Skip to content

Tag: Noynoy Aquino

Anak talaga ni Ninoy at Cory

Noynoy  AquinoHindi pa sinasabi ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III. ang kanyang desisyon kung siya ay tatakbo sa pagka-presidente na siyang panawagan ng iilang mga kolumnista at sinasabing eksperto sa pulitika.

Ngunit sa himig ng kanyang pananalita, parang natatanto ko na sa ngayon, mas nahihiling siya kung saan siya ngayon: sa Senado.

Guest si Noynoy sa “Strictly Politics” sa ANC noong Martes at sinabi niya na sa tatlong konsiderasyun na kanyang basehan ng kanyang desisyon.

Ang isa doon sa dalawa ay ang opinyun ng kanyang mga kapatid. Sabi ni Noynoy, hindi boto si Pinky at si Viel. Si Kris naman nagsabi siya noong ininterview siya sa Manila Memorial Park noong pansiyam na araw ng pagkamatay ni Pangulong Cory Aquino na “ayaw ni Mom” yan.

Pang-iinis ni Arroyo sa pamilyang Aquino

Bilib naman talaga ako sa kapal ng mukha at tapang ng apog nitong si Gloria Arroyo at ng kanyang mga alagad.

Sinabi na nga ng pamilyang Aquino na “No, thank you” doon sa kanilang plano na magpatayo ng monumento para kay dating Pangulong Cory Aquino sa Rizal Park, pinagpipilitan pa.

Sabi ni Gary Olivar, dating aktibista ng panahon ni Pangulong Marcos na ngayon ay isa sa tagapagsalita ni Arroyo: “The proposed Rizal Park monument to President Cory is a gift in her honor from the Filipino people and the Philippine government through their elected president Gloria Macapagal-Arroyo.”