during the time of Gloria and Kabayad at the helm. I’ve enumerated the defects here in Ellen’s blog which I personally saw during past visual inspections.

    I’ve also explained that this admin’s one-year late response has been frustratingly sloooow.

    My verdict: Both are at fault. Noli had no right to criticize when he had the same chance and he blew it. Noynoy? Well, the country is in the last two minutes stage of the game and we are way behind in the score. To be able to make credible and meaningful change in his remaining reign, gov’t should be doing a full-court, man-to-man, doublespeed gameplay.

  32. acibig - August 2, 2012 12:37 pm

    kahit hate ko si pnoy, i agree, TAMA na sabihin nya na di dapat isali ang opinion ni noli, just report the news as is, MALI lang si pnoy coz he said it sa wrong place and occasion– tama rin si pnoy na sa term nya na vice president, he could have solve what he is whining now, sino ang mga nauto na bumoto ke noli ???

  33. vonjovi2 - August 5, 2012 11:50 am

    “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.”

    Kay Noli Kung hanggang ngayon ay nasa Gloria Camp ka pa ay , doon mas malala sa malala.

    Wala naman dapat ipag malaki si Noli eh at wala siyang “K” mag salita dahil anim na taon rin nag dusa ang bansa natin.

  34. dan1067 - August 5, 2012 1:59 pm

    Isang tanong pa sa iyo kabayad, si Binay bago naging VP e maunlad ang iniwang Makati. Ikaw natapos na’t lahat sa anim na taon mong termino may nangyari ba sa Oriental Mindoro? Paki isplika baka ako’y nagkamali lang!

  35. MPRivera - August 5, 2012 6:28 pm

    Ako’y napanganga (maige na la’ang at kakaisprey ko la’ang ng Raid kaya walang langaw) nu’ng aking mapanood sa tebelisyon ang lampas taong baha sa Hermosa, Bataan. Aba’y dating binabaha na nga ang lugar na iyan noon pa pero hanggang tuhod la’ang tulad noong aking nadadaanan noong pagkadestino ko diyan sa Bataan. Sobra na ang ibinaba ng lupa at kawawa ang mga residente.

    Sa Kabisayaan ay ganu’n din. Wala na halos lugar na hindi binabaha.

    Sabi ni Ces Oreña Drilon ay tumataas na daw ang dagat kaya ganyan ngayon ang nangyayari tuwing sasapit ang tag-ulan.

    Patustsada naman ni Kabayag na bayad na, dati daw ay hindi naman nagkakaganyan. Kailan ‘yun? Noong panahong siya ang bise presidenteng katulad ng kanyang presidente ay nandaya subalit ayaw amining sila’y kapwa produkto ng boto ng mga patay? ‘Yun ‘yung panahong parang nilagyan ng zipper, tinahi ng lubid abaka saka binalot ng packing tape ang kanyang bibig, ah!

    ‘Galing naman talaga niyang baby faced jackfruit na ‘yan!

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.