Dapat siguro palitan na ang liderato sa Senado.Mukha ngang naisahan ng Malacañang sina Senador Ping Lacson, Mar Roxas, Jamby Madrigal nang tinanggal nila si Senate President Manny Villar at ipinalit si Senador Juan Ponce Enrile.
Para kasi makuha ang suporta ng mga kaalyado ni Gloria Arroyo sa pagtanggal kay Villar, pumayag sina Lacson na ibigay ang mga mahalagang committee sa mga kaalyado ni Arroyo. At nakikisama sila sa kanila.
Akala kasi nina Lacson na dahil itong sina Enrile at Santiago ay makasarili, kapag mabaho na si Arroyo, bibitawan nila. Hindi nila naiisip na kaya ni Arroyo magbigay ng hindi kayang ibigay ng iba para sa mga katulad nina Enrile at Santiago.