Maganda itong kwento ng aking kaibigan. Hindi ko na sasabihin ang pangalan. Alam nyo siguro kung sino-sino sila:
Nangyari daw ito sobra isang taon na. May girlfriend na seksing artista ang isang pulitiko na anak din ng isang makapangyarihang opisyal ng bansa.
Mahilig sa kabayo itong pulitiko at may rantso sa Batangas. Maganda raw ang bahay niya doon sa rantso. Mahilig daw kasi ang kanyang asawa sa interior designing.
Minsan, dinala ng pulitko ang girlfriend doon sa bahay sa rantso. Hanga-hanga raw siya sa ganda ng bahay.
“Ang ganda naman,” sabi daw ni Sexy star. Sabi daw ng caretaker, “Oo. Talagang pinaganda ni Ma’am ,” at sinabi ang pangalan ng asawa. Sinabi pa na talagang pina-order ang mga mamahaling gamit sa bahay.
Medyo nasira daw ang mood ni Sexy star. Bigla niyang sinabing pupunta siya sa pinakamalapit na SM. Pumunta nga at namili ng mga furniture para sa bahay at pinadeliver doon sa rantso kaagad-agad. Pinalitan ang furniture at mga mamahaling décor ni Misis ng pinamili niya sa SM.
Naglagay pa siya ng mga negligee or mga seksing damit pantulog sa cabinet sa kuwarto.





